CHAPTER 1

Ilang oras na akong lumilibot sa loob ng unibersidad ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya mahanap. Tapos na ang aking klase at kanina ko pa hinahanap si Amir. Tinanong ko ang isa sa mga kaklase niya at nakitang naglakad daw ito sa direksyon patungong library ngunit wala siya roon kung saan madalas ko siyang makita. 

Lumabas ako ng building sinimulang libitun ang paikot naman nito. Sa lawak ba naman ng unibersidad ay mukhang matatagalan ako sa paghahanap. Nakapagtataka lang na hindi ko siya mahanap sa lugar na madalas niyang puntahan kaya hindi ko rin maiwasan ang mag-aalala.

Sinubukan ko rin siyang tawagan ngunit mukhang nakapatay ang phone nito. Imposible rin kasi itong umuwi ng hindi sinasabi sa kanya o hindi siya kasabay. Palagi kasi kaming sabay umuwi at kung may problema man ay palagi niya akong tinatawagan kapag late or maaga siyang uuwi.

Ramdam ko ang init ng sikat ng araw at ang pamumuo ng pawis sa aking noo ngunit hindi ko ininda iyon at nagpatuloy sa paghahanap sa kanya.

Makalipas pa ang ilang minutong paghahanap ay hinihingal akong huminto sa may likod ng building. Ito na lamang kasi ang hindi ko pa napupuntahan. Ang parteng ito ay abandonado na at ginawang tambakan ng sirang mga gamit ng unibersidad.

Nang makapagpahinga saglit ay muli ko siyang hinanap. Tahimik at tanging ingay mula sa kalayuan ang naririnig ko.

Mukhang walang nakatambay dito, kaya siguro naisipan tumambay ng loko dito pero bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?

Mula sa pinagpatong-patong na mga luma at sirang upuan ay nilibot ko iyon hanggang sa dulong parte.

Napabuntong-hininga ako nang ni anino niya ay hindi makita. Titigil na sana ako sa paghahanap nang bigla akong natigilan. May kung anong kaluskos akong narinig sa may bandang kaliwa; sa may sulok ng building.

Nangunot ang aking noo ng makita ang isang vandalism sa pader kung saan may nakamarkang 'x' doon. Isang grupo lamang ang alam kong gagawa nito at ang ibig sabihin lamang nito ay ang pag-angkin ng teritoryo.

It means that group owns this area. Habang papalapit sa lugar na iyon ay mas lalong lumilinaw ang kaluskos na naririnig ko.

"I've told you to leave her, but you didn't listen kaya 'yan ang nababagay sa'yo."

"Don't mess with me, Amir."

Mabilis ako napatago sa mga upuan at natigilan. Did I just hear 'Amir?' Don't tell me...

"Shit!" Walang pagdadalawang isip akong tumakbo roon at malakas na winasiwas ang kahoy na napulot ko.

Gulat silang napatingin sa akin at mabilis na napaiwas. Muli ko iyong winasiwas at pilit na pinapatamaan ang lider ng grupo ngunit dahil isa siyang taekwondo students ay madali niya lang naiiwasan ang atake ko.

Hingal akong tumigil ng may sapat nang agwat sa pagitan namin. Nag-aalala kong tinignan si Amir na nakaupo sa sahig at hawak ang namamagang panga. May sugat rin siya sa labi kaya mas lalo akong nanggalaiti sa galit. 

"Just what do you think your doing, Gene?" Diin kong tanong sa kanya.

Gene is a leader of fraternity group known as 'Death X'. Kaya malakas ang loob na gumawa ng kalokohan sa campus. They are the second highest fraternity group kaya walang gustong kumalaban sa kanya, except the first group which means the 'Kings'. Sadly, no one knows about them bukod sa mga members ng mga fraternity group, kaya lang ay nakatago sa likod ng maskara ang kanilang katauhan kaya malalaman mo na lamang na sila iyon dahil sa tatoo nila sa kanilang mga batok.

Hindi rin sila nakikisangkot sa mga ibang agenda ng grupo hanggat hindi sila nadadawit sa gulo, kaya ang Death X animo'y naghahari-harian dito.

Tumalim ang tingin niya sa akin. "What? Kakampihan mo siya? It's his fault, sinabi ko na sa kanyang layuan ka niya pero ayaw niyang makinig."

"Seriously? Anong karapatan mo para sabihin 'yan? At anong pakialam mo kung ayaw niyang lumayo? Pwede ba tigilan mo na ako. Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na hinding-hindi kita magugustuhan!" Galit kong sabi sa kanya.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Mas pipiliin mo pa 'yan kaysa sa akin? Ni takot ngang lumaban 'yan. Taekwondo student pero hindi marunong lumaban."

"Because he wasn't taught to fight someone who's immature." Pambabara ko sa kanya.

"Anong sinabi mo?" halatang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi.

Pinagtaasan ko siya ng kilay at matapang siyang sinagot.

"Hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa taong makitid ang utak." 

Tila naubos na ang kanyang pagtitimpi at bigla na lamang akong sinugod na hindi inasahan kaya napapikit napikit na lamang ako habang mariin na hawak ang kahoy.

Isang kamay ang biglang humila sa akin dahilan para mapaatras ako. Dumilat ako upang makita kung sino iyon at ganon na lang ang gulat ko nang makitang si Amir ang humila sa akin papunta sa kanyang likod.

Tinapatan niya si Gene at pinigilan ang kamao nitong tatama dapat sa akin.

Wala kahirap-hirap niyang tinulak paatras si Gene at sinipa ito sa tiyan dahilan para mapasubsob sa lupa si Gene.

