Share

Chapter 4: Fault

I tend to say sorry a lot, mostly because I feel like everything is my fault.

Kaiden's POV:

     Nandito ako ngayon sa rooftop at nakatingin sa kawalan. Masarap kasi ang hangin dito tsaka 3 hours ang vacant ko. Wala kasi prof namin ngayon sa 2nd subject.

"Madalas kang tumambay dito?" Nagulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko.

"Sofia? Anong ginagawa mo dito?"

"Nagpapahangin sana. Kaya lang nandito ka din. Pfft, lagi na lang tayong nagkikita ano?"

"Sinusundan mo siguro ako? Pfft. Just kidding." Sagot ko at ngumiti, "Upo ka."

"Salamat." Sagot niya at umupo sa tabi ko, "Nasa'n tropa mo?"

"Naghu-hunting ng mga babae... siguro? Ewan ko." Sagot ko.

"Hm. E bakit ka naman nandito?" Tanong niya.

"Wala lang. Gusto ko lang makapag-isip-isip ng mga bagay-bagay."

"Care to share?"

     Ngumiti ako at tumingin sa malayo habang nililipad ng hangin ang buhok naming dalawa. Inayos ko din ang upo ko habang siya ay ramdam kong nakatitig lang sa'kin.

"Have you been betrayed by an important person in your life?" Tanong ko.

"Hm... maybe? I just don't know if that's betrayal. Broken hearted ka ba? Haha."

"All my life I felt broken." Ngumiti ako ng mapait, "First, I was betrayed by my Mom. Second, I was betrayed by my ex-girlfriend, and Third, I betrayed myself."

     Nananahimik lang siya habang nagsasalita ako. Ngumiti lang ako at tumingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pinagpalit kami ng Nanay ko sa ibang lalaki kasi hindi na daw siya masaya sa piling naming tatlo. Paano niya nagawang ipagpalit ang pamilya niya para sa isang tao lang?"

"Magpasalamat ka na lang natira pa ang kapatid at Tatay mo sayo. E ako? Dalawa silang iniwan ako. Tsaka baka may dahilan din ang Mama mo kaya niya nagawa 'yon."

"Second, my ex-girlfriend is a damned woman. I told her not to leave me pero ganun pa rin ang ginawa niya. She went to the States and left me all alone. She dumped me without even asking me if it's okay. She just left me in pain." Ngumiti ako ng bahagya, "It's just so hilarious 'cause she had a fiancé there." Dagdag ko pa.

"Hala... Edi habang nandito siya sa Pilipinas at kayo pa, may fiancé na siya?" Tanong niya.

"Exactly."

"Grabe naman. Bakit niya nagawa sayo 'yun?"

"I dunno. It's just a pain to change, anyway." I said and stood up.

     Nagsimula na 'kong maglakad palayo sa kanya para bumaba na nang bigla siyang magsalita kaya nilingon ko siya.

"How did you betrayed yourself then?" She asked.

"I don't know. I just feel like... everything is my fault." I said and left her.

Sofia's POV:

     Pinagmasdan ko lang siyang maglakad palayo sa'kin hanggang sa hindi ko na siya makita.

"I'm willing to use my own pieces just to fix your brokenness, Kaiden." I said out of nowhere pero wala na rin naman siya kaya di na niya 'ko narinig.

     Pakiramdam ko, responsibilidad kong pasayahin siya sa lahat ng sinabi niya. It feels like we are one, but we're separated by different paths. We're temporarily  separated but we have the same life to live.

*Ring ring*

"Hello?" Sagot ko kay Camille.

"Pumunta ka dito sa ospital, Pinsan! Si Daddy nasa malalang kondisyon. What should I do now?" Umiiyak niyang sabi sa kabilang linya.

"Ano?! Itext mo sa'kin ang ospital. Pupunta na 'ko."

     Tumakbo ako pababa ng building at mabilis na lumabas ng University. Pumunta agad ako ng sakayan at nagpadiretso sa ospital kung nasaan si Papa Carlo. Ano kayang nangyari? Ano ba 'yan, kinakabahan ako.

