Share

Chapter 5

Audrin Paz

"Anak, tandaan mo na dapat ay maging maingat ka. Dapat, hindi malaman ng mga tao ang tunay mong katauhan. At dapat, huwag mo itong gagamitin, maliwanag?" Paalala ng kaniyang ina bago siya pumasok. Tumango lamang ang binata bilang tugon.

Naglalakad papasok sa school si Audrin dahil mahirap lang sila at wala siyang perang pamasahe sapagkat sakto lang ang pera niyang 20 pesos para sa kaniyang pagkain. Kailangan niyang magtipid para makaraos sa buhay.

Ang kaniyang ina ay isang labandera at ang kaniyang ama naman ay isang tricycle driver. Sila ay limang magkakapatid at siya ang pangatlo sa mga ‘to. Sa kanilang lahat, siya lang ang mayroong kapangyarihan na kinaiinggitan naman ng kaniyang mga kapatid.

Natuklasan niya ang kaniyang kapangyarihan noong sumali siya sa isang marathon.

---

"Audrin! ‘Di ba kailangan mo ng pera para sa kapatid mong naaksidente?" tanong ni Zed na kaniyang kaibigan.

Noong nasa 2nd year high school pa lang siya ay naaksidente ang kaniyang bunsong kapatid na si Lala. Nabundol ito ng isang humaharurot na kotse habang papauwi galing sa eskwelahan nito. Ang masaklap pa ay tinakbuhan ito ng driver at hindi man lang nagawang tulungan.

"Oo pre, kailangang-kailangan namin. Alam mo namang hindi sapat ang paglalaba at pamamasada ni Inay at Itay ko kaya gusto ko ring makatulong sa kanila kahit na papaano," paliwanag ni Audrin na bakas ang pag-aalala sa mukha dahil hindi aayusin ng mga doktor ang butong nabali sa binti ni Lala kung wala silang pambayad.

"Mayroon kasing marathon diyan sa may kabilang ibayo tapos ay 10,000 pesos ang mapapanalunan mo kapag ikaw ang naging 1st place saka huwag kang mag-alala, walang registration fee libre lang kaya sumali ka na. Alam naman nating mabilis ka pagdating sa takbuhan," mungkahi ni Zed na masyado yatang naliligayahan.

"O, talaga? Sige sasali ako! Salamat pare sa pagbibigay-alam sa akin! Malaking tulong ito para sa amin!" saad ni Audrin na nabuhayan ng dugo matapos marinig ang magandang balita mula sa kaniyang kaibigan.

"Walang anuman, pare," sambit ng kaniyang kaibigan.

Matapos ang kanilang klase ay dumiretso kaagad si Audrin sa sinasabing marathon ng kaibigan upang magparehistro. Kahit na wala siyang pamasahe ay nagtiyaga siyang maglakad at tumakbo para sa ikabubuti ng kalagayan ng kaniyang bunsong kapatid.

Sumapit ang araw na iyon at ginanap na nga ang marathon. Maraming tao ang nakilahok sa patimpalak. Magkakaalaman na lang sa huli kung sino ang magiging kampeon.

Pumutok na ang baril, hudyat na simula na para tumakbo kaya naman nag-unaunahan na ang mga kalahok.

Halos limang libong katao ang lumahok kaya naman matira matibay na lang. No’ng una ay medyo nasa kalagitnaan si Audrin dahil hindi niya muna binibilisan ang pagtakbo. Alam naman niyang maraming magagaling na mananakbo ang sumali rito para lang sa premyong kanilang makakamit.

Habang tumatagal ay pakaunti sila nang pakaunti. Ngayon ay dalawang libo na lang ang natitira at nagsipag-atrasan na ‘yung iba marahil hindi na nila kaya. Kahit pagod na pagod na si Audrin ay hindi pa rin siya sumuko alang-alang sa kapatid.

Ngayon ay isang libo na lang ang natitira dahil masyado ng napagod ‘yung iba at sumuko na dahil hindi na nila kaya. Si Audrin naman ay puno pa rin ng determinasiyon para makuha ang premyo.

