“HERE, take a sip.”Hindi man lang tinapunan ng sulyap ni Jade ang inumin na inilahad ni Mark dahil nakatuon ang buong atensiyon niya sa hawak na asul na folder.Naglalaman iyon ng mga personal information ng naging pasyente niya na nagngangalang Yolly Del Villa na nakunan dahil sa pambubugbog ng ka-live in nito.“Fate must be playing with us. Am I not that kind of woman na karapat-dapat seryosohin? I mean, this is my first time. Naging tutok ako sa pag-aaral, pamilya, pangarap at trabaho. Don’t I deserve to be happy? Masaya na ako.” Muli siyang napahagulhol. “Sa unang pagkakataon, I longed to be loved by someone na pinili ng puso ko. Pero, bakit naman naging bokya agad?”“Baka hindi lang talaga kayo ang nakalaan para sa isa’t isa.”Pinahid niya ang mga luha. “Sinasabi mo ba na kami ‘yong pinagtagpo, pero hindi itinadhana?” She smirked, “Saklap naman! I was really hoping for a happily-ever-after.”“Stop this drama, okay? Wala na rin namang magbabago kahit maubusan ka pa ng luha sa kai
EKSAKTONG pagkulimlim ng kalangitan ay nakaparada na ang sasakyan ni Miko sa tapat ng ospital. Nanatili lang siya sa loob habang nakatitig sa larawang nasa hawak na cellphone.Kinuha niya sa bulsa ng suot na pantalon ang pulang kahon at saka binuksan iyon. Naroon ang isang kumikinang na singsing na kanyang ibibigay mamaya sa oras na makaharap si Jade.Buo ang paniniwala ng binata na positibo ang makukuha niyang sagot, umulan man o umaraw. No season can stop their love.Kahit na ilang buwan pa lamang sila na magkakilala ay sigurado siyang pareho lang sila ng nararamdaman.And he'll fight for it no matter what, at all costs."Forget everything, not Jade. Please forget everything, not Jade. Please, not her. Huwag kang mawawala sa isip ko. Not you, Jade. Stay in my memory. Do not forget her." He recited the words like a mantra. “Forget everything, not Jade. Forget everything, not Jade.”Humigpit ang hawak niya sa cellphone habang sa kabila ng kamay ay ikinulong naman ang singsing. He is s
HATID-TANAW ni Jade ang papalayong sina Mark at Janikka. Pinahaba niya ang leeg sa pagsuyod sa labas at paligid ng ospital. May gusto hanapin at makita ang kanyang mga nasasakit na mata."Hindi ba siya pupunta rito ngayong araw? Haist!" buntong-hininga niya nang makaramdam siya ng tamlay at pagkadismaya. "Naiinggit tuloy ako.""Bakit ka naman maiinggit?"Sumalubong sa paglingon ni Jade ang isang matipunong dibdib. Mabilis siyang napaangat ng mukha. "Oh!" gulat niyang bulalas nang bumungad si Miko na agad niyakap ang baywang niya bago pa man siya nakaatras dahil sa halos pagkadikit niya rito."Nanggaling lang ako sa restroom. Tatawagan na sana kita nang makita kita. May iba ka bang hinihintay na manliligaw?""Wala, 'no?" Humiwalay siya sa binata dahil sa tinginan ng mga tao partikular na ang mga staff. "Bakit nandito ka?""Malakas ang pakiramdam ko na may maghihintay sa akin dito. Hindi na nga ako halos nakatulog dahil iniisip niya rin yata ako.""Sino naman 'yon?"Bahagya itong yumuko
"AYOKO nang makita ka kahit kailan! Labas!"Napasulyap muna kina Mark at Jade ang itinaboy na lalaki bago ito nakayukong lumabas ng silid."Misis...""Hindi pa kami kasal!" singhal ng pasyente na namatayan ng limang buwan na sanggol sa sinapupunan. "At tama lang na hindi ko siya pinakasalan!""Naiintindihan po namin ang pinagdadaanan mo," singit ni Jade matapos senyasan ang kaibigan na ipaubaya na lang sa kanya ang pakikipag-usap. "Every mother has the right to get mad when it concerns about their child or children.""Isa ka na bang ina, doc?""No.""Paano mo ako naiintindihan kung hindi ka pa pala isang magulang?""I don't need to be a mother to know your pain, ma'am. Pero lahat ng babae ay alam ang sakit na nararamdaman ng inang nawalan ng anak."Sandaling namayani sa buong silid ang katahimikan. Nanatili lang sa kinatatayuan si Mark na piniling makinig kaysa ang sumingit. Inukupa naman ni Jade ang upuan sa tabi ng higaan."Napakasuwerte ng anak mo dahil nagkaroon siya ng ina na tul
"BAKIT naman para kang nalugi ng milyones diyan?"Sinundan ng matalim na tingin ni Mark ang pag-upo ni Jade sa harapan ng kanyang puwesto. Kasalukuyan sila ngayong nasa cafeteria.Hindi na sila nakapag-usap kagabi dahil si Miko ang naghatid dito. At sa halos buong oras nila sa Manila Bay ay hindi man lang naghiwalay ang dalawa. Kaya hindi na siya nakakuha ng pagkakataon para sermunan ito."Talagang nagtanong ka pa?"Hindi pinansin ni Jade ang paghampas ni Mark sa mesa. Itinuon nito ang tingin at atensiyon sa tangan na pagkain."Gusto mo ba akong maakusahan at makasuhan ng child abuse, ha?""Dalaga na si Janikka.""Sinabi niya rin iyan. Pero malayo ang agwat ng edad namin.""Hindi naman masyadong malayo ang six years.""Bata pa siya!""Graduating na siya at nagpupursige na sumunod sa propesyon natin."Bumagsak ang mga balikat ni Mark."O, bakit?" puna ni Jade nang mapansin nito ang naging reaksiyon ng kaibigan. "Hindi ba dapat matuwa ka? Kaya ka nagtuturo paminsan-minsan sa mga univers
"WALANG nabanggit sa akin si Ate Jade na may boyfriend na siya.""Manliligaw pa lang siya ni Jade.""Oh, I see. Pero napansin ko na parang may mutual feelings na sila sa isa't isa."Tumango si Mark. Magkatabi silang naupo ni Janikka sa inilatag na tela ni Jade sa ibabaw ng concrete barrier na nagsisilbing upuan din ng mga taong naroon sa gilid ng Manila Bay."Ngayon ko lang siya nakitang masaya. I mean, may ekstrang ningning sa mga mata niya.""I know," sang-ayon ni Mark. "Ospital na ang kanyang naging tahanan since na maging resident siya roon. Lalabas lang siya kapag bibisitahin ang pamilya o kung mayroong medical mission.""Why?""Dahil hindi raw para sa kanya ang outside world.""Huh?""Ganoon talaga ang linyahan ng mga taong mahal ang propesyon.""Pero mukhang magbabago na iyon ngayon."Muling napatingin ang dalawa sa direksiyon nina Jade at Miko na masayang nagkukuwentuhan."Tama ka. At sana hindi na mawala ang ningning nila sa mga mata. They deserve more than a happy ending.""