Share

The Heiress and the Billionaire's Vengeance
The Heiress and the Billionaire's Vengeance
Author: Mariposa30

Chapter 1

Author: Mariposa30
last update publish date: 2026-11-15 21:14:41

Seraphine’s POV

Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Agad kong hinila ang kumot hanggang dibdib at napaatras ako nang makita ko ang isang lalaking nakahiga sa kabilang bahagi ng kama.

"Sino ka?!"

Nagising siya sa sigaw ko. Paglingon niya sa akin, mabilis siyang bumangon at dinampot ang damit na nakakalat sa sahig.

Pero bago pa siya tuluyang makalayo, nakilala ko ang mukha niya.

Isa siya sa mga tauhan ni Dmitri. Ilang beses ko na siyang nakita sa bahay ng boyfriend ko at sa opisina nito. Hindi ko lang alam ang pangalan niya.

"Wait! What are you doing here?" nanginginig kong tanong.

Hindi siya sumagot. Nagmamadali siyang nagsuot ng damit at lumabas ng silid.

"Hey! Come back!"

Pero tuluyan nang sumara ang p***o.

Naiwan akong nakaupo sa kama, confused at takot na takot. Napatingin ako sa sarili ko. I was wearing a thin nightdress, at hindi ko maalalang iyon ang suot ko bago ako mawalan ng malay.

"What happened to me?"

Pilit kong inalala ang mga huling pangyayari. Ang natuklasan kong pagtataksil ng boyriend ko at ng best friend kong si Rodelia. Pinaamoy nila ako ng pampatulog at hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari.

Maya-maya ay bumukas ang p***o. Pumasok sina Rodelia at Dmitri na para bang ordinaryong umaga lang iyon.

"Good morning, best friend," bati ni Rodelia. May ngiti sa labi niya habang nakatingin sa akin.

Napakunot-noo ako. "What's going on? Bakit ako nandito?"

Hindi siya sumagot. Sa halip, inilabas niya ang isang envelope mula sa bag niya.

"May gusto lang kaming ipakita sa'yo."

Ibinuhos niya ang laman nito sa kama.

Mag pictures.

Napatigil ako nang makita ang mga litrato. Isa-isa kong kinuha ang mga iyon, pero halos mabitawan ko agad nang makita ko kung sino ang nasa picture.

Ako iyon.

Nasa kama ako, katabi ang lalaking kalalabas lang ng silid. Pareho kaming nakahiga at magkayakap. Halos walang saplot ang lalaki, habang ako naman ay nakasuot lang ng manipis na nightdress.

May ilang pictures na malinaw na kuha ang mukha naming dalawa.

"No..." bulong ko.

Nanginginig ang mga kamay ko habang tinitingnan ang bawat pictures.

"This isn't real."

"Oh, it is. And these pictures are going to be very useful," sagot ni Rodelia.

Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?"

"Simple lang. Ipapakalat namin ang mga litrato. Everyone will know na hindi matutuloy ang kasal ninyo ni Dmitri dahil nagtaksil ka. Ipopost din namin ang mga 'yan sa lahat ng social media platform."

"What?!"

"Think about it, Seraphine. The poor fiance who was cheated on by his own bride. Kawawa naman si Dmitri, right?"

"You're insane!" sigaw ko. "Wala akong ginawang masama! You set me up!"

"Of course, we did."

Parang may kung anong dumagan sa dibdib ko.

Lumapit si Dmitri at kinuha ang isang litrato mula sa kama.

"These will be enough to convince everyone. We don't need to explain anything else. Hindi na matutuloy ang kasal natin, at ikaw ang may kasalanan!"

Napatingin ako sa kanya. "Dmitri, please. Don't ruin my life! Inagaw nyo na ang kumpanya ko, pati ang mga properties ko! Kulang pa ba 'yun?"

He simply looked at me, walang bakas ng awa sa mukha niya.

"Kawawa ka naman, Seraphine."

"How can you do this to me?!"

Hindi siya umimik. Umiling ako habang patuloy na tumutulo ang luha ko. 

Mula sa kanya, bumaling ako kay Rodelia.

"And you? You're my best friend! And you're supposed to be my Maid of Honor. How could you do this?"

Napatawa siya.

"Best friend? Please. Matagal na akong sawa sa pagiging anino mo."

"What?"

