"SALAMAT sa paghatid."
"Salamat ulit? Wala man lang bago?" Patulak na ibinalik ni Yeonna ang helmet kay Mark. "I-renew mo na iyang lisensiya mo dahil kapag umabot pa 'yan ng isang linggo, baka hindi lang ticket ang ibigay ko sa 'yo!" "Haist! Akala ko pa naman kapag may kaibigan akong pulis, absuwelto na ako." Nagkataon noon na duty si Yeonna nang mahuli si Mark sa isa sa mga checkpoint kaya nalaman niya ang naging violation nito. "Alam mong walang kai-kaibigan sa akin." "Paano kung sabihin ko sa makakahuli sa akin ng girlfriend kita? Iaabsuwelto kaya nila ako?" "Ikukulong kita sa pagkakalat ng maling impormasyon!" Natawa si Mark. "Siguro kong natuloy ka sa pagiging isang lawyer, marami ka na ring napakulong." "Sige na. Magtatrabaho na ako. Mag-iingat ka." "Wala man lang kiss?" sabay patulis nito sa bibig. Itinaas naman ni Yeonna ang tsapa. "Gusto mong dito ikiskis iyan?" "Have a nice day, Miss Police Officer." Itinaas lang ni Yeoona ang kamay bilang pamamaalam kay Mark at tumalikod na. Dumiretso na siya sa kanyang assigned department nang makapasok ng gusali. "Kapitan!” Sinalubong ng malakas na palakpakan at hiyawan si Yeonna nang makapasok siya sa departamento niya. Nakaabang na sa kanyang pagdating ang mga kasamahan sa trabaho na ang ilan ay may hawak na ng mga bulaklak habang ang iba naman sa mga kalalakihan ay nagpalipad ng confetti. “Ano bang ginagawa ninyo? Nagkakalat kayo!” “Kapitan—” “Heh!” saway niya sa isang katrabaho. “Candidates pa lang ako. At malalakas ang mga kalaban ko. Nakakahiya kung maririnig nila ang pagtawag niyo sa akin ng ganyan.” “Sikat na sikat ka ngayon sa social media. Mabangong-mabango ang pangalan mo kaya imposible na hindi mo makuha ang posisyon.” “Sige na. Magtrabaho na lang kayo. Para sa susunod na selection, mapasama na rin ang mga pangalan niyo na nilulumot na sa apat na sulok ng presintong ito.” Nauwi sa tuksuhan ang biro na iyon ni Yeonna nang pukulin ng tingin ng lahat ang isa sa kanilang mga kasamahan na tumanda na sa pagiging desk officer. "Wala akong binanggit na pangalan," depensa agad ni Yeonna na lalo lang nagpaugong sa malakas na tawanan. “PO2 Agravante…” Napalingon ang dalaga sa tumawag na katrabaho na naka-duty sa frontline ng presinto. “Pinapatawag ka ni Sir Bragaise.” “Okay. Salamat.” “Kapitan, siguradong pasado ka na niyan. Malakas na ang backer mo.” “Tumigil nga kayo. Oras na ng trabaho. Sige na. Ilagay niyo na lang ‘yang mga bulaklak sa mesa ko at linisin ninyo ang mga kinalat niyo sa sahig.” “Wala man lang bang salamat?” biro ng isa. “Pa-c*ntot naman!” dagdag ng isa pang pulis na kilalang babaero sa grupo. “This jerk!” asik ni Yeonna. “Ang ibig kong sabihin, canton! Ang dudumi talaga ng utak niyo!” “Kapitan, lumabas na lang tayo mamaya.” “Okay. Treat ko. Kayo na lang ang pumili ng lugar. ” Naghiyawan ang lahat. “Kapitan, wala nang bawian!” Umalis na si Yeonna at tinungo na ang opisina ng mataas niyang opisyal. Nang huminto at tumapat siya sa nakasarang pinto ay nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga saka siya marahang kumatok. “Come in.” Sumaludo siya nang makapasok. “PO2 Agravante, reporting, sir!” “Carry on. Have a sit, PO2.” “Thank you, sir.” "Wala ka bang tinamong injury kahapon?" "Okay lang po ako, sir." "Alam kong sa klase ng trabaho natin ay kailangan na mas unahin natin lagi ang kapakanan ng mamamayan. Pero hindi ibig sabihin na basta ka na lang lulusob nang hindi mo pinaghandaan. Pa'no na kung hindi lang pala patalim ang dala ng hostage-taker? Mag-iingat ka pa rin. And that's an order!" "Yes, sir! Thank you, sir!" Sandaling binalot ng katahimikan ang paligid. Pinakalma muna ni Erman ang sarili bago ito muling nagsalita. “I will be honest with you. Alam mong malalakas ang mga kalaban mo sa posisyon. They are all more experienced men than you na limang taon pa lamang sa serbisyo. Kahit na naging instant celebrity ka sa social media in span of a day dahil sa nangyaring hostage-taking kahapon, kulang pa rin iyon para makatulong sa