LOGINTitig na titig si Elise sa bintana ng hotel sa karating bayan ng San Gabriel kung saan dumiretso ang dalaga matapos siyang hindi siputin ni Calvin sa kanilang kasal.
Umaga na. Lumipas na ang bagyo at sumikat na ang haring araw. Subalit ganoon pa rin ang pakiramdam niya, namamanhid, nagsisisi, nasasaktan.
Hindi niya matandaan kung nakatulog siya nang nagdaang gabi. Ang alam lang niya, tila lumulutang pa rin ang isip niya hanggang sa mga sandaling iyon.
Hindi pa rin niya lubos akalain na magagawa ni Calvin sa kanya ang ganoon. Na mas pipiliin nitong mapahiya siya nang lubusan basta madaluhan lang nito ang kababata nito.
Kung sabagay, ano pa bang bago roon? Calvin will always go out of his way for Juliette. Maging si Arnaldo na ama ng kasintahan, ganoon din. Walang ibang bukambibig ang matandang lalaki kundi si Juliette, ang mga gusto nito, ang mga ginagawa nito at kung ano-ano pang tungkol sa babae.
Noon, bale wala lang kay Elize ang mga bagay na ‘yon. Iniisip na lang niya na baka sadyang natutuwa si Arnaldo kay Juliette. Subalit ngayon, naiintindihan na niya. Those frequent conversations about Juliette means something. Mas gusto ni Arnaldo si Juliette para kay Calvin.
Lumipas na ang mga taon mula nang mapadpad siya sa Sta. Ignacia subalit ni hindi pa rin pala siya tanggap ni Arnaldo. Pinakikisamahan siya nito, yes. Civil ito kung makitungo sa kanya. Subalit, sa loob-loob nito, hindi pa rin siya ang gusto nito para sa anak nito.
Humugot ng malalim na hininga ang dalaga, pilit na pinigilan ang pagpatak ng luha. Iniisip niya ang mga naging sakripisyo niya para kay Calvin sa mga nagdaang taon. Nagkaroon ng lamat ang magandang samahan nila ng kanyang mga magulang at kapatid. She defied all of their family rules just to be with Calvin in Sta. Ignacia. Alam niyang nasaktan niya ang mga ito nang umalis siya ng Maynila. Maging ang kuya niya, halos itakwil siya nang sabihin niyang hindi na niya itutuloy ang mga gusto niyang gawin sa buhay. She thought she was making a sacrifice for love then—for Calvin.
Kaya lang… nagkamali siya. Hindi sakripisyo ang ginawa niya, sadya siyang nagpakatanga para sa isang lalaki na ngayon alam na niyang kahit kailan, hindi siya magagawang unahin.
Gising na siya sa katotohanan. Gising na gising na siya.
Pilit na umupo sa kama si Elize. Bukod sa nanakit niyang mata, mabigat din ang pakiramdam niya. Marahil sinisingil na siya ng lahat ng pagod niya nang nagdaang araw. Ni hindi rin niya nagawang kumain kagabi, nawala sa isip niya.
Mula nang ihatid siya ng driver ng bridal car doon, iisa lang ang nasa isip niya, ang mapag-isa.
Mula sa bedside table, kinuha ng dalaga ang kanyang bag at inilabas doon ang kanyang cellphone. Kahapon pa iyon naka-off dahil ayaw niya muna nang may kausap.
Sunod-sunod na lumabas ang notications niya. Mula nang umalis siya ng Sta. Ignacia, tatlong beses lang tumawag si Calvin sa kanya. Nag-text din ito nang paulit-ulit, pinapadala sa ospital ang cheque book nito.
Isang utusan. Iyon lamang ang tingin ni Calvin sa kanya. Ngayong nahimasmasan na siya, napagtanto ng dalaga na ni minsan, hindi sila nagdate ng nobyo na sila lang. Madalas kasama nilang kumain sa labas si Juliette or kaya si Arnaldo. Kung hindi naman, mga tauhan sa firm.