"Seraphine Villamor. The famous Heiress. The CEO. The President of Villamor Group of Companies. The most loved, the most beautiful. Everything has always been yours. The company, the properties, the money. But tomorrow, you're no longer that Seraphine. Pagpipiyestahan nila ang pictures mo online. Slut, Seraphine!"

Tumawa siya nang malakas, then she continued, "And don't worry. Wala ka nang kailangang alalahanin. Nasa amin na ang Villamor Group. Pati lahat ng properties mo, secured na."

"You stole everything from me!"

"Technically, you signed the papers yourself," sagot ni Dmitri.

"I trusted you, but you lied to me!"

"You should have read the documents."

Napahagulgol ako. Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng lakas para harapin silang dalawa.

"You can't just take everything from me!"

Lumapit sa akin si Rodelia. "We already did."

Bigla akong tumayo at itinapon ang mga litrato sa kanila.

"I will expose you! I'll tell everyone what you did. Hindi ako papayag na basta ninyo na lang kukunin ang buhay ko!"

Hindi man lang natinag si Dmitri. Sa halip, tumingin siya sa dalawang lalaking naghihintay sa may pintuan.

"Take her back to the room."

Agad akong napaatras.

"No! Don't touch me!"

Hinawakan nila ang magkabilang braso ko. Pilit akong kumawala, pero wala akong nagawa.

"Dmitri! Let me go! You can't do this!"

Wala siyang sinabi. Tumingin lang siya sa akin bago tuluyang tumalikod.

"Goodbye, Seraphine," nakangising wika ni Rodelia bago tumalikod.

Dinala ako sa madilim na silid. Hindi ko alam kung bodega ba 'yun. Itinulak nila ako papasok at itinali sa lumang upuan. Mahigpit ang pagkakagapos ng mga kamay at paa ko kaya kahit anong pagpupumiglas ko ay wala akong magawa.

"Please, kahit tubig lang," pakiusap ko.

Hindi sila sumagot.

Pagkasara ng p***o, naiwan akong mag-isa.

Lumipas ang ilang oras. Walang dumating para magdala ng pagkain o tubig. 

The next day was even worse. Wala pa ring pagkain. Maging tubig ay wala silang ibinigay. Unti-unti nang sumasakit ang tiyan ko sa gutom, at tuyong-tuyo na ang lalamunan ko.

Hindi ko na alam kung ilang araw ang lumipas. Minsan, nagigising na lang ako dahil sa sobrang uhaw. Minsan naman, halos hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko.

Nanghihina na ako.

Sinubukan kong kalasin ang mga tali, pero wala akong magawa. Halos wala na akong lakas para gumalaw, at bawat pagpupumiglas ay lalo lang nagpapasakit sa mga pulsuhan ko.

Ilang beses kong naisip na baka wala nang darating para iligtas ako.

Pero ayokong mamatay.

Hindi sa ganitong paraan.

Isang gabi, nagising ako dahil sa isang kakaibang amoy.

Napakunot-noo ako at pilit na inangat ang ulo. Mabigat ang katawan ko at parang umiikot ang paligid.

Gas.

Malakas ang amoy nito.

Nang tumingin ako sa may pintuan, napansin kong may manipis na usok na pumapasok mula sa ilalim nito.

"Hello?" mahina kong tawag.

Pero walang sumagot.

Maya-maya, may nakita akong liwanag sa sulok ng silid. Nang lingunin ko iyon, napasigaw ako.

Nasusunog na ang lumang kurtina.

"Fire!"

Bigla akong nagwala sa upuan. Hinila ko ang mga tali sa kamay ko, pero hindi ko kayang tanggalin ang mga ito.

"Help! Somebody help me!"

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga lumang gamit. Kumapal ang usok at nagsimula akong umubo nang sunod-sunod.

"Please! Help!"

Wala akong marinig na sagot.

Mas lalong lumakas ang apoy. Ramdam ko na ang init sa balat ko, at halos hindi na ako makahinga dahil sa usok.

Hindi. Please, no.

I pulled at the ropes again, desperate to get free. Pero sobrang higpit ng pagkakatali sa akin.

"I don't want to die!"

Pumatak ang mga luha ko. Hindi pa ako handa. Marami pa akong gustong gawin. Gusto kong mabawi ang kumpanya ng pamilya ko. Gusto kong malaman ng lahat ang katotohanan. Sigurado ako na hinahanap na ako ng kapatid ko.

And I wanted them to pay for what they did to me.

Pero paano kung hindi na ako makalabas dito?

Hanggang sa may narinig akong malakas na kalabog mula sa may pintuan.

