CHAPTER 5

Zoe Colette's POV

Mukhang ang gagong demonyong ito ang nagbigay ng damit sa kanila.

Ang loko kong 'to hindi na nahiya sa mga anak niya. O nagpipiling binata lang talaga siya?

Tsk!

Hanggang rito pala sa bahay nila dalang-dala niya ang pagiging manyakis niya. Kumukulo talaga ang dugo ko sa lalaking 'to. Dapat binigyan niya na lang ng

maayos na kasuotan lahat ng katulong dito, hindi ganiyan. Ano na lang ang sasabihin ng mga bisita niya kapag nakita lahat ng katulong niya sa bahay? Hindi

ba siya nahiya do’n? Jusko!

"Mommy?!!!" Mabilis akong napatingin kay Miles nang bigla itong sumigaw. 

"Ba-bakit baby?" Nauutal kong tanong. Ano bang nangyari? Nawala ba ako sa sarili habang nagiisip?

"Mommy, kanina ko pa po kayo tinatawag, pero mukhang hindi niyo ko naririnig." Malungkot na wika nito. Iniwas niya ang tingin sa’kin at bahagya niyang

niyuko ang kanyang ulo. "May problama po ba, mommy?" Dagdag na wika nito. Takte!

Hindi ko na namalayan ang sarili ko dahil sa sobrang pag-iisip. Bwesit kasi ang ama ng anghel na ito! Binitawan ko ang hawak-hawak kong kutsara at tinidor. Hinawi 

ko ang mukha niya paharap sa’kin. 

"Wala baby, may iniisip lang si mommy." Nginitian ko ito. 

"Woman, what are you thinking? Trying to escape?!" Napatingin ako kay Atlas na makikitaan mo ngayon ng galit. Tinarayan ko ito at muling ibinalik ang tingin doon kay Miles. 

"Bakit baby, may problema ba? Hmmm?" Malambing na tanong ko rito. 

"Mommy, puwede niyo po bang tanggalan ng tinik itong isda ko?"

Nginitian ko ito."Sure, baby."

Kinuha ko ‘yong plato niya para tanggalan ng tinik ang kanyang isda. Ramdam ko ang titig ni Atlas sa’kin at alam kong nanlilisik ang mga mata nito habang pinagmamasdan ako. Habang inaalis ko ang tinik sa isda ni Miles nag-iisip naman ako ng paraan kung paano makakatakas sa lugar na ito. Alam kong muli akong masasaktan nitong si Atlas. Kahit nangako itong hindi ako sasaktan. 

Masasaktan at masasaktan niya ko

kapag tumanggi akong makipag-sex sa kaniya. At hindi ko na hihintayin pang mangyari iyon dahil sisiguraduhin kong makakaalis ako rito ngayong araw ring ito. Nakangiting ibinigay ko kay Miles yung plato niya nang matangalan ko na iyon ng tinik. Muli na akong nagsimulang kumain.

...

Andito ako ngayon sa sala ng bahay nila Atlas at nakikipagharutan kay Miles. Kasama ko rin ngayon dito ang dalawa niyang anak. Tahimik na nagce-cellphone ang panganay nitong anak na lalaki na si Mike. Habang tinatarayan naman ako ng

anak niyang babae na si Mia. Hindi ko naman hinayaan ang sarili kong taray-tarayan lang ng malditang anak niya. Sa tuwing mabibigyan ko ito ng tingin, tititigan ko muna ito nang bonggang- bonga. Sunod ay tatarayan ko siya nang pinaka-malupet kong taray na hindi niya makakalimutan para mas lalo itong mainis

Tsk! 

Kulang na lang sa babaeng 'to maging sex addict na rin gaya ng ama niya. Hindi niyo ko masisisi kung bakit nasabi ko ang bagay na ‘yan? Unang kita ko

palang kasi sa batang ‘yan nararamdaman ko na parehas sila nang ugali ng  demonyong niyang ama. Sabi nga nila, like father, like daughter. 

