Share

Kabanata 4

Author: eimereen
last update Last Updated: 2025-07-30 18:47:47

Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kaninang umaga habang nag-aalmusal ay narinig ko ang pagbibilin ni Susan kay Elena na pumunta sa bayan upang mamili ng mga sangkap para sa lulutuin ngayong tanghalian.

Naisipan kong sumama. Wala rin naman akong ginagawa at nababagot na talaga ako, si Simon ay lagi rin namang wala dahil sa kanyang negosyo.

“Mada’am!” bati ni Elena pagkakita niya sa’kin, pinagmasdan niya ang suot kong kulay dilaw na sundress, lumagpas iyon sa aking tuhod.

“Bakit? May mali ba sa suot ko?”

“Wala naman po,” ngumiti siya. “Nagtataka lang ako na sobrang ganda niyo ngunit masyado kang simple kung manamit.”

Ngumuso ako. “Sa bayan lang naman tayo pupunta.”

“Naku, sabagay! Mas maganda na iyan nang hindi ka masyadong mapansin ng mga lalaki roon!”

Napailing na lang ako at tuluyan nang lumabas ng mansyon, nagulat ako nang makita si Gideon na nakatayo roon na kausap ang driver na si Popoy. Suot niya ang puting shirt na tamang-tama lamang sa kanyang katawan, nakakunot ang noo niya habang nasa bewang ang mga kamay.

Hindi ko maiwasan ang paglandas ng mata ko sa kanyang kabuuan. He looked taller. Mas matangkad at matipuno talaga siya kumpara sa naaalala ko noon. Fiercer and more intimidating.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang lumingon siya sa’kin habang nagsasalita. Kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi ko makalimutan ang naging pag-uusap namin kagabi.

Siguradong-sigurado siya na ako si Celestine kahit anong pagtanggi ang gawin ko kaya’t pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako aamin.

Kailangan ko rin mag-ingat at maging sweet kay Simon kapag nandyan siya.

Naramdaman ko na sinundan niya ako ng tingin nang malagpasan ko sila, narinig ko ang pagtawag niya kay Elena kaya’t pinigilan ko ang mapalingon.

“Mada’am!” napalingon ako sa pagtawag ni Elena pagkatapos nilang mag-usap, nagulat ako nang makitang nandoon pa rin si Gideon at nakatingin sa’kin.

Napalunok ako. “Bakit?”

“Sabi ni sir Gideon ay magpahatid na raw tayo kay Popoy sa bayan..”

“Hindi na,” mabilis kong sagot kaya’t nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Gideon, pinigilan ko ang sarili kong lumingon ng husto sa kanya.

“Bakit po, mada’am? Mainit pa naman!”

“Hindi na, gusto kong gumala, diba?”

Napakamot si Elena at nilingon si Gideon na tumalikod na. Huminga ako ng malalim at naglakad na palabas.

Maraming tao sa siyudad, lalo na sa palengke. Mabuti na lang talaga ay kabisado ni Elena ang lugar dahil masyadong malaki iyon, alam niya rin kung saan pupunta para bilhin ang mga bagay-bagay.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang kumpol ng mga handmade bracelets.

“Hi, ganda! Bili ka na, singkwenta lang ang isa! Pili ka lang!” sabi ng tindera.

Ngumiti ako at namili, dalawa ang napili ko tapos ay tiningnan ko si Elena para siya ang magbayad. Wala nga pala akong dalang pera.

Napangiwi ako. “Nakalimutan kong wala akong dalang pera, babayaran kita mamaya…”

“Ayos lang ‘yon, mada’am! Galing din naman kay sir Gideon itong pera!”

“Bakit ka niya binigyan ng pera?”

“Ganoon na po talaga siya noon pa man tuwing nandito siya, nagbibigay siya ng pera para sa pagkain ng buong araw..”

“Diba’t nagbibigay naman si Simon?”

Tumango siya. “Opo, at sobra-sobra pa nga. Hindi ko alam kay sir Gideon! Pero kung iisipin mo ay barya lang naman iyon sa kanya..”

Hindi na ako nagsalita at tumango na lang. Nahagip ng mata ko ang mga bestidang nakasabit sa isang rack kaya’t napatigil ako sa paglalakad. Hinaplos ko ‘yon at na-engganyo naman ako dahil malamig ang tela sa balat.

“Hi, ganda! Bagay na bagay ito sa iyo! Maraming iba’t-ibang kulay!” sabi ng tindera.

Ngumuso ako at nagsimulang pumili, si Elena ay nasa likuran ko lamang habang nililibot ang tingin sa paligid.

“Mada’am, pakibilisan na lang. Parang kinakabahan ako!” bulong niya.

Na-alarma naman ako at napabaling sa kanya. “Bakit?”