May isang lalaki na pumasok sa gitna ng usok at apoy.

Matangkad siya, broad-shouldered, at muscular ang katawan. Nakasuot siya ng jacket, panloob na dark shirt at may panyo siyang nakatakip sa ilong at bibig. Mabilis niyang sinuri ang paligid hanggang sa mapunta ang tingin niya sa akin.

"Miss!"

Sinubukan kong sumagot pero halos wala nang lumalabas sa lalamunan ko.

"Help..." mahina kong tawag, habang patuloy na umiiyak.

Agad siyang lumapit at lumuhod sa harap ko.

"Don't move. I'll get you out."

May inilabas siyang maliit na pocketknife at mabilis na pinutol ang tali sa mga kamay ko. Pagkatapos, tinulungan niya akong makawala sa pagkakagapos sa mga paa.

Sinubukan kong tumayo, pero biglang nanghina ang mga tuhod ko.

"Easy."

Bago pa ako tuluyang bumagsak, sinalo niya ako.

"Can you walk?"

Umiling ako.

Wala na akong lakas. Halos hindi ko na rin makita nang maayos ang mukha niya dahil sa usok.

Without another word, yumuko siya at binuhat ako.

"Hold on to me."

I wrapped my arms around his neck. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin habang mabilis kaming lumalabas ng silid.

May ilang beses akong napapikit dahil sa usok, pero patuloy siyang nagsasalita para hindi ako mawalan ng malay.

"Stay with me. We're almost out."

Hindi ko alam kung bakit, pero kahit hindi ko siya kilala, nakaramdam ako ng kaunting kapanatagan sa boses niya.

Nang makalabas kami, maingat niya akong inilapag sa ligtas na bahagi ng lupa. Agad akong napaupo at sunod-sunod na umubo.

Inalis niya ang nakatakip na panyo sa ilong niya at bibig.

"You're okay. You're out now."

Tumingala ako sa kanya.

Sa wakas, nakita ko nang malinaw ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin.

He is sohandsome. May matalim siyang mga mata, at isang seryosong ekspresyon. His broad shoulders and strong arms made him look intimidating, pero maingat ang bawat galaw niya habang tinitingnan kung may sugat ako.

Somehow, familiar ang mukha niya.

Parang nakita ko na siya somewhere before.

Pero saan?

Sinubukan kong alalahanin, pero masyado na akong nanghihina.

"Are you hurt?" tanong niya.

Umiling ako nang bahagya, kahit hirap akong huminga.

"Thank you..." bulong ko.

Bahagya siyang yumuko para marinig ako.

"What?"

"Thank you for saving me."

Sandali siyang natahimik. Pagkatapos, hinubad niya ang jacket niya at maingat na ipinatong iyon sa balikat ko.

Gusto ko pa sanang magtanong kung sino siya, pero biglang bumigat ang mga talukap ng mata ko.

"Hey, stay awake."

Sinubukan kong imulat ang mga mata ko, pero hindi ko na kaya.

Bago tuluyang magdilim ang paningin ko, naramdaman kong muli niya akong binuhat.

At sa huling sandaling may malay pa ako, isang bagay lang ang naisip ko.

Hindi ko man kilala ang lalaking ito, he just came right on time. He was my knight in shining armor. My savior.

"Thank you..." muli kong bulong.

"Don't mention it. You're safe now. And get ready for our revenge."

Pagkatapos noon, tuluyan na akong nawalan ng malay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 5

    "So, what do you want to do first?" tanong niya habang sumusubo ng pagkain.Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?""Now that we're back here in the Philippines, what's the first thing you want to take care of?"Saglit akong natahimik. May isang bagay na gusto kong gawin, pero naipagpaliban ko dahil sa mga nangyari sa akin."I want to look for my brother."Tumango siya. "Your brother?""Yes. Stephan Villamor. Siguro panahon na para makita ko siya after two years," dagdag ko. "I wonder how he's doing now. I miss him so much."Pilit akong ngumiti, pero hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko."After our parents died, he was the only family I had. I didn't even get the chance to say goodbye to him."Tahimik na nakinig si Victor. Hindi niya ako pinutol, kaya nagpatuloy ako."Back then, I couldn't contact him because it was too dangerous. Ayokong madamay siya sa problema ko kina Dmitri at Rodelia. I know keeping my distance would keep him safe."Ibinaba ko ang tingin sa plato ko."Be

