Share

Chapter 4

Author: Mariposa30
last update publish date: 2026-11-15 21:16:52

Pagdating namin sa mansyon ng mga Monteverde, agad kaming sinalubong ng mga maids na nakapila malapit sa entrance.

"Welcome back, Sir Victor! Welcome home, Madam Ynah!"

Sabay-sabay nilang bati sa amin.

Ngumiti ako. "Thank you."

Agad na kinuha ng dalawang staff ang mga luggage namin habang ang isa naman ay nag-abot ng welcome drink para sa amin ni Victor. Nilibot ko ang paningin ko sa mansyon.

Malawak ang entrance hall, with elegant chandeliers hanging from the high ceiling. The marble floor was spotless, habang ang mga paintings at expensive-looking furniture ay maayos na nakalagay sa bawat sulok.

Napakaganda ng lugar na ito.

At higit sa lahat, dito na ako titira simula ngayon.

Ito na ang simula ng bagong buhay.

"Come on, Ynah," tawag sa akin ni Victor, at hinawakan ako sa bewang. "I'll show you our room."

Tumango ako at sabay kaming naglakad paakyat sa hagdan.

Habang umaakyat kami, napansin kong may isang batang maid na pababa ng hagdan. Mukha siyang nasa early twenties pa lang. Nang magkasalubong ang mga mata namin, bigla siyang napatigil at napatingin sa akin nang mabuti.

"Ma'am..."

Tumingin ako sa kanya. "Yes?"

Bahagya siyang lumapit, tila gustong tiyakin kung tama ang nakikita niya.

"Ma'am, may kamukha po kayo."

Napakunot ang noo ko. "Kamukha?"

"Yes, Ma'am! Kamukhang-kamukha niyo po yung nabalita dati na mayamang babae na nagtaksil sa boyfriend niya tapos namatay dahil sa sunog na siya rin ang may gawa. Kamukhang-kamukha niyo po talaga!"

Mabilis at walang preno niyang sinabi iyon.

Saglit akong hindi nakagalaw.

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko. Hindi ko inaasahang maririnig ko ang tungkol sa pagkamatay ni Seraphine Villamor sa loob mismo ng mansyon na titirhan ko.

Pero bago pa ako makasagot, isang mas matandang babae ang mabilis na lumapit sa amin.

"Mizzy!"

Agad niyang hinila palayo ang batang maid.

"Ano bang sinasabi mo? Mag-isip ka naman bago ka magsalita!" saway niya rito.

"Sorry po, Manang Ellen. Napansin ko lang naman po na...."

"Tumahimik ka na!"

Biglang nagsalita si Victor na nasa tabi ko.

"Manang Ellen."

Napalingon kaming lahat sa kanya.

"Yes, Sir?"

Iba na nag expression ng mukha niya. Kanina ay kalmado lang siya, pero ngayon ay seryoso ang mukha niya. His jaw was clenched, and there was a coldness in his eyes that I hadn't seen before.

"You know what to do."

Mabilis na yumuko si Manang Ellen

"Yes, Sir. Sorry po, Sir. Bago lang po kasi dito si Mizzy. Hindi pa po niya alam ang proper conduct. Hindi na po mauulit."

"That should be."

Mababa ang boses niya pero may diin.

"Hindi na talaga dapat maulit."

Bahagya siyang lumapit sa mas batang maid at mariin niya itong tinitigan.

"Never mess with my wife. At alam ninyo na ang mangyayari kapag may gumawa niyan."

Walang nagsalita.

Maging ang iba pang mga maids ay halatang natakot.

Napansin kong mas lalo pang napatiim ang bagang ni Victor. His hands were clenched into fists, and his expression was enough to make anyone think twice before saying another word.

I had never seen him like this.

Sa mga nakaraang araw na magkasama kami, he was always composed. Kahit may mga bagay na hindi niya gusto, hindi siya basta nagtataas ng boses. But now, he looked genuinely furious.

"Victor..."

