Partager

Chapter 3

Auteur: Lancelot
last update Date de publication: 2026-11-19 08:13:01

Mia's pov

Kinabukasan si Rafael, umalis na naman at may text ito kay Mia kanina: “Huwag mo akong hintayin kay Celestine ako matutulog.”

Isang linya lang wlang “ingat ka” at hind manlang ako tinanong “kumain ka na ba”.

Sanay na si Mia. Pero ngayong gabi, iba. Hindi siya makatulog. Paulit-ulit sa utak niya ang boses ni Dante kaninang umaga.

“Huwag mo siyang sigawan ulit sa harap ko.”

“Dito ka kakain. Sa tabi ko.”

Walang lalaki na nagsabi sa kanya noon. Kahit kailan.

Kaya imbes na matulog, nagpunta siya sa library. Maliit na library sa dulo ng hallway. Doon lang siya pwedeng magtago na hindi siya hahanapin ni Rafael para utusan.

Umupo siya sa sahig, sa sulok. May hawak siyang lumang libro. Hindi niya binabasa. Tinititigan lang niya.

“ Hindi ka pa rin natutulog? ”

Napatalon si Mia.

Nakatayo sa p***o si Dante. Naka-white t-shirt lang ngayon. Walang suit. Mas mukha siyang tao. Mas mukha siyang… totoo.

“T-Tito Dante! Pasensya na po. Aalis na po ako—”

“Huwag,” sabi ni Dante. Pumasok ito at umupo sa sahig, sa tapat niya. “Bakit ka nandito?”

“Hindi po ako makatulog.”

“Bakit?”

Napatingin si Mia sa libro niya. “Ewan ko po. Ang ingay po kasi sa utak ko.”

“Ano ang maingay?”

Tahimik si Mia. Ilang segundo bago siya sumagot. “Yung boses ni Rafael. Paulit-ulit niyang sinasabi na binili niya lang ako. Na wala akong halaga. Na katulong lang ako.”

Tiningnan siya ni Dante. “Naniniwala ka ba doon?”

“...Minsan po, oo.” Bulong ni Mia. “Kasi totoo naman po, ‘di ba? Pumirma ako dahil sa pera. Binenta ko ang sarili ko.”

“Hindi mo binenta ang sarili mo,” sabi ni Dante, mariin. “Ginawa mo ang lahat para sa nanay mo. Iba yun, Mia. Iba yun.”

“Pero bakit ganun?” Tumingin si Mia kay Dante, namumula na ang mata. “Bakit kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat? Nagluto ako. Naglinis ako. Hindi ako nagreklamo kahit isang beses. Pero bakit parang hindi pa rin ako tao sa paningin niya?”

“Hindi ikaw ang problema, Mia.” Lumapit ng konti si Dante. “Siya.”

“Paano niyo po nasabi?”

“Dahil nakita ko kung paano ka magtrabaho. Nakita ko kung paano ka mag-alaga. Kahit pagod ka na, inuuna mo pa rin ang iba.” Huminga si Dante ng malalim. “Mia, sa isang taon na nandito ka, may nagtanong na ba sa’yo kung kumain ka na? Kung pagod ka na? Kung okay ka pa?”

Umiling si Mia. Umiiyak na siya ulit.

“Ako, magtatanong ako ngayon,” sabi ni Dante. “Mia, okay ka pa ba?”

Umiling si Mia habang humahagulgol. “Hindi na po. Pagod na pagod na po ako, Tito Dante. Gusto ko na pong sumuko. Pero hindi ko po magawa. Kapag sumuko ako, mamamatay ang nanay ko.”

“Shh,” sabi ni Dante. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ni Mia. “Huwag kang sumuko. Nandito ako ngayon.”

“Bakit ka ba nandito?” tanong ni Mia. “Bakit mo ako tinutulungan? Kakakilala mo lang sa akin. Hindi mo ako obligasyon.”

Tiningnan siya ni Dante ng matagal. Yung tingin na parang tumatagos sa puso niya.

“Dahil simula nang dumating ako, ikaw lang ang totoo sa bahay na ‘to,” sagot nito. “Si Rafael, peke. Yung pagmamahal niya kay Celestine, peke. Yung buhay niya, peke. Pero ikaw… ikaw, totoo ka. At ayokong makita na sinisira nila ang isang totoong tao.”

Tahimik.

Ang lapit na nila sa isa’t isa. Amoy ni Mia ang pabango ni Dante. Amoy ng kape at ulan.

“Tito Dante,” bulong ni Mia. “Bawal ‘to.”

“Alam ko,” bulong din ni Dante.