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 4

    Pagdating namin sa mansyon ng mga Monteverde, agad kaming sinalubong ng mga maids na nakapila malapit sa entrance."Welcome back, Sir Victor! Welcome home, Madam Ynah!"Sabay-sabay nilang bati sa amin.Ngumiti ako. "Thank you."Agad na kinuha ng dalawang staff ang mga luggage namin habang ang isa naman ay nag-abot ng welcome drink para sa amin ni Victor. Nilibot ko ang paningin ko sa mansyon.Malawak ang entrance hall, with elegant chandeliers hanging from the high ceiling. The marble floor was spotless, habang ang mga paintings at expensive-looking furniture ay maayos na nakalagay sa bawat sulok.Napakaganda ng lugar na ito.At higit sa lahat, dito na ako titira simula ngayon.Ito na ang simula ng bagong buhay."Come on, Ynah," tawag sa akin ni Victor, at hinawakan ako sa bewang. "I'll show you our room."Tumango ako at sabay kaming naglakad paakyat sa hagdan.Habang umaakyat kami, napansin kong may isang batang maid na pababa ng hagdan. Mukha siyang nasa early twenties pa lang. Nang

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 3

    Mabilis ang mga pangyayari.Pagkalabas ko pa lang ng hospital, agad nang inasikaso ni Victor ang lahat ng kailangan para makapagsimula ako ng bagong buhay. From changing my name and preparing my new identity to arranging our wedding, everything happened so quickly.Wala na si Seraphine Villamor.She is no longer existed.She's dead.At ako na ngayon si Ynah Bermudez Monteverde, the wife of billionaire Victor Monteverde.Habang nakaupo ako sa passenger seat ng sasakyan, hawak ko ang envelope na ibinigay sa akin ni Victor. Nasa loob nito ang mga bagong dokumento na nagpapatunay sa bago kong pagkatao.I opened it and stared at the name printed on one of the papers.Ynah B. Monteverde.Ilang beses kong binasa ang pangalan. It still felt strange, considering that I had spent my entire life introducing myself as Seraphine Villamor."Everything is ready," Victor said, glancing at me.I nodded. "Thank you for taking care of everything.""You don't have to thank me. This is part of our agreeme

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 2

    Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Puting kisame ang unang bumungad sa akin. Ilang segundo akong nakatitig doon habang pilit inuunawa kung nasaan ako. Malamig ang paligid, at may mahinang tunog ng machine sa tabi ng kama.Hospital? Dahan-dahan akong gumalaw at napansin ang suwero na nakakabit sa kaliwang kamay ko. Nakasuot din ako ng hospital gown.Buhay pa ako. Nasa ospital ako.Biglang namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko napigilang mapahagulgol nang marealize kong nakaligtas ako sa sunog. Akala ko iyon na ang katapusan ko. Akala ko hindi na ako makakalabas sa lumang silid na iyon.Pero may taong dumating.May taong nagligtas sa akin.Tinakpan ko ng isang kamay ang mukha ko habang patuloy sa pag-iyak. Ilang araw akong nagtiis ng gutom at uhaw. Akala ko wala nang makakahanap sa akin. Akala ko mamamatay akong walang nakakaalam kung ano ang ginawa sa akin nina Dmitri at Rodelia.At nang maalala ko ang dalawang iyon, unti-unting napalitan ng sakit ang ginhawang nararamdaman

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 1

    Seraphine’s POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Agad kong hinila ang kumot hanggang dibdib at napaatras ako nang makita ko ang isang lalaking nakahiga sa kabilang bahagi ng kama."Sino ka?!"Nagising siya sa sigaw ko. Paglingon niya sa akin, mabilis siyang bumangon at dinampot ang damit na nakakalat sa sahig.Pero bago pa siya tuluyang makalayo, nakilala ko ang mukha niya.Isa siya sa mga tauhan ni Dmitri. Ilang beses ko na siyang nakita sa bahay ng boyfriend ko at sa opisina nito. Hindi ko lang alam ang pangalan niya."Wait! What are you doing here?" nanginginig kong tanong.Hindi siya sumagot. Nagmamadali siyang nagsuot ng damit at lumabas ng silid."Hey! Come back!"Pero tuluyan nang sumara ang pinto.Naiwan akong nakaupo sa kama, confused at takot na takot. Napatingin ako sa sarili ko. I was wearing a thin nightdress, at hindi ko maalalang iyon ang suot ko bago ako mawalan ng malay."What happened to me?"Pilit kong inalala ang mga huling pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status