“Masyadong maraming nakatingin sa iyo! Kung may mambastos sayo rito ay hindi kita kayang protektahan..”

Natawa ako at napailing. Pumili ako ng limang bestidang iba-iba ang kulay tapos ay pinagbayad ko si Elena. Babayaran ko naman iyon pagbalik sa mansyon.

“Hi, ma’am! Napakaganda mo! Hinahanap ko ang camera kanina, akala ko ay artista!”

Matipid akong ngumiti sa tindera. “Salamat.”

Hindi ko alam kung gaano karaming store ang nakita ko sa syudad at kung gaano ang naipamili ko. Medyo nagsisisi na tuloy ako na hindi ako pumayag na ihatid kami ni Popoy.

Pawis na rin kaming dalawa ni Elena kaya’t niyaya ko na siyang bumalik sa mansyon. Sinalubong ako ni Popoy at agad na kinuha ang mga hawak ko.

“Naku, mada’am! Dapat ho talaga ay pumayag kang ihatid ko kayo…”

“It’s okay, hindi naman mabigat…”

Sinundan ko siya ng tingin papasok sa loob bago ako pumikit at napahawak sa noo habang pumapasok sa loob. Nahihilo ako dahil sa init. Noong sa farm ako nakatira ay nasanay ako sa ganito ngunit ngayon ay naninibago na naman ang katawan ko.

Napadilat ako ng mata nang may mabangga ako. Mabilis akong napaangat ng tingin nang makitang si Gideon iyon, agad na pumasok ang panlalaki niyang amoy sa ilong ko.

Holy! He never changed his perfume!

“Your father will be distressed if he sees his princess like this,” aniya sa sarkastikong tono.

Hindi ako nakasagot. Hindi niya alam ang nangyari sa pamilya ko. Akala niya ay buhay pa ang mga ito, hindi niya alam kung bakit bigla akong nawala noon.

Nag-iwas ako ng tingin at nilagpasan siya. “Wala ako sa mood na makipag-talo sa’yo.”

“Why?” his voice was low and somehow mad. “Natatakot kang may makarinig sa’tin? Bakit hindi ka na lang umamin para hindi ka nahihirapan, Celestine?”

Inis na nilingon ko siya. “Wala akong alam sa sinasabi mo, Gideon! Hindi ako ang babaeng inaakala mo! Ni hindi kita kilala bago ko pinakasalan ang ama mo kaya’t tigilan mo na ang pag-aakusa sa’kin!”

Nag-igting ang panga niya at humakbang palapit sa’kin hanggang sa halos magdikit na ang katawan namin. Sinalubong ko ang galit niyang mata, ang bilis ng paghinga ko. Lalo akong nahihilo at lalo akong naiinis dahil pinahihirapan niya ako sa pagpapanggap!

Hindi niya inaalis ang titig niya sa’kin kahit na galit ang mga mata niya. He watched my face, tracing every part. Thinking. As if trying to analyse if it’s really me.

Hindi ko na kinaya. Nagbaba ako ng tingin, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil pakiramdam ko’y maiiyak ako. Tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang dati.

My luxurious life, fame, my friends, my family.. all of those are gone. Parang si Gideon na lang ang natitira sa lahat ng bagay na naging parte ng buhay ko noon. And I couldn’t help but self-pity whenever I see him.

Mabilis ko siyang tinalikuran nang maramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko, halos tumakbo na ako paakyat dahil ayokong mahabol pa niya ako.

Naligo ako bago ako humiga sa higaan. Hindi ko alam kung bakit sumama bigla ang pakiramdam ko kaya’t di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nang marinig ang pagkatok ni Elena sa pinto.

“Bukas ‘yan..”

Mabagal na bumukas ang pinto at pumasok si Elena, napatakip siya sa bibig nang makita ako.

Dinikit niya ang likod ng palad niya sa noo ko. “Hala, mada’am! Tama nga si Sir Gideon at may sinat ka!”

Kumunot ang noo ko. “Wala akong sakit, Elena. Baka nabigla lang ako kanina dahil sa dami ng tao sa bayan..”

Pinagmasdan niya ako ng mabuti at maya-maya ay napatakip na naman sa bibig, ngayon ay dalawang kamay naman. “Hala, mada’am!”

“Bakit?”

“Hindi kaya’t buntis ka?”

Halos mabulunan ako sa sinabi niya. Imposibleng mangyari iyon dahil wala naman nangyayari sa’min ni Simon, ni hindi nga kami nagtatabi sa higaan.

Ngunit hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kanya.

“Sana ay hindi…” sambit ko.

“Bakit, mada’am?” aniya habang inaalalayan akong umupo. “Hindi ka pa ba handa?”

