"Hindi mo man lang ako tinulungan kanina,"
"For what?" aniya habang nasa daan pa rin ang tingin.
"Pasalamat ka dahil sa akin nakalabas tayo," pagyayabang ko.
Tumingin siya sa akin. "Why would I?" sambit niya dahilan para mawala ang ngiti ko.
"Kung hindi ko tinanggihang sagutin yung huli edi sana nasa loob pa tayo!" asik ko.
Antipatikong 'to, di man lang magpasalamat.
"Tss, sama ng ugali," bulong ko
"Tss, pikon,"
Bigla akong napatingin sa kaniya nang gayahin niya ako.
"Arogante!" malakas na ang pagkakasabi ko.
Huminto siya at tumingin sa akin kaya huminto rin ako, nilaban ko ang titig niya.
"Uto-uto," mabagal ang pagkakasabi niya, dinidiinan ang bawat pantig.
Unti-unting sumama ang tingin ko sa kaniya at paulit-ulit na humihinga nang malalim para pigilan ang galit pero ang g**o ngumisi pa.
"You!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng emosyon ko, dinuro ko siya at mabilis na nagtungo sa kinaroroonan niya.
Bago pa ako makalapit ay naramdaman ko ang pagpilipit ng paa ko, nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang labi. Pagkaraan ay pumikit habang hinihintay ang sariling bumagsak sa sahig hanggang sa maramdaman ko ang malambot na bagay ba pumulupot sa bewang ko.
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mata at bumungad sa akin nang malapitan ang mukha ni Ali. Sa sobrang kaba at pagkagulat ay hindi ko namalayang nakapulupot na rin ang braso ko sa batok niya. Kapwa kaming napatitig sa mata ng bawat isa.
Iyong mata niya na una kong nakita ay mas maganda pala sa malapitan, napakatangos ng ilong niya, matataba ang pisngi at yung mukha niya ay mas makinis pa kaysa sa aking mukha. Sa sobrang ay napalunok ako at naalala kung nasa anong posisyon kami ngayon. Nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko, ang kanang kamay ko ay nasa batok niya at ang kaliwa ay nakahawak nang mahigpit sa braso niya. Tumikhim ako at lumayo.
Pakiramdam ko ay nagsiakyatan ang dugo ko sa mukha ko at nag-iinit ang pisngi ko.
"Are you okay?"
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero bakas ang pag-aalala sa boses niya.
"Oo," utal ko at nag-iwas ng tingin. Sa dami na ng pagkikita namin ngayon lang ako nakaramdan ng matinding pagkahiya.
"Mauna na ako." Mabilis na sabi ko at pinasadahan siya ng tingin.
Bumuka ang bibig niya na parang may sasabihin pero agad akong tumalikod dahil sa tingin ko ay hindi ko kayang marinig iyon dahil sa hiya.
Mabilis aking naglakad palayo, napaigik ako nang maramdaman ang kirot sa paa ko. Tinawag pa niya ako pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad at pilit na ininda ang sakit ng paa ko.
Nang sa tingin ko ay malayo na ako at hindi na niya ako sinusundan at nagdahan-dahan na ako sa paglalakad. D**n, hindi ko alam na ganito pala kasakit matapilok. Ramdam na ramdam ko ang pagkapilipit ng paa ko.
Pagkarating sa booth ay naabutan kong nakapalibot sila ng pabilog at nag-uusap-usap. Wala bang bumibili? Napadako ang tingin ko sa orasan at mag aalas onse na, ibig sabihin ay magdadalawang oras kaming naroon.
Napabaling sa akin ang tingin ni Claris at nanahimik kaya sinundan din iyon ng mga kasama namin.
"Wow, bumalik ka pa." Nakapameywang na aniya.
"Ikaw ah, sumasali ka pala sa mga booth hindi ka nag-aaya." Nakangusong lumapit sa akin si Kate, ikinawit ang kamay niya sa braso ko.
Nginitian ko na lamang siya ng pilit habang nag-iisip ng ipapaliwanag kay Claris.