Hinawakan ko ang kamay niya. Tumitig siya sa akin at bahagyang lumambot ang expression ng mukha niya.

"That's too much," bulong ko. "It's okay. Mukhang hindi naman sinasadya ng bata."

"That's not an excuse, Ynah."

"But she probably didn't mean to offend me."

"From now on, no one will say those words to you. Or else."

Muli niyang hinigpitan ang pagkuyom ng kamao.

Hinaplos ko ang nakakuyom niyang kamao.

"Victor, look at me. It's okay. I'm here. Let's go inside."

Sa ilang saglit ay hindi siya gumalaw, pero maya-maya ay kusang bumalik sa normal ang expression niya. Tinitigan niya ako at bumuntong-hininga.

"Okey, let's go." Naglakad siya habang hawak ang mga kamay ko, at kusa akong napasunod sa kanya.

Pagpasok namin sa bedroom, agad kong napansin ang laki nito. May king-sized bed sa gitna, malaking glass window overlooking the garden, at isang sitting area malapit sa balcony.

"I'm sorry you had to experience that,"wika niya habang inaalis ang necktie niya.

Tiningnan ko siya. "Why are you apologizing? Hindi mo naman kasalanan ang sinabi niya."

"Still, I don't want anyone disrespecting you in this house."

Ngumiti ako.

"I can handle myself, Victor."

"I know."

"Then don't worry too much."

Tumingin siya sa akin bago tumango.

Habang nakatingin ako sa kanya, may napansin akong kakaiba. Kanina, nang hawakan ko ang kamay niya, unti-unting nawala ang galit sa mukha niya.

At ngayon, mas kalmado na siya.

Naisip ko kapag hinahawakan ko si Victor, kumakalma siya. Just like how I felt whenever I was with him. There was something reassuring about his presence, and maybe, that's how he felt with me too.

"Anyway, mabuti pa, I'll cook for you."

Nagtaas siya ng kilay.

"What?"

"I'll cook your favorite food."

"No, wife. Just get some rest."

I laughed softly. "It's okay. Hindi naman ako pagod."

"Ynah, you don't have to do that."

"I want to."

Naglakad ako papunta sa walk-in closet.

"I'll just change, then I'll cook for you. Okay?"

Tumitig siya sa akin bago tumango.

"Fine. But don't overdo it."

"Yes, husband."

Naghuhubad na siya ng suit ng pumasok ako sa walk-in closet. Pumili ako ng komportableng dress at nagpalit. Pagkatapos ay inayos ko ang buhok ko bago lumabas.

Paglabas ko, nakasuot na si Victor ng simpleng tshirt at malambot na pants.

"I'm going downstairs," wika ko.

"Be careful."

Ngumiti ako. "It's just the kitchen, Victor."

"I know."

Pagbaba ko ng hagdan, may napansin akong taong nakatayo malapit sa main entrance.

It was Mizzy.

May hawak siyang malaking bag at nakayuko habang pinupunasan ang mga luha niya. Nang mapansin niya ako, mabilis siyang lumapit.

"Madam..."

Huminto ako sa paglalakad.

"Yes, Mizzy?"

"Ma'am, I'm really sorry po sa sinabi ko kanina. Hindi ko po intensyong bastusin kayo. Hindi ko po naisip na masasaktan po kayo sa sinabi ko."

Pinahid niya ang luha sa pisngi niya.

"Maiintindihan ko po kung galit po kayo Ma'am. Sorry po talaga."

Tiningnan ko ang bag na dala niya.

"Where are you going?"

Nag-aatubili siya nang sumagot.

"Uuwi na po ako, Ma'am."

Bago pa ako makapagsalita, lumapit na ang dalawang guards.

"Mizzy, kailangan na nating umalis," wika ng isa.

Napatingin ako sa kanila.

"What's happening?"

"Utos po mula sa housekeeper, Ma'am," sagot ng isa.

Tumingin ako ulit kay Mizzy, umiiyak pa rin siya.

"Manang Ellen decided this?"

"Yes, Ma'am."

