Lahid
Lahid
Author: Rick Resonable
Prologo

Gabi iyon ng ika-labindalawa ng Setyembre taong 1882 araw ng Sabado, sa Roma, Italya.

Hindi ako makatulog sa ingay ng dalawang taong tila nag-aaway habang nagbubulungan lamang ng malakas na nagmumula sa ibaba ng bahay. Kahit ngabubulungan lamang ay kilala ko parin ang mga boses na naririnig ko.

Ang dalawang taong iyon ay ang aking mga magulang.

Tila nakakabahalang pakinggan ang kanilang mga tinig sapagkat hindi naman sila ganito noon. Alam ko na may halong takot at pangamba ito. Yaong, mga bulungan nila na hindi ko dapat marinig.

Mariin ko mang pinakinggan ang mga bulungan nila ngunit ang kalayuan at kakapalan ng mga dingding ng bahay ay nagging balakid upang mapakinggan ko ito ng mabuti.

Hindi ako makapg-tiis at napilitan akong bumaba ng aking cuarto upang alamin kung ano ang nagyayari.

"Ma?Pa?" ani ko sa kanila habang bumababa ako ng hagdanan mula sa itaas kung nasaan naroroon ang aking cuarto. Nasa gawing bintana sila nang maabutan ko. Tila, may minamasid sila sa labas ng bahay.

Nang tumambad ak, parang bigla silang napariwara mula sa bintana.

"Ma? Pa? Ano po ang nangyayari?" tanong ko sa kanila at humakbang palapit sa kanila.

Sinalubong ako ng aking butihing ina.

"Anak, gising ka pa pala," ani niya sa akin habang lumapit ito. " Wala ito. May nakita lang kaming usa na nagpagalagala sa labas. Minamasid lamang namin at baka pumasok sa ating bahay. Bumalik ka na sa iyong cuarto at matulog. Wala kang dapat ipag-alala, anak"

Inilagay ng akin ina ang kanyang kaliwang kamay sa aking kanang balikat. Pangiti itong nakatingin sa akin. Kahit ganoon, hindi pa rin ako nagging kumbinsido sa kanyang dinahilan. Bakas pa rin sa kanyang mukha ang pangangamba at patuloy pa ring magmamasid sa bintana ang aking ama mula sa bintana habang hawak ang kanyang baril na madalas ginagamit niya sa pangangaso.

Alam ko naman na maraming using gumagalagala sa mga daan tuwing lumalamig na ang panahon. Madalas, nakapaninira ito ng mga kagamitan sa bahay. Minsan rin, nakakapanakit ito ng tao.

Ngunit panahon pa iyon ng taglagas.

Gayon pa man, naisipan ko ring bumalik ng aking silid sa kabila ng mga gumugulong isip. Inakbayan ako ng aking ina at sinamahan ako patungo sa hagdan. Lumingon ako sa aking ama na patuloy pa ring nagmamasid sa bintana. Umakyat ng ilang hakbang sa hagdanan ang aking ina at hinayaan na ako magpatuloy sa pag-akyat paitaas. Palingon-lingon pa rin ako sa kanya habang dahang dahang humahakbang. Nakatingala lang sa akin ang aking ina na ngumingiti habang ngahabang pinapanood akong bumalik sa akin silid.

Humiga akong muli sa aking malambot na kama. Niyakap ko ang aking unan. Naririnig ko pa rin ang ingay ng aking mga magulang. Hindi ko magawang hindi mangamba ngunit naniniwala naman ako sa sinabi ng aking ina. Naniniwala ako sa kanya kahit dama ko sa aking puso ang duda. Tanto ko't naniwala na nagmamasid lang sila sa nakitang usa nab aka lumusong ito sa bahay at makapanira pa nga mga gamit sa loob. Buhat nga makahiga, binubulong ko lamang sa aking isip na iwala ang mga masasamang wari pero ang mga bakas pa rin ng takot ang tumatatak sa aking isipan.

Hanggang sa biglang dumilim ang buong paligid. Biglang binalot ng kadiliman ang aming bahay. Dahil sa takot, tumawag ako sa aking ina. Tinawag ko rin ang king ama. Ngunit walang sumagot.

Umihip ang matinding hangin sa labas at tila nagsisimulang umulan.

Tinawag ko ulit ang aking mga magulang. Sumagot naman ang aking ina sa pagkakataong iyon ngunit sinabi nito na hindi ako lalabas at baka mahulog ako sa hagdanan kapag bababa ako. Kaya, lumagi lamang ako sa aking higaan at naghihintay sa aking ina na wari ko ay magdadala ng kandila sa aking silid.

At biglang may umalingawngaw na isang putok ng baril. Yumanig ito sa buong bahay. Maririnig din ang mga nagkabasag na mga salamin at mwebles. Sinundan naman ito ng isang nakakahindik na sigaw. Isang sigaw na "Isabelo!".Ito ang pangalan ng aking ama.

Wala akong nadaramang iba sa mga sandaling narinig ko iyon kundi ang matinding takot at pangangamba. Binalot nito ang aking buong puso.Kahit madilim ang buong paligid, bumangon ako't pinilit ang aking sarili na umalis sa cuarto at nagkakapkap akong naglakad patungong ibaba upang alamin ang mga nangyayari.

Nakapasok ba ang usa sa bahay? Sana nasa maayos na kalagayan lamang ang aking mga magulang, mga tanong na umiikot sa aking isipan habang pababa na ako ng hagdanan.

