Share

Chapter 2

Author: Mariposa30
last update publish date: 2026-11-15 21:15:29

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Puting kisame ang unang bumungad sa akin. Ilang segundo akong nakatitig doon habang pilit inuunawa kung nasaan ako. Malamig ang paligid, at may mahinang tunog ng machine sa tabi ng kama.

Hospital? 

Dahan-dahan akong gumalaw at napansin ang suwero na nakakabit sa kaliwang kamay ko. Nakasuot din ako ng hospital gown.

Buhay pa ako. Nasa ospital ako.

Biglang namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko napigilang mapahagulgol nang marealize kong nakaligtas ako sa sunog. Akala ko iyon na ang katapusan ko. Akala ko hindi na ako makakalabas sa lumang silid na iyon.

Pero may taong dumating.

May taong nagligtas sa akin.

Tinakpan ko ng isang kamay ang mukha ko habang patuloy sa pag-iyak. Ilang araw akong nagtiis ng gutom at uhaw. Akala ko wala nang makakahanap sa akin. Akala ko mamamatay akong walang nakakaalam kung ano ang ginawa sa akin nina Dmitri at Rodelia.

At nang maalala ko ang dalawang iyon, unti-unting napalitan ng sakit ang ginhawang nararamdaman ko.

Dmitri.

Rodelia.

Muling bumalik sa isip ko ang lahat.

Ang mga dokumentong pinapirma nila sa akin. Ang pagkuha nila sa Villamor Group, pati na ang lahat ng properties at investments na iniwan ng mga magulang ko. Ang mga litrato ko na gagamitin nila para palabasing nagtaksil ako sa sarili kong fiance. At ang plano nilang sirain ang pangalan ko para walang magduda kung bakit biglang hindi matutuloy ang kasal namin ni Dmitri.

Pero hindi pa iyon sapat sa kanila. Ikinulong nila ako sa abandonadong silid. Hindi ako pinakain o binigyan man lang ng tubig. At nang halos wala na akong lakas, sinunog pa nila ang lugar na iyon.

Obviously, gusto nila na mawala na ako sa mundong ito.

Napahagulhol ako.

Pati ba naman ang buhay ko, kailangan nilang kunin? Hindi pa ba sapat ang lahat ng kinuha nila sa akin?

"Why?" bulong ko sa pagitan ng mga hikbi. "Why did you do this to me?"

Hindi ko namalayang bumukas ang p***o.

"You're awake."

Napalingon ako.

Nakatayo sa may pintuan ang lalaking nagligtas sa akin. Nakasuot siya ng dark trousers at simpleng long-sleeved shirt. Maayos ang buhok niya, at kahit nasa loob siya ng ospital, dala pa rin niya ang seryoso at confident niyang dating.

Siya nga iyon.

Ang lalaking nakita ko sa gitna ng apoy.

Lumapit siya sa kama at bahagyang yumuko para tingnan ako.

"How are you feeling?"

Hindi ako agad nakasagot. Pilit kong pinunasan ang mga luha ko, pero patuloy pa rin ang pagpatak ng mga iyon.

"Are you in pain?" tanong niya.

Umiling ako.

"Then why are you crying?"

Sa halip na sumagot, lalo akong napahagulhol. Hindi ko na kayang pigilan ang lahat ng nararamdaman ko. Sobrang dami nang nangyari, at ngayon ko lang naramdaman na ligtas na ako.

Lumapit siya sa tabi ko at marahang hinaplos ang likod ko.

"Easy. You're safe here."

Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng paghaplos niya sa likod ko, bigla akong napayakap sa kanya.

Napatigil siya sa ginagawa niya, pero hindi niya ako itinulak palayo. Hinayaan niya lang akong umiyak habang nakayakap sa kanya.

I needed this.

For days, I had been alone. Wala akong makausap, walang mapagsabihan ng takot ko, at walang taong puwedeng hingan ng tulong. Kaya ngayon, nang may isang taong nagpakita sa akin ng kaunting kabaitan, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Thank you," sabi ko habang nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "Thank you for saving me. I owe you my life."

Marahan niyang hinaplos ang likod ko bago ako tinulungang humiga nang maayos.

"You don't owe me anything."

"But you saved me."

"That's not the only thing you should be worried about."

Napatingin ako sa kanya.

"What do you mean?"

