"ATE?"
"Nasa trabaho ako." Hininaan ni Yeonna ang boses dahil may ilang costumer sa loob ng convenience store. Part-timer siya roon bilang isang working student. At graveyard shift siya tuwing weekend. Full-time scholar kasi siya kaya mahirap humagilap ng oras upang maisingit niya anumang puwede niyang pagkakitaan, "Bakit napatawag ka?" "Nami-miss lang kita." Sandaling natahimik si Yeonna. Para kasing may mali sa tinig ng kanyang kapatid. "Okay ka lang ba riyan?" "Hhmm," maiksing tugon ni Yessa. "Hayaan mo. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, bibisitahin kita riyan. Sa ngayon kasi sobrang busy talaga ako sa trabaho at pag-aaral." "Okay lang, ate. Gusto ko lang talagang marinig ang boses mo." "Kumusta ang pag-aaral mo?" "Hhmmm," maikli uli nitong tugon. "Isang taon na lang ga-graduate na ako. Kapag nakahanap na ako ng maayos na trabaho at kumikita na ako ng malaki ay puwede na kitang kunin." Mula nang maulila sila sa magulang, ilan sa mga kamag-anak nila ang kumupkop sa kanila ni Yessa. Pero dahil sa hirap ng buhay at mataas niyang pangarap para sa kapatid, lumuwas siya ng Maynila at nakipagsapalaran dito. Nakakuha naman siya ng scholarship sa gobyerno. Pinursige niya ang pag-aaral at nagtatrabaho rin siya kapag mayroon siyang panahon at pagkakataon. Halos ginagawa niyang araw ang gabi. Lahat nang pagsisikap niya ay para sa kapatid. Ito ang kanyang inspirasyon at lakas. Kaya hindi siya puwedeng sumuko. "Ate, puwede mo ba akong bigyan ng kahit limang minuto?" "Limang minuto?" Napakunot siya ng noo, "Para saan?" "Para makausap ka." Sinenyasan ni Yeonna ang kasamahan sa trabaho na palitan muna siya sa counter. Saka siya lumabas ng tindahan. "Yessa, may problema ka ba? Sinabi ko sa 'yo na ayokong naglilihim ka sa akin." "Ate, hindi ko na kaya..." Kinabahan si Yeonna nang marinig niya sa kabilang linya ang pagpipigil ng iyak ng kapatid. Yessa is a jolly person. Kahit noong mga bata sila, kapag nasusugatan ito o inaaway ng mga kalaro, she never cry nor complain at all. Masayahin ito to the point na nasasabihan na ngang sira ang ulo nito. "Gusto mo na bang huminto sa pag-aaral? Sabihin mo sa akin. Alam mo na maiintindihan kita. At alam mo rin na ibibigay ko anumang mga desisyon mo na makapagpapasaya sa 'yo." "Alam ko, ate. Kaya nga ikaw ang pinakapaborito kong tao sa buong mundo." "Yessa- " "Ang totoo, gustong-gusto ko na makita kang maging isang lawyer." "Isang taon na lang. Kunting-kunti na lang at malapit na tayo sa finish line." "Pagod na ako, ate." "Saan ka napapagod? Ikaw ba ang pinapagawa ng mga gawaing-bahay riyan? Hayaan mo at kakausapin ko si Tito." "Ate, huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan." "Yessa, hindi kita maintindihan. Ano bang pinagsasasabi mo?" "Ate, sorry dahil naging failure ako sa buhay mo." "Tama na nga. Ayoko nang mga ganyan na drama. Kung gusto mong mag-shift ng course, okay lang sa akin. Magsabi ka lang. Huwag mo nang pinapahirapan ang sarili mo." "Alam kong mataas ang pangarap mo sa akin. Pero hindi ko na talaga kasi kaya." "Sige na. Mag-usap na lang tayo mamaya kapag out na ako sa trabaho." "Hindi pa tapos ang limang minuto, ate." "Yessa, huwag mo nga akong tinatakot. Ano bang problema mo? Sabihin mo sa akin." "Ayoko lang hilahin ka pababa dahil naging failure ako." "Wala akong pakialam!" Napasigaw siya kaya nakuha niya ang atensiyon ng ilan sa mga dumaraan. "Yessa..." Hininaan uli niya ang boses at pinakalma, "makinig ka. Kahit kailan ay hindi ko iisipin iyang mga sinasabi mo. If maging failure ka, nandito pa rin ako. Tutulungan kita na makatayo't makabangon uli." "Ate!" Dumagdag ang takot na nararamdaman ni Yeonna nang malakas na humagulhol ang kapatid. "Yessa, anong nangyari sa 