Se connecterMia's pov
Alas-dose na ng gabi at hindi parin pamaatulog di mia dahil, paulit-ulit sa utak niya yung nangyari sa library. Yung lapit ng mukha ni Dante at ang init ng kamay nito sa pisngi niya yung sinabi nito.
“Kung hindi niya kayang mahalin ka… ako ang gagawa.”
Bumaba siya sa kusina para uminom ng tubig. Naka-pajama lang siya. Magulo ang buhok. Walang make-up. Pagod.
Pero pagbukas niya ng ilaw, nandoon si Dante.
Nakaupo sa mesa. May dalawang tasa ng kape.
“Alam kong bababa ka,” sabi ni Dante. “Hindi ka rin makatulog, ‘di ba?”
Napaupo si Mia sa tapat nito. “Ikaw din po pala.”
“Hindi ako makatulog simula nang dumating ako dito,” sagot ni Dante. “Lalo na ngayon.”
“Bakit po?”
“Dahil iniisip ko kung tama ba ang ginagawa ko.” Tiningnan siya ni Dante. “Mia, gusto kong humingi ng tawad sa nangyari sa library. Hindi ko dapat ginawa yun. Asawa ka ng pamangkin ko.”
Hindi sumagot si Mia. Tiningnan niya lang ang kape niya.
“Pero hindi ako nagsisisi,” dagdag ni Dante. Mahina pero totoo. “Hindi ako nagsisisi na gusto kitang alagaan. Hindi ako nagsisisi na gusto kitang protektahan.”
“Tito Dante,” bulong ni Mia. “Natatakot ako.”
“Saan?”
“Sa nararamdaman ko,” sabi ni Mia, halos hindi marinig. “Kapag nandiyan ka, hindi ako natatakot. Kapag nandiyan ka, pakiramdam ko tao ako. Pero kapag wala ka, bumabalik ako sa pagiging katulong. Bumabalik ako sa wala.”
Lumapit si Dante. Hinawakan nito ang kamay niya sa ibabaw ng mesa.
“Hindi ka wala, Mia. Naririnig mo ba ako? Hindi ka wala.”
At sa sandaling iyon, hindi na napigilan ni Mia ang sarili niya. Umiyak siya. Pero hindi tulad ng dati. Hindi ito iyak ng pagod. Iyak ito ng isang taong sa wakas, may nakakakita na.
“Shh,” sabi ni Dante. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang mukha niya. “Tingnan mo ako.”
Tumingala si Mia.
“Mia, makinig ka sa akin,” sabi ni Dante. “Aalisin kita dito. Hindi ngayon, pero pangako ko sa’yo, aalisin kita dito. Hindi ka habang-buhay na magiging utusan ni Rafael.”
“Paano po? May kontrata po kami. Kapag umalis ako, kukunin niya lahat. Pati ang pera sa operasyon ng nanay ko—”
“Ako ang bahala sa nanay mo,” putol ni Dante. “Ako ang bahala sa lahat. Hindi mo kailangang matakot. Nandito ako.”
At bago pa makasagot si Mia, naramdaman niya ang labi ni Dante sa noo niya.
Hindi sa bibig. Sa noo. Isang halik na puno ng pag-aalaga. Isang halik na nagsasabing, “Pinoprotektahan kita.”
Napapikit si Mia. “Tito Dante…”
“Mia…”
At sa pagkakataong iyon, dahan-dahan silang lumapit sa isa’t isa. Hindi madali. Hindi minadali. Parang dalawang taong takot pero gustong-gusto na.
Isang pulgada na lang ulit…
BANG!
Bumukas ng malakas ang p***o ng mansion.
“MIA!!!”
Boses ni Rafael. Lasing. Galit. Amoy alak mula sa kusina.
Napatalon si Mia. Agad siyang tumayo at lumayo kay Dante. “S-si Rafael! Umuwi siya!”
“Mia! Nasaan ka?!” Sigaw nito habang paakyat sa hagdan. “Nasaan ang babaeng yun?!”
Dali-daling lumabas si Mia ng kusina. “Nandito po ako! Bakit po?”
Pero pagdating ni Rafael sa kusina, natigilan ito.
Nakita nito si Dante. Nakaupo. At si Mia. Namumula. Nanginginig. Halatang kakaiyak lang.
“Anong ginagawa niyo dito ng ganitong oras?” tanong ni Rafael. Matatalim ang mata. Tinitigan nito si Dante, tapos si Mia.
“Nagkakape,” sagot ni Dante, kalmado.
“Nagkakape? Alas-dos ng madaling-araw? Magkasama kayo?” Tumawa si Rafael ng nakakalasing. “Wow. Ang sweet naman. Yung asawa ko at yung tito ko, nagkakape sa gitna ng gabi.”