Hindi ako nakaimik. Seryoso pala talaga si Victor sa sinabi niya kay Manang Ellen kanina.

Muling yumuko si Mizzy.

"Sorry po ulit, Madam Ynah."

Tumango ako. 

"Take care."

Napailing na lang ako. Wala na akong magagawa, desisyon iyon ni Victor. Alam ko naman na pinoprotektahan niya lang ako kaya iyon ang naging desisyon niya. 

Naglaakd na ako papunta sa kitchen.

Pagdating ko sa kitchen, agad akong sinalubong ng isang older cook.

"Good afternoon, Madam. May kailangan po ba kayo?"

"I'll be preparing dinner for Victor."

Nagulat siya. "Kayo po mismo, Madam?"

Ngumiti ako. "Yes. Is that okay?"

"Yes Madam. Pero kami na lang po sana ang magluluto para sa inyo ni Sir."

"It's fine. I want to cook for my husband."

Ngumiti ang older cook at tinulungan niya akong ihanda ang mga ingredients.

While preparing the ingredients, bigla kong naalala ang nangyari kanina.

Nag-eecho sa isip ko ang sinabi ni Mizzy.

Yung nabalita dati na mayamang babae na nagtaksil sa boyfriend niya tapos namatay dahil sa sunog na siya rin ang may gawa.

Napahinto ako sa paghihiwa ng gulay.

Ganoon pala talaga naaalala ng mga tao si Seraphine Villamor.

Isang taksil na babae. Tagapagmana at bilyonaryang nagsunog ng bahay.

Maging sa loob ng mansyon kung saan ako titira ay maririnig ko iyon at may makakakilala sa mukha ni Seraphine.

Napailing ako at nagpatuloy sa pagluluto.

Siguro nga tama si Victor, kailangang mag-ingat dahil kung may makakakilala sa akin bilang Seraphine, magiging komplikado ang lahat.

Naalala ko rin ang sinabi ni Victor kanina.

Never mess with my wife. Or else.

Napangiti ako nang bahagya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa ko.

"Looks like my husband really knows how to make people behave," bulong ko.

I couldn't help but shake my head.

I had only been in the Monteverde mansion for a few hours, but I was already beginning to understand one thing.

Victor Monteverde might be a calm and reserved man most of the time.

But when it came to protecting his wife, he was a completely different person.

And somehow, I had become the person he wanted to protect.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 5

    "So, what do you want to do first?" tanong niya habang sumusubo ng pagkain.Napatingin ako sa kanya. "What do you mean?""Now that we're back here in the Philippines, what's the first thing you want to take care of?"Saglit akong natahimik. May isang bagay na gusto kong gawin, pero naipagpaliban ko dahil sa mga nangyari sa akin."I want to look for my brother."Tumango siya. "Your brother?""Yes. Stephan Villamor. Siguro panahon na para makita ko siya after two years," dagdag ko. "I wonder how he's doing now. I miss him so much."Pilit akong ngumiti, pero hindi ko maitago ang lungkot sa boses ko."After our parents died, he was the only family I had. I didn't even get the chance to say goodbye to him."Tahimik na nakinig si Victor. Hindi niya ako pinutol, kaya nagpatuloy ako."Back then, I couldn't contact him because it was too dangerous. Ayokong madamay siya sa problema ko kina Dmitri at Rodelia. I know keeping my distance would keep him safe."Ibinaba ko ang tingin sa plato ko."Be

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 4

    Pagdating namin sa mansyon ng mga Monteverde, agad kaming sinalubong ng mga maids na nakapila malapit sa entrance."Welcome back, Sir Victor! Welcome home, Madam Ynah!"Sabay-sabay nilang bati sa amin.Ngumiti ako. "Thank you."Agad na kinuha ng dalawang staff ang mga luggage namin habang ang isa naman ay nag-abot ng welcome drink para sa amin ni Victor. Nilibot ko ang paningin ko sa mansyon.Malawak ang entrance hall, with elegant chandeliers hanging from the high ceiling. The marble floor was spotless, habang ang mga paintings at expensive-looking furniture ay maayos na nakalagay sa bawat sulok.Napakaganda ng lugar na ito.At higit sa lahat, dito na ako titira simula ngayon.Ito na ang simula ng bagong buhay."Come on, Ynah," tawag sa akin ni Victor, at hinawakan ako sa bewang. "I'll show you our room."Tumango ako at sabay kaming naglakad paakyat sa hagdan.Habang umaakyat kami, napansin kong may isang batang maid na pababa ng hagdan. Mukha siyang nasa early twenties pa lang. Nang