Hindi siya agad sumagot. Sa halip, tumayo siya at kinuha ang remote control sa maliit na mesa. Binuksan niya ang television na nakakabit sa dingding.

"There's something you need to see."

Napakunot-noo ako habang pinagmamasdan ang screen. News report ang kasalukuyang palabas, at isang familiar na larawan ang biglang lumitaw.

My picture.

Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang headline sa ibaba.

FAMOUS HEIRESS AND BILLIONAIRE SERAPHINE VILLAMOR DEAD IN FIRE INCIDENT

Napahawak ako sa kumot.

Sa screen, ipinapakita ang isang malaking bahay na napapalibutan ng mga fire truck. May mga reporter sa labas ng property, at may mga taong nakasuot ng itim na tila dumalo sa isang lamay.

Then I heard the reporter's voice.

"Patuloy na pinag-uusapan ngayon ang pagkamatay ng kilalang heiress at bilyonarya na si Seraphine Villamor. Ayon sa mga ulat, natagpuan ang kanyang katawan matapos masunog ang isang property na pag-aari ng kanyang fiance na si Dmitri Carpio."

Nanikip ang dibdib ko.

"According to Mr. Carpio, nagalit diumano sa kanya si Seraphine matapos niyang matuklasan ang pagtataksil nito. Sinasabing si Seraphine mismo ang nagpasimula ng sunog sa bahay ni Mr. Carpio bilang paghihiganti."

"No..." bulong ko.

Lumabas sa screen ang mukha ni Dmitri. Nakasuot siya ng itim na suit at mukhang malungkot habang nakikipag-usap sa mga reporter.

"I never thought she would do something like this," sabi niya. "I tried to understand her, but she couldn't accept that our relationship was over. I'm deeply saddened by what happened."

Napailing ako.

Liar.

Napakalaking sinungaling!

Patuloy ang report habang ipinapakita ang ilang litrato ko at mga larawan ng sunog.

"Matatandaang naging kontrobersyal din kamakailan ang umano'y pagtataksil ni Seraphine Villamor sa kanyang fiance. Kumalat ang ilang larawan na nagpapakitang may kasamang ibang lalaki ang heiress, dahilan upang mapabalitang kanselado na ang kanilang kasal."

Napahawak ako sa bibig ko.

Hindi lang nila ako pinatay sa paningin ng mga tao. Ginawa pa nila akong kontrabida sa sarili kong pagkamatay.

Sa screen, ipinakita ang isang maliit na burol. May mga bulaklak, kandila, at malaking larawan ko sa harap. Maraming tao ang dumalo, pero ang mas masakit ay ang mga sinasabi nila tungkol sa akin.

"Sayang naman, bata pa."

"Akala ko ba mabait siya? Hindi ko inakalang magagawa niya iyon."

"Imagine, nagtaksil na nga, sinunog pa niya ang bahay ng magiging asawa sana niya."

Napapikit ako.

Pati sa pagkamatay ko, ako pa rin ang masama.

I couldn't take it anymore.

"Turn it off!" sigaw ko.

Agad na pinatay ng lalaki ang television.

Pero kahit wala na ang tunog, patuloy pa rin sa pag-echo sa isip ko ang mga sinabi ng reporter at ng mga taong nasa burol.

Nanginginig ang mga kamay ko. Napakuyom ako ng kamao habang pilit pinipigilan ang galit at sakit na nararamdaman ko.

"Hayop sila..." bulong ko.

Muli akong napahagulgol.

"Sinira nila ako. Kinuha nila ang lahat sa akin. My company, my properties, my investments... pati pangalan ko, sinira nila!"

Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng kama.

"Why would they do this? Anong kasalanan ko sa kanila?"

Wala akong ibang ginawa kundi mahalin si Dmitri at pagkatiwalaan si Rodelia. I gave them everything, pero ganito ang isinukli nila sa akin.

"Even after everything, they still made me look like the bad person."

Hindi na ako nakapagsalita nang maramdaman kong lumapit siya. Umupo siya sa gilid ng kama at marahang hinawakan ang kamay kong nakakuyom.

"Seraphine."

Napatingin ako sa kanya.

"Do you want revenge?"

Natigilan ako.

Hindi ko agad nasagot ang tanong niya. Tiningnan ko lang siya habang pilit inuunawa ang sinabi niya.

"Revenge?" ulit ko.

Tumango siya.

"Do you want to make them pay for everything they've done to you?"

