Se connecterMia's POV
Hindi ko gustong bumaba.
Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako kumain. Hindi ako lumabas. Hindi ako nagbihis. Nakaupo lang ako sa sahig, yakap ang tuhod ko, nakatingin sa pintong sarado.
Takot ako.
Takot ako kay Rafael. Takot ako sa nangyari kagabi. Takot ako sa suntok ni Dante. Takot ako sa mga mata ni Rafael nang makita niya kaming magkasama sa kusina ng alas-dos ng madaling-araw.
Alam ko kung anong mangyayari kapag bumaba ako. Sisisigawan niya ako. Pagagalitan niya ako. Sasabihin niya na naman na binili niya lang ako. Na wala akong karapatang magreklamo. Na katulong lang ako.
At ang pinakanakakatakot sa lahat — baka totoo nga.
Baka nga katulong lang talaga ako.
Napatingin ako sa singsing ko. Ang bigat. Ang lamig. Hindi ko ito singsing ng pagmamahal. Singsing ito ng kontrata. Singsing ito ng pagkakautang ko.
Isang taon. Isang taon na lang, matatapos na. Isang taon na lang, makakalaya na ako. Makakaalis na ako. Pero bakit parang ang haba-haba pa rin?
Tok. Tok. Tok.
Napatigil ako sa paghinga.
“Mia.”
Boses ni Dante.
Kilala ko na ang boses na yun ngayon. Hindi tulad ng boses ni Rafael na laging galit at laging sumisigaw. Ang boses ni Dante, mababa. Malumanay. Pero may bigat. Parang kapag sinabi niya ang pangalan ko, totoo akong tao.
Dahan-dahan kong binuksan ang p***o ng konti. Isang dangkal lang. Ayokong makita niya na namumugto ang mata ko. Ayokong makita niya na hindi ako kumain maghapon.
Nandoon siya. Naka-suit na. Seryoso ang mukha. Pero nang makita niya ako, lumambot ang mata niya.
“Baba ka,” sabi niya.
Umiling ako agad. “Hindi ako pwedeng bumaba.” Bulong ko lang. Nanginginig ang boses ko. “Sabi ni Rafael, hindi ako pwedeng umupo sa hapag-kainan nila. Sa kusina lang ako. Baka magalit na naman siya.”
“Ngayong gabi, hindi,” sabi ni Dante. “Ngayong gabi, sa tabi kita pa-uupuin. At walang pwedeng magpaalis sa’yo.”
“Tito Dante, natatakot ako—”
“Mia,” hinawakan niya ang kamay ko. Hindi niya hinila. Hinawakan lang niya. Mainit. “Tingnan mo ako.”
Tumingala ako.
“Kagabi, sinabi ko sa’yo na poprotektahan kita. Totoo yun,” sabi niya. “Pero kailangan mong magtiwala sa akin ngayon. Baba ka. Please.”
Gusto kong tumanggi. Gusto kong sabihin na hindi ko kaya. Na mas gusto kong magtago na lang dito habang-buhay.
Pero paano ka tatanggi sa isang taong sa unang pagkakataon, tumingin sa’yo na parang may halaga ka?
Kaya tumango ako.
Nagpalit ako ng simpleng dress. Walang make-up. Hindi ako marunong mag-make-up. Hindi naman ako tinuruan ni Rafael. Walang alahas, maliban sa singsing na pilit kong suot. Yung singsing na parang posas.
Habang bumababa kami, ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Hawak pa rin ni Dante ang kamay ko. Mahigpit. Parang sinasabi niya, “Kapag binitawan kita, mawawala ka.”
Pagdating namin sa dining room, tumahimik ang lahat.
Nandoon si Doña Carmen, ang lola ni Rafael. Matanda na, pero matalim pa rin ang mata. Nandoon ang mga magulang ni Rafael, nakaupo na parang mga hari. Nandoon si Rafael, nakaupo, may pasa pa sa labi dahil sa suntok kagabi. At nandoon si Celestine, nakaupo sa tabi ni Rafael, nakangiti na parang siya ang asawa. Naka-red dress. Naka-make-up. Mabango. Maganda.
At ako? Naka-simpleng dress. Walang make-up. Mukhang katulong na naligaw.
Pagpasok namin ni Dante, lahat sila napatingin sa amin. Sa kamay naming magkahawak.
“Anong ginagawa ng katulong dito?” tanong ni Doña Carmen. Malamig. Walang awa. “Mia, sa kusina ka. Hindi ka kasali dito.”
Gusto kong tumakbo. Gusto kong bumalik sa kwarto ko at magtago.
Pero hindi ako gumalaw. Dahil hinila ni Dante ang upuan sa tabi niya.
“Maupo ka,” sabi niya.
