Share

Chapter 7

Author: EL Nopre
last update Last Updated: 2024-12-07 03:16:19

“MAIIPIT pa yata tayo sa trapik!”

"Haist! Nagmamadali pa naman ako!"

"Inagahan niyo sana ng alis sa mga bahay niyo!"

"Manong, dinadagdagan mo lang ang stress namin!"

"Baguhan lang ba kayo rito sa Maynila? Matagal nang problema rito ang traffic!"

Nagising ang diwa ni Yeonna mula sa pagkakaidlip nang marinig ang sagutan ng mga nagrereklamong pasahero at saka nang nanggagatong pa sa inis na drayber.

"Dagdag lang sila nang dagdag ng mga sasakyan, pero ang kikipot naman ng mga daan!"

Nabaling ang nag-uulap pang tingin ni Yeonna sa drayber ng sinasakyang pampublikong jeep. Nasa likuran siya ng kabilang direksyon nito, pero kanina pa nanunuot sa ilong niya ang usok ng sigarilyo nito.

"Manong, may diperensiya ka ba sa mata?"

"Ha?" balik-tanong ng nagtatakang drayber.

"Ang laki ng karatola mo na 'No Smoking' na nasa mismong harapan mo pa, pero ikaw chill-chill lang sa paninigarilyo. Para lamang ba sa mga pasahero 'yan? May mga bata rito at matatanda! Sinisira mo ang kalusugan nila"

"Ako lang ba ang drayber na gumagawa nito?"

"Hindi. Pero ako lang ang pasahero na mukhang puwedeng manita sa 'yo." Inilabas niya ang tsapa, "Mamili ka. Posas, ticket o kulong?"

Mabilis na pinalipad ng drayber sa labas ang sigarilyo.

"Haist!" asik ni Yeonna. "Nagkalat ka pa! Lumabag ka sa Presidential Decree No. 825: Improper disposal of garbage and other forms of uncleanliness!"

"Pasensiya na. Hindi ko na uulitin."

Ibinalik ni Yeonna sa loob ng suot na t-shirt ang nakasukbit sa leeg na tsapa.

“Ano kayang nangyari?” usisa ng ginang na inilabas pa ang ulo sa bintana upang alamin ang dahilan ng pagkakaipit nila sa trapik. "Parang may banggaan o gulo yata sa unahan."

“May hostage-taking na nagaganap," anunsiyo ng isang bata na naglalako ng mga basahan. "Mukha ngang lasing o adik ang lalaki.”

“Late pa naman lagi kung dumating ang mga pulis...”

Napatingin si Yeonna sa drayber na halatang pinatatamaan siya.

"Pero hindi naman lahat," pagbawi nito sa naunang sinabi.

Mabilis nang bumaba si Yeonna.

“Teka! Nagbayad ka na ba?”

Huminto siya sa tapat ng drayber at muli niyang iniangat ang nakasukbit na tsapa sa leeg. “Palista muna.”

“Pambihira naman! May nilalabag ka ring batas!"

Binalewala na lang ni Yeonna ang sigaw ng drayber. Patakbo na niyang tinungo ang lugar na pinagkukumpulan ng mga tao.

“Papatayin ko lahat nang makikialam!”

Karamihan sa mga naroong malapit sa hostage-taker ay napaatras nang itutok nito sa unahan ang patalim na kanina’y halos nakadiin sa leeg ng batang biktima.

“Huwag kayong lalapit! Maling hakbang niyo at parehong matatapos ang buhay naming dalawa rito!”

Napahinto si Yeonna nang makarating sa umpukan ng mga tao. Nasa unahan ang isang lalaki na halatang lango sa alak at dr○ga. Payakap nitong nahahawakan sa harapan ang batang babae na umiiyak.

“Subukan ninyong lumapit! Papatayin ko talaga ito!”

Nagsigawan ang mga tao sa paligid nang ibalik ng hostage-taker ang patalim nito na nakaamba sa mga tao, paibaba sa leeg ng bata na namumutla at umuubo na sa kakaiyak.

“Manong, itigil mo na iyan!” wika ng isang lalaki. “Kung may problema kayo ng misis mo, huwag mong idamay ang anak niyo!”

“Papatayin ko ang bastardang ito tulad nang gagawin ko sa kanyang malanding ina!”