Muli kong naalala ang mukha nina Dmitri at Rodelia. Ang mga ngiti nila habang pinapanood akong magdusa. Ang mga kasinungalingang ikinalat nila tungkol sa akin. At ang katotohanang ipinagluksa na ng mundo ang pagkamatay ko habang ang mga taong nagtangkang pumatay sa akin ay malayang namumuhay.

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ko.

"Yes."

Isang salita lang iyon, pero alam kong buong puso ko iyong sinabi.

"I want them to pay. Gusto kong maranasan nila ang lahat ng ginawa nila sa akin."

Tumayo ang lalaki at isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa.

"Then I'll help you."

Napatingin ako sa kanya.

"What?"

"You said I saved your life. You also said you owe me."

Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mga mata namin.

"If you really want to repay me, then let's make a deal."

Napakunot-noo ako. "What kind of deal?"

Tinitigan niya ako nang diretso. Walang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha niya nang sabihin niya ang susunod na mga salita.

"Marry me."

Parang tumigil ang oras sa loob ng silid.

For a moment, akala ko mali lang ang pagkakarinig ko.

"What?"

"Marry me, Seraphine."

Napatingin ako sa kanya, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"You're asking me to marry you?"

"Yes."

"Why would you want to marry someone like me? Wala na akong kumpanya. Wala na akong properties. Sa mata ng lahat, isa akong taksil na nagtangkang pumatay."

"That doesn't matter to me."

Natahimik ako.

Lumapit siya nang bahagya at iniabot ang kamay niya sa akin.

"I don't need your money, your company, or your properties. I have more than enough of my own."

Tumingin ako sa kamay niya bago muling itinaas ang mga mata ko sa mukha niya.

"Then what do you want from me?"

"An alliance. A marriage that will give us both what we need."

His expression remained calm, pero may kakaibang determinasyon sa mga mata niya.

"You want revenge. I can give you the means to fight back. In return, I want you by my side."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Masyadong mabilis ang lahat. Ilang sandali pa lang akong gising, at ngayon ay may isang lalaking nag-aalok na pakasalan ako.

But there was something about him that made me listen.

He had saved my life. At sa ngayon, siya lang ang taong nagpakita sa akin na hindi pa tapos ang lahat.

Muli niyang iniabot ang kamay niya.

"I'm Victor Monteverde."

Napakurap ako.

Monteverde?

Hindi basta ordinaryong apelyido ang narinig ko. Kilala ang pamilyang Monteverde sa mundo ng negosyo, at ang kanilang kumpanya ay isa sa pinakamalalaking business empires sa bansa.

Pero hindi iyon ang lalong nagpagulat sa akin.

"You're Victor Monteverde?" tanong ko.

Tumango siya.

"Yes."

Napatingin ako sa kanya nang mas matagal. Ngayon ko lang lubos na napagtanto kung sino ang lalaking nasa harap ko. Siya ang famous na billionaire at President ng Monteverde Group of Companies. Kaya pala pamilyar sa akin ang mukha niya. 

At sa sumunod niyang sinabi, tuluyan akong natigilan.

"Get some rest, Seraphine. We have a lot to discuss."

Bahagya siyang ngumiti bago muling tumingin sa akin.

"And soon, you'll become Mrs. Monteverde."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 5

    "So, what do you want to do first?" tanong niya habang sumusubo ng pagkain.Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?""Now that we're back here in the Philippines, what's the first thing you want to take care of?"Saglit akong natahimik. May isang bagay na gusto kong gawin, pero naipagpaliban ko dahil sa mga nangyari sa akin."I want to look for my brother."Tumango siya. "Your brother?""Yes. Stephan Villamor. Siguro panahon na para makita ko siya after two years," dagdag ko. "I wonder how he's doing now. I miss him so much."Pilit akong ngumiti, pero hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko."After our parents died, he was the only family I had. I didn't even get the chance to say goodbye to him."Tahimik na nakinig si Victor. Hindi niya ako pinutol, kaya nagpatuloy ako."Back then, I couldn't contact him because it was too dangerous. Ayokong madamay siya sa problema ko kina Dmitri at Rodelia. I know keeping my distance would keep him safe."Ibinaba ko ang tingin sa plato ko."Be

