DAY 12“KUYA, bakit hindi ka umuwi kaga—”Hindi na natapos ni Amira ang tanong sa sinalubong na kapatid nang makita nito ang pagbaba ni Yeonna sa kotse. And she sensed something suspicious right away."Miss Officer?"Pasimple lang tumango at ngumiti si Yeonna. Umiwas siya ng tingin nang makita ang nanunuksong mga mata ni Amira.“Hhmmm. Mukhang kagigising niyo lang. Magkasama ba kayo buong magdamag?”"Trabaho ko na laging bumuntot sa kanya," depensa agad ni Yeonna na sinulyapan pa si Khal."Oh." Tumango-tango si Amira nang nasa labi ang nanunuksong ngiti. "That's good. At least I will feel at ease na safe si Kuya dahil nandiyan ka. But does your work require a 24/7 duty?"“Huwag ka nang matanong diyan na para kang imbestigador," sita ni Khal. "Samahan mo siya sa guest room. At magpahanda ka rin ng almusal namin.”“Yes, Kuya.” Hinila na nito si Yeonna palayo. “Saan kayo nanggaling?”"Sa trabaho.""Where exactly? I need to hear the specific place.""Bakit?""Para marinig mo ang magiging
“MA’AM, hinihintay na po kayo sa komidor.”Ngumiti si Yeonna sa katulong na sumalubong sa kanya sa paglabas ng silid. Napagod na siguro sa paghihintay at kakasalita si Amira kaya umalis na ito.Sinadya talaga niyang bagalan ang kilos at tagalan ang pagkulong sa banyo. Baka tuluyan na siyang maniwala sa sinasabi nitong match-made-in-heaven daw sila ni Khal. She can’t fall in love with him.“Halika na po.”Sinundan niya ang katulong. Naghihintay na nga sa kanya ang magkapatid.“Kuya, be gentleman.” Tinapik ni Amira ang braso ni Khal na nakapatong sa mesa. “Ipaghila mo ng upuan.”“Bakit? Wala ba siyang mga kamay? At mas malakas pa siya kaysa sa kalabaw kaya hindi na niya kailangan 'yon."“Tsk!” Napailing si Amira, “You really can't save your bloodline. Mahirap na. Hindi ka talaga magkaka-jowa kung ganyan ang attitude mo.”"I have lots of women. Kahit um-edad na ako ng sixty, I can still have my offspring. Kahit lahat panganay.""Haist! That mentality!"Binalewala ni Yeonna ang naririnig
"YOUR instinct fails you this time..."“Aray!” daing ni Amira nang makatanggap ng pitik kay Khal.“Nakita mo na ang ginawa mo?”"Ano bang ginawa ko?""At talagang ide-deny mo pa? You're being rude."“I did nothing wrong. It's a brilliant idea if you just look at the brighter side.""Shut up. Narinig ko na ang linyang iyan sa mga beauty constest."Hindi nito pinansin ang sinabi ng kapatid. "Kuya, please think about my suggestion. At isipin mo rin ang magiging buhay mo kapag nagkaroon na kayo ng relasyon ni Jacquin. Sigurado na lalo lang magugulo ang mundo mo.”“Ako ang magdedesisyon sa buhay ko. Walang puwedeng makialam.”“What if the consequences of your decision will affect the entire Golden Royals? Matatanggap mo na lang ba iyon? Dad will control you. Anthony, as well. He'll be happy to see fall apart.”"Pamilya mo sila.""Pamilya rin kita."Napipilan si Khal.“Huwag mong kalilimutan na mahigpit mong kalaban sa negosyo ang mga magulang ni Jacquin.""I know that. No need to remind me