They never really had moments for themselves. Kahit noong huling taon nila sa kolehiyo nang maging sila. They were always surrounded with other people. At noong nagtapat siya sa nararamdaman niya rito, parang naging ‘understood’ na lang din na gusto siya ni Calvin, dahil lagi siyang nakabuntot dito at hindi naman siya nito itinataboy.
Bago ito umuwi sa maunlad na siyudad ng Sta. Ignacia, ang sabi nito gusto nitong magtayo ng sarili nitong construction firm. Naniwala siya kakayanan nito kaya naman sumugal siya kay Calvin. She emptied her bank account and gave everything to him. Noong nag-uumpisa ito, nahirapan itong makakuha ng mga kliyente. Subalit dahil malawak ang kaalaman niya sa advertising, ginamit niya iyon upang magkaroon ng bentahe si Calvin sa mga potential clients nito.
Unti-unti, nakilala si Calvin bilang inhinyero. Lumago ang firm na itinatag nilang dalawa. At si Elize, masaya siyang laging nasa tabi ng nobyo habang inaabot nito ang mga pangarap nito. Akala ng dalaga tuloy-tuloy na ang kaligayahan niya sa piling ni Calvin, lalo pa nang sabihan siya nitong planuhin na ang kasal nila. She was over the moon that day.
Akala niya, worth it ang lahat ng sakripisyo niya para kay Calvin. Na sa wakas, makukuha na rin niya ang happy ending sa pagmamahalan nila. Never did she know, that what she’ll get was the biggest heartbreak in her life on the day of their wedding.
Marahang nagpunas ng luha si Elize. Tapos na ang pagtatanga-tangahan niya. Kailangan na niyang tanggapin ang katotohanan na kahit minsan, hinding-hindi siya uunahin ni Calvin dahil hindi siya nito mahal. He just keeps her by his side because she was convenient. She was needed but never loved. Never love.
Niyuko ni Elize ang kanyang cellphone nang tumunog iyon. Naka-flash sa screen ang pangalan ng kanyang kaibigan na si Ivy.
“Ivy?” ani Elize nang sagutin ang tawag.
“El, thank God you picked up! Kahapon pa kita tinatawagan. I heard the news about… about your private wedding with Calvin. Did he really—“
“Yes, Ivy. Hindi ako sinipot ni Calvin sa simbahan,” diretsong sagot ni Elize sa kaibigan.
She had known Ivy since high school They took the same course in advertising, Nangarap silang dalawa na magtatayo ng sarili nilang kumpanya after graduation kaya lang… Ivy tried to keep in touch. Isa ito sana sa mga iimbitahan ni Elise sa kasal kaya lang, naunang napuno ng mga bisita ni Calvin ang guest list nila.
“I’m sorry to hear that, El. Alam ko nang manggagamit ‘yang si Calvin noon pa. How are you holding up?”
Kusang tumulo ang luha ni Elize. Her family had long forsaken her. Some of her friends she’d known way back, distanced themselves too. But Ivy stayed and now…
“El, I know you are hurting right now. Hindi mo pwedeng ipagsinungaling sa akin yan. Do you want me to fly over there right now?”
Hindi agad nakasagot pa si Elize, basta na lang sya humagulgol. “I-I’m in San Gabriel, Ivy. Ridgewood Hotel. Room #216.”
“Okay, wait for me. I’ll be there, okay?” ani Ivy, bago tinapos ang tawag.
Pagkatapos na pagkatapos ang tawag ni Ivy, muling nag-ring ang cellphone ni Elize. Si Calvin na ang tumatawag sa kanya. Subalit imbes na sagutin, ni-reject ng dalaga ang tawag at nilagay sa blocked contacts ang number ng nobyo.
Ayaw na niyang makausap pa si Calvin. Sapat na ang mga bagay na tiniis niya para dito sa nagdaang apat na taon. They are over.
