Chapter: Kabanata 3“Kamusta ang paninirahan mo rito, Diana?” Napalingon ako kay Simon nang tanungin niya ako pagkalabas ko ng banyo. Katatapos ko lang maligo at siya ay nakahiga sa kama. Tipid akong ngumiti habang tinatanggal ang tuwalya sa basa kong buhok. “Maayos naman, minsan lang ay wala akong maisip na gawin..” Hindi siya nagsalita kaya tumingin ako sa kanya. Nakapikit lang pala siya, akala ko ay pinapanood niya ako. Gideon looks a lot like him, only Gideon is taller and with a better body build. Siguro ay dahil matanda na siya. May iilang strands ng puting buhok sa kanyang ulo ngunit malakas pa siya. Kaya niya pa ngang magbuhat ng mga mabibigat. Sa ilang linggo ko rito, hindi kami kailanman nagtabi sa higaan. Dito ako sa malapad na sofa natutulog, sapat na ito para sa’kin kumpara sa tinutulugan ko dati. Simon is very respectful. Hindi niya ako kailanman hinawakan kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Minsan ay kailangan niyang hawakan ang kamay ko, o kaya ay ako ang kakapit sa kanya tuwing
Last Updated: 2024-06-27
Chapter: Kabanata 2Kinabukasan ay nalaman kong umalis na si Gideon nang gabi. Inabala ko ang sarili ko sa mansyon na ito, tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Noong una ay pinagagalitan ako ni Simon ngunit wala na rin siyang nagawa. Hindi ako sanay nang wala akong ginagawa kaya’t pinilit kong abalahin ang sarili ko. Paminsan-minsan ay lumalabas ako at nagpupunta sa hardin nila. Hanggang sa hindi ko namamalayan na lumilipas na pala ang mga araw. “Madame, ako na ho ang bahala riyan,” sabi ni Elena at kinuha sa’kin ang basket ng mga mansanas para hugasan. Hinayaan kong kunin niya iyon at pinanood na lamang siya. Sa dalawang linggo ko rito ay naging malapit ang loob ko sa mga kasambahay. Madalas ay nakakakwentuhan ko sila. Sinabi nila sa’kin na hindi pala sa mansyon na ito nakatira si Gideon. He has his own house and barely goes here, maybe ten times a year. Tapos ay hindi pa nagtatagal. Sinabi rin nila na kasing yaman ni Simon ang anak, at siguradong mas magiging mayaman pa sa mga susunod na taon dahil
Last Updated: 2024-06-27
Chapter: Kabanata 1Abot langit ang kaba ko habang pinakikiramdaman ang pag-andar ng sasakyan na sinasakyan ko. Ilang taon na mula nang makita ko ang mundo sa labas ng farm kung saan ako nanirahan ng ilang taon. I was in second year college when a group of men entered our home. Binawian nila ng buhay ang mga magulang ko tapos ay kinuha ako, mula noon ay doon na ako sa farm na iyon nanirahan. Maraming naninirahan roon. Ang ilan ay halos ka-edad ko, karamihan ay mas bata pa sa’kin, bihira ang mga mas matanda sa’kin. Ang sabi nila ay dinala sila sa lugar na iyon dahil wala silang tirahan, hindi ko masabi na dinala ako roon matapos ang ginawa nila sa mga magulang ko. Pumikit ako ng mariin. Parang dinudurog pa rin ang puso ko tuwing naaalala ang mga nangyari ng gabing iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang motibo ng gumawa niyon sa pamilya namin, at ang dahilan kung bakit binuhay nila ako at dinala sa farm na iyon para maging alipin. Kasama ang mga iba pa. Somehow, I think it’s all because of o
Last Updated: 2024-06-27