
Rafael's Contracted Wife
Nakakulong si Mia sa isang malamig na kasal kay Rafael, na pinakasalan lamang siya para sa mana. Sa harap ng ibang tao, siya ang asawa; ngunit sa loob ng mansyon, itinuturing siyang katulong na nagluluto, naglilinis, at naghuhugas‑pinggan habang hindi nakakaramdam ng kahit anong pagpapahalaga o pagmamahal. Ang buong mundo niya ay pagod at pambabalewala, hanggang sa dumating si Dante — ang makapangyarihang tiyuhin ni Rafael na matagal nang nasa ibang bansa.
Si Dante ang unang nakapansin sa kanyang mga sugat, pagod, at halaga na hindi nakita ng kanyang asawa. Nagsimula ang bawal na ugnayan nang mag-alok ito ng suporta at pagmamahal na matagal na niyang hinahangad. Naging sandigan niya ito, ipinagtatanggol siya laban kay Rafael, at hayagang inamin na siya ang magmamahal kay Mia kung hindi kayang gawin ito ng kanyang asawa.
Nang mahuli ni Rafael ang kanilang nararamdaman, sumabog ang malaking eskandalo. Tumayo si Dante laban sa buong pamilya at lipunan, na idineklara na sa kanya si Mia. Ngunit kailangang harapin nina Mia at Dante ang galit ni Rafael, husga ng lipunan, at ang kasunduang nagtatali kay Mia sa kanyang asawa. Kailangang magpasya ni Mia kung may lakas siyang piliin ang pagmamahal na nagparamdam sa kanyang halaga — kahit na mawala ang lahat.
Basahin
Chapter: Chapter 5Mia's POVHindi ko gustong bumaba.Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako kumain. Hindi ako lumabas. Hindi ako nagbihis. Nakaupo lang ako sa sahig, yakap ang tuhod ko, nakatingin sa pintong sarado.Takot ako.Takot ako kay Rafael. Takot ako sa nangyari kagabi. Takot ako sa suntok ni Dante. Takot ako sa mga mata ni Rafael nang makita niya kaming magkasama sa kusina ng alas-dos ng madaling-araw.Alam ko kung anong mangyayari kapag bumaba ako. Sisisigawan niya ako. Pagagalitan niya ako. Sasabihin niya na naman na binili niya lang ako. Na wala akong karapatang magreklamo. Na katulong lang ako.At ang pinakanakakatakot sa lahat — baka totoo nga.Baka nga katulong lang talaga ako.Napatingin ako sa singsing ko. Ang bigat. Ang lamig. Hindi ko ito singsing ng pagmamahal. Singsing ito ng kontrata. Singsing ito ng pagkakautang ko.Isang taon. Isang taon na lang, matatapos na. Isang taon na lang, makakalaya na ako. Makakaalis na ako. Pero bakit parang ang haba-haba pa rin?Tok. Tok. Tok
Huling Na-update: 2026-11-19
Chapter: Chapter 4Mia's povAlas-dose na ng gabi at hindi parin pamaatulog di mia dahil, paulit-ulit sa utak niya yung nangyari sa library. Yung lapit ng mukha ni Dante at ang init ng kamay nito sa pisngi niya yung sinabi nito.“Kung hindi niya kayang mahalin ka… ako ang gagawa.”Bumaba siya sa kusina para uminom ng tubig. Naka-pajama lang siya. Magulo ang buhok. Walang make-up. Pagod.Pero pagbukas niya ng ilaw, nandoon si Dante.Nakaupo sa mesa. May dalawang tasa ng kape.“Alam kong bababa ka,” sabi ni Dante. “Hindi ka rin makatulog, ‘di ba?”Napaupo si Mia sa tapat nito. “Ikaw din po pala.”“Hindi ako makatulog simula nang dumating ako dito,” sagot ni Dante. “Lalo na ngayon.”“Bakit po?”“Dahil iniisip ko kung tama ba ang ginagawa ko.” Tiningnan siya ni Dante. “Mia, gusto kong humingi ng tawad sa nangyari sa library. Hindi ko dapat ginawa yun. Asawa ka ng pamangkin ko.”Hindi sumagot si Mia. Tiningnan niya lang ang kape niya.“Pero hindi ako nagsisisi,” dagdag ni Dante. Mahina pero totoo. “Hindi ako