“Huminahon ka, manong! Maawa ka naman sa bata!”

“Sinabi nang huwag kayong makikialam! Subukan niyong lumapit! Subukan niyo!”

“Ano bang kailangan mo para mawala ang galit mo?” lakas-loob na tanong ng isa namang ginang.

“Dalhin niyo rito sa akin ang asawa ko!”

“Hindi namin alam kung nasaan ang asawa mo!”

“Kahit sinong babae, dalhin niyo rito kapalit ng batang ito!”

Nagkatinginan ang mga kababaihan. At lahat ay napaatras maliban kay Yeonna na humakbang sa unahan. Hinatak niya ang tali ng kanyang mahabang buhok at hinayaan iyong lumugay.

She walked gracefully on her fitted shirt and denim pants. Kaya naman natuon sa kanya ang atensiyon ng mga tao.

“Naaawa ako sa anak mo. Malayo pa ang puwede niyang marating sa buhay. And I’m sure na marami rin siyang pangarap. Tama ba ako, bata?”

“O-Opo!” tugon nito sa pagitan ng iyak. “Papa, nasasaktan na po ako!”

“Tumahimik ka! Kasalanan ito ng mama mo! Kung hindi siya lumandi sa iba, wala sana tayo sa sitwasyong ito!”

“Kasalanan naman pala ng asawa mo, pero bakit ibinubunton mo ang sisi sa batang iyan?”

"Dahil mag-ina sila!"

"Mag-ama rin naman kayo. Kamukha mo ang bata."

Napipilan ang lalaki.

"Teka. Huwag mong sabihin na kaya mo idinamay ang bata rito dahil iniisip mo na hindi mo siya anak?"

"Hindi ko siya anak!"

"Pero kopyang-kopya niya ang mukha mo. Para kayong pinagbiyak na santol."

Sandali itong napaisip. "Bakit santol?"

"Pasensiya na. 'Yon kasi ang huling prutas na kinain ko. Ikaw? Ano bang paborito mo?"

Nagpalitan ng tingin ang mga taong nasa paligid dahil sa pag-iiba ng usapan. Pero estratehiya lang iyon ni Yeonna para mailihis ang atensiyon ng lalaki.

"Mangga."

"Naku. Bakit nakalimutan ko ang pinakapaborito ko sa lahat?"

"Manggang hilaw!"

"Mismo! At isasawsaw sa bagoong!"

Humakbang palapit si Yeonna nang mapansin niya na lumuwang na ang hawak ng lalaki sa bata.

"Pareho pala tayo ng paborito."

Ngumiti si Yeonna. "Mas masarap iyon kung sasamahan natin ng alak. 'Di ba?"

"Gusto ko 'yan!"

Pinakawalan ng lalaki ang anak nito at mabilis na hinatak si Yeonna. Karamihan sa mga tao ay napatili sa ginawang iyon ng hostage-taker habang ang ilan doon ay maagap nang kinuha ang bata. Isa sa mga umuusisa ay nurse kaya nalapatan agad ito ng first-aid.

“Wala kang ipinagkaiba sa asawa ko! Amoy na amoy ko ang kalandian mo!"

“Amoy na amoy ko naman ang mabaho mong hininga!"

“Ah!” hiyaw ng lalaki nang pilipitin ang kamay nito na may hawak na patalim.

“Haist! Kung ako ang asawa mo, iiwanan nga talaga kita!”

“Aray, aray!" hiyaw ng lalaki.

"Mukhang hindi ka lang palamunin, pabigat ka pa!"

"Masakit! Masakit!"

"Aba, nasasaktan ka rin pala? 'Yong anak mong kanina pa dumadaing, wala ka man lang pakialam! Tapos ngayon aaray ka?"

"Sino ka ba?”

Inilabas niya ang nakakuwintas na tsapa sa leeg at inihampas iyon sa mukha ng lalaki. “PO2 Yeonna Agravante!”

"Pulis ka?"

"Limang taon na."

Nagpalakpakan ang mga tao nang idapa ng dalaga ang hostage-taker at lagyan ito ng posas sa likuran.

“You have the right to remain silent…” Bilang alagad ng batas at arresting personnel, binasahan niya ng karapatan ang suspect bilang pagsunod sa police protocol. “Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney. If you can not afford one, you shall be provided by the government.”

