ログインAng malakas na amoy ng antiseptic ang tuluyang nagpagising kay Elize. Nang magmulat siya, ang nag-aalalang mukha ni Ivy ang nabungaran ng dalaga.
“El, okay ka lang? Kumusta nang pakiramdam mo?” tanong ni Ivy.
Kumurap-kurap si Elize. “I-Ivy… p-paano ako… bakit ako n-nandito?”
Magaang hinaplos ni Ivy ang buhok ng kaibigan bago sumagot. “Pagdating ko sa hotel mo kanina, nasa sahig ka na at walang malay. I rushed you here. According sa bloodwork at x-ray mo, you have pneumonia and severe anemia. You are not in good shape, El. Kailan ka pa ganito? Bakit hindi ka man lang nagsabi?”
Hindi sumagot si Elize, umiwas lang ng tingin. Ni hindi man lang niya napapansin na pati pala ang sarili niyang katawan, sumusuko na rin. Sa nakalipas na tatlong taon mula nang umpisahan nila ang firm, siya lahat ang gumagawa ng lahat ng bagay na si Calvin sana ang nag-aasikaso. Siya ang naghahanda ng proposal presentation para sa mga prospected clients. Madalas pinaglalamayan niya ang mga iyon maging maayos lang ang presentation ni Calvin. Siya rin ang humaharap sa mga kliyeteng may reklamo at concerns. Hindi lang miminsan siyang nakarinig ng mura sa ibang projects ni Calvin na may palpak. Pero pilit niyang inaayos ang mga gusot na ‘yon, h’wag lang maistorbo si Calvin sa trabaho nito. Madalas, pati grocery sa bahay nina Calvin at Arnaldo siya rin ang gumagawa. Kahit na pagod siya. Kahit na busy rin siya.
Akala niya, gawain talaga ‘yon ng isang supportive girlfriend. Akala niya.
Those are the stupid things she did. All for Calvin. All for nothing.
“El, hindi kita sinisisi sa mga naging desisyon mo. But since everything has come to this, don’t you think it’s time to—“
“I’m leaving him, Ivy. Alam ko na ngayon na wala nang patutunguhan ang pagbubulag-bulagan kong ito. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ng lahat, kung alam ko lang na…”
Hinawakan ni Ivy ang kamay ni Elize at marahan iyong pinisil. “Don’t be too hard on yourself, El. Lahat tayo nagkakamali. Isa pa, it’s never too late for you to start over. I’m still here. I am still your friend, willing to help you every step of the way.”
Tuluyan nang humikbi si Elize, niyakap ang kaibigan. Sa loob ng tatlong taon mula nang lumipat siya sa Sta. Ignacia, wala talaga siyang natagpuang kaibigan na gaya ni Ivy. Isang kaibigan na lagi siyang sasamahan sa kahit na anong hamon ng buhay—tagumpay man o kabiguan. Ngayon siya labis na nagsisisi kung bakit hindi siya nakinig sa mga payo nito noon.
“T-thank you, Ivy. I-I have no words,” ani Elize, lalong tumibay ang desisyon na magsimulang muli, malayo sa Sta. Ignacia. Malayo kay Calvin.
Sasagot pa sana si Ivy nang muling bumukas ang pinto ng private room kung saan naka-confine si Elize. Bumungad doon ang bulto ng mag-asawang Felicia at Eddie, ang mga magulang ni Elize.
Napasinghap ang dalaga, kusang bumitiw sa kaibigan, sandaling pinaglipat-lipat ang tingin kina Ivy at sa mga magulang. “M-Mommy, D-Daddy… paanong…”
“Ivy called us,” ani Felicia, marahang humakbang palapit kay Elize. “A-ang sabi niya k-kailangan mo na raw ng magulang ngayon. K-kailangan mo na raw kami n-ngayon. Kaya kami pumunta d-dito ng Daddy mo,” anang matandang babae sa garalgal na tinig, nangingilid ang luha.
Tuluyan nang humagulgol si Elize. “Oh Mom, I’m s-sorry… I’m so sorry,” anang dalaga, panay ang patak ng luha.
Hindi naman nag-aksaya ng oras ang mag-asawang Monteverde at niyakap ang kanilang unica hija na matagal na nawalay sa kanila.
“It’s okay, Elize. We are here now. Everything’s forgiven. We will take you home. We will start over,” ani Eddie, kinintalan ng masuyong halik sa noo ang kanyang mag-ina.
