"HINDI ko alam kung paano ko sisimulan ang kuwento. At nagdadalawang-isip pa rin ako. Siguro dahil sa takot."
Ginagap ni Yeonna ang kamay ng babae. Nagpakilala itong Loretta. Sa tingin niya, hindi nalalayo sa mga nakakatanda niya na mga pinsan ang edad nito. "Alam ko ang ibig mong sabihin. At naiintindihan kita." Napabuntong-hininga lang ang babae. Sa nakikita ni Yeonna, nag-aalinlangan nga ito. Kailangan niyang makuha ang tiwala nito. Hindi maaaring mawala sa kanya ang nasisilip na pagkakataon na malaman ang nangyari kay Yessa. "Nangangako ako. At marunong akong tumupad ng pangako. Maniwala ka." "Hindi ko alam," sabay iling nito na hinila palayo kay Yeonna ang kamay. "Marami kasing pangalan ang masasangkot. At hindi sila basta puwedeng kalabanin." Lalong lumakas ang determinasyon ni Yeonna na marinig ang mga nalalaman ng kanyang kausap. "Ang pagpunta mo sa libing at burol ni Yessa, gayundin ang pagsunod mo sa akin sa police station ay senyales na matapang kang tao. Kulang ka lang sa tiwala. At iyon ang hihingin ko sa iyo ngayon." Muli niyang ginagap ang kamay ni Loretta. "Kahit na anuman ang malaman ko ngayon, hinding-hindi kita idadamay." "Sigurado ka?" Tumango siya. "Hindi rin ako matatahimik tulad mo hanggang 'di ko malalaman ang nangyari kay Yessa. Magtiwala ka sana sa akin. Hindi kita ipapahamak." Natahimik si Loretta. At hinayaan lang muna ito ni Yeonna na makapag-isip. "Mahigit isang buwan noon si Yessa sa Deliemar nang ianunsiyo ng isa sa mga opisyal doon na ikakasal na ito..." Alam ni Yeonna na hindi maganda ang katapusan ng pagkukuwento ni Loretta. Kaya pinakalma niya ang sarili. Tila kasi naninikip na ang kanyang paghinga. "Nagplano ang lahat ng isang party. At nagkaroon nga ng malaking salo-salo. Pareho naming kailangan ni Yessa ng pera kaya nagboluntaryo kami para sa catering na kinuha ng kompanya." Napapikit si Yeonna. Alam niya na gusto lang ng kanyang kapatid na makatulong. Sana hindi lang niya ipinaparamdam dito o sinasabi ang hirap niya sa pagsasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho. Baka hindi nito naisipan ang pagpasok sa part-time o sideline jobs. "Na-assign ako sa kitchen habang siya naman ay sa pagse-serve ng mga food and drinks. Maayos na nagsimula ang party. At maayos din namang natapos. Pero may isang grupo ng mga bisita ang nagkaroon ng interes kay Yessa." Napasapo sa dibdib si Yeonna nang sumikip ang kanyang paghinga. "Okay ka lang?" Napahawak si Yeonna sa braso si Loretta. Gusto niyang iwaksi sa isip ang wakas ng kuwento, pero iyon na ang nagdudumilat sa kanya. "Sabihin mo sa akin," wika niya sa pagitan nang paghahabol ng hininga. "B-Binaboy ba nila ang kapatid ko?" Sandaling hindi nakasagot si Loretta. "Binaboy ba nila ang kapatid ko?" madiing pag-uulit ni Yeonna. "Isa sa limang magkakasamang lalaki ang nagbigay ng inumin kay Yessa. Sa tingin ko, nilagyan nila ng gamot iyon." Napatitig siya kay Loretta. "Nakita ko na lamang kasi na kusa nang sumama sa kanila si Yessa. Kilala siya na mailap sa mga lalaki. Kaya nagkaroon na ako ng pagdududa." "Anong nangyari pagkatapos niyon?" "Dinala siya sa rooftop ng Deliemar..." Muling napapikit