     Pagdating ko sa ospital ay hinanap ko agad si Camille at Mama Sheryl pero si Camille lang ang nadatnan kong umiiyak at nagbabantay sa labas ng ICU. Mama at Papa ang tawag ko sa parents niya dahil sila na ang tumayong mga magulang ko. Okay naman 'yon kay Camille dahil magkapatid na rin ang turingan namin.

"Nasaan si Mama?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa loob... Pinsan, binaril si Daddy." Umiiyak niyang sabi sa'kin.

"Sinong bumaril sa kanya?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Ayaw sabihin ni Mommy pero galit na galit siya." Sagot niya sa'kin kaya niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

"Sshhh. Tahan na. Everything will be fine. Shhh." Sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

     Kumalas ako sa yakap nang lumabas si Mama. Magang-maga ang mata niya. Lalapit sana ako sa kanya nang bigla akong makatanggap ng malakas na sampal mula sa kanya na ikinagulat ko.

"Huwag mo 'kong tawaging Mama! Kasalanan mo 'to!" Sigaw niya.

"T-tita..."

"Mommy, bakit mo sinampal si Insan?!" Awat ni Camille.

"Kasalanan mo kung bakit nakahiga sa loob ang asawa ko! Kasalanan ng pamilya mo! Ang Tatay mo... ang Tatay mo ang gustong pumatay sa asawa ko!" Sigaw niya habang dinuduro ako at umiiyak.

"Po..?" Naiyak na lang ako habang nakatitig lang sa galit na galit niyang mga mata. Tila nanghina ako sa mga sinabi niya.

"Dapat pala matagal ka na naming ibinigay diyan sa kriminal mong mga magulang para hindi na nangyari 'to kay Carlo! Dahil sayo, nag-aagaw buhay siya! Kasalanan mo!"

     Sa sobrang galit niya ay naitulak niya 'ko kaya napaluhod ako sa sahig habang walang emosyon sa pagtulo ang mga luha ko. Umiiyak sila ni Camille na umalis lang at iniwan ako. Bakit... ako? Bakit kailangan kong... pagbayaran ng ganito ang kasalanan na hindi naman ako ang gumawa? Bakit ko kailangang... pagbayaran ang kasalanan ng mga magulang ko na nag-abandona lang sa'kin sa buong buhay ko? Bakit... bakit ako?

     Tumayo ako at naglakad palabas ng ospital. Anong gagawin ko? Saan ako pupunta? Paano pa 'ko haharap sa mga taong tumulong at kumupkop sa'kin sa kabila ng nangyaring 'to? Dumiretso ako sa bahay nina Camille at kinuha na lahat ng gamit ko. Gumawa ako ng sulat kay Tita at nanghingi ng kapatawaran sa nagawa ng mga magulang ko. Pagkatapos kong mag-impake ay lumabas na 'ko ng bahay para magpakalayo-layo.

"Where do you think you're going?" Napatigil ako nang bigla akong harapin ng tatlong babae na puno ng kolorete sa mukha.

"Sino kayo?" Tanong ko.

"Hindi na mahalaga kung sino kami." Sagot 'nung isa, "Anong karapatan mong landiin si Kaiden?" Tanong niya habang naka-cross arms pa at nakataas ang kilay.

"Masyadong walang kwenta ang sinasabi niyo." Sagot ko at lalagpasan na sana sila nang hilahin pa 'ko ng isa. Tangina.

"Huwag kang bastos! Kinakausap ka pa namin." Sabi naman ng isa.

"Hindi ko siya nilalandi. Tinulungan lang niya 'ko at ginantihan ko lang ang tulong niya sa'kin. Tsaka, kaano-ano ba niya kayo at ganyan kayo kadesperada para puntahan pa 'ko dito at tanungin ako tungkol sa kanya?"