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 4

    Pagdating namin sa mansyon ng mga Monteverde, agad kaming sinalubong ng mga maids na nakapila malapit sa entrance."Welcome back, Sir Victor! Welcome home, Madam Ynah!"Sabay-sabay nilang bati sa amin.Ngumiti ako. "Thank you."Agad na kinuha ng dalawang staff ang mga luggage namin habang ang isa naman ay nag-abot ng welcome drink para sa amin ni Victor. Nilibot ko ang paningin ko sa mansyon.Malawak ang entrance hall, with elegant chandeliers hanging from the high ceiling. The marble floor was spotless, habang ang mga paintings at expensive-looking furniture ay maayos na nakalagay sa bawat sulok.Napakaganda ng lugar na ito.At higit sa lahat, dito na ako titira simula ngayon.Ito na ang simula ng bagong buhay."Come on, Ynah," tawag sa akin ni Victor, at hinawakan ako sa bewang. "I'll show you our room."Tumango ako at sabay kaming naglakad paakyat sa hagdan.Habang umaakyat kami, napansin kong may isang batang maid na pababa ng hagdan. Mukha siyang nasa early twenties pa lang. Nang

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 3

    Mabilis ang mga pangyayari.Pagkalabas ko pa lang ng hospital, agad nang inasikaso ni Victor ang lahat ng kailangan para makapagsimula ako ng bagong buhay. From changing my name and preparing my new identity to arranging our wedding, everything happened so quickly.Wala na si Seraphine Villamor.She is no longer existed.She's dead.At ako na ngayon si Ynah Bermudez Monteverde, the wife of billionaire Victor Monteverde.Habang nakaupo ako sa passenger seat ng sasakyan, hawak ko ang envelope na ibinigay sa akin ni Victor. Nasa loob nito ang mga bagong dokumento na nagpapatunay sa bago kong pagkatao.I opened it and stared at the name printed on one of the papers.Ynah B. Monteverde.Ilang beses kong binasa ang pangalan. It still felt strange, considering that I had spent my entire life introducing myself as Seraphine Villamor."Everything is ready," Victor said, glancing at me.I nodded. "Thank you for taking care of everything.""You don't have to thank me. This is part of our agreeme

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 2

    Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Puting kisame ang unang bumungad sa akin. Ilang segundo akong nakatitig doon habang pilit inuunawa kung nasaan ako. Malamig ang paligid, at may mahinang tunog ng machine sa tabi ng kama.Hospital? Dahan-dahan akong gumalaw at napansin ang suwero na nakakabit sa kaliwang kamay ko. Nakasuot din ako ng hospital gown.Buhay pa ako. Nasa ospital ako.Biglang namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko napigilang mapahagulgol nang marealize kong nakaligtas ako sa sunog. Akala ko iyon na ang katapusan ko. Akala ko hindi na ako makakalabas sa lumang silid na iyon.Pero may taong dumating.May taong nagligtas sa akin.Tinakpan ko ng isang kamay ang mukha ko habang patuloy sa pag-iyak. Ilang araw akong nagtiis ng gutom at uhaw. Akala ko wala nang makakahanap sa akin. Akala ko mamamatay akong walang nakakaalam kung ano ang ginawa sa akin nina Dmitri at Rodelia.At nang maalala ko ang dalawang iyon, unti-unting napalitan ng sakit ang ginhawang nararamdaman

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 1

    Seraphine’s POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Agad kong hinila ang kumot hanggang dibdib at napaatras ako nang makita ko ang isang lalaking nakahiga sa kabilang bahagi ng kama."Sino ka?!"Nagising siya sa sigaw ko. Paglingon niya sa akin, mabilis siyang bumangon at dinampot ang damit na nakakalat sa sahig.Pero bago pa siya tuluyang makalayo, nakilala ko ang mukha niya.Isa siya sa mga tauhan ni Dmitri. Ilang beses ko na siyang nakita sa bahay ng boyfriend ko at sa opisina nito. Hindi ko lang alam ang pangalan niya."Wait! What are you doing here?" nanginginig kong tanong.Hindi siya sumagot. Nagmamadali siyang nagsuot ng damit at lumabas ng silid."Hey! Come back!"Pero tuluyan nang sumara ang pinto.Naiwan akong nakaupo sa kama, confused at takot na takot. Napatingin ako sa sarili ko. I was wearing a thin nightdress, at hindi ko maalalang iyon ang suot ko bago ako mawalan ng malay."What happened to me?"Pilit kong inalala ang mga huling pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status