“Hindi naman sa gano’n, sa tingin ko lang ay masyado pang maaga dahil bago lang kami na kinasal ni Simon…” saad ko. Nataranta naman ako nang makitang nakatitig siya sa’kin kaya’t nagsalita ulit ako. “Pero kung sakali man na buntis na ako ay tatanggapin ko ng buong puso…”

Tumango-tango siya at malawak na ngumiti. Para bang nae-excite siyang isipin ang magiging pagbubuntis ko. Ngunit hindi niya alam na malabo talaga iyon.

“Handa na pala ang pagkain, mada’am. Pagkatapos ay kailangan mo po na uminom ng gamot.”

“Ayos lang talaga ako, Elena,” sabi ko at humiga ulit. “Sa tingin ko ay kailangan ko lang ng pahinga kaya’t iwan mo na lang muna ako.”

Tumango na lang siya na napapakamot sa ulo bago lumabas ng kwarto. Nakatulog na naman ako. Nagising na lang ulit ako matapos ng dalawang oras.

Naghilamos ako at bumangon. Pababa pa lamang ako ng hagdan ay sakto naman ang pagpasok ni Simon sa pinto. Nakarating na pala siya.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nandoon ang mga kasambahay… at si Gideon na nakatayo malapit sa kusina habang umiinom ng tubig.

Huminga ako ng malalim at malawak na ngumiti, binilisan ko ang lakad ko at sinalubong si Simon.

“You’re home!” maligayang sabi ko. Medyo nilakasan ko talaga upang marinig nila.

Kumunot ang noo ni Simon at mukhang alam na niya ang gagawin dahil ginantihan niya ang yakap na ginawa ko habang tumatawa.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatayo pa rin doon si Gideon kaya’t hindi ako nakuntento at hinalikan si Simon sa pisngi.

Humalakhak si Simon at nilingon si Gideon. “It feels good to have a lovely wife waiting for me.”

Humawak ako sa braso ni Simon habang paakyat kami sa taas. Pasimple akong bumaling ng tingin kay Gideon at nasalubong ang malamig niyang mga mata.

Halos mapasinghap ako sa kaba. Kilalang-kilala ko si Gideon, when his eyes looked like that, that means he’s pissed.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ILLICIT AFFAIR   Kabanata 6

    “Magandang umaga, madame Diana.”“Magandang umaga,” bati ko pabalik kay Elena nang bumaba ako ngayong umaga.“Handa na po ang inyong tsaa.”Ngumiti ako. “Salamat, Elena, pero gusto ko sana sa labas mag-tsaa ngayon..”Tumango agad siya kaya nagtungo na ako sa may veranda. Umupo ako sa one-seater na sofa, pinatong naman ni Elena ang tsaa sa harapan ko.Nilibot ko ang tingin sa buong paligid, sa inuupuan ko ay halos nakikita na ang buong garden sa unahan. Naka-paikot ang mga halaman at puno sa buong mansyon kaya naman laging presko ang simoy ng hangin, ang amoy ng mga dahon at bulaklak ay nakakalat sa paligid.Nag-angat ako ng tingin kay Elena na nakatayo sa tabi ko, hinihintay na may i-utos ako. “Umupo ka muna sa tabi ko, para naman may makausap ako..”Napangiti siya at umupo sa katabing sofa, noong una ay hindi pa siya mapakali. Animo’y nag-iisip ng pwedeng ikwento sa’kin.Lihim akong napangiti habang sumisimsim sa tsaa, naaalala ko noon na ganyan ang mga kaibigan ko dati. Para silang

  • ILLICIT AFFAIR   Kabanata 5

    Mula sa binabasang libro ay umangat ang tingin ko nang tawagin ako ni Simon. Nandito kami ngayon sa library sa mansyon, nang dumating siya kanina ay dito kami dumiretso. Sinabi niya na aalis din agad siya at may kukunin lamang.“Bakit?”“Mayroon bang naghihinala?”Kumunot ang noo ko. “Saan?”“Sa kasal natin.”Hindi agad ako nakasagot. Isinara ko ang libro at ipinatong iyon sa lamesa, dahil sa tagal kong sumagot ay lumingon siya sa’kin.Matagal ko siyang pinagmasdan. Simon reminds me of that actor Keanu Reeves. Hindi dahil sa magkamukha sila, kundi dahil sa kabila ng edad ay malakas pa rin at maganda pa rin ang pangangatawan. Naikuwento sa’kin ni Belinda na marami pa rin ang humahanga sa Don.He is sixty-three, and looks as if he is in his forties. Parang siya ‘yung mga napapanood sa telebisyon. A handsome distinguished gentleman, that you couldn’t help but respect.“Si Gideon…” sagot ko pagkaraan.Tumawa siya. “Naiintindihan ko ang paghihinala niya, Diana. Mula nang mamatay ang kanya