Down to five hundred na lang ang natitirang kalahok hanggang sa naging isang daan na lang. Painit nang painit ang labanan ng bawat indibidwal. Mas lalong lumaki ang tensiyon nang maging dalawampu na lang sila kaya ang bawat isa ay ibinigay na ang best nila. Si Audrin ay hapong-hapo na dahil wala na siyang natitirang lakas.

"Audrin! Kaya mo iyan! Nandito ka na, o! Huwag kang mawawalan ng pag-asa! Alang-alang sa ikagagaling ng kapatid mo! Dapat ay ikaw ang manalo!" sabi ni Audrin sa kaniyang sarili na para bang pinapalakas niya ang kaniyang loob.

Ibinigay na ni Audrin ang best niya para maunahan ang iba pang manlalaro. Ngayon ay pumapangalawa na siya kaso nang lalagpasan na niya ‘yung nangunguna ay bigla siya nitong tinapilok kaya na out of balance siya at sumubasob sa sahig. At ngayon ay siya na ang nasa huli.

Nasaktan si Audrin sa kaniyang pagkakabagsak sa sahig at tila ba naipitan ang kaniyang paa dahil hindi niya ito maikilos. Halos maiyak na siya dahil nawawalan na siya ng pag-asa nang biglang may sumagi sa kaniyang isip.

"Kuya! Tandaan mo, magiging sikat na mananakbo ka balang-araw! Kasi, hindi kita matalo-talo, e! Saka hinding-hindi ako susuko kuya hangga't may pag-asa pa." Naalala niya ang kaniyang kapatid na si Lala.

Biglang nabuhayan ng loob si Audrin at nakatayo siya kaagad. Hindi niya ininda ‘yung sakit at nagulat na lang siya nang biglang magliwanag ang kaniyang kanang kamay at lumabas dito ang pigura ng isang tigre.

Nagbago rin ang kaniyang itsura. Ang kaniyang mga mata ay naging kulay kahel. Nagkaroon siya ng itim at kahel na stripes sa katawan at mukha at humaba ang kaniyang mga matatalim na kuko. Hindi makapaniwala ang binata sa kaniyang nakitang pagbabago sa sarili. Basta ang alam niya lang ngayon ay gusto niyang manalo.

Biglang bumilis ang kanyang pagtakbo hanggang sa naunahan na niya ang lalaking tumalisod sa kaniya kanina. At nang matapos na ang takbuhan ay hinirang na kampeon si Audrin at bago pa mag-awarding at ibigay sa kaniya ang kaniyang premyo ay kaagad namang bumalik ang tunay niyang katauhan.

---

Ngayon ay nasa huling baitang na si Audrin ng pagiging high school kaya mas lalo pa niyang napag-aralan at nasanay nang wasto ang kaniyang kapangyarihan.

Makulit at pasaway itong si Audrin dahil madalas niyang hindi sinusunod ang utos ng kaniyang mga magulang. Pilit na nga siyang inilalayo ng mga ito para hindi siya mapahamak at malagay sa panganib ang buhay kapag mayroong taong nakaalam ng totoong pagkatao at kapangyarihan niya.

"Tara bro, gimik tayo, ano?" sabi ng kaklase niyang si Ernest.

"Sorry bro, pass muna ako riyan. Alam mo namang gipit kami sa buhay, ‘di ba? Kaya kayo na lang," wika niya sa kaklase.

"Don't worry bro, sagot ko na lahat. Samahan mo lang ako, puwede?" Pangungulit ng kaklase niya. Rich Kid kasi e kaya happy go lucky lamang ’to

"Wait, libre mo? Sige ba! Libre naman pala, e," ani Audrin. 

After ng kanilang klase ay dumiretso na sila ng kaniyang kaibigan sa isang bar. At dahil nakipag-break ang girlfriend ni Ernest sa kaniya, iyon! Naglasing ang loko! At dahil maloko at makulit din itong si Audrin iyon nakisali rin.

Nagpakasasa sa alak ang dalawa hanggang sa sila ay malasing. Mayroon din palang problemang dinadala itong si Audrin. Nag-aalangan kasi siya sa isa niyang subject at mayroong chance na siya ay bumagsak.

