LOGIN“Magandang umaga, madame Diana.”
“Magandang umaga,” bati ko pabalik kay Elena nang bumaba ako ngayong umaga. “Handa na po ang inyong tsaa.” Ngumiti ako. “Salamat, Elena, pero gusto ko sana sa labas mag-tsaa ngayon..” Tumango agad siya kaya nagtungo na ako sa may veranda. Umupo ako sa one-seater na sofa, pinatong naman ni Elena ang tsaa sa harapan ko. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, sa inuupuan ko ay halos nakikita na ang buong garden sa unahan. Naka-paikot ang mga halaman at puno sa buong mansyon kaya naman laging presko ang simoy ng hangin, ang amoy ng mga dahon at bulaklak ay nakakalat sa paligid. Nag-angat ako ng tingin kay Elena na nakatayo sa tabi ko, hinihintay na may i-utos ako. “Umupo ka muna sa tabi ko, para naman may makausap ako..” Napangiti siya at umupo sa katabing sofa, noong una ay hindi pa siya mapakali. Animo’y nag-iisip ng pwedeng ikwento sa’kin. Lihim akong napangiti habang sumisimsim sa tsaa, naaalala ko noon na ganyan ang mga kaibigan ko dati. Para silang hindi mapakali kapag walang ikinukwento. Napatigil ako sa pag-inom nang maaninag ang pagpasok ng Jeep Wrangler sa gate ng mansyon. Medyo malayu-layo pa iyon ngunit alam kong sasakyan iyon ni Gideon. “Oh, maaga pala umalis si sir Gideon ngayon…” Nang malapit na ay wala sa sarili na napaayos ako sa pagkakaupo. Diniretso ko ang likod ko at pasimple pa na hinawi ang mahaba kong buhok. Bakit ko ba ‘to ginagawa? Dinampot ko ang magazine sa lamesa at doon itinuon ang tingin. Sa gilid ng mata ko ay nakikita ko ang pagtigil ng sasakyan sa harapan namin, bumaba si Gideon. Agad na tumayo si Elena. “Magandang umaga, sir Gideon.” Sumulyap ako saglit at nakitang tumango siya at walang salita na pumasok sa loob. Ni hindi niya man lang ako nilingon. Umupo ulit si Elena at bumulong. “Nakakapanibago si sir Gideon, hindi naman kasi siya nagtatagal dito kahit noon pa. Minsan ay wala pa siyang isang araw dito noon…” Sinara ko ang magazine at sumimsim muli sa tsaa. Kahit hindi ko nakita ng maayos, alam kong hindi maganda ang timpla ni Gideon ngayon. Alam ko kapag gano’n siya. “Pero ang sabi ni Popoy ay may inaasikaso raw si sir Gideon na lupain dito..” Lumingon ako sa kanya. “Sa tingin mo ay magtatagal siya rito?” “Kung totoo ang sinasabi ni Popoy, sa tingin ko ay magtatagal siya…” Napabuntong-hininga ako. Nahihirapan ako kapag nandito si Gideon. Hindi ko na itatanggi iyon, hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. I missed him after all these years. Bukod sa magulang ko, isa siya sa mga iniisip ko lagi noon. I cry to sleep thinking about him. Naiwan ko siya ng biglaan at wala siyang kaalam-alam sa nangyari sa’kin noon. Inangat ko ang magazine para matakpan ang aking mukha, baka mapansin ni Elena ang namumuong luha sa mga mata ko. “Pero, madame, alam mo ba?” Lumapit sa’kin ng konti si Elena “Noong nakaraan daw na ipag-maneho ni Popoy si Sir ay may babae raw na kinita.” Naramdaman ko ang kung ano mang bumara sa lalamunan ko pero hindi ako lumingon sa kanya at nanatiling nakatitig sa magazine. “Sobrang ganda raw at halatang mayaman,” dagdag pa niya kaya tumaas ang isang kilay ko. “Pero kung iisipin ko ay dapat lang naman! Sa sobrang gwapo at yaman ni Sir, dapat ay gano’n din ang makatuluyan niya.” Naiinis ako. “Gano’n ba talaga ka-gwapo sa paningin mo si Gideon? Para sa’kin ay normal lang, di hamak na mas magandang lalaki si Simon.” Tumawa si Elena. “Magkamukha