Share

NMKIMB 3

 JACK'S POV:

"Hoy Jack! Anyare sa mukha mo? Para kang pinagsakluban ng lupa? Oh! Matagal ka na palang nasa lupa, 'di ba?" Matalim ko namang tiningnan si Froyd. "Joke lang naman. Hindi ka mabiro kahit ilang saglit lang. Ano ba talagang nangyari? Mukha ka kasing papatay riyan sa itsura mo?" Dagdag niya pa sa kaniyang sinabi.

Kakapasok ko pa lang sa loob ng bahay boses na agad niya ang bumungad sa harapan ko. Ni hindi man lang ko pinagpahinga kahit ilang minuto lang bago siya magsasalita. Minsan gusto ko na talagang wasakin ang pagmumukha niya para hindi ko na marinig ang boses ng isang palaka. Kokak na lang nang kokak.

But no... ayokong ilabas niya ang tunay na katauhan niya. Hindi naman ako natatakot sa maaaring mangyari, ayoko lang maniwala sa mga bagay na hindi ko iniisip na totoo. Bakit naman kasi may katulad pa niya sa mundo? I'm not against with him. I'm just worried about this guy. Tatanga-tanga pa naman kahit minsan.

Saka naalala ko rin na palagi sa aming kinukwento ng mommy namin ni Kreiah ang tungkol dito. And I hate it! I hate when remembering that day! That f*ckin precious of my life! Tsk!

"Don't talk to me right now. I'm not in a mood." Walang emosyon kong sagot naman sa sinabi niya. 

"Okay! Sabi mo 'e." Narinig kong sambit niya pero hindi ko na lang binigyan ng pansin pa.

Dumiretso ako sa paglalakad papunta sa direksyon ng sofa na mahaba. Nasa likuran ko lang si Froyd, pinagmamasdan kung paano ako gumalaw at kumilos habang papalapit sa may upuan.

Pero hindi ko na siya pinansin pa. Nang makarating ako sa aking destinasyon ay malaya akong napaupo. Nagdekwatro rin ang aking mga paa habang ang akin namang kanang kamay ay nakahawak sa aking sentido.

Nag-iisip kung ano o nasan ang box na iyon? At saan ito nakalagay? That box is very important to our clan...to our family.

Simula ng mawala sa amin ang dalawang mahalaga sa buhay namin. Doon din nagsimula ang paghahanap ko sa pinagkakaingatan ng Clan ng Tomizara. Sa palagay nila ay tinago ito o hindi kaya ay may kumuha. That's why my father want me to find it, exchange of my freedom. Kalayaan upang magawa ko na rin ang sariling kagustuhan ko at hindi sa mga utos niya na walang kahalaga-halaga. 

Gusto kong mabuhay na walang iniisip na iba. Gusto kong gumawa na ayon sa sariling layon. Hindi sa ibang tao, lalong-lalo na sa kaniya. Matagal na akong walang komunikasyon sa kanila, pero may mga tao naman siyang pinapadala para lang sabihin ang habilin niya.

'Nakakatanga lang kahit kailan.'

Ano bang meron sa kahon na iyon? Ano ang dahilan niya para hanapin ko iyon? Ganon ba talaga kahalaga sa kanila o kaniya ang loob ng box?

"Hays!" Inis na singhal ko sa sarili at napaupo nang maayos. Narinig ko pa ang mahinang pagsinghal ni Froyd sa akin.

Kakarating niya lang sa direksyon ng kusina. May hawak siya na tasa habang nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Hindi ko iyon pinansin. Hinayaan ko na lang siya kung ano ba ang gagawin niya.

Nakita ko siyang dumiretso sa direksyon ko. Dahan-dahan na yumukod para ilapag ang tasa sa may lamesa na kaharapan ko. Pinagmamasdan ko lang siya sa kaniyang kilos hanggang sa tuluyan na siyang matapos at umupo rin sa kabilang upuan.

Still now, hindi pa rin nawawala sa kaniyang kilay ang pagtaas nito. Nakakunot sabay cross arm niya. Napangiwi ako sa nakikita ko bago maisipan na kuhain ang tasa at hipanan iyon sapagkat mainit pa.