DAY 13KANINA pa huminto ang sasakyan sa tapat ng Golden Royals, pero hindi pa bumababa si Khal kahit nakabukas na ang pinto."Sir?"Nakatitig pa rin sa kawalan si Khal mula sa pagkakaupo sa backseat. Malayo ang isip nito. Nasa mga linyang sinaulo nito nang buong magdamag."Sir."Bahagyang napapitlag si Khal sa malakas na tinig ng driver."Sir, nandito na po tayo."Tumanaw pa si Khal sa labas. Siniguro kung tama ang narinig. At una ngang nakita nito ang matayog na gusali ng Golden Royals."Give me some minutes.""Okay, sir."Hinintay naman muna ni Khal na maisara ang pinto bago ito muling nakipagtitigan sa kawalan."Tama ba ang gagawin ko? Hindi kaya gusto lang akong isahan ni Amira para mapasunod niya ako? No..." Umiling ito, "Her idea is my only chance. It's perfect."Humugot muna si Khal nang malalim na buntong-hininga bago nito binigkas ang mga linyang memoryado na sa isip."Be my girlfriend. I'll raise your salary and secure your job." Tumango-tango ito. "It's your luck that you
“W-WHAT?”Mula sa pagtanaw ni Khal sa labas ng salamin na dingding na nakapalibot sa buong opisina, hinarap nito si Yeonna, “Are you surprised or delighted? Kapag ibang babae ang sinabihan ko niyon ay siguradong nai-broadcast na nila iyon. And that's the scenario na gusto kong iwasan. So, pretend to be my girlfriend. I know you can keep a secret.”Naiiling na natatawa si Yeonna. “I'm free after work. Samahan kita sa psychiatrist. Mukhang malala ang kondisyon ng utak mo.”“Makinig ka muna sa akin.”"No. Wala akong oras para makinig sa 'yo..." Sinulyapan niya ang suot na relo, "Malapit nang matapos ang duty ko. I'll prepare the car.""Listen to me first." Bumalik si Khal sa swivelchair nito. “I really need to get rid of Jacquin, my childhood friend. The one Amira mentioned to you last time.”“Puwede mo namang gawin iyon nang hindi ako magpapanggap na nobya mo. Just tell her na wala pa sa bokabularyo mo ang pumasok sa isang seryosong relasyon.”Umiling ito. “It’s not that easy. Her famil
DAY 14"HINDI ka pa rin ba nakakapag-desisyon?"Napasulyap si Yeonna sa rearview mirror mula sa pagmamaneho. Pauwi na sila. At iyon na ang ikaanim na tanong ni Khal sa kanya sa halos buong araw."Well, I was just checking kung naaalala mo pa ang usapan natin."Napailing si Yeonna nang ibalik niya ang tingin sa tinatahak ng sasakyan. "Akala ko ba bibigyan mo ako ng sapat na panahon para makapag-isip?""Yes, yes. Of course. Take your time."Hindi umimik si Yeonna."But..." Nag-alinlangan ito sa sasabihin, "Dad might get weary about Amira. He's not a fool para hindi mahalata that she's delaying the time para muli akong kulitin at kausapin tungkol sa pag-aasawa ko. I hope you know what I mean.""Hindi madali ang gusto mong ipagawa sa akin." Sinulyapan niya si Khal mula sa backseat. "I hope you know what I mean," pag-uulit niya sa naging huling linya nito. "Pulis ako. Hindi actress. So, acting is not my forte.""Right, right. Take your time."Hindi na nagkibuan pa ulit ang dalawa hanggang
DAY 15"MA'AM..."Napatingala si Yeonna mula sa pagbabasa ng magazine."Ice coffee."Napatingin muna siya sa isa sa mga assistant ni Khal na lalaki bago niya sinulyapan ang iniaabot nitong kape. Nakaupo lang siya malapit sa pinto ng opisina ng amo. Designated area niya iyon kapag nasa trabaho."Pinabibigay po ni CEO Dee.""Ulit?""Opo."Napatingin siya sa label ng coffee cup. "Inutusan ka pa niyang bumili sa labas? Hindi ba’t may cafeteria sa baba?""Mas masarap daw po kasi riito ang kape..." Bahagya nitong iniangat ang hawak na cup, "Kunin niyo na po."Gusto sana niyang tumanggi dahil iyon na ang ikaapat sa anim na oras pa lang niyang duty roon. "Salamat. Pero please, pakisabi na lang sa kanya sa susunod na dilat na dilat pa naman ang mga mata ko. Hindi ko ugali na matulog kapag oras ng trabaho ko.""Sige po."Napakamot sa ulo ang lalaki nang umalis ito habang naiiling naman si Yeonna sa kakaiba na namang ikinikilos ni Khal."Ma'am..."Muling napatingala si Yeonna. Isang oras pa lang