Umuwi si Audrin sa kanila nang lasing at halos umagahin na siya roon sa bar. Pagpasok sa loob ng kanilang bahay ay nadatnan niya roon ang kaniyang ina kahit hatinggabi na.

"Audrin, anong oras na? Bakit ngayon ka lang umuwi? Alam mo bang alalang-alala na kami sa iyo?! Hindi namin alam kung saan ka hahanapin! Ipinagtanong ka na rin namin sa kaibigan mong si Zed pero hindi niya alam kung saan ka nagpunta! Saan ka ba galing na bata ka, a?" pasinghal na bungad ng kaniyang ina dahil sa lubos na pag-aalala.

"Inay, hinaan n’yo po ang boses n’yo at marami kayong naaabalang tao. Saka po sinamahan ko lang ang kaibigan ko kaya po ginabi ako pasensya na po kung napag-alala ko kayo," paliwanag ni Audrin at biglang tinalikuran ang ina.

"E bakit amoy alak ka? Kailan ka pa natutong maglasing, aber?" tanong nito na nakapameywang pa.

"Nay, pagod na ako! Puwede bang bukas na lang natin ito pag-usapan?!" sigaw ni Audrin sa ina at naglakad palayo.

"Aba, bastos kang bata ka, a! Hindi mo na ako ginalang! Iyan ba ang impluwensiya sa iyo ng mga kabarkada mo, a?" Hinablot ng kaniyang ina ang braso nito paharap dito.

"Pati ba naman Inay ‘yung mga kabarkada ko idadamay mo? Pagod na pagod na ako, Inay! Lalo na sa buhay na mayroon tayo! Naiinggit nga ako sa mga kabarkada ko at kay Zed kasi sila, lahat ng gusto nila ay nakukuha nila! E ako? Nganga! Sawa na akong maging mahirap!" sumbat niya rito.

Dahil sa pagkakabigla ng kanyang ina sa mga sinabi niya ay nabigyan siya nito ng napakalutong na sampal sa kanang pisngi.

"Sorry anak! Hindi ko sinasadya! Patawarin mo ako!" wika ng kanyang ina na umiyak. Habang si Audrin naman ay umiiyak din at pinili na lang lisanin ang kanilang tahanan.

"Anak, sandali! Huwag kang umalis! Masyadong mapanganib! Lalo na sa sitwasiyon natin ngayon!" sigaw ng kanyang ina ngunit hindi siya napigilan nito at tuluyan ng nilisan ang lugar.

Lumipas ang isang linggo at hindi pa rin umuwi si Audrin sa kanilang tahanan at namalagi muna siya sa bahay nila Zed. Isang araw, humahangos si Zed papalapit sa kaniya.

"Audrin! Audrin! May masamang balita ako sa iyo!" sambit ni Zed na halos hindi magkandamayaw.

"Relax pre, ano ba iyang masamang balita mo?" tanong ni Audrin sa kaibigan.

"’Yung buong pamilya mo! Patay na silang lahat! Na-massacre daw kagabi ‘yung bahay n’yo ng hindi kilalang tao! Saka, ang nakakapanggimbal pa roon ay hindi raw tao ang pumatay sa kanila! Kundi mga halimaw!" paliwanag ni Zed na bigla naman niyang ikinaputla.

"Ano? Hindi totoo iyan! Buhay pa ang mga magulang ko at mga kapatid ko! Hindi totoo iyan!" sigaw ni Audrin habang umiiyak. Hindi siya makapaniwala na sa ganoong kabilis na panahon ay hindi na sinikatan ng araw ang kaniyang pamilya. 

Isa pa, hindi man lang siya nakahingi ng kapatawaran sa kaniyang ina sa nagawang psgkakamali. Agad namang tinungo ni Audrin ang kanilang tahanan at lubos na nagsisisi sa kaniyang ginawa.

"Dapat pala ay hindi na ako naglayas para naprotektahan ko kayo. Sana, hindi na lang ako sumama noon kay Ernest. Sana, hindi ko na lang sinuway si Inay," sabi ni Audrin sa kanyang sarili habang naghihinagpis sa sakit na kaniyang nararamdaman.