promotion mo.” “Naiintindihan ko po, sir. Gagawin ko na lang po ang lahat nang makakaya ko.” “You know how much I believe in your skills and talent, PO2 Agravante." "Yes, sir! Thank you, sir!" Tumango-tango ito. "Being a captain is one step closer to your goal. Kaya nga inihanay kita sa magagaling for you to steal spotlight. Huwag mong sasayangin ang laki ng oportunidad na ibinigay ko.” “Opo, sir. Maraming salamat po.” “I asked you to come here para sabihin nang personal sa 'yo na makukuha mo ang boto nina Deputy Chief Alonte at Colonel Sabadia.” Nabuhayan nang pag-asa si Yeonna sa narinig na magandang balita. Ang dalawang nabanggit na opisyal ay may matataas na posisyon sa National Police. The latter is her old mentor at the PMA. Hindi naman sila malapit nito when she studied at the academy. But having him on her side is a great advantage. “They have seen your video circulating in social media. At napabilib sila sa tapang mo. They said you tackled the hostage scene in less than twenty minutes.” “Salamat po, sir. It’s always been an honour for me na magsilbi sa bansa natin.” “At ganyan na ganyan ngang magandang ugali ang kailangan na kailangan ng PNP. Keep up the good work. Huwag mo sana akong ipapahiya.” “Makakaasa po kayo, sir.” “Iwasan mong huwag madumihan ang pangalan mo. Kahit maliit na butas ang masilip sa ’yo ng mga kalaban mo, it will end your dream.” “Tatandaan ko ang mga payo mo, sir.” “Sige na. Bumalik ka na sa trabaho mo.” Tumayo si Yeonna at sumaludo uli sa opisyal. Nang makalabas sa opisina ay pinakawalan niya ang mahinang suntok sa hangin. Abot-kamay na niya ang pangarap. “Malapit na," wika niya sa sarili. "Malapit na malapit na ako sa 'yo, Yessa.” She took her wallet at tinunghayan doon ang larawan ng kapatid. Sampung taon na rin ang matuling lumipas, pero hindi pa niya naibibigay rito ang hustisya. The criminal came from a prominent family na kayang bilhin at paikutin ang batas. She made a vow to her sister's grave na bibigyan niya ng katarungan ang pagkamatay nito.BUMABA na ng sasakyan si Jade matapos siyang makahanap ng pagpaparadahan niyon. Maaga pa kaya maluwang pa ang parking area.Sandali muna siyang huminto at pinagala niya ang tingin. Maaliwalas ang paligid. At hindi pa rin matao kaya hindi pa gaanong maingay. Mayamaya lang ay marami na ang mga bata, teenagers, at couples doon. Pero hindi siya pumunta sa lugar na iyon para mamasyal o mag-relax. She missed the place, so as the person whom she shared memories in there.Napabuntong-hininga si Jade habang naglalakad at pinapagala ang tingin sa loob ng public park.Umuulan ng gabing iyon nang matagpuan niya roon si Miko na hindi sumipot sa kanilang usapan. Manonood dapat sila ng concert. He was lost, alone and in pain of the past.Nalaman niya nang araw na iyon ang sakit na dinaranas nito. At nangako siyang handa niyang gawin ang lahat para matulungan ito.Hindi ang pagiging doktor niya ang nagpagaling kay Miko. It was their love. Kaya kahit masakit at mahirap ang maghintay, magtitiis siya a
PINALIPAS muna ni Miko ang ilang minuto bago niya muling iniangat ang landline ng studio niya at inulit ang pag-dial.Pero ganoon pa rin ang resulta, nakapatay ang cellphone ni Yolly na hindi naman nito ginagawa. Kung lowbatt ito, naghahanap lagi ito ng paraan na makapag-charge. Dahil may mahahalaga itong tawag mula sa trabaho nito.Hindi na niya inabutan sa studio ang dating nobya. At ipinagpapasalamat naman niya iyon. May gusto nga lang siyang itanong dito."Haist! Nasaan ba siya?"Naisipan ni Miko na tawagan ang sariling numero dahil wala sa pinaglalagyan ang kanyang nasira na cellphone. Alam niya kung saan niya iyon iniwan.Napakunot ang noo ng binata dahil sa pagtataka nang biglang tumunog ang kabilang linya.At napalingon siya nang maulinigan ang pamilyar na ringtone. Kasunod niyon ang pagbukas ng pinto.Biglang itinulos si Yolly sa bungad nang madatnan si Miko na hawak-hawak ang landline. Huli na para maitago nito ang cellphone na patuloy nanag-iingay sa loob ng bag nito."May