“Asawa ako ng pamangkin mo.”

“Alam ko.”

“Kapag nalaman niya—”

“Hindi ako natatakot kay Rafael.”

Pinunasan ni Dante ang luha ni Mia gamit ang hinlalaki niya. Dahan-dahan. Parang takot siyang masaktan ito.

“Mia, tatanungin kita ng isang bagay,” sabi ni Dante. “At gusto kong maging totoo ka. Kung hindi ka nakatali sa kontrata, kung hindi ka natatakot, gusto mo pa bang manatili kay Rafael?”

Tiningnan ni Mia si Dante. Ang sagot, nasa dulo na ng dila niya. Pero natakot siyang sabihin.

“Hindi,” bulong niya sa wakas. “Hindi ko na siya mahal. Hindi ko na siya kailanman minahal. Tinanggap ko lang siya dahil kailangan ko siya.”

Tumango si Dante. “At ako? Kung ako ang mag-alaga sa’yo, kung ako ang magpoprotekta sa’yo… papayag ka ba?”

Nanlaki ang mata ni Mia. “Tito Dante—”

“Hindi kita pipilitin,” sabi agad ni Dante. “Pero gusto kong malaman mo. Hindi ka katulong. Hindi ka binili. Isa kang babae na dapat minamahal. At kung hindi niya kayang gawin yun… ako ang gagawa.”

At sa gabing iyon, sa gitna ng library, sa pagitan ng mga libro at katahimikan, dahan-dahang lumapit ang mukha ni Dante sa mukha ni Mia.

Isang pulgada na lang. Isang hininga na lang.

“Mia…”

“Tito…”

Pero bago pa maglapat ang mga labi nila—

“MIA!!!”

Boses ni Rafael mula sa baba. Galit. Lasing.

“MIA! NASAAN KA?! NASAN ANG GAMOT KO?!”

Biglang napaatras si Mia. Tumayo siya, nanginginig. “K-kailangan ko nang bumaba. Hinahanap niya ako.”

“Mia, huwag—”

“Pasensya na, Tito Dante,” sabi ni Mia, habang tumatakbo palabas. “Hindi ko pwedeng gawin ‘to. May kontrata ako. Asawa ako ni Rafael.”

Naiwan si Dante mag-isa sa library. Nakakuyom ang kamao. Galit sa sarili niya. Galit kay Rafael dahil alam niya… muntik na niya itong mahalikan.

To be continue

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Rafael's Contracted Wife   Chapter 5

    Mia's POVHindi ko gustong bumaba.Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Hindi ako kumain. Hindi ako lumabas. Hindi ako nagbihis. Nakaupo lang ako sa sahig, yakap ang tuhod ko, nakatingin sa pintong sarado.Takot ako.Takot ako kay Rafael. Takot ako sa nangyari kagabi. Takot ako sa suntok ni Dante. Takot ako sa mga mata ni Rafael nang makita niya kaming magkasama sa kusina ng alas-dos ng madaling-araw.Alam ko kung anong mangyayari kapag bumaba ako. Sisisigawan niya ako. Pagagalitan niya ako. Sasabihin niya na naman na binili niya lang ako. Na wala akong karapatang magreklamo. Na katulong lang ako.At ang pinakanakakatakot sa lahat — baka totoo nga.Baka nga katulong lang talaga ako.Napatingin ako sa singsing ko. Ang bigat. Ang lamig. Hindi ko ito singsing ng pagmamahal. Singsing ito ng kontrata. Singsing ito ng pagkakautang ko.Isang taon. Isang taon na lang, matatapos na. Isang taon na lang, makakalaya na ako. Makakaalis na ako. Pero bakit parang ang haba-haba pa rin?Tok. Tok. Tok

  • Rafael's Contracted Wife   Chapter 4

    Mia's povAlas-dose na ng gabi at hindi parin pamaatulog di mia dahil, paulit-ulit sa utak niya yung nangyari sa library. Yung lapit ng mukha ni Dante at ang init ng kamay nito sa pisngi niya yung sinabi nito.“Kung hindi niya kayang mahalin ka… ako ang gagawa.”Bumaba siya sa kusina para uminom ng tubig. Naka-pajama lang siya. Magulo ang buhok. Walang make-up. Pagod.Pero pagbukas niya ng ilaw, nandoon si Dante.Nakaupo sa mesa. May dalawang tasa ng kape.“Alam kong bababa ka,” sabi ni Dante. “Hindi ka rin makatulog, ‘di ba?”Napaupo si Mia sa tapat nito. “Ikaw din po pala.”“Hindi ako makatulog simula nang dumating ako dito,” sagot ni Dante. “Lalo na ngayon.”“Bakit po?”“Dahil iniisip ko kung tama ba ang ginagawa ko.” Tiningnan siya ni Dante. “Mia, gusto kong humingi ng tawad sa nangyari sa library. Hindi ko dapat ginawa yun. Asawa ka ng pamangkin ko.”Hindi sumagot si Mia. Tiningnan niya lang ang kape niya.“Pero hindi ako nagsisisi,” dagdag ni Dante. Mahina pero totoo. “Hindi ako