Hindi alam ni Audrin na kaya nag-aalala ang kaniyang ina sa kaniya ay nasa panganib pala ang buhay nila kaya ayaw niyang mawalay ito sa piling nila. Ang kaniyang ina at ama ay isang humanimal dati ngunit hindi sila magkaanak. 

Para mabiyayaan sila ng anak ay kailangan nilang isuko ang kapangyarihan nila at para maging mortal na lang. Hindi sila makapaniwala na magkakaroon sila ng anak na humanimal at iyon ay si Audrin. Kaya gayon na lamang kung sila'y mag-alala kay Audrin dahil naiiba siya at nasa paligid lang din ang kanilang mortal na kaaway noon na humanimal din.

"Magbabayad ang gumawa nito sa inyo! Hahanapin ko sila! Ipaghihiganti ko ang pagkamatay ninyong lahat!" sigaw ni Audrin habang nakaluhod sa bangkay ng kaniyang pamilya.

Mayamaya pa ay biglang humangin nang malakas at mayroong dalawang papel na nilipad papalapit kay Audrin at binuksan niya ito.

Dear Anak,

Anak, kung nasaan ka man ngayon, sana umuwi ka na. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. Miss na miss ka na namin kaya sana naman ay bumalik ka na rito sa atin. Saka, may nagpadala sa akin ng sulat at ibigay ko raw sa iyo. Mas makakabuti na pumasok ka sa paaralan na iyan para mahasa mo ang kakayahan mo at para na rin sa mundo. Tandaan mo anak, mahal na mahal ka namin at kahit nasaan ka man naroroon, kasama mo kami. I Love You, Anak.

Nagmamahal,

Inay

Sobrang bumulusok ang luha ni Audrin matapos basahin ang sulat ng kaniyang inay. Lubos siyang nagsisisi sa kaniyang ginawa lalo na sa mali niyang desisyon. Matapos noon ay binuksan naman niya ang isa pang sulat.

Dear Audrin,

Nalaman namin na mayroon kang kakaibang kakayahan at maaari ka naming matulungan upang lalo pa itong mapaghusay. Ang mundo ay nasa panganib ngayon kaya kailangan namin ng katuwang para maprotektahan ito. Sana ay tanggapin mo ang aming imbitasyon.

Nagmamahal,

Humanimal University

"Sabi ni Inay ay pumasok daw ako rito. At dahil ni-request iyon ni Inay, sige papayag ako. Pero hindi ko pa rin malilimutan ang nangyari sa kanila. Kailangan ko ng hustisya..."

---

Runami Locsin

"Sheena, gumising ka nga sa katotohanan na hindi ka mahal ng boyfriend mo! Niloloko ka lang niya!" giit niya sa kaniyang nakababatang kapatid.

"Ate Runami! Huwag ka ngang ganiyan! Mahal na mahal ako ng boyfriend ko!" sabi naman ng kapatid niya.

"Ayaw mo kasing maniwala sa akin, e. Ako Ate mo, paniwalaan mo ‘ko. Totoo nga ‘yung nakita ko na kinakaliwa ka ng boyfriend mo!" pagduduldulan niya sa kapatid.

"Hindi ako sa iyo naniniwala, Ate! Bitter ka lang kaya ka ganiyan! Malay mo, kaibigan niya lang pala ‘yung kasama niya. Ewan ko sa ‘yo, Ate," aniya kay Runami at tuluyan ng nag-walk-out.

Isang taon na ang lumipas matapos makipag-break kay Runami ang boyfriend niya. Tumagal sila ng dalawang taon ngunit nasira lang iyon ng dahil sa third party.

---

"Luv, kita tayo mamaya, a? Date tayo." Text ni Runami kay Robin, ang kaniyang boyfriend.

"Oo, sige lang Luv, busy pa ako ngayon. Siguro ay hahabol na lang ako, mauna ka na." Pag-reply naman sa kaniya nito.

"O sige, basta bilisan mo lang, a? Love you!" tugon ni Runami.