"Ang laki ata ng problema mo? Dahil ba umalis si Kreiah at pumunta ng Japan?" Matalim ko naman na sinulyapan itong si Froyd.

Lumingon pa ako sa buong paligid ng bahay para makasigurado na walang tao. Minsan ay sumusulpot na lang nang walang pasabi si Rizhui. Saka lang ako muling sumulyap sa lalaking ito. Naghanap ako ng maitatapon sa mukha niya nang mapansin kong kahit ni isa ay wala akong makita. Pati unan ay inalis at ang maliit na vase na kinalalagyan ng bulaklak sa may lamesa ay nawala rin.

'Naisahan na naman ako nito. Alam na alam na niya talaga kung ano ba ang gagawin ko sa kaniya.'

"Don't be so high! Chill lang, chill." Pagpapatigil nito sa maaaring gagawin ko sa kaniya.

"How can I chill if my father's want me to find that f*ckin' box? Tsk!"

"Pwede mo naman siyang huwag sundin. Ganon naman ang laging ginagawa mo kapag tungkol sa mga bagay na kinaayawan mo. Ang sabihin mo na lang...may gusto ka lang din malaman sa kahon na iyon kung ano ba talagang meron sa loob. Tama ba ang hinula ko?" Tinukod niya pa ang kaniyang siko sa may tuhod.

Samantalang nilagay niya ang kaniyang baba sa may palad niya na nakabuka. Nakangisi pa ito habang ginagalaw ang ulo paitaas at paibaba nang hindi kumukurap ang kaniyang mga mata sa aking harapan.

Kapag nakikita ko ito ay para lang akong nanonood ng mga weirdo na palabas sa TV. Hindi ko maintindihan at kahit anong pakikinig ay wala man lang akong maisip kung ano ba talagang nangyayari. Sobrang weird! Napaka-weird! Tsk!

"Anong ginagawa mo? Stupid!" Inis na singhal ko sabay lagay muli sa lamesa ng hawak kong tasa. "Naku! Naku! Naku naman! Kahit kailan talaga panira ka ng moment 'e." Inis na singhal niya sabay upo na naman nang ayos.

Now he looks like a man because of how he sit properly. But I was wrong.

'Ano pa bang aasahan sa lalaking ito?'

Nagdekwatro rin siya tulad ng ginawa ko. "Hindi ka rin paragaya 'e no?"

"Why? Masama?" Maang-maangan naman niyang tanong sa akin. At pinalobo pa ang pisngi na parang nagpapa-cute sa akin.

'Kadiri lang-,-'

"Tsk!" Iyon na lang ang lumabas sa may bunganga ko bago mapailing. "Teka..." Malisyoso ko pang tinitigan si Froyd. Pinaningkitan ko siya nang titig kaya napalunok siya nang makailang beses.

Pinagmamasdan ko ang adams apple niya na bumababa at tumataas kapag lumulunok niya. Napapailing na lang ako sa naiisip ko bago mapasulyap na lang sa bintana sa may kaliwang direksyon ko.

Nakita ko ang buwan na wala pa sa kabilugan. Malapit na rin pala iyon sapagkat kunting push na lang ng mga araw, kabilugan na.

Muli kong binalingan ng tingin si Froyd. Mas lalo siyang pinagpawisan nang ilapit ko ang mukha ko sa direksyon niya. Nilagay ko ang dalawa kong palad sa may lamesa para gawing alalay at hindi mahulog.

"W-what?" Medyo nauutal na tanong niya sa akin na naging sanhi upang lumawak ang ngisi sa aking bibig.

"Tell me the truth…"pinaningkitan ko siya ng tingin at mas lalong nilapit ang mukha ko. Ngunit bigla rin siyang napalayo at napahawak sa sarili.

"Huwag po!"

'Tang*na…'

"Are you gay?" Tuluyan ko ng nailabas ang katanungang ito. Nakita ko naman kung paano magbago ang singkit niyang mga mata… mas lalo itong lumalaki at pati ang bibig niya ay nakisali na.

Hanggang sa napahawak na lang ako sa aking tenga.

"WHAT!!!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status