Nanginginig akong umupo. Ramdam ko ang lahat ng mata sa akin. Parang hinuhubaran ako ng tingin nila. Parang sinasabi nila, “Sino ka para umupo dito?”
“Dante,” sabi ng tatay ni Rafael. “Anong ibig sabihin nito? Bakit mo pinapaupo ang katulong sa tabi mo?”
“Hindi siya katulong,” sagot ni Dante. Malakas. Malinaw. Walang takot. “Asawa siya ni Rafael. At karapatan niyang umupo dito.”
Tumawa si Celestine. Yung tawa na parang kutsilyo. “Asawa? Dante, huwag ka nga magpanggap. Alam ng lahat na kontrata lang yan. Binili lang siya ni Rafael. Hindi siya totoong Montemayor.”
Naramdaman ko na parang sinampal ako. Binili lang.
Tumingin ako kay Rafael. Naghihintay ako na ipagtanggol niya ako. Kahit konti lang. Kahit sabihin niya lang na, “Tama na, huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan.”
Pero ang sabi lang niya, “Celestine, tama na.”
Hindi dahil naawa siya sa akin. Kundi dahil napapahiya siya.
“Hindi, Rafael, hayaan mo siya,” sabi ni Dante. “Gusto kong marinig kung ano ang tingin niyo sa asawa ng pamangkin ko.”
Tumingin si Doña Carmen sa akin. “Mia, totoo ba? Binili ka lang ba?”
Tumingin ako sa sahig. Hindi ako makasagot. Gusto kong sabihin ang totoo. Pero takot ako. Kapag sinabi ko ang totoo, tapos na ang kontrata. Tapos na ang pera para sa nanay ko. Mamamatay ang nanay ko sa ospital nang hindi man lang ako makapagpaalam.
“Mia,” bulong ni Dante. “Sabihin mo ang totoo. Nandito ako.”
Huminga ako ng malalim. Ang sakit sa dibdib ko. Parang may nakabara.
“O-opo,” sabi ko. Nanginginig ang boses ko pero pinilit kong tumingala. “Totoo po. Kontrata lang po kami ni Rafael. Isang taon lang po. Pagkatapos po noon, aalis na po ako.”
Tahimik ang lahat. Sobrang tahimik na naririnig ko ang tibok ng puso ko.
“At sa loob ng isang taon na yun,” dagdag ni Dante, “ano ang ginawa niyo sa kanya?” Tumingin siya kay Rafael. “Sabihin mo, Rafael. Sabihin mo sa lola mo kung ano ang ginawa mo sa asawa mo.”
“Wala akong ginawang masama!” sigaw ni Rafael. Tumayo siya. “Binigyan ko siya ng pera! Binigyan ko siya ng bahay! Ano pa ang gusto niya?!”
Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihin, “Gusto ko ng respeto. Gusto ko ng pagkain. Gusto ko ng tulog. Gusto ko na tratuhin mo akong tao.”
Pero hindi lumabas ang boses ko.
Si Dante ang sumagot para sa akin.
“Binigyan mo siya ng pera,” sabi ni Dante, “pero hindi mo siya pinakain. Binigyan mo siya ng bahay, pero sa kwarto ng katulong siya natutulog. Binigyan mo siya ng apelyido, pero tinawag mo siyang basura sa harap ko kagabi.”
Namutla si Rafael.
“Anong basura?” tanong ni Doña Carmen. “Rafael, totoo ba ‘to?”
“Lola, hindi—”
“Alas-tres ng madaling-araw, naghuhugas siya ng pinggan mo!” sigaw ni Dante. Hindi na niya napigilan. Nanginginig na rin ang boses niya sa galit. “Habang ikaw, nasa labas ka, kasama ang babaeng ‘yan! Habang ikaw, natutulog ka kay Celestine, ang asawa mo ay naglilinis ng dumi mo!”
Napatingin ako kay Dante. Hindi ako makapaniwala. May taong nagsasalita para sa akin. May taong nakakita ng lahat ng paghihirap ko na hindi ko kailanman sinabi kahit kanino.
“At ikaw?” Tumayo si Rafael. Namumula ang mukha. “Ikaw, anong ginagawa mo? Bakit mo ba siya pinagtatanggol ng ganyan? Dahil gusto mo siya?! Dahil gusto mong agawin ang asawa ko?!”
Tumayo rin si Dante. Mas matangkad. Mas kalmado. Pero mas nakakatakot.
“Oo,” sabi ni Dante.
Isang salita lang. Pero parang sumabog ang buong bahay. Parang tumigil ang oras.
“Oo, gusto ko siya,” ulit ni Dante. “Gusto kong alagaan siya. Gusto kong protektahan siya. Gusto kong mahalin siya ng tama. Dahil ikaw, hindi mo magawa.”
Naramdaman ko na parang may huminto sa dibdib ko. Gusto niya ako.