"Aba, bastos ka ah." Akmang sasampalin ako ng isa pang babae pero napigilan ko ang kamay niya.

     Tingin ko mapapalaban na naman ako sa tatlong 'to. Binitawan ko ang bag at maletang hawak ko at nag-stretch.

"Matagal-tagal na rin mula nang sumakit ang katawan ko. Tingin ko, pagkakataon na ulit 'to para makapag-practice ako." Sabi ko at pinatunog ang leeg ko.

"Napakayabang mo. E lampa ka lang naman." Sabi ng isa.

"Hindi ko kinuha ang kurso ko para magmukhang maangas lang." Sagot ko sa kanila at ngumiti, "Kinuha ko 'to para makalaban sa mga... siraulong kagaya niyo."

      Pagkatapos kong magsalita ay binanatan ko na ng sipa ang isa, lalapit na sana sa'kin ang dalawa nang gawin 'kong pang-sangga ang kasama nila at itinulak ko silang tatlo kaya napaupo sila sa sahig.

"Ouch! That hurts, you bitch!"

     Tumayo ang isa sa kanila at lumapit sa'kin pero inunahan ko na siya. Sinampal ko siya ng malakas at pinagsasabunot pero pinagtulungan ako ng dalawa pa niyang kasama. Tangina. Binitawan ko ang sinasabunutan ko at pinagtulungan na nila 'kong tatlo. Nanghina ako e. May halong sampal, hampas, at suntok ang ginawa nila sa'kin. Dahan-dahan kong inabot ang sapatos ko at sabay-sabay silang pinaghahampas sa may bandang tiyan kaya napalayo sila sa'kin.

"How dare you! Flirt! Bitch!"

"Malandi ka. Wala kang karapatang landiin si Kaid dahil sa'min lang siya! Naiintindihan mo?! Hindi lang 'yan ang aabutin mo kapag nakita ka pa naming lumapit sa kanya." Banta pa ng isa.

"Iwan na nga natin 'yan. Hindi na rin makakatayo 'yan."

     Sinubukan kong tumayo kahit hinang-hina ako. Pero nang makatayo ako ay bigla nila 'kong tinulak at tadyakan kaya napadapa na 'ko sa sahig. Pumikit ako habang ramdam pa rin ang pananakit ng katawan ko. May narinig akong kotseng tumigil sa tapat ko pero di ko na lang pinansin.

"Sofia? Sofia! What happened to you?!" Binuksan ko ng dahan-dahan ang mga mata ko kaya nakita ko si Ken at Sam.

"Sino 'yung tatlong babaeng nakita namin?! Bakit nila ginawa 'to sayo?!"

"T-tingin ko... patas l-lang ang n-nangyari." Nanghihina kong sagot.

     Inalalayan naman nila 'ko upang makaupo pero talagang hinang-hina na 'ko. Naramdaman kong nag-init ang mga gilid ng mga mata ko. I burst into tears. Hindi ako umiiyak dahil sa binugbog ako. Umiiyak ako dahil masakit... masakit ang ginawa ng mga magulang ko kina Mama Sheryl.

"Everything is all my fault." Umiiyak kong sabi. "My life is so miserable that I feel like I'm dying."

"Hey, hey... Sofia, dadalhin ka namin sa ospital. Sshh. Tahan na. Tahan na." Tarantang sabi ni Ken at binuhat ako. "Sam, open the door and call Kaiden. Tell him na kailangan nating dalhin si Sofia sa ospital."

"Okay, okay!"

Kaiden's POV:

"Bakit kayo pupunta ng ospital?" Kunot-noong tanong ko.

"Si Sofia kase!" Sagot ni Sam.

"Napa'no si Sofia?"

"Sam! Can you just tell him that we're going to the hospital for Sofia's medication?!" Dinig kong sigaw ni Ken.

"What happened to her?" Napatayo ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya.

"She was bullied! Puro sugat bugbog siya." Sagot ni Ken.

     Kakauwi ko lang ng bahay at nagpapahinga nang bigla silang tumawag kaya hinanda ko na ang sasakyan ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Manang.

