"HINDI ka na nga namin madalas nakakasama, ngayon naman ay nagmamadali ka pa.""Pasensiya na kayo. Alam niyong nasa ospital ang kapatid ko."Tinanggap ni Amira ang imbitasyon ng mga kaibigan na pumunta sa paborito nilang restaurant dahil nagtatampo na ang mga ito na akala ay iniiwasan niya."Nagbago ka na.""Ano ba kayo? May dahilan ba para magbago ako? Magkakaibigan pa rin tayo.""Hindi kaya dahil may inililihim ka sa amin?"Inisa-isa ng tingin ni Amira ang apat na kaibigan. Mukhang inimbitahan siya ng mga ito para usisain. "Ano naman 'yon?""Kaya nga kami nagtatanong.""Wala.""May boyfriend ka na, 'no?"Namula ang mukha ni Amira. Hindi pa niya binabanggit ang bagay na iyon sa mga kaibigan dahil hindi pa siya sigurado sa estado ng relasyon nila ni Hardhie. At gusto muna niyang gawin itong tunay na lalaki bago iharap sa mga tao. She's not embarrassed na nagmahal siya ng tulad nito, but because she is protecting him from bullies. Kung siya lang ay kaya niyang harapin ang panghuhusga.
NANGINGINIG ang kamay ni Yeonna nang sinapo niya ang umaagas sa pagitan ng kanyang hita. Gusto niya na makasiguro kung tama ang kanyang nakikita.Dugo.Lalong nanlaki ang mga mata niya. Saka lang niya napagtanto na halos dalawang buwan na rin siyang hindi dinadatnan ng menstruation period. Sunud-sunod kasi ang pagdating ng mga problema kaya hindi na niya napagtutuunan ng pansin ang sarili.Buntis siya. And she felt more alone than ever.Dumako ang tingin ni Yeonna kay Khal. His expression is blank. Hindi man lamang ito kinabakasan ng pag-aalala."That wasn't my fault. Nauna siya," depensa ni Anthony.Dumating na ang mga rumisponde sa pagtawag ni Khal. Inagapan ng mga ito si Yeonna na alumpihit na sa sakit."Dad, it wasn't my fault," pag-uulit ni Anthony."Tumahimik ka," mahinang saway ni Felix sa anak.Maya't maya ang sulyap ng mag-ama sa direksyon ni Khal habang inaagapan ng paramedics si Yeonna."Dad, what if bumalik ang alaala ni Kuya?" bulong na tanong ni Anthony. "Alam natin kun
MULING bumangon ang galit sa dibdib ni Yeonna dahil sa nakita niyang eksena sa loob ng silid.Tama nga si Anthony. Mukhang maayos na ang relasyon ng dalawa. Masaya ang mga itong nag-uusap na para bang wala ritong namagitan na sigalot.Obviously, Felix is taking advantage of Khal's condition. At iyon ang ikinagagalit niya."Bakit hindi ka pumasok?"Bahagyang napapitlag si Yeonna sa bigla na lang pagsulpot ni Anthony sa tagiliran na halos nakadikit na ang sarili sa kanya, "Sinusundan mo ba ako, ha?""Why would I do that? Hindi ka naman mukhang artistahin para sundan kita. My brother is here. Karapatan kong bumisita rito."Napatiim-bagang siya. Anthony is also taking advantage of Khal's condition. Lalo lang nadagdagan ang kinikimkim niyang galit."Saan ka nga pala nanggaling?" Sinuyod nito ng baba-taas na tingin si Yeonna at ngumisi. "Same clothes. Natulog ka ba sa selda?" He chuckled. "Sana sinabi mo para nahatiran kita ng damit na pampalit.""Ikaw? Kumusta ang mukha mo? Kinulang ka ba
NAPAPITLAG sina Dante, Isko at Macoy sa malakas na paghampas ni Chief Bragaise sa mesa."Ganyan ba ang klase ng attitude ang dapat na ipinapakita ninyo bilang mga alagad ng batas, ha?"Nanatiling nakayuko ang tatlong lalaki na paminsan-minsan ay nagpapalitan din ng sulyap."Hindi na kayo nahiya? Ipinagmayabang pa talaga ninyo ang mga tsapa ninyo?"Pinigil ng tatlo ang pagsilay ng ngiti sa labi sa pagkakaalala ng nangyari sa bar. Dahil ang binanggit ni Chief Bragaise ang isa sa mga highlights ng insidente. Nakaukit kasi sa isip nila ang naging reaksiyon ng ilan sa mga kostumer nang sinabi sinabi nila na pulis sila, pero wala silang ginawa para pahupain ang nagaganap na gulo. They even cheered for it."Kung hindi pa dumating ang mga guwardiya, hindi pa kayo kikilos?""Sir, hindi naman kami ang nauna!" depensa ni Macoy."Shut up!"Itinikom ni Macoy ang bibig matapos makatanggap ng mahinang siko sa tagiliran mula kay Dante."Alam ninyong hawak ng departamento natin ang kaso ng mag-ama. Th
"TAMA na 'yan."Hinawi niya ang kamay ni Macoy nang tangka sana nitong kukunin ang hawak niyang bote ng alak. "Don't worry, guys. Kailangan ko lang talagang ilabas ang nararamdaman ko. Kung hindi, sasabog ako.""Lasing na lasing ka na.""Hindi pa ako lasing. Can't you see? I'm still fine. At naaalala ko pa ang lalaking iyon!"Nagkatinginan na lamang sina Macoy, Isko at Dante. Hindi nila kasama sina Aldrich at Gerald dahil may duty ang mga ito nang tumawag si Yeonna sa kanila."Haist! Sa lahat ng tao na puwedeng kalimutan, bakit ako pa? Hindi ba ako naging mahalaga sa kanya?""Siguro dahil kamakailan ka lang niya nakilala sa buhay niya," wika ni Dante."Kahit pa!"Napapitlag ang tatlong lalaki maging ang ilang kostumer nang hampasin ni Yeonna ang mesa."Kung mahalaga ako sa kanya, hindi niya ako makakalimutan kahit kahapon lang kami nagkakilala! Malinaw na ngayon na hindi niya ako totoong minahal. Siguro dahil kailangan niya lang ako!"Inalo ng tatlo ang paghagulhol ni Yeonna na nagpah
PINIGILAN ni Yeonna ang pagkurap dahil natatakot siyang baka sa pagpikit niya'y mawala ang lalaking nakatitig sa kanya nang mga oras na iyon.She waited that moment for more than a month. At ramdam niya sa puso ang kasiyahan na makita itong buhay. But there's something on his eyes...Biglang bumangon ang kaba sa dibdib ni Yeonna. At taimtim niyang ipinanalangin na sana nagkamali siya ng kutob. It can't be. Because she needs him. Kailangang may managot sa nangyaring insidente sa kanila na pareho nilang muntikan na ikamatay."K-Khal?""Huh? Do you know me?"Marahang napatuwid ng tayo si Yeonna mula sa pagkakayuko dahil sa pag-alis niya ng needle sa pulsuhan ni Khal. It struck her with the truth. Nangyari na nga ang kanyang nakinatatakutan."Who are you, lady?" Pinasadahan nito ng tingin ang kaharap, "You don't seem like a nurse."Halos pagbagsakan siya ng langit at lupa habang titig na titig sa asawa. It hurts her. "Hindi mo ba ako nakikilala?"Binitiwan ni Khal ang hawak na braso. "I'm