naman po sila! Pero para sa’kin ay iba ang dating ni sir Gideon, ang lakas ng séx appeal!” Totoo yan. “Hindi talaga,” pagtanggi ko at nakuha pang umiling. “Walang dating sa’kin si Gideon, siguro ay dahil mukha siyang playboy!” “Ay, sir!” Mabilis akong napaangat ng tingin nang tumayo si Elena, nandito na pala si Gideon at hindi ko man lang nakita na lumapit! Hindi niya ako tinitignan. Narinig niya kaya ‘yung sinabi ko? Pero sigurado akong narinig niya dahil medyo lumakas ang boses ko kanina dahil sa inis. “May kailangan po kayo, sir?” tanong ni Elena. Nakakunot ang noo ni Gideon. “I couldn’t contact Popoy, can you call him for me?” “Yes, sir!” Pumasok agad si Elena sa loob kaya’t naiwan kaming dalawa ni Gideon dito sa labas. Namawis ang mga palad ko. Ayokong naiiwan kaming dalawa na ganito. Sinara ko ang magazine at pinatong iyon sa lamesa, tumayo ako at akmang aalis na nang bigla siyang magsalita. “Did you enjoy bad mouthing me, Celestine?” Narinig niya nga! Kumunot ang noo ko at dumiretso sa paglalakad ngunit hinarangan niya ako, walang emosyon akong nag-angat ng tingin. “Bakit?” tanong ko. “Hindi mo ba ako narinig?” Tumaas ang kilay ko. “Ako ba ang kinakausap mo?” “We are the only ones here, aren’t we?” “Well, you are talking to someone called ‘Celestine’, right?” tanong ko. “That is not my name.” Nag-igting ang panga niya at malalim akong pinagmasdan, kinabahan ako dahil doon. Gusto ko nang umalis ngunit humakbang siya palapit sa’kin kaya’t napaatras ako hanggang sa mapaupo ulit ako sa sofa. Tumungo siya at pinatong ang magkabilang kamay sa mga armrest sa gilid ko. Mabilis na kumabog ng malakas ang dibdib ko. “Anong ginagawa mo?” kinakabahan kong tanong. “Celestine,” his voice was low. “Do you really think I’m a playboy?” Nag-init ang mukha ko. Nakakahiya na narinig niya ang pagsisinungaling ko kay Elena kanina! Mas nilapit niya ang mukha niya sa’kin kaya’t napasandal na ako sa sofa. Tumatama sa mukha ko ang bawat paghinga niya, pumapasok sa ilong ko ang mabango niyang hininga. “How dare you say that?” Kumunot ang noo niya. “I never laid my eyes on other women when we were together.” Napalunok ako at nag-iba ng tingin nang hindi ginagalaw ang ulo ko. Tinagilid niya ang ulo niya para habulin ang tingin ko. And when our eyes met again, I felt like I wanted to cry. “All I ever did was worship you, Celestine,” his voice was cold and raspy. “You were like a fuçking god to me.” Nag-init ang buong mukha ko, halos mapasinghap ako sa sinabi niya. Nanginginig na tinulak ko siya. “Lumayo ka sa’kin…” Hindi siya natinag kaya’t mas malakas ko siyang tinulak ngunit hindi pa rin siya gumagalaw. “Gideon, baka may makakita sa’tin at kung ano pa ang isipin!” “Celestine…” Frustrated akong pumikit. “Hindi ako si Celestine.” Hindi niya pinansin ang pagtanggi ko. “Do you really love my father?” “Yes,” walang pag-aalinlangan kong pagsisinungaling. Ilang sandaling katahimikin ang namagitan saming dalawa habang nakatitig sa isa’t isa. Halos marinig ko ang tibok ng puso namin pareho dahil sa sobrang tahimik. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa armrest sa magkabilang gilid ko. His biceps visibly hardened. Gumalaw ang panga at sentido niya, akala ko ay purong galit ang lilitaw sa mga mata niya ngunit mali ko. His eyes looked sad, and disappointed, and hurt, and hopeless. As if the world has turned its back on him. Parang pinipiga ang puso ko. Ito ang unang beses na nakita ko sa mata niya ang ganito. Does he still love me? After all these years that I left him, his feelings never changed? Shít, shít, shít. Pakiramdam ko’y maiiyak na ako ngunit ginagawa ko ang lahat para pigilan iyon, ayokong makita niya dahil malalaman niyang nagsisinungaling ako. Huminga siya ng malalim at mabagal na lumayo sa’kin, hindi na ako nagsayang pa ng oras, tumayo agad ako at nagmamadaling pumasok sa loob ng mansyon. “Madame!” Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Elena nang makasalubong ko siya, mabilis akong umakyat sa hagdan at pumasok ng kwarto namin ni Simon. Hindi ko pa naisasara ng tuluyan ang pinto ay lumabas na ang hikbi mula sa’kin, napatakip ako sa bibig ko upang walang makarinig sa’kin. Napasandal ako sa pinto at napaupo sa sahig habang tahimik na umiiyak.“Magandang umaga, madame Diana.”“Magandang umaga,” bati ko pabalik kay Elena nang bumaba ako ngayong umaga.“Handa na po ang inyong tsaa.”Ngumiti ako. “Salamat, Elena, pero gusto ko sana sa labas mag-tsaa ngayon..”Tumango agad siya kaya nagtungo na ako sa may veranda. Umupo ako sa one-seater na sofa, pinatong naman ni Elena ang tsaa sa harapan ko.Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, sa inuupuan ko ay halos nakikita na ang buong garden sa unahan. Naka-paikot ang mga halaman at puno sa buong mansyon kaya naman laging presko ang simoy ng hangin, ang amoy ng mga dahon at bulaklak ay nakakalat sa paligid.Nag-angat ako ng tingin kay Elena na nakatayo sa tabi ko, hinihintay na may i-utos ako. “Umupo ka muna sa tabi ko, para naman may makausap ako..”Napangiti siya at umupo sa katabing sofa, noong una ay hindi pa siya mapakali. Animo’y nag-iisip ng pwedeng ikwento sa’kin.Lihim akong napangiti habang sumisimsim sa tsaa, naaalala ko noon na ganyan ang mga kaibigan ko dati. Para silang
Mula sa binabasang libro ay umangat ang tingin ko nang tawagin ako ni Simon. Nandito kami ngayon sa library sa mansyon, nang dumating siya kanina ay dito kami dumiretso. Sinabi niya na aalis din agad siya at may kukunin lamang.“Bakit?”“Mayroon bang naghihinala?”Kumunot ang noo ko. “Saan?”“Sa kasal natin.”Hindi agad ako nakasagot. Isinara ko ang libro at ipinatong iyon sa lamesa, dahil sa tagal kong sumagot ay lumingon siya sa’kin.Matagal ko siyang pinagmasdan. Simon reminds me of that actor Keanu Reeves. Hindi dahil sa magkamukha sila, kundi dahil sa kabila ng edad ay malakas pa rin at maganda pa rin ang pangangatawan. Naikuwento sa’kin ni Belinda na marami pa rin ang humahanga sa Don.He is sixty-three, and looks as if he is in his forties. Parang siya ‘yung mga napapanood sa telebisyon. A handsome distinguished gentleman, that you couldn’t help but respect.“Si Gideon…” sagot ko pagkaraan.Tumawa siya. “Naiintindihan ko ang paghihinala niya, Diana. Mula nang mamatay ang kanya
Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kaninang umaga habang nag-aalmusal ay narinig ko ang pagbibilin ni Susan kay Elena na pumunta sa bayan upang mamili ng mga sangkap para sa lulutuin ngayong tanghalian.Naisipan kong sumama. Wala rin naman akong ginagawa at nababagot na talaga ako, si Simon ay lagi rin namang wala dahil sa kanyang negosyo.“Mada’am!” bati ni Elena pagkakita niya sa’kin, pinagmasdan niya ang suot kong kulay dilaw na sundress, lumagpas iyon sa aking tuhod.“Bakit? May mali ba sa suot ko?”“Wala naman po,” ngumiti siya. “Nagtataka lang ako na sobrang ganda niyo ngunit masyado kang simple kung manamit.”Ngumuso ako. “Sa bayan lang naman tayo pupunta.”“Naku, sabagay! Mas maganda na iyan nang hindi ka masyadong mapansin ng mga lalaki roon!” Napailing na lang ako at tuluyan nang lumabas ng mansyon, nagulat ako nang makita si Gideon na nakatayo roon na kausap ang driver na si Popoy. Suot niya ang puting shirt na tamang-tama lamang sa kanyang k