Lumipas ang limang oras ngunit hindi pa rin siya sinisipot ng kaniyang boyfriend. Lumubog na ang araw at lumitaw na ang buwan ay wala pa rin ito. At dahil nabahala na si Runami ay tinawagan na niya ito ngunit cannot be reach kaya mas minabuti na lang niyang umuwi sa kanila.

Kinabukasan ay pumunta siya sa condo ng kaniyang boyfriend. Dahil kilala na siya ng guard doon ay nagdire-diretso na siya sa unit nito at saka dali-dali itong binuksan. Nagulat siya sa kaniyang nakita. Mga bote ng alak na nakakalat sa sahig, mga b****a ng pinagkainan, at mga damit na nakakalat sa sahig ang unang tumambad sa kaniya pagkabukas ng pinto.

"Isa lang ibig sabihin nito, hindi niya ako mahal at pinaglalaruan niya lang ako," sabi niya sa sarili at tila nag-uunaunahan ang kaniyang luha sa pagtulo.

Binuksan niya ang silid ng boyfriend at tama nga ang kaniyang hinala. May kasama itong babae sa kama at tila may nangyari sa kanila na nagpasidhi sa nararamdaman ng dalaga.

"Mga wala kayong hiya! Ang bababoy n’yo! Mga walang pakundangan!" sigaw ni Runami sa dalawa habang pinupuktok ng dala-dala niyang shoulder bag.

"Ang kati mong babae ka! Daig mo pa ang higad! Sana naging higad ka na lang! Mang-aagaw!" sigaw niya sa babaeng nakayapos sa katawan ng kaniyang boyfriend.

"Hoy hoy hoy, una sa lahat, hindi ko inagaw ang boyfriend mo! Dahil siya ang baliw na baliw sa akin heto pinagbigyan ko lang siya! Kaya kasalanan itong lahat ng boyfriend mo! Saka isa pa, ang boring mo raw kasing kasama e," patutsada ng babae na tuwang-tuwa pa.

"Magsama kayong dalawa! Mga hayop! Ang ayaw ko sa lahat ay ‘yung pinaglalaruan ako!" saad niya sa boyfriend na pinagtatabuyan papalapit sa babaeng kasama nito.

"Ano ba, Runami? Tanggapin mo na lang ang lahat! Hindi kita mahal kaya makakaalis ka na rito! Go out!" sigaw ni Robin sa kaniya.

"Sige, magsama kayo! Lalo na ikaw babaeng higad! Ipagpatuloy mo lang ang pang-aagaw ng boyfriend ng iba at tiyak na kakarmahin ka rin!" singhal ni Runami na umiiyak sabay labas ng kuwarto at padabog na isinara ang pinto.

---

"Ate, sorry kasi hindi ako naniwala sa iyo na niloloko lang ako ng boyfriend ko. Hindi ko lubos na matanggap na pinaglaruan niya lang ako at ibinasura sa isang tabi. Ibinigay ko pa naman sa kaniya ang lahat-lahat at minahal ko siya nang lubos tapos ni kakarampot na pagmamahal ay hindi man lang niya ako nabigyan. Ang tanga-tanga ko!" pagsusumamo ni Sheena kay Runami na nagdadalamhati sa sakit na dulot ng pag-ibig.

"Huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Natural lang na maranasan mong masaktan. Pagdating sa love, kailangan handa kang harapin ang mga pagsubok, hindi ka dapat magpatinag. Hindi nga siya ang nararapat para sa iyo pero someday ay makikilala mo rin ang taong nakalaan sa ‘yo. Huwag kang magmadali, lalo na't bata ka pa. Third year high school ka pa lang, i-enjoy mo muna ang pagiging teenager dahil hahanap-hanapin mo rin iyan kapag tumanda ka na." Payo ni Runami sa kapatid habang hinahagod ang likod nito.

"Ate, ano’ng naramdaman mo noong nalaman mong niloloko ka lang ng boyfriend mo?" tanong ni Sheena.

"Siyempre masakit, pero kinaya kong malagpasan iyon para makapag-move-on. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo saka naisip ko na hindi niya deserve ang pagmamahal ko. Alam kong may mas better pa akong makikilala kaysa sa kaniya," paliwanag ni Runami sa kapatid.