DAY 16ITINIGIL ni Yeonna ang sasakyan nang makapasok siya sa driveway. Sa unang linggo niya sa trabaho, naghihintay lang siya sa Golden Royals nang pagdating ni Khal. Pero sa ikalawang linggo ay iniutos na nitong sunduin ito sa mismong bahay nito.Wala namang problema sa set-up na gusto ng kanyang amo. Mas pabor sa kanya iyon.Ang hindi lang niya maintindihan, naiinis ito kapag hindi siya nakakarating sa oras na itinakda nito. Pero tinutubuan naman siya ng ugat sa paghihintay rito.Tulad ngayong araw. Inabisuhan siya nito na agahan. Pero kahit anino nito ay hindi niya makita sa paligid."Gosh! Ilang oras na naman kaya akong paghihintayin ng hambog na 'yon?""Yeonna!"Napalinga siya at hinanap ang tumawag sa kanya. Natanaw niya ang umpukan ng mga katulong na nasa tagong bahagi ng veranda.Pinagala muna niya ang tingin sa paligid para siguraduhin na siya ang tinawag ng mga ito kahit malinaw niyang narinig ang pangalan. Lumapit siya sa grupo."Anong meron dito?""Halika."Hinila siya ng
"DAPA!"Narinig ni Khal ang malakas na sigaw na iyon ni Chief Bragaise, pero mas inuna nitong protektahan ang asawa."Noooo!" Nanlaki ang mga mata niya matapos pakawalan ang malakas ding sigaw nang bigla na lamang iharang ni Khal ang katawan sa kanyang harapan, "No! No!""I protected you this time.""I'm your bodyguard," sigaw ni Yeonna sa sinabing iyon ni Khal na sinamahan pa nito ng ngiti kahit napaigtad ito sa pagtama ng mga bala sa likuran nito. "Trabaho ko iyon!""No. You're my wife. And you will always be."Yeonna wished it was just a nightmare. But she can feel Khal's warmth touch at her back silently telling her that it will be fine. "I love you..."Hindi na nakasagot pa si Yeonna nang dambahin sila ni Chief Bragaise dahil sa muling pagpunterya ng mga gunman sa direksiyon nila.Nabuwal ang tatlo. Pero pareho nang sugatan ang dalawang lalaki."Khal? Khal!" sigaw na pagtawag ni Yeonna sa nakayakap na asawa. "No. Please, huwag mo akong takutin nang ganito!" Hindi na ito gumagala
"WE will never stop loving you kahit wala na kami sa tabi mo. Be strong, anak. Be brave. But don't ever stain your hands with blood..."Hindi napigilang mapaluha ni Khal sa pagkakarinig muli sa tinig ng ina. He missed her so much. Nadagdagan pa iyon ng pangungulila sa pagkakaalam nang katauhan ng tunay niyang ama."You were too precious to us. Especially to your real father. Melvin. He's so happy to know about you."Lalong naging emosyonal si Khal sa bahaging iyon. Punong-puno siya ng panghihinayang dahil hindi na sila nito nagkakilala.Kung buhay lang sana ang kanyang tunay na ama, he will definitely look forward to their first ever reunion. At siguradong masaya silang tatlo bilang isang buong pamilya."Anak, whatever happened to us, don't let your anger and hatred consume you. Just live a happy and peaceful life. Find a woman to love and look after you. She must be someone like me."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna. And they had that gaze saying na natagpuan na nila ang isa't isa.