"Kung alam ko lang na ganitong oras ka na babalik edi sana hindi na kita pinayagang pumunta sa locker,"
Napakamot ako sa ulo ko. "Sana nga," I murmured.
"Dahil late ka, ikaw naman ang magbenta rito," singit ni Jared, pumunta siya sa likod ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko at bahagya akong tinulak.
"Aray!" Napangiwi ako sa sakit.
Tinaas ko ang kaliwang paa ko para hindi madiin.
"Hala sorry, anong nangyari? Okay ka lang?" Pumunta siya sa harapan ko at sinuri ang paa ko.
"Anong nangyari riyan?" nag-aalalang tanong ni Claris na nasa tabi ko na pala. Kumuha siya ng upuan at pinaupo ako.
"Napano yan? Hindi pa naman yan ganiyan no'ng nakita namin kayo ni FIL ah," ani Jared pagkatapos tanggalin ang sapatos ko.
"Sino kasama mo?" takang tanong ko.
Sigurado akong hindi si Claris iyon dahil tatawagin niya ako at baka batukan pa. Isa pa ay hindi ko kilala ang FIL na tinutukoy niya.
"FIL?" Magkasabay na tanong namin ni Claris. Nagkatinginan kaming dalawa ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Hindi ninyo kilala yon? Kawawa naman kayo." Umiiling at natatawang sabi niya.
Inabot sa kaniya ni Mika ang bandage at agad na nilagay sa paa ko. I mouthed thank you at her na sinuklian niya ng ngiti.
"Sino nga? Pabitin pa, e,"
"Ito na boss Claris, sasabihin na, nangwawarshock ka talaga, e, noh?" pabirong saad ni Jared, tinaas pa niya ang manggas ng damit niya sa braso niyang hawak ang paa ko.
Napapikit ako sa kirot, mabuti na lang at walang nakahalata.
Umaktong babatukan siya ni Claris. "Su food is life! Yung kaibigan ni Adrian na business related ang course!" mabilis at nahihintakutang aniya.
Kaya ba food is life dahil kahit saan siya magpunta may dala siyang pagkain? Napatawa ako nang maisip iyon.
Nanliit ang mga mata ni Claris sa 'kin, kinakabahan man pero nagawa ko pa ring ngumiti.
"Siya ba ang may gawa sayo niyan?"
Nanlaki ang mata ko at agad na umiling. "H-hindi, nahuli kasi kami ng match booth, kami yung nahuli kaya magkasama kami," paliwanag ko.
Tumayo na si Jared nang matapos siyang bendahan ang paa ko, binigyan niya ako ng nang-aasar na tingin at ngiti.
"Eh anong nangyri riyan?" Nginuso ni Claris ang paa ko.
"Natapilok."
"Magpahinga ka muna riyan at baka lumala pa yan." Bilin niya.
Hinawakan niya ang braso ni Jared. "Tara na, marami pa tayong gagawin sa booth." Sambit niya at hinila ni Jared palabas.
Mukhang ayaw pa ni Jared pero wala siyang magagawa. Palabas na sila nang magkasalubong nila si Kate na may dalang bulaklak at pagkain na nasa lunchbox. Abot tainga ang ngiti nito at medyo namumula-mula pa.
"Saan galing yan? May boyfriend ka na?" tanong ko sabay tingin kay Jared. Natigil din sila sa paglabas mukhang gustong makichismis.
"Ah hehe, wala pa," nahihiya ngunit kinikilig na sabi niya.
"So may balak? Yieee," asar ko dahilan para mas lalo siyang mamula.
"Korni."
Napabaling ang atensyon namin kay Jared nang sumingit ito. Malayo na ang itsura niya ngayon kumpara kanina.
"Pag inggit, pikit tayo rito," asik ni Kate at inamoy-amoy uli ang bulaklak niya.
Jared clenched his teeth at nakakuyom ang mga kamao siyang lumabas.
Nagkibit balikat lang si Kate at bumalik uli sa pag-amoy ng bulaklak niya samantalang napailing na lamang si Claris. "Tinopak na nga," Naiiling na sabi niya habang nakatingin sa pintuang nilabasan ni Jared.
"Kate bantayan mo muna si Jamara dito, maliwanag ba?"