'yo?" "Sorry, ate. Alam kong pangarap natin ang maka-travel sa buong mundo, pero mauuna na ako sa biyahe. Hihintayin na lang kita sa dulo." "Yessa, anong pinagsasasabi mo!" Wala na siyang pakialam kung magtinginan man sa kanya lahat ng tao sa paligid. "Sabihin mo sa akin! Anong problema mo? Anong nangyayari sa 'yo?" "Ate, salamat sa limang minuto..." Hindi maipaliwanag ni Yeonna ang dahilan ng pagpatak ng kanyang mga luha. Pakiramdam niya ay iyon na ang huling araw na maririnig niya ang tinig ng kapatid. "Salamat sa lahat. Salamat dahil ikaw ang naging ate ko." "Yess- " Hindi na niya natapos ang pagbanggit sa pangalan ng kapatid nang makarinig siya ng malakas na kalabog sa kabilang linya na nasundan ng malakas na sigawan at pagkaputol ng kanyang tawag."UUBUSIN mo na naman ba lahat nang iyan?"Nabaling ang namumungay na mga mata ni Amira kay Hardhie. "Bakit? Wala ka nang pera riyan?""Lasing ka na."Ikatlong balik na nila sa convenience store. At hindi umaabot sa bahay ang kanilang mga napamili."Darn! What a dumb! I'm not really asking if you have money," wika ni Amira na iika-ika na ang paglakad. "Alam mong wala akong pakialam kung mayaman ka o mahirap. It's you. You alone is more important than any wealth in the world. Manhid ka lang talaga."Hindi nakaimik si Hardhie."But this will be the last time..." Napasinok si Amira, "Hindi na iyon mauulit. Hinding-hindi na ako babalik ng convenience store. 'Couz I already gave you three chances. At lahat nang iyon ay sinayang mo."Napakunot ng noo si Hardhie."Uuwi na ako," sabay tapon nito ng huling lata ng beer matapos sairin ang natitirang laman niyon. "I just waste my time to a man who's not even worthy of my glance. Oppss! Hindi ka nga pala tunay na lalaki."Binalewala niya ang nagin
WALANG imikan sina Hardhie at Amira habang magkaabay sila sa paglalakad. Pareho silang nagpapakiramdaman at naghahanap ng tiyempo na magsalita.Dinaanan na nila ang isang convenience store, pero nilagpasan nila iyon. At katulad nga ng sinabi ni Lola Tasing, naghanap sila ng malayo. "Maganda ang panahon ngayon." Hindi na rin nakatiis si Hardhie sa namamagitan na katahimikan sa kanila. "Sana lang ay hindi umulan sa mga susunod na araw.""At bakit naman?""Hindi magandang mamasyal nang umuulan.""So, may panahon ka nang mamasyal?""May lugar ka bang naiisip na gustong puntahan?""Busy ako.""At anong pinagkakaabalahan mo? Wala ka namang trabaho!" asik ni Hardhie."Busy ako dahil may mga lakad kami ni Kenji.""Whoa! Ngayong araw lang kayo nagkita, pero nakapagplano na agad kayo?""Dahil malakas ang loob niya. Hindi siya natatakot na sumubok."Lihim na naikuyom ni Hardhie ang mga kamao. Alam niya na para sa kanya ang sinabing iyon ni Amira.Hindi naman dinadaga ang kanyang dibdib na ipagt
"KAILAN pa ba kayo riyan matatapos?"Natigil sa paghihilahan ng itatayo na tent sina Hardhie at Kenji sa pagsita sa kanila ni Lola Tasing na komportable sa kinauupuan nitong folding chair. Si Amira ay nakamasid lang at napapailing sa inaasal ng dalawa."Ikaw..."Itinuro ni Kenji ang sarili nang tukuyin lang ito ng tingin ng matanda."Oo, ikaw nga. Gumawa ka ng bonfire.""Lola," himig-protesta ni Amira. "Bisita ko po siya.""Chef siya, 'di ba? Siguradong magaling siyang gumawa ng apoy. Tulungan mo roon si Hardhie.""Kaya na niya iyan nang mag-isa.""Baka bago pa siya matapos, tirik na ang araw.""Lola, alas dose pa lang. Hindi siya riyan aabutin ng anim na oras.""Bakit ba ang dami mo pang sinasabi? Sige na."Hindi naman masama o mabigat ang loob ni Amira nang sundin ang utos ng kanyang lola. Natutuwa nga siya dahil mas boto ito kay Hardhie para sa kanya. Kaya lang hindi nito alam ang sitwasyon nila na wala silang malinaw na relasyon."Bakit ba ang tagal mo riyan?""Hindi ako marunong.
