Share

CHAPTER 19

Zoe Colette's POV

"Takte! Ano bang problema niya? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya?!"

Naitapon ko na yung cellphone ko doon sa sofa dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Bukod kasi sa dalawang araw na akong walang maayos na tulog. Pinapatayan pa ako ni Atlas ng telepono. Dalawang araw na din itong hindi umuuwi at nagpaparamdam samin. Dahil doon dalawang araw na ding panay iyak itong si Miles at hindi kumakain ng maayos. Nagigingmaligalig ito dahil hindi niya nakikita ang kanyang ama.

Nakakatulog na lang ito sa kakahintay niya sa kanyang ama. Kaya pinalabas ko yung kama sa guest room para ilagay dito sa sala. Hindi na din kasi kami na kakaakyat sa kwarto para doon matulog dahil umiiyak itong si Miles kapag iaakyat na siya.

Kahit sila Mia hindi na din umaakyat sa mga kwarto nila para doon matulog dahil nag-aalala sila sa bunsong kapatid.

Takte! Wala ba siyang balak na umuwi? Hindi niya ba alam na may naghihintay sa kanya?

Awang-awa na ako kay Miles dahil sa kakaiyak nito. Okay naman siya pagdating ng umaga ngunit mababakas mo sa kanyang mukha ang lungkot na nararamdaman sapagkat hindi niya nakikita ang kanyang ama. Pagdating naman ng gabi doon nagiging maligalig itong si Miles. Nagsisimula na itong umiyak at hindi kumakain. Kung hindi ko pa pipilitin isubo yung pagkain sa kanya hindi din talaga siya kakain.

Pagdating naman ng madaling araw kung saan sobrang himbing na nang tulog namin muli na naman itong iiyak ng malakas. Maglalakad ito papunta sa bintana at doon sisilipin kung andyan na ba si Atlas mananatili siya doon ng ilang minuto at kapag bigo itong makita ang kanyang ama muli itong hahagulgol sa pagiyak. Lalapit ito sakin at magpapakarga. Walang tigil siyang iiyak sa aking bisig hanggang sa mapagod at doon makatulog. Hindi ko na ito mababa doon sa kama dahil magigising ito at muli na namang iiyak.

Ayaw din niyang magpakuha kila Mike at Mia. Kapag kukunin na siya ng mga ito sakin muli na naman siyang iiyak kaya hinahayaan ko na lang itong matulog sa aking bisig. At para makatulog naman ako habang mahimbing siyang natutulog sakin isasandal ko naman ang ulo sa sofa at doon matutulog kahit na saglit. Ganun ang naging routine ko sa loob ng dalawang araw.

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa habang mahimbing namang natutulog si Miles dito sa aking hita habang nasa kama naman ang dalawa niyang kapatid. Marahan kong inangat ang ulo niya para makaalis ako at maingat ding inilapag.

Kinuha ko yung cellphone na ibinato ko sa sofa at tiningnan ang oras. Alas kuwarto na ng madiling araw muli kong itinapon yung cellphone doon sa sofa. Pumunta ako sa kusina para kumuha nang tubig. Naabutan ko doon si Manang na naglilinis.

"Good morning po, Manang." Wala ganang bati ko sa kanya. Gulat naman itong tumingin sa direksyon ko.

"Madam, ano pong kailangan niyo?"

"Tubig po, Manang." Tipid kong sagot.

Pumunta ito ng repridyeretor para kumuha ng tubig. Habang ako naman umupo dito sa harap ng lamesa.

"Madam, magpahinga po muna kayo. Simula nung nakaraang araw wala pa kayong maayos na tulog." May pagaalala sa boses nito. "Kaya po habang mahimbing ang tulog ni Young master Miles, magpahinga rin po kayo. Kapag po kasi nagising ulit si Young master hindi na naman po kayo makakapagpahinga." Dagda na wika nito.

"Tumawag na po ba si Atlas?" Seryosong tanong ko dito.

"Hindi po." Mabilis na tugon nito at inilapag yung tubig sa harapan ko.

Naihilamos ko ang sariling palad sa aking mukha dahil sa pagod at antok na nararamdaman. Hindi ko na alam ang aking gagawin, hindi din kasi ako pinapalabas ni Manong dahil ayun daw ang inutos sa kanya ni Atlas pero lintik na demonyong yun hindi niya naman sinasagot ang mga tawag ko sa kanya. Bwesit!