Sabay kaming tumango ni Kate. "Yes mother!" sagot niya pero nasa bulaklak pa rin ang atensyon.
Pagkaalis ni Claris ay tinitigan ko si Kate, mukhang naramdaman niya ang titig ko kaya tiningnan niya ako.
"Paano na si Jared?" bulalas ko.
"What about him?"
"Diba gusto mo siya, bakita nagpapaligaw ka?"
She sighed. "Gusto niya ba ako? Minsan feeling ko oo, minsan naman hindi kaga na-realize ko na magmove on na lang,"
Taray, mag momove one pero hindi naman naging sila.
"Hindi mo ba siya ipupursue? At saka nakita mo ba yung reaction niya kanina? Ghorl, baka gusto ka rin niya," pagkumbinsi ko.
"Baka may naalala lang iyon, don't worry mabait naman si Brandon, inaalagaan niya ako," nakangiting aniya.
Brandon? Parang familiar ah. Nag-isip pa ako ng mga ilang segundo kung saan ko ba siya nakita, nang hindi talaga maalala ay nagtanong na ako sa kaniya.
"Siya yung varsity player."
Napaawang ang labi ko sa gulat. "Ghorl, jackpot ka!" Tili ko.
Pabiro ko siyang hinampas sa braso at nagtawanan kaming dalawa.
Kung may pa-contest man na pinaka-kabado sa buong mundo ay baka siguro ako na ang manalo. Kahit sa panaginip ko ay ang darating na anniversary ng grandparents ni Ali ang dumadalaw sa akin. Hindi ako tinantanan. Animo'y napakabilis pa ng araw dahil ito na ang oras para makilala ko ang pamilya ni Ali Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay sinisikmura na ako sa kaba. Hindi ko alam kung gutom pa ba ’to o dysmenorrhea na. Hindi kasi ako nakakain dahil sa sobrang pagkabahala. Nag-drive thru kami ni Ali pero hindi ko rin naman ginagalaw. "Come on, don't be nervous. They will like you. Promise." Ali said as he hold my hand while his other hand is on the maneuver. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya. Binigyan niya lang ako nang maliit na ngiti ngunit sapat na para kumalma ako, pero may kaba pa rin siyempre."Mukha ka ng basang sisiw hindi na prinsesa," sinundan niya iyon ng hagikgik. Sinamaan ko siya ng tingin at sa huli naman ay kumuha pa rin ng tissue para magpunas. Feeling ko nga pa
I almost jump out of shocked when Ali put his hand around my waist. Kanina lang ay sinabi niyang babawi siya and I guess sa ganitong paraan siya babawi. Todo asikaso rin siya sa akin kanina habang kumakain kami, though sanay na ako dahil lagi naman niya 'yon ginagawa pero parang l-um-evel up kasi. Nakatabi lang siya sa akin the whole time. He's being extra clingy, but I like it. "Hindi ka na nahihiya? Natatakot?" tanong ko nang mapansing komportable na siya sa ginagawa. Kahit kanina habang kumakain kami ay lantaran ang panlalambing niya."Babawi ako, remember? I'm trying and I didn't know I'll enjoy this," aniya nang pagkabaling sa akin, bakas ang tuwa sa mga mata niya. He then kissed my forehead. "Enjoy?" hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.A smirk formed on his lips, "Yeah, I enjoy this, walking beside you comfortably, touching you. And besides, I should be proud, no," paliwanag niya habang hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi. Kumunot ang noo ko sa huli niyang