Huling Na-update: 2026-11-19
Chapter: Chapter 3Mia's povKinabukasan si Rafael, umalis na naman at may text ito kay Mia kanina: “Huwag mo akong hintayin kay Celestine ako matutulog.”Isang linya lang wlang “ingat ka” at hind manlang ako tinanong “kumain ka na ba”.Sanay na si Mia. Pero ngayong gabi, iba. Hindi siya makatulog. Paulit-ulit sa utak niya ang boses ni Dante kaninang umaga.“Huwag mo siyang sigawan ulit sa harap ko.”“Dito ka kakain. Sa tabi ko.”Walang lalaki na nagsabi sa kanya noon. Kahit kailan.Kaya imbes na matulog, nagpunta siya sa library. Maliit na library sa dulo ng hallway. Doon lang siya pwedeng magtago na hindi siya hahanapin ni Rafael para utusan.Umupo siya sa sahig, sa sulok. May hawak siyang lumang libro. Hindi niya binabasa. Tinititigan lang niya.“ Hindi ka pa rin natutulog? ”Napatalon si Mia.Nakatayo sa pinto si Dante. Naka-white t-shirt lang ngayon. Walang suit. Mas mukha siyang tao. Mas mukha siyang… totoo.“T-Tito Dante! Pasensya na po. Aalis na po ako—”“Huwag,” sabi ni Dante. Pumasok ito at um
Huling Na-update: 2026-11-19
Chapter: Chapter 2Mia's povNagising si Mia na may kumot sa katawan niya.Nagtaka siya. Kagabi, sa sahig siya ng kusina nakatulog. Ngayon, nasa kwarto na siya ng mga katulong. May kumot. May unan. At sa mesa, may mainit na lugaw at gamot para sa sugat niya sa kamay.Hindi si Manang Rosa ang naglagay nito. Alam niya. Si Manang Rosa, maaga pa lang, nasa palengke na.Sino?Bumaba siya ng dahan-dahan. Suot niya pa rin ang lumang damit niya kagabi. Ayaw niyang makita ni Rafael na late siya. Kapag late siya, hindi siya kakain.Pero pagdating niya sa dining area, nandoon na si Rafael.Nakaupo. Naka-coffee. Galit na galit ang mukha.At sa tapat nito, nakaupo si Dante. Kalma. Naka-black shirt. Nagbabasa ng dyaryo na parang wala siyang pakialam sa mundo.“MIA!” sigaw ni Rafael pagkapasok pa lang niya.Napatalon si Mia.“Bakit ngayon ka lang bumaba?! Anong oras na?! Nasaan ang almusal ko?!”“P-pasensya na, Rafael. Nag-ayos lang ako—”“Nag-ayos? Anong aayusin mo? Mukha ka pa ring basahan!” Tumayo si Rafael at hina
Huling Na-update: 2026-11-19
Chapter: Chapter 1Mia's PovAlas-tres na ng madaling-araw.Tahimik ang buong mansion ng mga Montemayor, pero gising pa rin si Mia. Nakaupo siya sa sahig ng kusina, ang mga kamay niya ay nakababad sa malamig na tubig na may sabon. Sa harap niya, isang bundok ng pinggan. Mga pinggan mula sa party ni Rafael kanina.Party na hindi siya inimbitahan. Party sa sarili niyang bahay.Pinunasan niya ang pawis sa noo niya gamit ang likod ng kamay niya. Masakit na ang likod niya. Kanina pang alas-singko ng umaga siyang gising. Nagluto siya ng almusal, naglinis ng buong bahay, naglaba ng mga damit ni Rafael, namalengke, nagluto ulit ng tanghalian, naglinis ulit, at ngayon, naghuhugas pa rin.Ito ang buhay niya simula nang pumirma siya sa kontrata.Isang taon na ang nakalipas.Isang taon na siyang Mrs. Montemayor sa papel. Pero sa loob ng bahay na ito, isa lang siyang utusan.Naalala pa niya ang araw na pinirmahan niya ang kontrata. Umiiyak ang nanay niya sa ospital. Kailangan ng operasyon, dalawang milyon. Wala sila
Huling Na-update: 2026-11-19