“Rafael, huwag kang mag-isip ng kung ano—” simula ni Mia.
“Huwag kang magsalita!” sigaw ni Rafael. “Ikaw! Anong suot mo?! Bakit ka naka-pajama sa harap ng ibang lalaki?!”
“Rafael, nasa bahay siya,” sabi ni Dante. Tumayo na ito. “Huwag mo siyang sigawan.”
“Ay, ngayon ikaw pa ang magtatanggol sa kanya?!” Lumapit si Rafael kay Dante. “Tito, ano ‘to? Gusto mo ang asawa ko? Gusto mo ang basura ko?”
PAK!
Hindi na napigilan ni Dante. Sinuntok niya si Rafael sa panga.
Napasubsob si Rafael sa sahig.
“Rafael!” sigaw ni Mia. Lumuhod siya para alalayan ito. “Ayos ka lang ba?”
“Umalis ka!” Tinulak siya ni Rafael. “Huwag mo akong hawakan! Pareho kayong manloloko!”
Tumingin si Rafael kay Dante, duguan ang labi. “Alam mo ba, Tito? Akala ko pa naman, ikaw ang pinaka-respetado sa pamilya natin. Yun pala, ikaw ang aagaw sa asawa ng pamangkin mo.”
“Hindi ko siya inaagaw,” sagot ni Dante. Malamig pero nanginginig sa galit. “Ikaw ang nagtapon sa kanya. Ikaw ang hindi nagpahalaga sa kanya. At ngayon, nandito ako para pulutin siya.”
“Pulutin?” Tumawa si Rafael. “Sige! Kunin mo siya! Kunin mo ang katulong ko! Pero tandaan mo, Tito. May kontrata kami. Kapag sumama siya sa’yo, idedemanda ko siya. Kukunin ko ang lahat sa kanya. Pati nanay niya, hindi ko na babayaran ang gamot!”
Napahinto si Mia. Nanlamig ang buong katawan niya.
“Rafael, huwag,” bulong niya. “Parang awa mo na. Huwag mong idamay ang nanay ko.”
“Ah, ngayon nagmamakaawa ka?” Lumapit si Rafael at hinawakan ang baba ni Mia ng mahigpit. “Kanina, ang tapang mo, ah. Ngayon, takot ka na?”
“Bitiwan mo siya,” sabi ni Dante.
“Hindi!” sigaw ni Rafael. “Asawa ko siya! Akin siya! Kahit ayoko sa kanya, akin pa rin siya! At walang pwedeng kumuha sa kanya, kahit ikaw pa!”
Hinawakan ni Dante ang kamay ni Rafael at tinanggal ito sa baba ni Mia. “Nasasaktan mo siya.”
“Wala kang pakialam!”
“May pakialam ako!” sigaw ni Dante sa unang pagkakataon. “Dahil ako lang ang may pakialam sa kanya sa bahay na ‘to sakaniya”
To be continue
Mia's POVHindi ko gustong bumaba.Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako kumain. Hindi ako lumabas. Hindi ako nagbihis. Nakaupo lang ako sa sahig, yakap ang tuhod ko, nakatingin sa pintong sarado.Takot ako.Takot ako kay Rafael. Takot ako sa nangyari kagabi. Takot ako sa suntok ni Dante. Takot ako sa mga mata ni Rafael nang makita niya kaming magkasama sa kusina ng alas-dos ng madaling-araw.Alam ko kung anong mangyayari kapag bumaba ako. Sisisigawan niya ako. Pagagalitan niya ako. Sasabihin niya na naman na binili niya lang ako. Na wala akong karapatang magreklamo. Na katulong lang ako.At ang pinakanakakatakot sa lahat — baka totoo nga.Baka nga katulong lang talaga ako.Napatingin ako sa singsing ko. Ang bigat. Ang lamig. Hindi ko ito singsing ng pagmamahal. Singsing ito ng kontrata. Singsing ito ng pagkakautang ko.Isang taon. Isang taon na lang, matatapos na. Isang taon na lang, makakalaya na ako. Makakaalis na ako. Pero bakit parang ang haba-haba pa rin?Tok. Tok. Tok