"Stop talking about food, Ali. Pustahan tayo katatapos mo lang kumain 'no?" pagpapahinto at akusa ko sa kaniya. I-kuwento ba naman sa akin 'yong kinain niya ngayong araw. Nagba-blog ba siya at ako lang ang viewer?"What? Pustahan din tayo nagugutom ka na ngayon pero wala kang pagkain. Kawawa ka naman," sinundan niya iyon nang malakas na tawa.Lalong sumama ang mukha ko. Bwisit, akala ko matutuwa ako ngayong kausap ko siya, paano ko nakalimutang bully pala ang isang 'to? "Ah so iniinggit mo lang pala ako? Alam mo bang lalo akong nagutom dahil sa mga pinagsasabi mo? How dare you?! Next time hindi na ako makikipag-call—""Let's meet later, hmm? I missed you," malambing at masuyong sambit niya, wala na ang mapang-asar na tono kanina. Napahinto ako ng ilang segundo at napakapa sa dibdib ko at gano'n na naman kalakas ang tibok nito. Dumapa ako sa kama habang hinahampas-hampas ang mga unan ko."Arghh! Nakakainis ka talaga!" tili ko habang patuloy pa rin sa paghampas. Rinig ko ang halakhak
Pupungas-pungas at halos dumikit sa sahig ang nguso ko sa sobrang pagkasimangot. Ginulo ko ang buhok kong wala pang suklay at saka tumingin sa mga kaibigan kong inosenteng nakatingin sa akin, na para bang hindi nila binulabog ang tulog ko. "Bakit ganiyan ka makasimangot? Dapat nga magpasalamat ka dahil kung hindi kami pumunta rito, hindi ka rin maliligo," nakataas ang kilay ngunit pabirong ani Claris. Sunod na nagtawanan ang iba at sumang-ayon sa sinabi niya. Mas lalong humaba ang nguso ko. Kainis! Nakaplano na ang araw ko at wala roon ang bigla nilang pagpunta rito at ayain akong manood ng movie! Feeling ko sobrang drained ako kahit wala naman ako ginawa kundi ang mahiga. Ganito ba ang feeling na ma-reject? Lumapit sa akin si Jared at inakbayan ako. "Don't be sad na, aaliwin ka na nga namin, eh,""Ikaw lang, tanga. Tutal mukha ka namang clown," asik ni Kate. Dwayne let out a chuckle."Clown kasi ako ang nagpapasaya sa 'yo?" ngiting aso ni Jared. Palipat-lipat lang ang tingin ko
I shook my head for the ninth time and tried to focus my attention on my laptop, but I still can't. Namamalayan ko na lang ang sarili kong nakatulala then the cycle repeats. I won't be able to focus my attention in this activity I'm doing as long as Jam's image keeps appearing in my head. I still can't forget how she looked at me genuinely.Hindi ko na rin maalala kung kailan ako huling nakatanggap ng gano'ng klase ng tingin. Everything about her is genuine. She never made fun of my appearance like everybody does. Pinagtanggol pa nga niya ako noong ipinahiya ako ni Kenneth sa kanila. Ganito lang ako, not handsome, malabong ipagmalaki dahil mataba ako, at klase ng tao na hindi kayang kontrolin ang emosyon kaya tuloy sunod-sunod ang hindi namin pagkaintindihan ni Jam. Yet, wala na akong maisip pang ibang dahilan kung bakit niya ako nagustuhan. I can still remember the first time we met, the way she smiled at me seemed like she was a kid—innocent. Pero noong kinausap na niya ako, para
Simula ata noong makilala ko si Ali ay bilang lang ang araw na presentable akong pumapasok. Hindi naman sa hindi ako nag-aayos, kulang lang talaga ako sa tulog dahil inuuna ko ang pag-iisip ng kung ano-ano kaysa mag-ayos.Gaya na lamang ngayon, bago ang sagutan namin ni Ali no'ng nakaraan ay wala akong ayos. Hanggang ngayon ay wala pa rin kahit ilang araw na ang nakalilipas. I was busy thinking things. Pumapasok nga ako ng eskwelahan pero ang utak ko ay lumilipad, wala akong maintindihan sa tinuturo dahil hindi naman ako nakikinig. Sinubukan ko nang isang beses but I ended up staring at my Prof, naasar pa ako ng mga kaibigan kong pinagnanasahan siya. "Ms. Domingo,"Naramdaman ko ang pagsiko nang katabi ko sa braso ko pero pinagsawalang bahala ko na lamang iyon at tinuloy ang pag-iisip at pagtingin sa labas ng bintana. "Ms. Domingo,"Ewan ko nga kung bakit pumapasok pa ako, e, wala rin naman akong naiintindihan, siguro dahil ay