Akmang tatayo na si Elize sa kama nang bigla siyang makaramdam ng hilo. Hindi rin niya alam subalit pakiramdam niya bigla siyang nilamig at nanginig. She tried turning off the AC but to no avail. She kept trembling. Tumindi na rin ang sakit ng kanyang ulo. Nang hawakan niya iyon, noon niya napansin na mainit siya. She’s running a high fever!
Pilit siyang naglakad patungo sa personal ref upang kumuha ng tubig. Subalit dahil nanghihina ang katawan, ilang hakbang lang ang nagawa ng dalaga bago siya tuluyang bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.
“Para sa babaeng napakahaba ng hair ngayong araw. Heto, coffee delivery,” ani Ivy, marahang ibinaba sa mesa ni Elize ang paper bag ng isang sikat na coffee shop.Nangunot-noo ang dalaga, inabot ang paper bag. “Kanino galing?”“E di kanino pa, kay Ralph siyempre,” sagot ni Ivy, umupo na sa sofa chair sa opisina ni Elize.Agad namang binasa ni Elize ang note na nakaipit sa delivery.‘Have a quick break. Thinking of you still. See you, later- RDF’Iyon ang nakasulat sa note. Agad na nag-init ang pisngi ni Elize. Napuno ng kilig ang dibdib. Kung pwede lang niyang hilahin ang oras, kanina pa niya ginawa. She wanted to see Ralph again—talk to him, be with him.“Oh god, you’re already smitten, Elize Victoria!” muling kantyaw ni Ivy sa kaibigan.Hindi umimik si Elize lalo lang pinamulahan ng pisngi, inabala ang sarili sa pagkuha ng kape sa loob ng paper bag.“And you’re blushing!” dugtong pa na komento ni Ivy.Natawa na si Elize. Hindi na niya talaga maipagkakaila ang nararamdamn niya kay Ral
“Ralph,” nagtatakang tawag ni Elize sa binata nang mabungaran niya ito sa sala ng bahay nila. Wala pang alas otso ng umaga at papasok na sana ang dalaga sa opisina. Kaya naman labis na lamang ang pagtataka niya nang makita ang asawa sa mismong bahay nila.“Goodmorning!” ani Ralph, tumayo na mula sa sofa, ngumiti. “I’m here to pick you up. Ihahatid kita ngayon sa office mo,” diretsong paliwanag ng binata.Sandaling nagsalubong ang mga kilay ni Elize, marahang bumaba ng hagdan. “Uhm, I can drive. So…”“Sira ang sasakyan mo, hija,” sabat ni Felicia na naroon lang pala sa may lanai at nagkakape kasama si Eddie.“Paano pong nasira, Mom? It was fine when—““Hindi umaandar, Elize. Kaya pina-pick-up ko kanina sa mga tauhan natin para matignan,” si Eddie naman, ibinaba na sa mesa ang binabasang broadsheet bago sumimsim ng kape sa mug na nasa harap nito.Lalong napanganga ang dalaga. “Pero okay pa naman ang—““Sumama ka na kay Ralph, hija. Kanina pa siya naghihintay sa ‘yo,” putol ni Felicia sa
“T-tama na, P-Papa! T-tama na!” pakiusap ni Richard kay Don Pedro. Nakaluhod sa sahig ang matandang lalaki, nakatukod na ang mga kamay sa baldosa dahil sa iniindang sakit ng pagpaparusa ng don.Dahil hindi matiis ang anak, si Margarita na mismo ang gumawa ng paraan upang mailabas ng kulungan si Richard. Nagbayad ng malaki ang matandang donya para lang mailabas ang anak sa mismong araw ding iyon. Naisip niyang walang bale ang pera basta masiguro niyang ligtas ang kanyang nag-iisang anak.Subalit hindi nakaligtas sa parusa ni Don Pedro si Richard nang makauwi sa mansiyon. Gaya ng nakagawian, pinarusahan ng matandang don si Richard sa pamamagitan ng sariling batas ng mga Del Fierro. Fifteen lashes for small mistakes and thirty lashes for serious ones.Richard was getting the heavier punishment. Subalit hindi pa nito napapangalahati ang parusa, halos sumuko na ito.Muling iwinasiwas ni Don Pedro ang leather belt na hawak nito na siyang ipinanghahaplit nito sa anak. “Paanong tama na? Hindi