"DOC, may bisita po kayo sa loob."Napatingin si Jade sa direksiyon ng opisina niya na nagpakunot sa kanya ng noo dahil sa halos pabulong na pagkakasabi ng nurse sa kanya. "Sino raw?""Dati niyo pong pasyente, pero wala naman siyang appointment schedule ngayong araw. Gusto kang makausap. Nangugulit kaya pinapasok na namin.""Sige. Salamat."Sandali muna siyang nakipagtitigan sa seradura ng pinto bago iyon pinihit. Napatingin sa kanya ang bisitang naghihintay sa harap ng kanyang office table."What brings you here?""Iba yata ang lamig ng boses mo ngayon, doc."Dumiretso si Jade sa upuan. "Normal lang 'yon sa ganitong nakakapagod na propesyon, Miss Santuario.""Pumunta ako rito para muling magpasalamat sa mga advice na ibinigay mo sa akin. Lahat ng mga sinabi mo, sinunod ko. I have no regrets. Mayroon kasi iyong naidulot na magandang resulta.""Good to hear that. And good for you.""Miko and I are planning to get married."Napakuyom ng kamao si Jade na hindi naman nakalagpas sa paningi
GUMAMIT na nang puwersa si Miko nang hindi niya mahanap ang susi ng kanyang sariling kuwarto. Wala ring ibang tao sa bahay para sana mapagtanungan niya niyon.Para bang lahat ay umiiwas sa kanya. Napansin na nga niya iyon kanina sa matanda nilang katulong."Arghh!" daing ni Miko sa unang pagbangga ng tagiliran niya sa nakasarang pinto.Pero hindi siya sumuko. He has to open it at all costs.Makailang ulit niyang ginawa iyon bago tuluyang nabuksan ang pinto. Napatakip siya sa ilong nang sumalubong sa kanya ang malakas na amoy. Pero agad naman niyang natukoy ang pinanggalingan niyon.Humakbang siya papasok ng kuwarto at kunot-noong nilapitan ang isa sa bagong pintura na dingding na bagamat tuyo na ay aninag pa rin doon ang ilalim.Marahil hindi dalubhasa ang naglagay ng pintura o puwede rin na taglay niya ang mga mata ng pintor na kayang alamin lahat nang may kinalaman sa mga kulay at pagpipinta.Bahagya siyang umatras para mas malinaw na matitigan ang humatak ng kanyang pansin. Pinaiku
"M-MIKO?""Bakit para kang nakakita ng multo, manang?" puna niya sa naging reaksiyon ng katulong na nagbukas sa kanya ng gate. "Hindi na ba ako welcome rito?""Hindi naman. Nagtataka lang ako.''''Bakit po?''''Naalala mo kasi kung saan ka nakatira."Pinagala ni Miko ang tingin mula sa malawak na bakuran hanggang sa dalawahan na palapag nilang bahay. "Itinakwil na ba ako ng pamilya ko?""Hindi, hindi. Ang ibig kong sabihin, umulan noong mga nakaraang araw. ""Magaling na ako, manang.""Talaga? Magandang balita 'yan na siguradong ikatutuwa ng pamilya mo!""Nasaan sila?"Sinundan ng matandang katulong ang pagpasok ni Miko sa kabahayan. "Hijo, gusto mo bang ipaghanda kita nang makakain?""Busog po ako.'' Pinagala uli niya ang tingin. ''Wala ba sila rito?""Maaga silang umalis, pero sa tingin ko pauwi na si Alona. Namalengke lang siya. Hintayin mo na lang siya sa sala."Biglang napahinto sa paghakbang si Miko at kunot-noong nilingon ang katulong. "Hihintayin ko si Mama sa sala? Bakit? Bis
"HON, hindi ka pa rin tapos diyan?"Tumigil ang hawak na brush ni Miko nang maramdaman niya ang pag-upo ni Yolly. Yumakap ito mula sa kanyang likuran at inihilig pa nito ang ulo sa kanya.Before, he likes her warmth. Pero hindi na niya ngayon maintindihan ang sarili. As if an ice just touched him. And he feels nothing but numbness.''Mamaya mo na gawin iyan. Kumain na tayo. Niluto ko ang paborito mong adobo.''''Hindi pa ako nagugutom.''''Kape lang halos ang laman ng tiyan mo. Hindi ka na nga nag-almusal. Pati ba naman tanghalian ay hindi ka pa rin kakain.''''Tatapusin ko lang ito.''''Then, I'll stay here hanggang matapos ka.''Nanahimik na lang si Miko at ipinagpatuloy na ang ginagawa.''Hon, hindi pa rin ba ako nabubura sa alaala mo?''"No. You're still clear as crystal."''Does it mean na magaling ka na?''Muling napahinto sa pagpipinta si Miko nang muli siyang abalahin ng dalaga na pinalikot ang mga kamay. Dumausdos iyon pababa sa may dibdib niya. "Would you mind? I told you,