Hindi bilang katulong. Hindi bilang kontrata. Kundi bilang ako. Bilang Mia.
“Dante!” sigaw ng tatay ni Rafael. “Nababaliw ka na ba?! Pamangkin mo ‘yan! Asawa ng pamangkin mo!”
“Alam ko,” sagot ni Dante. “At alam ko rin na bawal. Alam ko na sisirain nito ang pangalan natin. Pero hindi ko na kayang manood lang habang sinisira niyo siya.”
Lumingon si Dante sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko sa harap ng lahat. Sa harap ng lola ni Rafael. Sa harap ng mga magulang niya. Sa harap ni Celestine. Sa harap ni Rafael.
“Mia, simula ngayon, hindi ka na mag-iisa. Kung gusto mong umalis kay Rafael, tutulungan kita. Kung gusto mong tapusin ang kontrata, ako ang bahala sa nanay mo. Hindi mo na kailangang maging utusan para lang mabuhay.”
Umiiyak na ako. Hindi ko na mapigilan. “Tito Dante… hindi ko po kaya. Kapag ginawa ko ‘to, kamumuhian ako ng lahat.”
“Mas mabuti nang kamuhian ka nila,” sabi ni Dante, habang pinupunasan niya ang luha ko gamit ang hinlalaki niya, sa harap pa mismo ng lahat, “kaysa hayaan mong patayin ka nila ng dahan-dahan.”
Tumingin si Rafael sa akin, duguan na ang mata sa galit at… selos. Yung selos na hindi ko maintindihan. Hindi niya ako mahal, pero ayaw niya akong mawala.
“Mia, pumili ka,” sabi ni Rafael. “Ako o siya? Yung kontrata o siya? Yung nanay mo o siya?”
Tumingin ako kay Rafael. Isang taon akong takot dito. Isang taon akong sumunod. Isang taon akong nanahimik kahit sinisigawan niya ako, kahit ginugutom niya ako, kahit tinatrato niya akong basura.
Pero ngayong gabi, habang nakahawak si Dante sa kamay ko, may naramdaman akong hindi ko naramdaman noon.
Tapang.
Hindi tapang na galit. Kundi tapang na pagod na. Tapang ng isang babaeng ayaw nang maging invisible.
“Rafael,” sabi ko, nanginginig pero malinaw. Pinilit kong tumingala. “Pagod na ako. Pagod na pagod na ako na maging katulong mo. Pagod na ako na maging invisible. Pagod na ako na matakot sa’yo araw-araw. At kung pipili ako ngayon…”
Huminga ako ng malalim. Tumingin ako kay Dante. Tumingin ako sa sarili ko.
“…pipiliin ko ang sarili ko.”
At sa gabing iyon, sa harap ng buong pamilya Montemayor, unang beses na pinili ko ang sarili ko.
Unang beses na hindi ako yumuko.
Unang beses na nagsalita ako.
Hindi ko pa alam, pero ang pagpili ko sa sarili ko… ay siya ring pagpili ko kay Dante.
To be continued…
Mia's POVHindi ko gustong bumaba.Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako kumain. Hindi ako lumabas. Hindi ako nagbihis. Nakaupo lang ako sa sahig, yakap ang tuhod ko, nakatingin sa pintong sarado.Takot ako.Takot ako kay Rafael. Takot ako sa nangyari kagabi. Takot ako sa suntok ni Dante. Takot ako sa mga mata ni Rafael nang makita niya kaming magkasama sa kusina ng alas-dos ng madaling-araw.Alam ko kung anong mangyayari kapag bumaba ako. Sisisigawan niya ako. Pagagalitan niya ako. Sasabihin niya na naman na binili niya lang ako. Na wala akong karapatang magreklamo. Na katulong lang ako.At ang pinakanakakatakot sa lahat — baka totoo nga.Baka nga katulong lang talaga ako.Napatingin ako sa singsing ko. Ang bigat. Ang lamig. Hindi ko ito singsing ng pagmamahal. Singsing ito ng kontrata. Singsing ito ng pagkakautang ko.Isang taon. Isang taon na lang, matatapos na. Isang taon na lang, makakalaya na ako. Makakaalis na ako. Pero bakit parang ang haba-haba pa rin?Tok. Tok. Tok