"WE are one step ahead to our enemies..."Nagkasulyapan sina Khal at Yeonna na nasa backseat habang nakaupo naman sa front seat si Chief Bragaise. Kasama nito ang isa sa mga pinagkakatiwalaan na tauhan na nagmamaneho ng kotse na sinasakyan nila."I just hope that it won't alarm them.""Unless there's a mole," kumento ni Khal."Mapagkakatiwalaan ang mga tauhan ni Chief," wika ni Yeonna nang sulyapan ng asawa ang driver. "Isa na roon si Bart.""Maaasahan niyo ako."Tinanguan ni Khal ang driver nang magtama ang mata nila sa rearview mirror. "No offence. Sa dami ng mga taong nagtraydor sa akin, mahirap na para sa akin ang magtiwala.""We understand." Ginagap ni Yeonna ang isang kamay ng asawa at marahan iyon na pinisil. "But I can tell you na puwede kang magtiwala sa amin.""Of course, I trust you."Ngumiti si Yeonna. "And I trust them," tukoy niya kina Chief Bragaise at Bart.Tumango-tango lang si Khal."Malapit na tayo," anunsiyo ni Chief Bragaise nang matanaw ang isa sa pinakamataas na
MULING napapikit si Yeonna nang sumalubong sa pagdilat niya ang nakakasilaw na liwanag."You're finally up."Idinilat niya ang isang mata. Nakita niya si Khal sa kanyang tabi na nakatagilid ng higa paharap sa kanya. "Hhmmm," maikli niyang tugon saka bumaling ng tingin sa direksiyon ng mga bintana. Nakahawi na roon ang mga kurtina kaya pumapasok na ang sikat ng araw sa loob. "Ano na bang oras?""Oras na para bumawi ka."Sinulyapan muna ni Yeonna ang alarm clock sa ibabaw ng bedside table. Alas onse na. Saka niya ibinalik ang tingin sa asawa nang inis itong bumangon."Clearly, wala ka na namang maalala."Napasapo siya sa ulo. Ramdam niya ang pananakit niyon. "Anong nangyari? May ginawa ba ko?""Pinaghintay mo lang naman ako.""Pinaghintay? Bakit? Saan?"Itinuro nito ang kama, "Right here.""At nasaan ako?""Right there..."Sinundan naman ng tingin ni Yeonna ang pagturo ni Khal sa direksiyon ng banyo. "Anong ginagawa ko roon?""What do you think?""Uhm, naligo? Alam mong matagal akong ma
DALAWANG beses nang nagpalit ng ice sa bucket si Khal. Pinatay at sinindihan niya na rin ng ilang ulit ang mga scented candles. Inayos ang mga ikinalat niyang petals ng mga red roses sa sahit at kama. Naiinip na siya. Nawawala na ang init ng kanyang katawan na nasasabik na para sa haplos at dantay ng asawa.Muling napasulyap si Khal sa direksiyon ng pinto ng banyo. At saka siya tumingin sa alarm clock na nakapatong sa ibabaw ng bedside table. Halos kalahating oras na sa loob si Yeonna. Naririnig naman niya ang lagaslas ng tubig sa dutsa."Women!" wika niya nang naiiling.Alam ni Khal na matagal mag-ayos ng sarili si Yeonna lalo na kapag mayroon silang mahalagang lakad. Ganoon din naman si Amira. Madalas iyong ipaalala sa kanya ng dalawa sa tuwing bagot na bagot na siya sa paghihintay."Haist! What took her so long?" Tumayo siya at saka maingat niyang idinikit ang tainga sa nakasarang pinto. Pinakinggan niya ang komosyon sa loob. "Sweetie?"Walang tugon na narinig si Khal maliban lang