"Emergency lang po. Isinugod po kasi sa ospital ang kaibigan ko. Kapag dumating po si Vanna, kayo ng bahala muna sa kanya. Baka gabi na po akong makauwi." Sagot ko.

"Nako, Diyos ko. Osige, mag-iingat ka iho."

     Nang matanggap ko ang text ni Sam ay pumunta agad ako sa ospital na sinabi niya. You've been in trouble again, Sofia. Kapag magkikita ata kami lagi na lang siyang nasa clinic or ospital. Parang naging malas ata ang buhay niya simula nang makilala niya 'ko.

"Nasa'n siya?"

"Nasa loob pa, pre."

"Ano na naman bang nangyari at napahamak na naman siya? Sa tuwing pupuntahan ko siya may nangyaring masama sa kanya."

"Pauwi na sana kami nang makita namin 'yung tatlong babaeng mukhang galit na galit. Mga nursing student din 'yong mga 'yon, sigurado ako. Namukhaan ko kasi sila. Tapos nakita naming may babaeng nakahilata. Nang makita namin, si Sofia pala. Malamang sila ang may kagagawan kung bakit nandito sa ospital si Sofia." Kwento ni Ken.

"Oo nga. May mga gamit pa ngang dala si Sofia e. Nasa compartment ng sasakyan. Naglayas ata. Umiyak pa nga siya bago mawalan ng malay at sabi niya kasalanan daw niya lahat."

"Mukhang may problema siya e."

     Umupo ako at inisip ko ang nangyari sa kanya. Pagkababa ko sa rooftop after naming mag-usap, nakita ko siyang tumatakbo at nagmamadali. Mukha ring kinakabahan ang mukha niya. Dun ko siya huling nakita bago ako pumasok sa isang oras kong klase at umuwi.

"I'll talk to her later kapag may malay na siya." Sabi ko. "I'll make sure na magbabayad ang gumawa nito sa kanya." Seryoso kong sabi.

"Relative of Ms. Sofia?" Lumapit kami agad sa Doktor nang magsalita siya.

"Doc, how's Sofia?" I asked.

"She's fine. Wala namang internal damage na nangyari sa katawan niya. Slight physical injuries lang at hindi naman ganun kalala. Pwede na siyang lumabas bukas. And you can enter her room now."

"Thank God. Salamat po."

"Sure. Maiwan ko na muna kayo."

     Pumunta agad kami sa loob ng kwarto niya at mahimbing lang siyang natutulog. Nalinis na din ang mga gasgas niya sa katawan at mga pasa.

"Pare, pwede ka ba naming iwan muna dito? Magbibihis lang kami ni Ken. Babalik din kami mamaya." Paalam ni Sam.

"Yeah. Sure, bro." Sabi ko habang nakaupo sa tabi ng kama ni Sofia.

"Salamat. We'll be back."

     Pinagmasdan ko lang siya nang umalis na ang dalawa. They will surely regret this, Sofia.

"Bakit... ako nandito?" Tanong niya habang napapangiwi sa kirot na nararamdaman niya.

"Sinong gumawa nito sayo?" Seryoso kong tanong. Napatigil naman siya habang inaalala ang nangyari.

"Wala." Sagot niya at umiwas ng tingin.

"I'll make them pay for this."

     Natahimik ako nang bigla na lang siyang yumuko at humagulgol sa iyak. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang mga kamay niya at umiyak lang.

"S-Sofia, may masakit ba sayo? Sabihin mo sa'kin." Nag-aalala kong tanong at umupo na sa kama niya paharap sa kanya.

"It's all my fault. I lost them because of me... It's all my fault."

"Ssshhh. What is it? Stop crying, please. Sshhh."

     Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap. I don't want to see her crying.

"Give me half of your pain, Sofia." Napatigil siya sa pag-iyak at napatingin sa akin, "Give me half of it."

      I don't know. I feel like I have to say those words.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status