si Yeonna. Kaya iyon ang lugar na pinili ni Yessa na tapusin ang buhay nito dahil doon nasira ang lahat nang mga pangarap nito. "Bakit hindi ka humingi ng tulong?" "Natakot ako." Napakuyom siya ng kamao. "Pero nagsabi ako sa isa sa mga guwardiya ng Deliemar." Nakita ni Yeonna ang muling pag-ikot ng paningin ni Loretta sa paligid. Nasa isang public park sila. At pinili nila ang parte ng lugar na hindi matao. "Kinabukasan, wala na 'yong guwardiya. Hindi na siya pumasok." "Nasaan siya?" "Ang sabi, nagnakaw daw mula sa mga bisita kaya kinulong. Pero kilala ko si Ali. Mabuti siyang tao. Hindi niya magagawa ang bagay na iyon." "Alam mo ba kung saan siya nakatira?" "Pinuntahan ko siya sa bahay nila noong araw na inanunsiyo sa buong kompanya ang ginawa niya. Pero wala na roon ang buo niyang pamilya." "Kinabukasan lang bago ang nagyaring insidente?" Tumango si Loretta. "Naiintindihan mo na ba kung anong klaseng tao ang gumawa niyon kay Yessa? Naipakulong nila ang inosente at nadamay pa ang pamilya nito." "Sino ang mga taong iyon?" "Ang isa sa kanila ay pamangkin mismo ng may-ari ng Deliemar." Tumayo na si Yeonna. "Hindi mo ako idadamay, 'di ba? Ayokong matulad kay Ali. Maliliit pa ang mga anak ko. Kaya ko sinabi sa 'yo ang nalalaman ko ay dahil sa konsensiya ko. Hindi kami malapit sa isa't isa ni Yessa, pero mabait siya." "Salamat." Pinigilan ni Loretta sa kamay si Yeonna. "Saan ka pupunta?" "Sa police station." Napatayo ito. "Sasabihin mo ba sa kanila ang mga nalaman mo ngayon?" "Huwag kang mag-alala, marunong akong tumupad ng pangako." Tumalikod na si Yeonna. Hindi pa naman siya malayo sa police station kaya ilang minuto lang nang paglalakad ay narating agad niya iyon. Dumiretso siya sa pulis na nakausap kanina. Abala ito sa paglalaro ng baraha sa computer kaya hindi nito napansin ang kanyang presensiya. Nagulantang na lang ito nang maramdaman nitong may mga matang nakatitig dito. "Ikaw na naman?" "Ginahasa ang kapatid ko." Napatingin ang pulis sa mga kasama na napansin naman ni Yeonna. "Sinabi ko na sa 'yo na sarado na ang kaso." "Pero alam niyo ba?" "Hindi." "Dahil hindi kayo nag-imbestiga. At dahil minadali ninyong maisara iyon para pagtakpan ang mga taong involve sa insidente." "May pruweba ka ba?" "Wala." "Wala pala, pero ang lakas ng loob mong magbentang?" "Babalik ako kapag may pruweba na. Sana nandito ka pa kapag nagharap uli tayo. " Walang paalam nang umalis si Yeonna. Mula sa police station ay nilakad niya rin lang ang papunta ng sementeryo kung saan inilibing ang kapatid. Kalahating oras din iyon. Pero nagkaroon siya ng pagkakataong makapag-isip. "Yessa..." Lumuhod siya nang tumapat sa nitso ng kapatid. Wala nang luhang pumatak sa kanyang mga mata. Napalitan na iyon ng galit. "Pinapangako ko. Pagbabayarin ko silang lahat. Bibigyan kita ng hustisya. Bibigyan kita ng katahimikan. Hintayin mo uli ako. Darating ako. Ihaharap ko sa 'yo ang mga taong dahilan kaya nandiyan ka." Hindi siya nagtagal sa sementeryo. Umuwi na siya at kinuha ang mga gamit. "Saan ka pupunta?" usisa ni Marco nang makitang palabas ng bahay si Yeonna na may dalang bag. "Babalik na po ako ng Maynila." "Hindi ka ba muna magpapalipas dito ng ilang araw? Baka hindi mo pa kaya." "Huwag po kayong mag-alala. Kailangan kong kayanin dahil nakasalalay sa akin ang katahimikan ni Yessa." "Anong pinaplano mo?" Tumalikod na si Yeonna. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ng tiyuhin.BUMABA na ng sasakyan si Jade matapos siyang makahanap ng pagpaparadahan niyon. Maaga pa kaya maluwang pa ang parking area.Sandali muna siyang huminto at pinagala niya ang tingin. Maaliwalas ang paligid. At hindi pa rin matao kaya hindi pa gaanong maingay. Mayamaya lang ay marami na ang mga bata, teenagers, at couples doon. Pero hindi siya pumunta sa lugar na iyon para mamasyal o mag-relax. She missed the place, so as the person whom she shared memories in there.Napabuntong-hininga si Jade habang naglalakad at pinapagala ang tingin sa loob ng public park.Umuulan ng gabing iyon nang matagpuan niya roon si Miko na hindi sumipot sa kanilang usapan. Manonood dapat sila ng concert. He was lost, alone and in pain of the past.Nalaman niya nang araw na iyon ang sakit na dinaranas nito. At nangako siyang handa niyang gawin ang lahat para matulungan ito.Hindi ang pagiging doktor niya ang nagpagaling kay Miko. It was their love. Kaya kahit masakit at mahirap ang maghintay, magtitiis siya a
PINALIPAS muna ni Miko ang ilang minuto bago niya muling iniangat ang landline ng studio niya at inulit ang pag-dial.Pero ganoon pa rin ang resulta, nakapatay ang cellphone ni Yolly na hindi naman nito ginagawa. Kung lowbatt ito, naghahanap lagi ito ng paraan na makapag-charge. Dahil may mahahalaga itong tawag mula sa trabaho nito.Hindi na niya inabutan sa studio ang dating nobya. At ipinagpapasalamat naman niya iyon. May gusto nga lang siyang itanong dito."Haist! Nasaan ba siya?"Naisipan ni Miko na tawagan ang sariling numero dahil wala sa pinaglalagyan ang kanyang nasira na cellphone. Alam niya kung saan niya iyon iniwan.Napakunot ang noo ng binata dahil sa pagtataka nang biglang tumunog ang kabilang linya.At napalingon siya nang maulinigan ang pamilyar na ringtone. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto.Biglang itinulos si Yolly sa bungad nang madatnan si Miko na hawak-hawak ang landline. Huli na para maitago nito ang cellphone na patuloy nanag-iingay sa loob ng bag nito."May
"DOC, may bisita po kayo sa loob."Napatingin si Jade sa direksiyon ng opisina niya na nagpakunot sa kanya ng noo dahil sa halos pabulong na pagkakasabi ng nurse sa kanya. "Sino raw?""Dati niyo pong pasyente, pero wala naman siyang appointment schedule ngayong araw. Gusto kang makausap. Nangugulit kaya pinapasok na namin.""Sige. Salamat."Sandali muna siyang nakipagtitigan sa seradura ng pinto bago iyon pinihit. Napatingin sa kanya ang bisitang naghihintay sa harap ng kanyang office table."What brings you here?""Iba yata ang lamig ng boses mo ngayon, doc."Dumiretso si Jade sa upuan. "Normal lang 'yon sa ganitong nakakapagod na propesyon, Miss Santuario.""Pumunta ako rito para muling magpasalamat sa mga advice na ibinigay mo sa akin. Lahat ng mga sinabi mo, sinunod ko. I have no regrets. Mayroon kasi iyong naidulot na magandang resulta.""Good to hear that. And good for you.""Miko and I are planning to get married."Napakuyom ng kamao si Jade na hindi naman nakalagpas sa paningi