Tanging kay Manang Faye lang siya tumatawag at sinasakto niya iyon sa oras na tulog ako. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o talagang nagkataon lang pero hindi na ako natutuwa sa lintik na yun. Dahil alam kung alam niya ang nangyayari ngayon sa anak niya at nasisiguro kong sinasabi din ni Manang Faye ang nangyayari dito sa bahay habang wala siya.

"Manang Faye, paki sabi sa lalaking yun kapag hindi pa siya umuwi ngayon. Hindi ko maipapangako kung hanggang kailan ko pagtitiisan ang anak niya. BWESIT SIYA!" Galit na galit kong wika. "WAG NA SIYANG UUWI. PISTI SIYA!" Muli kong wika bago ko ininom yung tubig na kinuha niya.

Padabog kong inilapag yung baso sa lamesa bago ako naglakad paalis ng dining area.

Takte! Pwede naman siyang tumawag sakin at sabihin na hindi siya uuwi diba?! Para naman hindi din ako maghintay sa wala. Bwesit!

Muli akong umupo doon sa sofa na katabi lang ni Miles. Mahimbing pa din itong natutulog ganun din ang kanyang mga kapatid. Isinandal ko ang ulo doon sa sofa at ipinikit ang aking mata at hinayaan ang sariling kainin ng antok.

...

TAWANAN SA PALIGID ang siyang gumising sakin. Iminulat ko ang aking mata at laking gulat ng makita siya dito. Nakikipag-harutan ito kay Miles.

Takte! Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito.

"Good morning, Colette." Nakangiting bati nito sakin.

Mabilis na lumapit sakin si Miles ng makita akong gising. Kumandong ito sa hita ko at humiga dito sa aking d****b.

Ano naman kaya ang sadya niya sakin? Pisti!

"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso ngunit may inis sa boses ko ng itanong iyon sa kanya.

Nawala naman ang ngiti sa labi niya ng mapansin iyon. "Pinapunta ako dito ni At-"

"At bakit?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Hindi ko alam basta pinapapunta niya lang ako dito. May pinabili din siyang damit sa akin at mukhang para sayo ito." Inabot niya sakin yung paper bag na nasa gilid niya.

Suhol niya ba yan?

"I don't care about that thing. Kung ano lang ang tinatanong ko sayo yun lang din ang sagutin mo. Wag mo nang dagdagan ng kung ano-ano." Malditang wika ko dito. "Isa pa, hindi naman ako nagpabili nan sayo. Bakit mo sakin inaabot ang lintik na paper bag na yan?!" Hinawi ko yung paper bag palayo sakin.

Pinapapunta siya dito ni Atlas? E, hindi pa nga umuuwi yung gagong yun.

Binuhat ko si Miles para isama papuntang dining area nasa lubong ko naman sila Mia na pababa ngayong dito sa sala at mukhang narinig niya ang sinabi ko kay Maisha.

"Nagtataray ka at bakit?" Sa lubong na tanong nito sakin. "Girl, mas lalong kumakapal yang pagmumukha mo huh? Hanggang kailan ka ba magtatagal dito?" Dagdag pa nito

"Hanggang sa nabubuhay ka." Malditang tugon ko dito.

Ayoko patulan ang batang 'to pero inuubos niya talaga ang pasensiya ko.

"Try mong magpakamatay kid, aalis ako." Nginitian ko ito bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang dining area.

Hinawakan niya ako sa aking braso at hinawi paharap sa kanya.

"You want me to die? How dare you to say that to me!" Galit na galit ito ng sabihin iyon. "I'm the daughter of the most notorious business man in the Philippines.

Natawa ako, "You want me to leave, right? Then die, I will leave." Binigyan ko siya nang nakakasaar kong ngiti.

Natawa ako sa sagot ko sa kanya kahit naman kasi mamatay siya hindi pa din ako makakaalis sa demonyong bahay na ito.

Takte! Ang sarap lang patulan ng batang 'to ang bilis kasi mapikon, same as his brother.

Nam Sae

Hi guys, pasensiya na kung di ako naka pag-update kahapon, busy po kasi.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status