  • ILLICIT AFFAIR   Kabanata 4

    Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kaninang umaga habang nag-aalmusal ay narinig ko ang pagbibilin ni Susan kay Elena na pumunta sa bayan upang mamili ng mga sangkap para sa lulutuin ngayong tanghalian.Naisipan kong sumama. Wala rin naman akong ginagawa at nababagot na talaga ako, si Simon ay lagi rin namang wala dahil sa kanyang negosyo.“Mada’am!” bati ni Elena pagkakita niya sa’kin, pinagmasdan niya ang suot kong kulay dilaw na sundress, lumagpas iyon sa aking tuhod.“Bakit? May mali ba sa suot ko?”“Wala naman po,” ngumiti siya. “Nagtataka lang ako na sobrang ganda niyo ngunit masyado kang simple kung manamit.”Ngumuso ako. “Sa bayan lang naman tayo pupunta.”“Naku, sabagay! Mas maganda na iyan nang hindi ka masyadong mapansin ng mga lalaki roon!” Napailing na lang ako at tuluyan nang lumabas ng mansyon, nagulat ako nang makita si Gideon na nakatayo roon na kausap ang driver na si Popoy. Suot niya ang puting shirt na tamang-tama lamang sa kanyang k

  • ILLICIT AFFAIR   Kabanata 3

    “Kamusta ang paninirahan mo rito, Diana?” Napalingon ako kay Simon nang tanungin niya ako pagkalabas ko ng banyo. Katatapos ko lang maligo at siya ay nakahiga sa kama. Tipid akong ngumiti habang tinatanggal ang tuwalya sa basa kong buhok. “Maayos naman, minsan lang ay wala akong maisip na gawin..” Hindi siya nagsalita kaya tumingin ako sa kanya. Nakapikit lang pala siya, akala ko ay pinapanood niya ako. Gideon looks a lot like him, only Gideon is taller and with a better body build. Siguro ay dahil matanda na siya. May iilang strands ng puting buhok sa kanyang ulo ngunit malakas pa siya. Kaya niya pa ngang magbuhat ng mga mabibigat. Sa ilang linggo ko rito, hindi kami kailanman nagtabi sa higaan. Dito ako sa malapad na sofa natutulog, sapat na ito para sa’kin kumpara sa tinutulugan ko dati. Simon is very respectful. Hindi niya ako kailanman hinawakan kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Minsan ay kailangan niyang hawakan ang kamay ko, o kaya ay ako ang kakapit sa kanya tuwing

  • ILLICIT AFFAIR   Kabanata 2

    Kinabukasan ay nalaman kong umalis na si Gideon nang gabi. Inabala ko ang sarili ko sa mansyon na ito, tumutulong ako sa mga gawaing bahay. Noong una ay pinagagalitan ako ni Simon ngunit wala na rin siyang nagawa. Hindi ako sanay nang wala akong ginagawa kaya’t pinilit kong abalahin ang sarili ko. Paminsan-minsan ay lumalabas ako at nagpupunta sa hardin nila. Hanggang sa hindi ko namamalayan na lumilipas na pala ang mga araw. “Madame, ako na ho ang bahala riyan,” sabi ni Elena at kinuha sa’kin ang basket ng mga mansanas para hugasan. Hinayaan kong kunin niya iyon at pinanood na lamang siya. Sa dalawang linggo ko rito ay naging malapit ang loob ko sa mga kasambahay. Madalas ay nakakakwentuhan ko sila. Sinabi nila sa’kin na hindi pala sa mansyon na ito nakatira si Gideon. He has his own house and barely goes here, maybe ten times a year. Tapos ay hindi pa nagtatagal. Sinabi rin nila na kasing yaman ni Simon ang anak, at siguradong mas magiging mayaman pa sa mga susunod na taon dahil

  • ILLICIT AFFAIR   Kabanata 1

    Abot langit ang kaba ko habang pinakikiramdaman ang pag-andar ng sasakyan na sinasakyan ko. Ilang taon na mula nang makita ko ang mundo sa labas ng farm kung saan ako nanirahan ng ilang taon. I was in second year college when a group of men entered our home. Binawian nila ng buhay ang mga magulang ko tapos ay kinuha ako, mula noon ay doon na ako sa farm na iyon nanirahan. Maraming naninirahan roon. Ang ilan ay halos ka-edad ko, karamihan ay mas bata pa sa’kin, bihira ang mga mas matanda sa’kin. Ang sabi nila ay dinala sila sa lugar na iyon dahil wala silang tirahan, hindi ko masabi na dinala ako roon matapos ang ginawa nila sa mga magulang ko. Pumikit ako ng mariin. Parang dinudurog pa rin ang puso ko tuwing naaalala ang mga nangyari ng gabing iyon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang motibo ng gumawa niyon sa pamilya namin, at ang dahilan kung bakit binuhay nila ako at dinala sa farm na iyon para maging alipin. Kasama ang mga iba pa. Somehow, I think it’s all because of o

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status