  • Rafael's Contracted Wife   Chapter 3

    Mia's povKinabukasan si Rafael, umalis na naman at may text ito kay Mia kanina: “Huwag mo akong hintayin kay Celestine ako matutulog.”Isang linya lang wlang “ingat ka” at hind manlang ako tinanong “kumain ka na ba”.Sanay na si Mia. Pero ngayong gabi, iba. Hindi siya makatulog. Paulit-ulit sa utak niya ang boses ni Dante kaninang umaga.“Huwag mo siyang sigawan ulit sa harap ko.”“Dito ka kakain. Sa tabi ko.”Walang lalaki na nagsabi sa kanya noon. Kahit kailan.Kaya imbes na matulog, nagpunta siya sa library. Maliit na library sa dulo ng hallway. Doon lang siya pwedeng magtago na hindi siya hahanapin ni Rafael para utusan.Umupo siya sa sahig, sa sulok. May hawak siyang lumang libro. Hindi niya binabasa. Tinititigan lang niya.“ Hindi ka pa rin natutulog? ”Napatalon si Mia.Nakatayo sa pinto si Dante. Naka-white t-shirt lang ngayon. Walang suit. Mas mukha siyang tao. Mas mukha siyang… totoo.“T-Tito Dante! Pasensya na po. Aalis na po ako—”“Huwag,” sabi ni Dante. Pumasok ito at um

  • Rafael's Contracted Wife   Chapter 2

    Mia's povNagising si Mia na may kumot sa katawan niya.Nagtaka siya. Kagabi, sa sahig siya ng kusina nakatulog. Ngayon, nasa kwarto na siya ng mga katulong. May kumot. May unan. At sa mesa, may mainit na lugaw at gamot para sa sugat niya sa kamay.Hindi si Manang Rosa ang naglagay nito. Alam niya. Si Manang Rosa, maaga pa lang, nasa palengke na.Sino?Bumaba siya ng dahan-dahan. Suot niya pa rin ang lumang damit niya kagabi. Ayaw niyang makita ni Rafael na late siya. Kapag late siya, hindi siya kakain.Pero pagdating niya sa dining area, nandoon na si Rafael.Nakaupo. Naka-coffee. Galit na galit ang mukha.At sa tapat nito, nakaupo si Dante. Kalma. Naka-black shirt. Nagbabasa ng dyaryo na parang wala siyang pakialam sa mundo.“MIA!” sigaw ni Rafael pagkapasok pa lang niya.Napatalon si Mia.“Bakit ngayon ka lang bumaba?! Anong oras na?! Nasaan ang almusal ko?!”“P-pasensya na, Rafael. Nag-ayos lang ako—”“Nag-ayos? Anong aayusin mo? Mukha ka pa ring basahan!” Tumayo si Rafael at hina

  • Rafael's Contracted Wife   Chapter 1

    Mia's PovAlas-tres na ng madaling-araw.Tahimik ang buong mansion ng mga Montemayor, pero gising pa rin si Mia. Nakaupo siya sa sahig ng kusina, ang mga kamay niya ay nakababad sa malamig na tubig na may sabon. Sa harap niya, isang bundok ng pinggan. Mga pinggan mula sa party ni Rafael kanina.Party na hindi siya inimbitahan. Party sa sarili niyang bahay.Pinunasan niya ang pawis sa noo niya gamit ang likod ng kamay niya. Masakit na ang likod niya. Kanina pang alas-singko ng umaga siyang gising. Nagluto siya ng almusal, naglinis ng buong bahay, naglaba ng mga damit ni Rafael, namalengke, nagluto ulit ng tanghalian, naglinis ulit, at ngayon, naghuhugas pa rin.Ito ang buhay niya simula nang pumirma siya sa kontrata.Isang taon na ang nakalipas.Isang taon na siyang Mrs. Montemayor sa papel. Pero sa loob ng bahay na ito, isa lang siyang utusan.Naalala pa niya ang araw na pinirmahan niya ang kontrata. Umiiyak ang nanay niya sa ospital. Kailangan ng operasyon, dalawang milyon. Wala sila

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status