Share

Chapter 91

"H-Hindi nga talaga ako nanaginip," sambit ko at humingang malalim. "Kayo ba ang nagpasabog kanina?"

"Kami nga," tugon ng babaeng mahinang napasipol. Napatingin ako sa kan'ya at pinagmasdan ito. Una kong napansin ang bangs niya na ginawa gamit ang iilang hibla ng buhok lamang. Ang kan'yang mga mata ay tila'y sa isang pusa, matangos din ang kan'yang ilong na ang tip ay bahagyang mas mataas kaysa sa kan'yang bridge. Kahit madilim ay kita ang freckles sa kan'yang mukha. Nahahati rin sa kulay kayumanggi at puti ang kan'yang balat.

"Hi, Shianna!" Lumapit sa akin ang babae dahilan upang mapaatras ako. Lumundag siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Pinagmasdan niya ang aking mukha na tila'y isa itong eksam.

"Wow!" mayamaya'y sabi niya. "Ang ganda mo nga talaga!"

"Amira!" saway ni Ms. Ybañez dito at hinatak palayo si Amira. Napahawak naman ako sa aking balikat at kuryosong pinagmasdan ang babaeng kasama ni Ms. Ybañez.

"Bakit kayo nagpasabog?" tanong ko at binaling ang aking at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status