Hindi iyon inasahan ng tatlong kasama ni Gene ganon din ako.

Nang makabawi rin ay sabay-sabay ang mga itong nagsisugod kay Amir. 

Napasinghap ako at hindi maiwasan ang mapatili sa tuwing muntikan ng matamaan si Amir. Napatunganga na lamang ako at hindi alam kung anong gagawin, ngunit mukhang wala na rin akong kailangan gawin dahil mabilis ding natapos ni Amir ang laban.

Bagsak ang apat at may kanya-kanyang iniinda ang sakit ng kanilang mga katawan.

Sinalubong ko si Amir na naglakad palapit sa akin. Sinapo ko ang kanyang mukha at tinignan ang kanyang sugat.

"Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sa'yo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Marahan siyang tumango sa akin at tinanggal ang aking kamay na nakahawak sa kanyang mukha, pagkatapos ay basta na lamang akong hinila palayo.

"Teka-" Habol ko at napatingin pa kila Gene na hirap sa kanilang pagbangon. 

Nagtama ang aming tingin. Nanlilisik na matang tinignan niya ako, ngunit imbes na matakot ay binelatan ko siya na parang bata bago tumingin sa harap.

"This will not be the last Lia! You'll pay for this!" rinig kong sigaw pa nito sa amin habang naglalakad kami palayo.

Dumeretso kami sa may parking lot kung saan nakaparada ang kanyang  sasakyan.

Inalalayan niya akong sumakay sa kotse, at saka siya umikot patungong driver seat. Wala kaming imik na sinuot ang seatbeat at pinaandar palabas ng campus.

Pagkarating ng aming subdivision ay hinto niya ang kotse sa tapat ng aking bahay. 

Napabuntong-hininga na lamang ako at tahimik na lumabas ng kotse. Akala ko ay aalis na ito at tutungo sa kanilang bahay kung saan tapat lamang ng akin nang lumabas din siya ng kotse.

Tumingin siya sa akin at sa gate; pinapahiwatig na mauna na akong bumukad ng gate at pumasok sa loob.

Dahil sanay na rin naman kami sa isa't-isa ay dumeretso siya sa may sala habang nagtungo naman akong kusina para kunin ang med kit at hinanda ang cold compress.

Nang makarating ako sa may sala ay naabutan ko siyang hinuhubad ang vest ng kanyang uniform. 

Napatingin siya sa akin habang naglalakad patungo sa kanya. Bumaba ang kanyang tingin sa aking kamay na hawak ang med kit.

Tahimik lamang siyang nakatingin sa aking ginagawa. 

"Hindi mo na dapat sila pinatulan pa. Kita mo tuloy nagkagalos ka pa. Mayayari ka nanaman sa parents mo," suway kong pangaral sa kanya.

"They tried to hurt you,' depensa pa niya.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti. "Ang kulit mo talaga, sinabi ko namang kaya ko ang sarili ko. Ngayon mapapagalitan ka pa ng dahil sa akin, pero salamat pa rin dahil pinagtanggol mo ako."

"I don't want anyone to hurt you."

Natigilan ako at napatingin sa kanya. Napakurap-kurap ako. "Ito naman laging serious," biro kong sagot.

"I'm serious when it comes to you."

Napailing na lang ako sa kaseryosohan niya. Hindi ko alam bakit hindi ako masanay-sanay sa mga salitang lumalbas sa kanyang bibig.

"Oo na ikaw na palaging seryoso. Ikaw nga, subukan mo kayang magsmile ito palaging poker face nakikita ko sa mukha mo." Natapos ko na ang paggagamot sa kanya kaya tinabi ko na ito.

"I have no reason to smile," simpleng sagot nanaman niya.

"Hay naku! Hindi ba ako pwedeng maging reason para ngumiti ka?" muli kong biro.

Mataman siyang nakatitig sa akin at walang namutawing salita sa kanyang bibig kaya napailing ako.

"Sus ito naman hindi mabiro. Siguro kapag nahanap mo na ang kabiyak mo baka matuto ka ng ngumiti. Aabangan ko yan kapag nangyari iyon kaya huwag kang masisekreto sa akin kapag nagka-girlfriend ka na ah? Naku friendship over na tayo kapag ganon." Napatingin ako sa labas na biglang kumulimlim.

"Mukhang uulan pa ata. Mabuti pa at umuwi ka na sa inyo." 

Tumayo na kami parehas at sabay na nagtungo sa pinto palabas. 

"Hindi nga pala ako makasasabay sa'yo umuwi bukas, may group project pala kami at hindi sigurado kung anong oras kami matatapos," paalala ko sa kanya ng makarating kami sa may gate.

"Then susunduin kita," sagot niya.

Umiling ako. "Hindi na, ayos lang naman kung uuwi akong mag-isa."

"No," maikling tutol niya ngunit bakas sa boses niyang wala akong magagawa kung hindi ang hayaan siya na sunduin ako.

Napabuntong-hininga na lang ako sa tigas ng ulo ni Amir. "Oh siya, sige na nga. Chat na lang kita."

Nagpaalam na ako sa kanya at hinintay siya makatawid sa katapat kong bahay na bahay nila. Lumingon pa siya sa akin at hindi pa muna pumasok kaya napailing na lang akong tumalikod at pumasok na sa loob. 

Ganito palagi ang setup namin kapag uuwi. Gusto niya palagi ko siyang ihatid na tanaw at kapag nakarating na sa tapat nila ay ako naman ang kanyang hihintayin na makapasok sa loob bago siya kumilos din.

Nakakatuwang kahit tahimik siyang tao ay makikita mo sa kilos niya kung gaano siya ka-concern sa akin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status