Nabaling ang atensyon namin kila Atlas na kalalabas lang sa isa sa mga kwarto rito sa baba. May pinag-uusapan silang importanteng bagay. At hindi ko alam kung ano

‘yon.

Lumapit sa direksyon ko si Atlas na siyang ikinagulat ko. Ano naman kaya ang kailangan ng demonyong 'to sa’kin?

Takte! 

Hindi ko maintindihan itong sarili ko. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing lalampit sa’kin ang lalaking 'to hindi ko maiwasang hindi magulat. At kabahan. Bahagya itong yumuko, na pasandal naman ako rito sa sofa dahil sa ginawa niya. 

"Baby." Tapos may tinuro ito na sinundan ko lang nang tingin. Nakita ko ang necktie niya na hindi nakaayos.

"Please, hmmm?" Malambing na wika nito ngunit hindi mo pa rin makikitaan ng emosyon. 

Bwesit!

Napabuntong-hininga muna ako bago ko hinawakan ang necktie niya at inayos ito. Habang inaayos ko ang necktie nito naka-isip naman ako ng paraan para masaktan ko ulit siya. Binigyan ko ito ng tingin bago ngumiti. Sunod ay ginawa ko na ang masama kong balak sa kaniya. Napaubo ito sa ginawa ko. Hinigpitan ko lang naman ang pagkakatali sa necktie

niya. Pagtapos kong gawin iyon pinagpagan ko ang kanyang tuxedo. 

"Devil, mag-iingat ka, hmmm?" Nginitian ko ito ngunit may galit ang boses ko nang sabihin iyon sa kaniya. Tumayo na ito at napahawak sa kanyang leeg. 

Nanlilisik ang mata nitong binigyan ako ng tingin ngunit sinagot ko lang ng matamis na ngiti ang ibinigay niyang tingin

sa’kin. 

"Daddy." Nagpakarga sa kaniya si Miles.

Ang demonyong ito muli ko na naman nakitaan ng emosyon. At halo-halo pa iyon. Tumayo rin ang dalawa niyang anak at binigyan ito nang mahigpit na yakap. Muli niyang ibanaling ang tingin sa’kin na ngayon ay hindi mo na makikitaan nang emosyon. Ang bilis naman magbago nang mood ng lalaking 'to?

Ibinaba niya si Miles at bahagya ulit yumuko. Naramdaman ko na lang ang kamay

niya sa aking ulo at bahagya akong nilapit sa kaniya. Ang labi nito naramdaman kong dumampi sa aking noo na siyang ikinagulat ko. Ang demonyong 'to marunong din pa lang gumalang sa babae. 

"Baby, I'll be back, soon." Idinikit niya ang noo niya sa’kin. "Wait for me, okay?" Malambing na wika niya. 

Pagtapos niyang gawin iyon naglakad na ito palabas ng bahay na sinundan naman nila Kuya Chase at Mixer. Bago ito tuluyang makalabas may sinabi ito sa dalawang lalaking nagbabantay rito sa loob ng bahay. 

"Don't let her escape, keep watching on her." Mabilis kong iniwas ang tingin ko nang bigla itong lumingon sa direksyon ko. 

Putek! 

Nahuli niya kaya akong nakatingin? Bwesit!

Binulong niya lang kasi ‘yon sa dalawang tauhan niya. Masyadong malakas ata itong pandinig ko kaya hindi puwedeng, hindi ko marinig 'yon.

Paano ako makakatakas? Masyadong sigurista itong si Atlas mukhang hindi magiging madali ang pagtakas ko dito.

Muling kong ibinalik ang tingin sa pinto ng marinig ko ang pagsara nito. Ngayon wala na ‘yong demonyong ‘yon nararamdaman kong mas lalong hihigpit ang security sa labas at loob nitong mansion.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status