"YOU know her, right?""Yes, of course!" magiliw na tugon ni Kenji sa naging tanong ni Khal nang ipakilala ito kay Amira. Hindi nito halos inaalis ang tingin sa dalaga. "The sweet, charming and beautiful sister of yours."Natuon ang tingin ng lahat nang lumikha ng ingay ang pagpigil ni Hardhie sa tawa niya."I guess someone disagrees with you," wika ni Khal.Tumikhim lang si Hardhie at iniiwas ang tingin sa matalim na mga mata ni Amira."He's my close friend," singit ni Yeonna. "He is funny sometimes, so don't mind him.""Hindi siya imbitado rito," mahinang saad ni Alona na narinig naman ni Lola Tasing kaya nakatanggap ito ng hampas sa braso nito. "Ma.""Halina na kayo sa komidor bago pa lumamig ang mga pagkain," pagyaya naman ni Pablo na hinarang muna si Hardhie na hahakbang na sana para paunahin si Kenji."Ganyan talaga ang mga magulang," bulong na saad ni Yeonna sa kaibigan. "Over-protective sila sa mga anak.""Mukha ba akong hindi gagawa ng tama?""Kaya nga dapat magpakitang-gilas
LALO lamang namutla si Hardhie nang matuon sa kanila ang tingin ng buong pamilya dahil sa pagkakasigaw niyang sagot sa sinabi ni Yeonna."Pasensiya na po." Natuon ang tingin niya sa hawak ng ina ni Amira na inilabas nito mula sa hawak pa rin na paper bag. "Ano naman 'yon?" pabulong niyang tanong sa katabing kaibigan."Vitamins ng mga manok ni Lolo Dan. Darn!" mura ni Yeonna nang makita ang reaksiyon ng ginang. "Haist! Hate na hate pa naman niya ang bisyo ng kanyang asawa.""Tapos sinuportahan mo pa!""Malay ko bang magkakamali ka nang bigay! Kung napunta iyon kay Lolo Dan, sigurado sanang plus one ka na. Maliit kasing bagay, hindi mo pa natandaan."Napabuga na lang ng hangin sa bibig si Hardhie habang nakatanaw sa pamilya na inuulan pa rin ng panunukso si Lola Tasing dahil sa two-piece bikini nito."Uy, huwag ka nang panghinaan ng loob. Sigurado akong kayo pa rin ni Amira ang nakatadhana sa isa't isa.""You think so?"Tumango si Yeonna."Pero mukhang si Lola Tasing lang ang magiging k
"MAY bisita tayo!"Umalingawngaw ang malakas na boses ni Lola Tasing sa pag-anunsiyo nito sa mga kasama sa bahay ng presensiya roon ni Hardhie."Maupo ka, iho.""Salamat po, Lola."Ngumiti ito habang nakatitig sa binata. "Siguradong magaganda't guwapo ang mga magiging apo ko sa tuhod sainyo ni Amira."Napangiti rin si Hardhie."Dumating na ang bisita natin?" Lumabas ng kusina si Lolo Dan kasunod si Pablo. "Ang aga naman?" Napatigil ito sa paghakbang nang iba ang mabungaran nito. "Sino siya?""Ang magiging future asawa ni Amira.""Furniture? Kinakulang pa ba siya sa mga gamit dito sa bahay?"Napailing si Lola Tasing."Future, pa. Hindi furniture." Itinuwid ni Pablo ang sinabi ng matanda. "Bakit ba tinanggal mo ang hearing-aid mo?""Masakit sa tainga." Ibinalik nito ang tingin kay Hardhie. "Guwapo naman pala. Okay siya sa akin para kay Amira."Lihim na nagdiwang ang puso ni Hardhie. Two out of five. Not bad. Malakas na ang laban niya."Pa, huwag kang tumingin sa panlabas lang.""Bakit?
"TANDAAN mong mabuti, ha? Hindi dapat magkapalit-palit ang mga ibibigay mong regalo sa kanila.""Bakit ba kasi hindi mo pa sinulatan ng pangalan?""Nakalimutan ko nga.""Wala ka man lang ballpen.""Bakit? Meron ka?""Wala rin," tugon ni Hardhie."Tandaan mo na lang sa kulay. Itong pula ay kay Lola Tasing. Itong asul kay Lolo Dan. Itong dilaw kay Papa Pablo. Itong itim kay Mama Alona. Itong huli ay kay Miko.""Bahala na.""Hindi puwedeng bahala na. Kailangan na makuha mo agad ang loob nila bago pa man dumating ang karibal mo.""Wala ba sa loob si Amira?" tanong ni Hardhie nang nakatanaw sa tinapatan nilang malaking bahay."Nagpa-salon siya.""Huhh! At talagang pinaghahandaan niya ang araw na ito! Pinaasa niya lang ba ako?""Haist! Huwag kang mag-isip ng ganyan. Always think positive.""Nagbago na ba siya? Hindi na ba niya ako mahal?""Sinabi nang huwag kang mag-isip ng mga negatibo!" asik ni Yeonna. "Baka magdala pa iyan ng kamalasan."Binitbit na ni Hardhie ang mga paper bag. "Hindi
"SAAN ba tayo pupunta?""Kailangan mong mag-recharge."Muli namang ibinagsak ni Hardhie ang katawan sa kama nang bitiwan siya ni Yeonna sa paghila nito. Ayaw pa sana niyang bumangon, pero kanina pa ito namimilit. "Tinatamad ako.""Ano ba? Tumayo ka riyan at magbihis!""Ayoko nga munang lumabas ng bahay."Inis na hinablot ni Yeonna ang unan na itinakip ni Hardhie sa mukha matapos na tumagilid ng higa. "Ngayon ang blind date ni Amira.""Ilang beses mo nang sinabi iyan sa akin.""Oo nga. Pero wala ka man lang plano.""Ano bang gagawin ko? Desisyon niya iyon.""Wala ka kasing ginagawa. Ang kupad mo. Alam mong naghihintay lang si Amira para kumilos ka.""Pero sinabi mong pinakaguwapong bachelor ang ka-date niya, 'di ba?""Magpapatalo ka? Guwapo ka rin naman, ah?"Napansin niya ang pagtitig sa kanya ng kaibigan. "Bakit ganyan kang makatingin sa akin? Teka. May muta ba ako?" sabay sipat niya ng sarili sa maliit na salaming nakapatong sa bedside table."I think kailangan mo nang dagdag self-c
"OKAY ka lang ba talaga?""No worries. Kayang-kaya ko ito."Sinundan na lang ng tingin ni Yeonna ang pagdagdag ng weight plates sa barbel na binubuhat ni Hardhie.For the past few days, inaabala ng kaibigan niya ang paraan upang ito'y tuluyan nang maging lalaki.But they did not come to every gym in town para lang magpalaki ng muscles. Because in that kind of place, men are everywhere; macho, guwapo, physically attractive. At iyon ang gustong labanan ni Hardhie.Masasabi niya na unti-unti na ngang na-reclaim ng kaibigan niya ang dating gender nito na nawala lang noong gusto itong pilitin ng ama na pumasok sa PMA.He had training already for a month, pero hindi talaga ito masaya.Hardhie does not want to be a police or soldier. So, his own family thought that he's a gay. At pinanindigan na nito iyon upang maiwasan ang nais ng ama."Tama na 'yan," pagpigil ni Yeonna nang akto uling dadagdagan ng weight plates ng kaibigan ang barbel. "Baka bago ka pa man maging tunay na lalaki ay bali-ba