“Why didn’t you say anything?” ani Xander kay Ralph. Nakaharap sa garden ng ampunan ang dalawa subalit malayo-layo ang distansiya sa isa’t-isa. Doon sila dumiretso matapos ipakilala ni Ralph si Angeline, ang apat na taong gulanag na anak ni Cyrus sa isa sa mga babaeng nabiktima nito.“Would you have believed me?” si Ralph, nakapamulsa.Nang sabihin niyang aayyusin na niya ang gusot nila ni Xander, he didn’t mean that soon. He’s still facing a legal battle with his uncle. Kailangan din niyang ayusin ang problemang ginawa ng tiyuhin sa loob ng DFV habang wala siya. He still has a lot on his plate. However, the situation calls for it. Alam niyang kapag hindi pa niya nilinaw ang lahat sa pagitan nila ni Xander, patuloy lang na mahihirapan si Elize. That, he wouldn’t want to happen.Hindi sumagot si Xander, nagbuga lang ng mabigat na hininga. Alam niyang kahit na anong paliwanag na gawin ni Ralph sa kanya noon, hindi rin siya maniniwala. He hated him, to the core! Paanong hindi, akala niy
Napabuga ng mabigat na hininga si Xander matapos iparada ng binata ang kanyang sasakyan sa parking lot ng condo building. He is tired and beat from the day’s work. Idagdag pa na nag-away sila ulit ni Elize kanina nang umuwi siya.Ipinagtanggol ulit ng kapatid si Ralph Del Fierro, bagay na lalong nagpagalit sa kanya. Muntik na niyang sabihin kay Elize ang totong pagkatao ni Ralph, that he is someone who sexually abuses women. Subalit nagpigil pa rin siya. Sa estado ni Elize, kahit na siguro makakuha pa siya ng ebidensiya tungkol sa mga paratang niya, hindi pa rin maniniwala ang kapatid. Kung anong gayuma ang ginamit ni Ralph para mapaamo ang kapatid nang ganoon, hindi alam ni Xander. Subalit alam ng binata, lalo lang lalalim ang hidwaan sa kanila nni Elize kapag sinabi pa niya ang tunay na dahilan kung bakit siya galit kay Ralph. Elize is reacting stupidly with just about everything involving Ralph. Crazy but, it’s just the reality of his family right now.Marahang umiling ang lalaki.
Sandaling nakipagtitigan si Xander kay Ralph, hindi makapaniwala na hanggang sa mga oras na ‘yon, nagmamaang-maangan pa rin ito sa ginawa nitong kasalanan sa kanya.Umabot din ng isang taon ang relasyon nina Ralpgh at Carla noong nasa kolehiyo pa ang mga ito. Carla was an innocent provincial girl. She was a bright and jolly woman. Not until she shifted courses at naging kaklase nito si Ralph Del Fierro. Wala naman talagang pakialam si Xander kay Ralph noon kahit na matagal na itong kilala ng lalaki dahil sa iisang mundo lang ang kanilang kinalakhan. Growing up Xander even pitied Ralph dahil wala itong masyadong kaibigan. Not until that time when he saw Carla crying while talking to Ralph.Walang ideya si Xander kung anong nangyari. Kahit si Carla, ayaw ding sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ito umiiyak habang kausap si Ralph. He was young and immature then. Instead of waiting for Carla’s explanation, he got angry. Days later, they broke up. Weeks after the break-up, umalis ng M

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