“Ano? Puwede bang paki-translate sa Tagalog?”

“Ang ibig sabihin, tumahimik ka!”

“Sa haba ng sinabi mo ay ganoon lang ang paliwanag?”

Iniamba ni Yeonna ang kamao sa pilosopong lalaki. Pero pinigil niya ang sarili lalo na’t maraming tao sa paligid.

She’s one of the candidates for promotion. Matagal din niyang hinintay ang pagkakataon na umangat sa posisyon. And she can't lose that chance.

“Patong-patong na mga kaso ang kakaharapin mo. Kaya ngayon pa lang, magdasal ka na.”

"Kasalanan ito ng asawa ko!"

Muli niyang hinampas ang lalaki. "At anak niyo ang pagbabayarin mo? Anong klase kang ama?"

"Dalhin niyo sa akin ang asawa ko! Gusto ko siyang makausap!"

Nang dumating ang mga rumispondeng pulis, ipinasa na ni Yeonna ang lalaki sa mga ito at deretso nang dinala sa presinto.

Ilan naman sa mga naroon sa lugar ang nagboluntaryong samahan ang bata sa ospital para patingnan kung mayroon itong pangangailangang-medikal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Wow,PO2 police na pla si yeonna🩷🩷🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 38

    BUMABA na ng sasakyan si Jade matapos siyang makahanap ng pagpaparadahan niyon. Maaga pa kaya maluwang pa ang parking area.Sandali muna siyang huminto at pinagala niya ang tingin. Maaliwalas ang paligid. At hindi pa rin matao kaya hindi pa gaanong maingay. Mayamaya lang ay marami na ang mga bata, teenagers, at couples doon. Pero hindi siya pumunta sa lugar na iyon para mamasyal o mag-relax. She missed the place, so as the person whom she shared memories in there.Napabuntong-hininga si Jade habang naglalakad at pinapagala ang tingin sa loob ng public park.Umuulan ng gabing iyon nang matagpuan niya roon si Miko na hindi sumipot sa kanilang usapan. Manonood dapat sila ng concert. He was lost, alone and in pain of the past.Nalaman niya nang araw na iyon ang sakit na dinaranas nito. At nangako siyang handa niyang gawin ang lahat para matulungan ito.Hindi ang pagiging doktor niya ang nagpagaling kay Miko. It was their love. Kaya kahit masakit at mahirap ang maghintay, magtitiis siya a

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 37

    PINALIPAS muna ni Miko ang ilang minuto bago niya muling iniangat ang landline ng studio niya at inulit ang pag-dial.Pero ganoon pa rin ang resulta, nakapatay ang cellphone ni Yolly na hindi naman nito ginagawa. Kung lowbatt ito, naghahanap lagi ito ng paraan na makapag-charge. Dahil may mahahalaga itong tawag mula sa trabaho nito.Hindi na niya inabutan sa studio ang dating nobya. At ipinagpapasalamat naman niya iyon. May gusto nga lang siyang itanong dito."Haist! Nasaan ba siya?"Naisipan ni Miko na tawagan ang sariling numero dahil wala sa pinaglalagyan ang kanyang nasira na cellphone. Alam niya kung saan niya iyon iniwan.Napakunot ang noo ng binata dahil sa pagtataka nang biglang tumunog ang kabilang linya.At napalingon siya nang maulinigan ang pamilyar na ringtone. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto.Biglang itinulos si Yolly sa bungad nang madatnan si Miko na hawak-hawak ang landline. Huli na para maitago nito ang cellphone na patuloy nanag-iingay sa loob ng bag nito."May

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 36

    "DOC, may bisita po kayo sa loob."Napatingin si Jade sa direksiyon ng opisina niya na nagpakunot sa kanya ng noo dahil sa halos pabulong na pagkakasabi ng nurse sa kanya. "Sino raw?""Dati niyo pong pasyente, pero wala naman siyang appointment schedule ngayong araw. Gusto kang makausap. Nangugulit kaya pinapasok na namin.""Sige. Salamat."Sandali muna siyang nakipagtitigan sa seradura ng pinto bago iyon pinihit. Napatingin sa kanya ang bisitang naghihintay sa harap ng kanyang office table."What brings you here?""Iba yata ang lamig ng boses mo ngayon, doc."Dumiretso si Jade sa upuan. "Normal lang 'yon sa ganitong nakakapagod na propesyon, Miss Santuario.""Pumunta ako rito para muling magpasalamat sa mga advice na ibinigay mo sa akin. Lahat ng mga sinabi mo, sinunod ko. I have no regrets. Mayroon kasi iyong naidulot na magandang resulta.""Good to hear that. And good for you.""Miko and I are planning to get married."Napakuyom ng kamao si Jade na hindi naman nakalagpas sa paningi