“Kamusta ang paninirahan mo rito, Diana?” Napalingon ako kay Simon nang tanungin niya ako pagkalabas ko ng banyo. Katatapos ko lang maligo at siya ay nakahiga sa kama. Tipid akong ngumiti habang tinatanggal ang tuwalya sa basa kong buhok. “Maayos naman, minsan lang ay wala akong maisip na gawin..” Hindi siya nagsalita kaya tumingin ako sa kanya. Nakapikit lang pala siya, akala ko ay pinapanood niya ako. Gideon looks a lot like him, only Gideon is taller and with a better body build. Siguro ay dahil matanda na siya. May iilang strands ng puting buhok sa kanyang ulo ngunit malakas pa siya. Kaya niya pa ngang magbuhat ng mga mabibigat. Sa ilang linggo ko rito, hindi kami kailanman nagtabi sa higaan. Dito ako sa malapad na sofa natutulog, sapat na ito para sa’kin kumpara sa tinutulugan ko dati. Simon is very respectful. Hindi niya ako kailanman hinawakan kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Minsan ay kailangan niyang hawakan ang kamay ko, o kaya ay ako ang kakapit sa kanya tuwing
Kinabukasan ay nalaman kong umalis na si Gideon nang gabi. Inabala ko ang sarili ko sa mansyon na ito, tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Noong una ay pinagagalitan ako ni Simon ngunit wala na rin siyang nagawa. Hindi ako sanay nang wala akong ginagawa kaya’t pinilit kong abalahin ang sarili ko. Paminsan-minsan ay lumalabas ako at nagpupunta sa hardin nila. Hanggang sa hindi ko namamalayan na lumilipas na pala ang mga araw. “Madame, ako na ho ang bahala riyan,” sabi ni Elena at kinuha sa’kin ang basket ng mga mansanas para hugasan. Hinayaan kong kunin niya iyon at pinanood na lamang siya. Sa dalawang linggo ko rito ay naging malapit ang loob ko sa mga kasambahay. Madalas ay nakakakwentuhan ko sila. Sinabi nila sa’kin na hindi pala sa mansyon na ito nakatira si Gideon. He has his own house and barely goes here, maybe ten times a year. Tapos ay hindi pa nagtatagal. Sinabi rin nila na kasing yaman ni Simon ang anak, at siguradong mas magiging mayaman pa sa mga susunod na taon dahil
Abot langit ang kaba ko habang pinakikiramdaman ang pag-andar ng sasakyan na sinasakyan ko. Ilang taon na mula nang makita ko ang mundo sa labas ng farm kung saan ako nanirahan ng ilang taon. I was in second year college when a group of men entered our home. Binawian nila ng buhay ang mga magulang ko tapos ay kinuha ako, mula noon ay doon na ako sa farm na iyon nanirahan. Maraming naninirahan roon. Ang ilan ay halos ka-edad ko, karamihan ay mas bata pa sa’kin, bihira ang mga mas matanda sa’kin. Ang sabi nila ay dinala sila sa lugar na iyon dahil wala silang tirahan, hindi ko masabi na dinala ako roon matapos ang ginawa nila sa mga magulang ko. Pumikit ako ng mariin. Parang dinudurog pa rin ang puso ko tuwing naaalala ang mga nangyari ng gabing iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang motibo ng gumawa niyon sa pamilya namin, at ang dahilan kung bakit binuhay nila ako at dinala sa farm na iyon para maging alipin. Kasama ang mga iba pa. Somehow, I think it’s all because of o