Nagsimulang kumulog ng malakas at kumidlat. Lumakas pa lalo ang ulan sa labas.

"Ma? Pa?" pagtawag ko sa kanila habang nakasandal ako sa pader paibaba ng hagdanan upang hindi mahulog rito dahil sa madilim. Ngunit sa lakas ng aking pagtawag, walang sumagot dito.

"Ma? Pa?" pagtwag ko ulit sa kanila at sa pagkakataong iyon ay may halo na itong takot. Walang ni isang tinig mula sa kanila ang aking narinig at doon ay nagsimula na akong umiyak.

Paulit ulit kong tinawag ang aking mga magulang ngunit pawang katahimikan lamang ang sumagot rito. Dahan-dahan akong bumaba dahil sa tindi ng takot na namumuo sa aking pakiramdam.

Nang ilang hakbang na lamang ako mula sa sahig, inulit ko muli ang pagtawag sa kanila na may kalakasan. Sumabay naman ang kulog rito at umilaw ang kidlat sa labas na may dalang matinding pagbugso ng ulan.

Nakatapak na ako sa sahig ngunit wala paring sumagot sa aking nangangambang pagtawag. Humakbang ako ng ilang lakad, kumakapa pa rin sa dilim, ay bigla akong natapilok at nadapa sa sahig. May naramdaman ako sa aking paa na tila may humarang na bumalakid sa aking dinadaan nang siyang dahilan ng aking pagkabagsak. Bahagya naman akong nasaktan sa pagkadapa. At upang alamin iyon,lumingon ako sa bagay na bumalakid mula sa hagdanan. Dahil sa dilim, wala akong nakita paglingon ko. Hindi ko inalis ang linilingon ko at sinadyang hintayin ang kidlat upang lumiwanag sandali at nang makita iyon.

Kumulog muna ang kalangitan, isang matinding pagkulog, at nang kumidlat ang buong paligid, nanlosok ang aking mga mata sa aking nakita. Ang aking paghinga ay hinahabol ko nang makita ko at malaman ang bumalakid sa akin.

Isang kagimbal-gimbal na tanawin at nakakatakot malaman ng isip.

Doo'y nakabulagta ang aking ina, walang kibo at hindi gumagalaw. Dumaloy mula sa kanyang ulo ang dugo at nabaharin nito ang sahig. Tila wala na itong buhay. Hindi ako kumibo, kakatunganga lamang at nakamasid sa malamang bangkay na ng aking ina. Biglang lumakas ang pintig ng aking puso, pumintig ito ng malakas dahil sa takot. Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam kung ano ang maramdaman sa sandaling iyon, halong-halo ng takot, gulat, at kawalan ng loob.

At habang minamasid ko lang ang nakabulagta kong ina, ang aking tenga ay may nahagip na isang pagkuskos mula sa aking likuran. Isang nakakahindik na kuskos na para bang galing sa lalamunan. Parang tunog ng iyong lalamunan kapag dumaan ka sa matinding pagkauhaw at uminom agad ng tubig upang maibsan ito.

Lumingon ako ng parahan, dama pa rin ang tindi ng takot sa d****b, upang alamin kung ano iyong naririnig ko sa likuran. Sinadya kong uli lumingon kasabay ng pagkidlat sa labas upang mailawan ang madilim na paligid.

Para bang biningi ako nng katahimikan na ni hindi ko na marinig mula sa labas ang matinding ulan sa sandaling iyon. Huminto ang oras at biglang nalusaw ang aking isip nang makita ko ang karumaldumal na pangyayaring aking nakita.

Isang matangkad na lalaki. Ito lang ang tanging katangian ang aking nakita dahil sa kagiliman ng buong bahay. Nakatalikod ito mula sa akin. At sa kanayanng kamay, ay may hinawakan siya. Ang aking ama. Ang aking ama na walang malay at buhay at nakadilat pa ang kanyang mga mata. Tila hinahalikan sa leeg ng matangkad na lalaki ang bangkay ng aking ama. Ngunit aking nawari rin sa sandaling yaon na parang kinakagat niya ito.

Gusto kong sumigaw ngunit ni pakli ng salita at hindi luabas sa aking bibig. Para bang lumiit ang iyong baga na siyang napghirap sa aking paghenga. Wala ring tigil na bumugso ng matindi ang aking puso.

Ang tanging nasa isip ko lamang sa sandaling iyon, ang kamatayan ay nasa aking harapan ko na at ilang hakbang nalang ay kukunin na nito ang aking buhay.

Ilang sandali, bigla nitong itinapon ang katawan ng aking ama. Tumama ito sa isang muwebles na siyang nakasira nito at agad bumagsak sa sahig na walang buhay. Ibinalik ko ang aking tingin sa lalaki. Humarap ito sa akin.

Lumiliwanag sa pula ang kanyang mga mata. Tila nabubuhay rito ang apoy na parang lumagalablab. At nang kumidlat muli, nakita ko ang kanyang mukha. Isa itong ordinaryong tao sa kanyang tindig at pananamit. Ngunit ang siyang umagaw sa aking pansin ay ang kanyang bibig. Nangungutas ito sa galit. May dalawang matutulis na pangil ito na parang mga ngipin ng isang ahas. Hindi ako magalaw at nakahalik pa rin ang katawan ko sa sahig. Hindi ko malaman ang aking gagawin at sa mga sandaling iyon ay nakatutok lamang ako sa lalaki na nasa aking harapan.

Hanggang sa ako'y kanyang sinuggaban, kinagat ang aking leeg at simula noon ay hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status