"E kasi naman, Ate, masyado akong nasaktan tapos ang hirap mag-move-on…" ani Sheena.

"Dapat maging abala ka sa mga bagay-bagay at huwag mo na siyang isipin. Tandaan mo, maraming nagmamahal sa iyo. Nandiyan ang kaibigan mo at kaming pamilya mo," wika ni Runami.

"Okay, Ate…" wika ni Sheena at unti-unti na niyang ipinikit ang kaniyang namumugtong mata.

---

Nagising si Runami na wala sa tabi niya ang kaniyang kapatid na lubos niyang ikinabahala. Nakatira kasi sila sa condo. Ilang saglit pa, may nakita siya sulat na nakalagay sa lamesa.

Dear Ate,

Aalis muna ako at magpapakalayo. Basta mahal na mahal ko kayong lahat. Habang binabasa mo ito, siguro ay malapit ko nang maabot ang tuktok ng kaligayan. I love you all!

Nagmamahal,

Sheena

"Hindi puwede ito! Hindi siya maaaring magpakamatay!" Dali-daling pinuntahan ni Runami at rooftop ng condo dahil iyon ang madalas na tambayan ni Sheena.

Ilang sandali pa ay narating na niya ito at nakita niya ang kapatid na nakatayo sa may dulo nito at malapit na itong malaglag.

"Huwag, Sheena! Huwag kang tatalon!" sigaw ni Runami sa kapatid. Nang malapit na niyang maabot ang kapatid ay bigla na lang itong tumalon.

“Paalam, Ate…” anito.

"Sheena!" sigaw ni Runami na tila inaabot ang kapatid na nalalaglag sa napakataas na lugar na iyon.

Biglang umilaw ang kamay ni Runami at naglabas ng kakaibang liwanag. Lumabas ang isang pigura ng giraffe sa kanang kamay niya.

Ang kaniyang buhok ay naging kulay dilaw na may highlights na orange. Ang kaniyang mata ay naging kulay yellow orange at ang kaniyang balat ay nagkaroon ng dilaw at kahel na spots.

Nagulat siya nang biglang humaba ang kamay niya hanggang sa maabot niya ang kamay ng kapatid at iniligtas ito pabalik sa itaas.

"Ano ka ba, Sheena?! Bakit mo naisipang magpakamatay? Hindi mo ba inisip na malulungkot kami kapag nawala ka? Lalaki lang iyan! Dapat huwag kang magpaapekto! Learn to let him go!" singhal ni Runami sa kapatid. Hindi ito makapaniwala sa nakikitang anyo niya.

"Ate, ikaw ba talaga iyan?" nakatulalang tanong ni Sheena.

"Oo ako ito, basta huwag mo nang uulitin iyon! Masyado mo akong pinag-alala," ani Runami.

"Oo, Ate… sorry!" sambit ni Sheena at nagyakapan sila. Bigla na lang mayroong sulat na bumabagsak mula sa langit na nasalo ni Sheena.

"Ate, para sa iyo pala itong sulat, o! Basahin mo…"

"Patingin nga." Kinuha ni Runami ang sulat sa kapatid at saka binasa.

Dear Runami,

Inaanyayahan ka namin sa aming paaralan para i-train na maging tagapangalaga ng mundo. Sana tanggapin mo dahil kailangan ka ng mundo at mayroon kang kakayahan para protektahan ito kaya sana tanggapin mo itong paanyaya namin.

Nagmamahal,

Humanimal University

"Ate, tatanggapin mo ba?" tanong ng kaniyang kapatid.

"Kapag tinanggap ko iyon, paano ka na? Baka magpakamatay ka ulit kaya babantayan kita," giit ni Runami habang nakayakap sa kapatid.

"Naku, Ate, ayaw ko nang ulitin kasi natakot kaya ako no’n! Saka kung ako lang ang nabiyayaan ng kapangyarihan na mayroon ka ay tatanggapin ko. Aba, sayang ‘yong oportunidad, ‘no! Saka gusto kong tumulong…" saad ni Sheena.

"Ang kulit mong bata ka! Sige tatanggapin ko na. Tara na nga…" 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status