GUMAMIT na nang puwersa si Miko nang hindi niya mahanap ang susi ng kanyang sariling kuwarto. Wala ring ibang tao sa bahay para sana mapagtanungan niya niyon.Para bang lahat ay umiiwas sa kanya. Napansin na nga niya iyon kanina sa matanda nilang katulong."Arghh!" daing ni Miko sa unang pagbangga ng tagiliran niya sa nakasarang pinto.Pero hindi siya sumuko. He has to open it at all costs.Makailang ulit niyang ginawa iyon bago tuluyang nabuksan ang pinto. Napatakip siya sa ilong nang sumalubong sa kanya ang malakas na amoy. Pero agad naman niyang natukoy ang pinanggalingan niyon.Humakbang siya papasok ng kuwarto at kunot-noong nilapitan ang isa sa bagong pintura na dingding na bagamat tuyo na ay aninag pa rin doon ang ilalim.Marahil hindi dalubhasa ang naglagay ng pintura o puwede rin na taglay niya ang mga mata ng pintor na kayang alamin lahat nang may kinalaman sa mga kulay at pagpipinta.Bahagya siyang umatras para mas malinaw na matitigan ang humatak ng kanyang pansin. Pinaiku
"M-MIKO?""Bakit para kang nakakita ng multo, manang?" puna niya sa naging reaksiyon ng katulong na nagbukas sa kanya ng gate. "Hindi na ba ako welcome rito?""Hindi naman. Nagtataka lang ako.''''Bakit po?''''Naalala mo kasi kung saan ka nakatira."Pinagala ni Miko ang tingin mula sa malawak na bakuran hanggang sa dalawahan na palapag nilang bahay. "Itinakwil na ba ako ng pamilya ko?""Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, umulan noong mga nakaraang araw. ""Magaling na ako, manang.""Talaga? Magandang balita 'yan na siguradong ikatutuwa ng pamilya mo!""Nasaan sila?"Sinundan ng matandang katulong ang pagpasok ni Miko sa kabahayan. "Hijo, gusto mo bang ipaghanda kita nang makakain?""Busog po ako.'' Pinagala uli niya ang tingin. ''Wala ba sila rito?""Maaga silang umalis, pero sa tingin ko pauwi na si Alona. Namalengke lang siya. Hintayin mo na lang siya sa sala."Biglang napahinto sa paghakbang si Miko at kunot-noong nilingon ang katulong. "Hihintayin ko si Mama sa sala? Bakit? Bis
"HON, hindi ka pa rin tapos diyan?"Tumigil ang hawak na brush ni Miko nang maramdaman niya ang pag-upo ni Yolly. Yumakap ito mula sa kanyang likuran at inihilig pa nito ang ulo sa kanya.Before, he likes her warmth. Pero hindi na niya ngayon maintindihan ang sarili. As if an ice just touched him. And he feels nothing but numbness.''Mamaya mo na gawin iyan. Kumain na tayo. Niluto ko ang paborito mong adobo.''''Hindi pa ako nagugutom.''''Kape lang halos ang laman ng tiyan mo. Hindi ka na nga nag-almusal. Pati ba naman tanghalian ay hindi ka pa rin kakain.''''Tatapusin ko lang ito.''''Then, I'll stay here hanggang matapos ka.''Nanahimik na lang si Miko at ipinagpatuloy na ang ginagawa.''Hon, hindi pa rin ba ako nabubura sa alaala mo?''"No. You're still clear as crystal."''Does it mean na magaling ka na?''Muling napahinto sa pagpipinta si Miko nang muli siyang abalahin ng dalaga na pinalikot ang mga kamay. Dumausdos iyon pababa sa may dibdib niya. "Would you mind? I told you,