TOKYO, JAPANBella’s POV“Good morning!” malakas na sigaw ko na makita ko si Ress-chan na papasok sa kusina.“Ano ang nakain mo at ng aga mo yatang nagising?” tanong niya sa akin habang may kinukuha sa loob ng ref.Tinignan ko lamang siya ng saglit at nginitian. “Hmmm... gusto ko kasing ipagluto si Taki,” nakangiting sabi ko sa kanya.Biglang tumigil si Ress-chan sa pag-inom ng orange juice at seryosong humarap siya sa akin. “Do you like, Taki?”
Bella’s POVTama na.Ang mga salitang paulit-ulit na umiikot sa ulo ko. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay na nasa pisngi ko pa rin. “Tell me, Taki…” sabay tingin ko sa kanyang mga mata. “Hindi ba ako naging masaya sa mga desisyon na ginawa ko? Hindi ba ako naging kuntento noon? Hindi ba worth it ang mga luha ko?”Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.Dahan-dahan niya tinanggal ang kanyang kamay na nasa pisngi ko. “F*ck,” ang tanging nasabi niya at walang sabi-sabi na tinalikuran niya ako.Natulala ako sa pagtalikod niya sa akin.Nanghihina na napasandig ako at pumikit ng mariin. Inaamin ko na natatakot ako sa mga sinabi niya sa akin kagabi at nagdesisyon ako na aayusin ko ang lahat habang maaga pa. Ayaw kong mawala ang Taki na nakilala ko.Pinunasan ko ang mga luha ko at tinakbo palabas ng kuwarto ko. Tinungo ko agad ang kuwarto niya pero walang Taki ang naroroon. Narinig ko na lamang ang isang tunong na nagmumula sa motorcycle. Agad akong sumilip sa bintana, nakita ko si Taki
Taki's POV "Bakit hindi ka makasagot?" Rinig ko na tanong sa akin ni Jarvis na dahilan upang itigil ko ang pag aalala sa nakaraan. Hinarap ko siya at diretsong tumingin sa kanyang mga mata. "Kung ano man ang nangyari noon ay hindi mo na kailangan pa malaman pa." Hindi niya pinansin ang aking sinabi. "Noong magkita tayo sa Japan kasama mo ba si Bella?" Bahagya ako natigilan sa kanyang tanong at nagpasyang huwag sagutin ang kanyang tanong. Natawa siya at tumang-tango nang paulit-ulit. "Great! Napahanga mo talaga ako, Kier." Bella's POV Nasa loob ako ng kotse ngayon habang si Taki ay nasa labas at kausap si Jarvis. Seryoso ang kanilang pag uusap at dahil doon hindi ako mapakali ngayon. Kating-kati na ako na lumabas dito para puntahan sila. "You want?" Nilingon ko ang nagsalita. Nakangiting Hana ang nakita ko na may hawak na chocolate. Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Nakilala ko siya kanina, isa daw siyang kaibigan ni Taki sa Japan. "No thanks, Hana," malumanay na tanggi ko sa k
Bella's POVHuminto ang kotse ni Snow sa isang malaking mansyon. Akalain mo nga naman may tinatagong bahay pala si Uno rito. Narinig ko na tinanggal ni Snow ang kanyang seat belt. Tinignan ko si Hana na mahimbing na natutulog sa likod."Hana!" mahinang tawag ko."Uhmmm...." inaantok na ungol niya."Wake up, my dear princess," napapailing na sabi ko. "We are here."Bigla siya nagmulat at nanlaki ang kanyang mga mata. "Nandito na tayo?"Gusto kong matawa sa reaksiyon niya. "Ah huh! Kaya naman ayusin mo na ang sarili mo. Ayaw ni Uno ng pangit kung hindi," pang aasar ko sa kanya."Kung hindi ano? Ano naman ang gagawin niya?" malakas na sabi niya. Halata sa mukha niya na nagpapanic siya."She will shoot you," nakangiting wika ko."Bella!" gulat na sabi niya. Mayamaya ay kinagat-kagat niya ang kanyang labi marahil sa takot na kanyang nararamdaman.Tinawanan ko lang siya. Napailing naman si Inspiration sa akin. Samantala si Hana ay naguguluhan na tumingin sa aming dalawa.Bigla niyang nareal