Mia's povAlas-dose na ng gabi at hindi parin pamaatulog di mia dahil, paulit-ulit sa utak niya yung nangyari sa library. Yung lapit ng mukha ni Dante at ang init ng kamay nito sa pisngi niya yung sinabi nito.“Kung hindi niya kayang mahalin ka… ako ang gagawa.”Bumaba siya sa kusina para uminom ng tubig. Naka-pajama lang siya. Magulo ang buhok. Walang make-up. Pagod.Pero pagbukas niya ng ilaw, nandoon si Dante.Nakaupo sa mesa. May dalawang tasa ng kape.“Alam kong bababa ka,” sabi ni Dante. “Hindi ka rin makatulog, ‘di ba?”Napaupo si Mia sa tapat nito. “Ikaw din po pala.”“Hindi ako makatulog simula nang dumating ako dito,” sagot ni Dante. “Lalo na ngayon.”“Bakit po?”“Dahil iniisip ko kung tama ba ang ginagawa ko.” Tiningnan siya ni Dante. “Mia, gusto kong humingi ng tawad sa nangyari sa library. Hindi ko dapat ginawa yun. Asawa ka ng pamangkin ko.”Hindi sumagot si Mia. Tiningnan niya lang ang kape niya.“Pero hindi ako nagsisisi,” dagdag ni Dante. Mahina pero totoo. “Hindi ako
Mia's povKinabukasan si Rafael, umalis na naman at may text ito kay Mia kanina: “Huwag mo akong hintayin kay Celestine ako matutulog.”Isang linya lang wlang “ingat ka” at hind manlang ako tinanong “kumain ka na ba”.Sanay na si Mia. Pero ngayong gabi, iba. Hindi siya makatulog. Paulit-ulit sa utak niya ang boses ni Dante kaninang umaga.“Huwag mo siyang sigawan ulit sa harap ko.”“Dito ka kakain. Sa tabi ko.”Walang lalaki na nagsabi sa kanya noon. Kahit kailan.Kaya imbes na matulog, nagpunta siya sa library. Maliit na library sa dulo ng hallway. Doon lang siya pwedeng magtago na hindi siya hahanapin ni Rafael para utusan.Umupo siya sa sahig, sa sulok. May hawak siyang lumang libro. Hindi niya binabasa. Tinititigan lang niya.“ Hindi ka pa rin natutulog? ”Napatalon si Mia.Nakatayo sa pinto si Dante. Naka-white t-shirt lang ngayon. Walang suit. Mas mukha siyang tao. Mas mukha siyang… totoo.“T-Tito Dante! Pasensya na po. Aalis na po ako—”“Huwag,” sabi ni Dante. Pumasok ito at um
Mia's povNagising si Mia na may kumot sa katawan niya.Nagtaka siya. Kagabi, sa sahig siya ng kusina nakatulog. Ngayon, nasa kwarto na siya ng mga katulong. May kumot. May unan. At sa mesa, may mainit na lugaw at gamot para sa sugat niya sa kamay.Hindi si Manang Rosa ang naglagay nito. Alam niya. Si Manang Rosa, maaga pa lang, nasa palengke na.Sino?Bumaba siya ng dahan-dahan. Suot niya pa rin ang lumang damit niya kagabi. Ayaw niyang makita ni Rafael na late siya. Kapag late siya, hindi siya kakain.Pero pagdating niya sa dining area, nandoon na si Rafael.Nakaupo. Naka-coffee. Galit na galit ang mukha.At sa tapat nito, nakaupo si Dante. Kalma. Naka-black shirt. Nagbabasa ng dyaryo na parang wala siyang pakialam sa mundo.“MIA!” sigaw ni Rafael pagkapasok pa lang niya.Napatalon si Mia.“Bakit ngayon ka lang bumaba?! Anong oras na?! Nasaan ang almusal ko?!”“P-pasensya na, Rafael. Nag-ayos lang ako—”“Nag-ayos? Anong aayusin mo? Mukha ka pa ring basahan!” Tumayo si Rafael at hina
Mia's PovAlas-tres na ng madaling-araw.Tahimik ang buong mansion ng mga Montemayor, pero gising pa rin si Mia. Nakaupo siya sa sahig ng kusina, ang mga kamay niya ay nakababad sa malamig na tubig na may sabon. Sa harap niya, isang bundok ng pinggan. Mga pinggan mula sa party ni Rafael kanina.Party na hindi siya inimbitahan. Party sa sarili niyang bahay.Pinunasan niya ang pawis sa noo niya gamit ang likod ng kamay niya. Masakit na ang likod niya. Kanina pang alas-singko ng umaga siyang gising. Nagluto siya ng almusal, naglinis ng buong bahay, naglaba ng mga damit ni Rafael, namalengke, nagluto ulit ng tanghalian, naglinis ulit, at ngayon, naghuhugas pa rin.Ito ang buhay niya simula nang pumirma siya sa kontrata.Isang taon na ang nakalipas.Isang taon na siyang Mrs. Montemayor sa papel. Pero sa loob ng bahay na ito, isa lang siyang utusan.Naalala pa niya ang araw na pinirmahan niya ang kontrata. Umiiyak ang nanay niya sa ospital. Kailangan ng operasyon, dalawang milyon. Wala sila