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 35

    GUMAMIT na nang puwersa si Miko nang hindi niya mahanap ang susi ng kanyang sariling kuwarto. Wala ring ibang tao sa bahay para sana mapagtanungan niya niyon.Para bang lahat ay umiiwas sa kanya. Napansin na nga niya iyon kanina sa matanda nilang katulong."Arghh!" daing ni Miko sa unang pagbangga ng tagiliran niya sa nakasarang pinto.Pero hindi siya sumuko. He has to open it at all costs.Makailang ulit niyang ginawa iyon bago tuluyang nabuksan ang pinto. Napatakip siya sa ilong nang sumalubong sa kanya ang malakas na amoy. Pero agad naman niyang natukoy ang pinanggalingan niyon.Humakbang siya papasok ng kuwarto at kunot-noong nilapitan ang isa sa bagong pintura na dingding na bagamat tuyo na ay aninag pa rin doon ang ilalim.Marahil hindi dalubhasa ang naglagay ng pintura o puwede rin na taglay niya ang mga mata ng pintor na kayang alamin lahat nang may kinalaman sa mga kulay at pagpipinta.Bahagya siyang umatras para mas malinaw na matitigan ang humatak ng kanyang pansin. Pinaiku

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 34

    "M-MIKO?""Bakit para kang nakakita ng multo, manang?" puna niya sa naging reaksiyon ng katulong na nagbukas sa kanya ng gate. "Hindi na ba ako welcome rito?""Hindi naman. Nagtataka lang ako.''''Bakit po?''''Naalala mo kasi kung saan ka nakatira."Pinagala ni Miko ang tingin mula sa malawak na bakuran hanggang sa dalawahan na palapag nilang bahay. "Itinakwil na ba ako ng pamilya ko?""Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, umulan noong mga nakaraang araw. ""Magaling na ako, manang.""Talaga? Magandang balita 'yan na siguradong ikatutuwa ng pamilya mo!""Nasaan sila?"Sinundan ng matandang katulong ang pagpasok ni Miko sa kabahayan. "Hijo, gusto mo bang ipaghanda kita nang makakain?""Busog po ako.'' Pinagala uli niya ang tingin. ''Wala ba sila rito?""Maaga silang umalis, pero sa tingin ko pauwi na si Alona. Namalengke lang siya. Hintayin mo na lang siya sa sala."Biglang napahinto sa paghakbang si Miko at kunot-noong nilingon ang katulong. "Hihintayin ko si Mama sa sala? Bakit? Bis

  • 100 DAYS WITH THE CEO   Book 3: Chapter 33

    "HON, hindi ka pa rin tapos diyan?"Tumigil ang hawak na brush ni Miko nang maramdaman niya ang pag-upo ni Yolly. Yumakap ito mula sa kanyang likuran at inihilig pa nito ang ulo sa kanya.Before, he likes her warmth. Pero hindi na niya ngayon maintindihan ang sarili. As if an ice just touched him. And he feels nothing but numbness.''Mamaya mo na gawin iyan. Kumain na tayo. Niluto ko ang paborito mong adobo.''''Hindi pa ako nagugutom.''''Kape lang halos ang laman ng tiyan mo. Hindi ka na nga nag-almusal. Pati ba naman tanghalian ay hindi ka pa rin kakain.''''Tatapusin ko lang ito.''''Then, I'll stay here hanggang matapos ka.''Nanahimik na lang si Miko at ipinagpatuloy na ang ginagawa.''Hon, hindi pa rin ba ako nabubura sa alaala mo?''"No. You're still clear as crystal."''Does it mean na magaling ka na?''Muling napahinto sa pagpipinta si Miko nang muli siyang abalahin ng dalaga na pinalikot ang mga kamay. Dumausdos iyon pababa sa may dibdib niya. "Would you mind? I told you,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status