Bella's POV"Uno..." tawag ni Quatro.Hindi inaalis ni Uno ang tingin niya sa akin. "Alam mo naman na busy ako ngayon, Quatro," walang emosyon na wika niya.Nakangiting umiling si Quatro. "Alam ko na bored kana riyan kaya naisipan ko dalhin sila rito," makahulugang saad niya.Hindi ko alam kung bakit pero habang tumatagal ay kinakabahan ako kay Quatro. Matagal ko sila nakasama at si Quatro ang pinakatahimik sa lahat. Bihira rin ito magbigay ng opinyon lagi sina Tres at Uno ang nariringgan ko kaya hindi ko mabasa ang kanyang iniisip. Hindi ko alam kung isa siyang kaaway o kaibigan na hanggang sa ngayon ay palaisipan pa rin sa akin."K-Katana...?" naluluhang sambit ni Snow.Humakbang palapit si Snow papunta sa kinatatayuan ng boyfriend niya na tila wala ng buhay.Napapikit na lamang ako na makita kung gaano napuruhan ang boyfriend ni Snow. Sa nakikita ko ay talagang ayaw na ni Uno na mabuhay ang lalaking ito. Pero bakit?Sa pagkakakilala ko kay Uno ay hindi siya gagawa ng ganito maliban
Bella’s POV Hindi umimik si Snow bagkus ay niyakap niya lang si Katana nang mahigpit. Napapailing na lang sa aking nasaksihan. “Parang mali, Bella.” sabat ni Hana. “Ano’ng mali ang pinag sasabi mo?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Sabi mo kasi parating na ang mga pulis so ang ibig sabihin niyan ay safe na tayo, ‘di ba?” Napailing ako sa tanong niya. “Sa palagay mo ay magiging safe si Snow sa kanila?” Napaisip siya bigla. “Hindi?” alanganin na sabi niya. “Hindi magiging madali para kay Snow kapag nahuli siya ng mga pulis,” seryoso kong paliwanag kay Hana. “Pero wala naman tayong ginawang masama,” mahinang sabi niya. “Alam ko pero hindi magandang idea na makita tayo ng pulis dito,” sabay sulyap ko kay Snow. “Snow!!! Tara na!!!” malakas na tawag ko at hinila ko ang kanyang braso. “B-Bella—“ Sa inis ko ay hindi na ako nagdalawang isip at pinatulog ko siya. “Bella!” nanlalaki ang kanyang mata habang palipat lipat ang kanyang tingin sa aming dalawa ni Snow. “Wala na tayong ora
Bella's POV "Ano'ng ibig sabihin nito, Attira?" galit na tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin at nag focus sa kanyang pagpapalipad. Pikit matang hinayaan ko siya na pansamantala huwag magpaliwanag.Itinuon ko na lang ang aking mga mata sa tanawin na makikita sa labas.Thirty minutes ang tinagal ng aming biyahe. Nang lumapag ang helicopter sa isang building ay nag unat ako nang bahagya at hindi ko inaalis ang tingin ko kay Attira dahil gusto ko sagutin niya ang aking mga tanong. "Thank you for believing me," nakangiti niyang sabi. Hinubad ko ang headset na suot ko. "Attira," walang pasensiya na tawag ko sa kanya. Nakita ko na sumeryoso siya. "Kailangan burahin ang ebidensiya, Bella." "Pero may mga tao pa roon," nagpipigil sa galit sabi ko."It's their fate," kibit-balikat na saad niya.“P-Pero—““That’s our number 9 rule. Nag iingat lang tayo,” nakataas na kilay na sabi niya.Sa inis ko ay sinulyapan ko si Hana na nakatulog na pala. Mukhang napagod ang prinsesa.Bumaba a
Bella’s POV Napatitig ako sa mukha niya. “Dad,” tawag ko sa kanya. “I’m sorry,” at isang malungkot ngiti ang binigay ko. “For what?” kunot-noong tanong niya sa akin. “For everything, Dad. Feeling ko kasi… I am bad daughter. Lagi ko na lang kayo binibigyan ng problema,” nakayukong sambit ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko na dahilan na tumingin ako sa kanyang mukha. “Anak, hindi ka isang problema sa amin. Huwag mong iisipin iyon. Ibinigay namin ng mommy mo ang kalayaan na gusto mong gawin dahil alam namin na kaya mo nang magdecide para sa sarili mo. Hindi man namin masabi sa iyo ng harapan, we are so proud of you, Bella.” “Hindi ba kayo disappointed sa akin?” marahan na tanong ko. “Never, Anak,” nakangiting sabi niya na nakapag pagaan ng loob ko. “Iyan ang hindi dapat pumasok sa isip mo.” Napangiti ako sa sinabi ng aking ama. Tila gumaan ang bigat na nasa dibdib ko. “Thank you po sa walang sawang suporta niyo sa akin. Alam ko na gusto niyo po ako na