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 3

    Mabilis ang mga pangyayari.Pagkalabas ko pa lang ng hospital, agad nang inasikaso ni Victor ang lahat ng kailangan para makapagsimula ako ng bagong buhay. From changing my name and preparing my new identity to arranging our wedding, everything happened so quickly.Wala na si Seraphine Villamor.She is no longer existed.She's dead.At ako na ngayon si Ynah Bermudez Monteverde, the wife of billionaire Victor Monteverde.Habang nakaupo ako sa passenger seat ng sasakyan, hawak ko ang envelope na ibinigay sa akin ni Victor. Nasa loob nito ang mga bagong dokumento na nagpapatunay sa bago kong pagkatao.I opened it and stared at the name printed on one of the papers.Ynah B. Monteverde.Ilang beses kong binasa ang pangalan. It still felt strange, considering that I had spent my entire life introducing myself as Seraphine Villamor."Everything is ready," Victor said, glancing at me.I nodded. "Thank you for taking care of everything.""You don't have to thank me. This is part of our agreeme

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 2

    Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.Puting kisame ang unang bumungad sa akin. Ilang segundo akong nakatitig doon habang pilit inuunawa kung nasaan ako. Malamig ang paligid, at may mahinang tunog ng machine sa tabi ng kama.Hospital? Dahan-dahan akong gumalaw at napansin ang suwero na nakakabit sa kaliwang kamay ko. Nakasuot din ako ng hospital gown.Buhay pa ako. Nasa ospital ako.Biglang namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko napigilang mapahagulgol nang marealize kong nakaligtas ako sa sunog. Akala ko iyon na ang katapusan ko. Akala ko hindi na ako makakalabas sa lumang silid na iyon.Pero may taong dumating.May taong nagligtas sa akin.Tinakpan ko ng isang kamay ang mukha ko habang patuloy sa pag-iyak. Ilang araw akong nagtiis ng gutom at uhaw. Akala ko wala nang makakahanap sa akin. Akala ko mamamatay akong walang nakakaalam kung ano ang ginawa sa akin nina Dmitri at Rodelia.At nang maalala ko ang dalawang iyon, unti-unting napalitan ng sakit ang ginhawang nararamdaman

  • The Heiress and the Billionaire's Vengeance   Chapter 1

    Seraphine’s POVNapabalikwas ako ng bangon nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Agad kong hinila ang kumot hanggang dibdib at napaatras ako nang makita ko ang isang lalaking nakahiga sa kabilang bahagi ng kama."Sino ka?!"Nagising siya sa sigaw ko. Paglingon niya sa akin, mabilis siyang bumangon at dinampot ang damit na nakakalat sa sahig.Pero bago pa siya tuluyang makalayo, nakilala ko ang mukha niya.Isa siya sa mga tauhan ni Dmitri. Ilang beses ko na siyang nakita sa bahay ng boyfriend ko at sa opisina nito. Hindi ko lang alam ang pangalan niya."Wait! What are you doing here?" nanginginig kong tanong.Hindi siya sumagot. Nagmamadali siyang nagsuot ng damit at lumabas ng silid."Hey! Come back!"Pero tuluyan nang sumara ang pinto.Naiwan akong nakaupo sa kama, confused at takot na takot. Napatingin ako sa sarili ko. I was wearing a thin nightdress, at hindi ko maalalang iyon ang suot ko bago ako mawalan ng malay."What happened to me?"Pilit kong inalala ang mga huling pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status