Mia's povAlas-dose na ng gabi at hindi parin pamaatulog di mia dahil, paulit-ulit sa utak niya yung nangyari sa library. Yung lapit ng mukha ni Dante at ang init ng kamay nito sa pisngi niya yung sinabi nito.“Kung hindi niya kayang mahalin ka… ako ang gagawa.”Bumaba siya sa kusina para uminom ng tubig. Naka-pajama lang siya. Magulo ang buhok. Walang make-up. Pagod.Pero pagbukas niya ng ilaw, nandoon si Dante.Nakaupo sa mesa. May dalawang tasa ng kape.“Alam kong bababa ka,” sabi ni Dante. “Hindi ka rin makatulog, ‘di ba?”Napaupo si Mia sa tapat nito. “Ikaw din po pala.”“Hindi ako makatulog simula nang dumating ako dito,” sagot ni Dante. “Lalo na ngayon.”“Bakit po?”“Dahil iniisip ko kung tama ba ang ginagawa ko.” Tiningnan siya ni Dante. “Mia, gusto kong humingi ng tawad sa nangyari sa library. Hindi ko dapat ginawa yun. Asawa ka ng pamangkin ko.”Hindi sumagot si Mia. Tiningnan niya lang ang kape niya.“Pero hindi ako nagsisisi,” dagdag ni Dante. Mahina pero totoo. “Hindi ako
Mia's povKinabukasan si Rafael, umalis na naman at may text ito kay Mia kanina: “Huwag mo akong hintayin kay Celestine ako matutulog.”Isang linya lang wlang “ingat ka” at hind manlang ako tinanong “kumain ka na ba”.Sanay na si Mia. Pero ngayong gabi, iba. Hindi siya makatulog. Paulit-ulit sa utak niya ang boses ni Dante kaninang umaga.“Huwag mo siyang sigawan ulit sa harap ko.”“Dito ka kakain. Sa tabi ko.”Walang lalaki na nagsabi sa kanya noon. Kahit kailan.Kaya imbes na matulog, nagpunta siya sa library. Maliit na library sa dulo ng hallway. Doon lang siya pwedeng magtago na hindi siya hahanapin ni Rafael para utusan.Umupo siya sa sahig, sa sulok. May hawak siyang lumang libro. Hindi niya binabasa. Tinititigan lang niya.“ Hindi ka pa rin natutulog? ”Napatalon si Mia.Nakatayo sa pinto si Dante. Naka-white t-shirt lang ngayon. Walang suit. Mas mukha siyang tao. Mas mukha siyang… totoo.“T-Tito Dante! Pasensya na po. Aalis na po ako—”“Huwag,” sabi ni Dante. Pumasok ito at um
Mia's povNagising si Mia na may kumot sa katawan niya.Nagtaka siya. Kagabi, sa sahig siya ng kusina nakatulog. Ngayon, nasa kwarto na siya ng mga katulong. May kumot. May unan. At sa mesa, may mainit na lugaw at gamot para sa sugat niya sa kamay.Hindi si Manang Rosa ang naglagay nito. Alam niya. Si Manang Rosa, maaga pa lang, nasa palengke na.Sino?Bumaba siya ng dahan-dahan. Suot niya pa rin ang lumang damit niya kagabi. Ayaw niyang makita ni Rafael na late siya. Kapag late siya, hindi siya kakain.Pero pagdating niya sa dining area, nandoon na si Rafael.Nakaupo. Naka-coffee. Galit na galit ang mukha.At sa tapat nito, nakaupo si Dante. Kalma. Naka-black shirt. Nagbabasa ng dyaryo na parang wala siyang pakialam sa mundo.“MIA!” sigaw ni Rafael pagkapasok pa lang niya.Napatalon si Mia.“Bakit ngayon ka lang bumaba?! Anong oras na?! Nasaan ang almusal ko?!”“P-pasensya na, Rafael. Nag-ayos lang ako—”“Nag-ayos? Anong aayusin mo? Mukha ka pa ring basahan!” Tumayo si Rafael at hina
Mia's PovAlas-tres na ng madaling-araw.Tahimik ang buong mansion ng mga Montemayor, pero gising pa rin si Mia. Nakaupo siya sa sahig ng kusina, ang mga kamay niya ay nakababad sa malamig na tubig na may sabon. Sa harap niya, isang bundok ng pinggan. Mga pinggan mula sa party ni Rafael kanina.Party na hindi siya inimbitahan. Party sa sarili niyang bahay.Pinunasan niya ang pawis sa noo niya gamit ang likod ng kamay niya. Masakit na ang likod niya. Kanina pang alas-singko ng umaga siyang gising. Nagluto siya ng almusal, naglinis ng buong bahay, naglaba ng mga damit ni Rafael, namalengke, nagluto ulit ng tanghalian, naglinis ulit, at ngayon, naghuhugas pa rin.Ito ang buhay niya simula nang pumirma siya sa kontrata.Isang taon na ang nakalipas.Isang taon na siyang Mrs. Montemayor sa papel. Pero sa loob ng bahay na ito, isa lang siyang utusan.Naalala pa niya ang araw na pinirmahan niya ang kontrata. Umiiyak ang nanay niya sa ospital. Kailangan ng operasyon, dalawang milyon. Wala sila







