Share

Chapter 3

Hindi pa ako nakakapasok sa school ay marami na akong nakikitang mga estudyanteng nakasibilyan. Foundation day ngayon at required ang hindi mag-uniform, siyempre kaniya-kaniyang pakulo yan kada booth. May iilang makukulay ang suot at magkakaparehas, marahil ay nasa iisang booth lang sila. Napangiti ako nang nakita ko sa Claris sa di kalayuan, nakangiting kumakaway sa akin. Parang kahapon lang ay badtrip na badtrip siya dahil naghintay kami ng matagal sa groupmates namin tapos ngayon para siyang may dilig, charot. 

Simpleng peach shirt, jeans, and rubber shoes ang suot niya. Samantalang ako ay peach polo shirt at high waist jeans. Sabay kaming pumasok at halos malula kami sa dami ng estudyante. 

"Ayos na ba lahat?" tanong ko. 

Pagkatapos naming magluto kahapon ay kinakailangan pa nilang pumunta rito kahapon dahil nagkaroon ng maliit na problema. Hindi rin ako nakasama dahil hindi niya ako pinasama, family bonding daw namin iyon at kayang-kaya na raw nilang ayusin iyon.

"Ayos na ayos." Nag-thumbs up siya, napatawa kaming dalawa. 

"Mauna ka na, ilalagay ko lang sa locker itong gamit ko," paalam ko.

"Ay wow, hinintay pa kita nang napakatagal tapos pauunahin mo rin pala ako," 

Nang-aasar ko siyang tiningnan. "Alam kong miss na miss mo ako pero mamaya na ang bebe time natin ah." Sinundan ko iyon nang malakas na tawa.

"Gaga!" asik niya at binatukan ako.

Napahawak ako sa parteng binatukan niya. Mapanakit talaga 'tong babaeng 'to, ang liit-liit pero ang bigat ng kamay. 

Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin. "Hindi ako pinanganak ng mama ko para maging battered wife!" malakas na sabi ko. 

"Ikaw!" Hahampasin niya sana ko nang tumakbo ako papalayo sa kaniya habang humahalakhak

"Humanda ka sa 'kin mamaya!"

Binelatan ko siya kaya mas lalong sumama ang mukha niya. Tumakbo na uli ako dahil baka maabutan niya ako. Pikon talaga ang babaeng ’yon.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko hanggang sa makarating ako sa locker. What a beautiful start of the day. 

"Oh my God!" Napatalon ako at napahawak sa d****b ko dahil sa gulat nang bumungad sa akin pagkasarado ko ng locker ang hindi kilalang mukha.

Jusko! Akala ko sinusundo na ako ni kamatayan. 

"Sorry miss, nagulat ba kita?" Kamot-ulo niyang tanong, hindi pa siya makarating sa akin nang diretso

"Ay hindi, napatawa mo ako," sarkastikong ani ko.

"Pasensiya na, ayaw kasi kitang istorbohin,"

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan siya ngunit hindi pa ako nakakalayo nang higitin niya ang kanang kamay ko hanggang sa naramdaman ko na lang na may malamig na bagay na dumapo sa pulso ko. 

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang posas iyon. What the–

"Pasensiya na uli miss pero huhulihin muna kita dahil nakasuot ka ng polo shirt at relo." Tuluyan na niyang pinosasan ang dalawang kamay ko.

Magsasalita pa sana ako nang hilahin niya ako papunta sa booth nila. Potek na ’yan, ni hindi ko nga alam yung booth nila, kung alam ko lang puwedeng mahuli ang nakasuot ng polo shirt at relo edi sana hindi ito yung sinuot ko. Kailangan pa ako sa booth namin!

"Match booth?" bulong ko nang mabasa ang booth name nila.

"Ano 'to wrestling?" takang tanong ko na nakapagpatawa sa mga nakarinig. 

"No, you'll have a date." sagot niya

Saktong nakita ko ang nakapaskil, dito mo malalaman kung sino ang ipapares sa ’yo. Nakita ko ang suot ko at ang match koo kuno ay may blue handkerchief, round glasses, and longsleeve shirt. 

"Magkano bayad?" Nilingon ko siya. "Magbabayad ako basta huwag mo ako isali rito, need ako sa booth namin." 

Umiling siya tanda na hindi puwede. Agad na umalma ang kaloob-looban ko pero bago pa ako makasagot muli ay pinasok na niya ako sa isang room. 

"Enjoy!" 

"Hoy wait! Sandali lang!" Sigaw ko. Parang wala siyang narinig at naglakad lang nang dire-diretso.

Nawala na siya sa pangingin ko kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Nakakainis! Nagawa pa niyang ngumiti nang gano'n, yung halos hindi na makita ang mata niya parang ang saya-saya pa siya na may naiistorbo siya.

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong may nakaupo sa dulo. So nauna siya sa 'kin, huh? Nahinto ako sa paglalakad nang mag-angat siya ng tingin at gano'n na lang ang gulat ko nang makilala kung sino 'yon. Bumakas din ang gulat sa mukha niya pero gaya na lang ng laging nangyayari, bumabalik sa walang reaksiyon ang kaniyang mukha. Sumama ang tingin ko at kinuyom ang mga kamao nang maalala ang huli naming pag-uusap.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status