"WALA ka man lang sasabihin?""Ano bang dapat kong sabihin?""Khal had Yeonna with a 100-day contract. It's interesting, right?""Alam ko iyon.""Oh, really?""Actually, it was my idea.""Wow. Tama nga ang first impression ko sa iyo kanina. You're an interesting person.""Ang ideya ko lang ay magpanggap sila na may relasyon. Para tumigil na si Jacquin na kulitin nang kulitin ang kapatid ko. You know that woman, right?""She's a nuisance.""Exactly. But the rest of my idea, Kuya did it.""So, ideya niya ang tungkol sa kontrata. Matalino siya to come up with that idea. And the result came out so well for him.""Ibig sabihin, they are meant for each other.""Naniniwala ka sa tadhana?"Umiwas siya nang tumitig sa kanya si Kenji nang nakangiti. "Oo naman.""Tadhana ba ang nagdala sa akin dito ngayon?""Hindi," deretsahan niyang tugon sa naging tanong ni Kenji."Huh?""Si Kuya ang nagdala sa 'yo rito."Malakas na natawa si Kenji na nagpainit naman ng ulo ni Hardhie na nakatanaw pa rin mula
"MASARAP magluto ang pamilya mo."Ngumiti si Amira. "Salamat.""Kahit isa akong chef at nakatikim na ng maraming klase ng mga pagkain sa iba't ibang restaurants ay iba pa rin talaga ang lutong-bahay lalo na kapag niluto iyon ng mga taong nagpasaya sa puso ko."Ngiti lang ang naging tugon ni Amira. Wala siya sa mood para sa mahabang usapan. Or, baka hindi niya lang gusto ang topic na kanilang pinag-uusapan.No. She just does not want the one she is talking to. Guwapo naman si Kenji, mukha ring mabait. But her stupid heart goes to someone na nasa harapan lang nila.Iba nga ang tingin ni Hardhie sa dalawa na magkatabing nakaupo sa lover's swing."Huwag ka ngang obvious diyan," sita ni Yeonna. "Sinabi ko na sa 'yo na maging natural ka lang.""Bakit ba kailangan nilang maupo roon? That's only for lovers!""That's for everyone," pagtutuwid ni Yeonna. "Haist! Magda-drama ka. Kasalanan mo rin kasi dahil masyado kang makupad.""Gusto ko lang paghandaan ang lahat.""Pero tingnan mo ang nangyari
"YOU know her, right?" "Yes, of course!" magiliw na tugon ni Kenji sa naging tanong ni Khal nang ipakilala ito kay Amira. Hindi nito halos inaalis ang tingin sa dalaga. "The sweet, charming and beautiful sister of yours." Natuon ang tingin ng lahat nang lumikha ng ingay ang pagpigil ni Hardhie sa tawa niya. "I guess someone disagrees with you," wika ni Khal. Tumikhim lang si Hardhie at iniiwas ang tingin sa matalim na mga mata ni Amira. "He's my close friend," singit ni Yeonna. "He is funny sometimes, so don't mind him." "Hindi siya imbitado rito," mahinang saad ni Alona na narinig naman ni Lola Tasing kaya nakatanggap ito ng hampas sa braso nito. "Ma." "Halina na kayo sa komidor bago pa lumamig ang mga pagkain," pagyaya naman ni Pablo na hinarang muna si Hardhie na hahakbang na sana para paunahin si Kenji. "Ganyan talaga ang mga magulang," bulong na saad ni Yeonna sa kaibigan. "Over-protective sila sa mga anak." "Mukha ba akong hindi gagawa ng tama?" "Kaya nga dapat magpaki