"MY Prince!""Jeez!" Maagap na nahawakan at nasalo ni Khal ang paika-ikang asawa na muntik nang mawalan ng balanse. "Alam na alam mo ang bahay ko kahit lasing ka."Yumakap si Yeonna kay Khal. "Of course. My heart says that my prince is just right here." Nakangiti itong tumingala. "Honey, did I keep you waiting? But, don't worry, sweetie. I'll compensate it with a kiss..."Iniharang niya ang palad sa tumulis na labi ng asawa. "Hindi kita hinintay.""Haist! You're hurting my feelings. Sa susunod, magsinungaling ka naman. Alam mo ba na habang nasa taxi ako, iniisip ko na ang senaryong ito?""About what?"Namilipit ito sa kilig. "About our intimate kiss.""I'm not in the mood to kiss someone or anyone tonight.""Don't lie. For sure, nagpapakipot ka lang."Muli niyang iniharang ang palad sa harap ng tumulis na naman na bibig ng asawa. "I don't lie.""Hindi nga?"Nakita ni Khal na napaisip si Yeonna sa kanyang sinabi. Marahil ay sumagi rito ang ginawa nilang pagpapanggap para sa isang peken
"DOON tayo!""Bakit lalayo ka pa?""Mas magandang sumayaw kapag malapit sa stage!"Pasigaw ang pag-uusap nina Amira at Hardhie dahil sa halo-halong ingay sa palagid."You know I hate this thing!""You will surely love it kapag nasanay ka na!""Ayokong sanayin ang sarili ko! This is a waste of fortune!""I have a lot of fortune!""Wala kang trabaho! Palamunin ka lang!""Kuya Khal won't let me starve!"Sumasayaw na si Amira habang hindi na namamalayan ni Hardhie na sinasabayan na nito ng indak ang mabilis na tempo ng musika."This is great, right?""No!" tugon ni Hardhie sa naging tanong ni Amira. "I hate dancing!""Pero magaling kang gumiling!" wika niya nang natatawa habang pinagmamasdan ang kasayaw na nakataas pa sa ere ang mga braso at umiindayog ang balakang. "Let's paint the town red!"Hindi na namalayan ng dalawa ang oras. Ilang beses nang nagpalit ng tugtog ang DJ. Pabalik-balik lang sa dance floor ang mga naroon. At lahat ay nag-e-enjoy."Hey, Amira!"Napahinto sa pagsasayaw an
"HI, beautiful."Itinaas ni Yeonna ang isang kamay. At agad namang nakita roon ng lalaki na lumapit sa may pinagpuwestuhan nila ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri."Oh, sorry.""Ako!" Itinaas din ni Hardhie ang kamay nito, "I'm not yet taken.""You are," kontra ni Amira. "At mukha ba siyang pumapatol sa kapwa niya lalaki?""Pumapatol ka ba sa mapera at masipag na bakla na kaya kang buhayin kahit na hindi ka magtrabaho?""Umalis ka na nga!" asik ni Amira sa lalaki na napangiti sa sinabi ni Hardhie."Bakit mo siya pinapaalis?" Humatak ito ng isang bakanteng upuan. "Huwag mo siyang pansinin. Halika ka, maupo ka sa tabi ko at pag-usapan natin ang future natin.""This jerk!" inis na bulalas ni Amira.Umalis na lang ang lalaki."Haist!" sambit ni Hardhie. "Puwede ba? Huwag ka ngang handlang sa love story ko!""Ako ang love story mo.""Jeez!""Mukhang normal na kayong dalawa," singit ni Yeonna."Normal ako," wika ni Hardhie. "I don't know about her." Itinuro nito si Amira. "Mukha n
"OUCH!""Haist!" Sandaling itinigil ni Yeonna ang paggagamot kay Amira. "Masakit ba?"Tumango ito."Masakit pala. Kaya huwag mo nang uulitin ang ginawa mo."Napayuko ng ulo si Amira habang itinuloy naman ni Yeonna ang paglalagay niya ng ointment sa bago nitong mga sugat mula sa batong-panghilod."Bago ka magmahal ng iba, unahin mong mahalin ang sarili. Para kung sakali mang saktan ka o iiwan ng taong minahal mo, mayroon pa ring bahagi sa puso mo ang tutulong sa 'yo na muling makabangon at magmahal ulit.""Mahal mo ba si Kuya Khal?"Napaangat si Yeonna ng mukha. "Huh?""Alam ko na nagpanggap lang kayo noong una.""Mahal ko siya.""Kailan mo iyon naramdaman?"Napangiti si Yeonna. "Uhmm, I think on our first kiss. Hindi na siya noon nawala sa puso ko kahit ilang beses itanggi ng isip ko na imposibleng mahalin ko ang tulad niyang arogante at saksakan ng hambog.""Did you give it all?""Huh? Ang alin?""Your heart and love."Muli itong napangiti. Amira is reminding her tungkol sa naging pa