“Tapos na ang bangungot, anak. Pwede ka nang umuwi sa bahay,” dugtong pa ni Felicia, masuyong pinalis ang luha sa pisngi ni Elize. “Your Dad has already arranged a chopper to fly us back in Manila. Kung gusto mo, pwede na tayong umuwi ngayon din, as long as your doctor permits.”
“Wala kang dapat na isipin pa sa mga maiiwan mo dito. I can arrange someone to gather your stuff here and—“
“I’m selling my place, Dad. Gusto ko ring bawiin ang investment ko sa firm ni Calvin. Gusto kong i-donate ang perang ‘yon sa foundation. That’s where it’s supposed to be… for underprivileged children,” ani Elize, mas determinado na ang tinig. “Ayokong magkaroon ng anupamang ugnayan ang buhay ko kay Calvin o kaya sa Sta. Ignacia. I want to leave Sta. Ignacia as soon as possible.”
“I will ask Javi, kung pwede ka niyang irepresent sa liquidation process ng assets mo dito,” si Ivy. Ang tinutukoy nitong Javi ay ang kasintahan nitong abogado.
“Yes, hija. Please do that,” ani Eddie.
“I will talk to the doctor, right now,” sabi naman ni Felicia, muling hinaplos ang pisngi ng anak. “We will go home today. I promise,” anang matandang babae bago lumabas ng private room.
Hapon na nang tuluyang payagan ng doktor na makauwi ng Maynila si Elize. Hinintay ng mga doktor na bahagyang humupa ang kanyang lagnat bago siya hinayaang bumiyahe. At habang nasa helipad silang mag-anak, naghihintay sa chopper na magdadala sa kanila pabalik sa Maynila, nagri-replay sa utak ng dalaga ang naging buhay niya sa Sta. Ignacia sa nakalipas na tatlong taon. Looking back, she didn’t know why she regarded her life as ‘happy’ when she was living alone there. Malayo sa kanyang pamilya. Malayo sa mga tunay na nagmamahal sa kanya.
Moving to Sta. Ignacia was a mistake. And loving Calvin was the biggest mistake she ever did.
Akala niya, masaya na siyang manatili sa tabi ni Calvin, pagsilbihan ito, mahalin ito. Masaya siyang gawin ang lahat ng iyon dahil minsan niyang naging utang kay Calvin ang buhay niya nang iligtas siya nito sa rumaragasang sasakyan, isang gabi noong nasa kolehiyo pa sila. Akala niya, kapag ibinalik niya ang kabutihang iyon, mamahalin din siya nito nang lubos. Pero… mali siya. Hindi siya minahal at mamahalin ni Calvin kahit kailan.
And so she’s leaving. She will restart her life without him. Finally, without Calvin.
“Mabel, please get me a copy of the proposal sent by Animatrix. I need to review it first bago ko ipasa kay Ivy,” anang dalaga, habang tumitipa sa kanyang laptop. She was answering her emails. Natambak na ang mga iyon dahil lang sa hindi siya pumasok ng isang linggo. Kaya naman minamadali ng dalaga ang pagsagot sa mga iyon.Gaya ni Ralph, bumalik na rin sa pagtatrabaho si Elize. Yaman din lamang na hindi siya pwedeng lumabas sa banssa, might as well make the most of her time. She wants to be productive kahit na marami silang kinakaharap ni Ralph ngayon.“Okay po, Ma’am,” sagot ni Mabel, agad na tumalima sa utos ng amo. Hindi nagtagal, bumalik ito. “Ma’am, may tawag po kayo sa landline natin,” anunsiyo ng sekretarya.Agad na nag-angat ng tingin si Elize, nangunot-noo. “From who?”“Mula daw po sa city jail, Ma’am.”“From what?” bulalas ng dalaga, nagtaka. Who’s calling her from inside the prison? “I’ll just take it from here, Mabel. Thank you.” Agad na kinuha ni Elize ang headset ng lan
“That’s it? That’s all you have?” sarkastikong tanong ni Ralph kay Dylan habang nag-uusap-usap ang mga ito sa penthouse ni Ralph.Just half an hour ago, si Elize mismo ang nagpatawag kay Dylan at kay Xander. After learning from Mark everything that has transpired that day, she knew she cannot just sit back and just let Ralph solve his problems.They are married now, partners in every way. And if he needs to get justice for his parents, then she will help him get it.“Ralph, please. Don’t let your anger get the better of you again,” ani Elize, inabot ang braso ng asawa. Magkatabi ang dalawa sa sofa.“If we’re going to let the law deal with Margarita, then we need to have a solid evidence against her,” paliwanag ni Dylan. “Pwede nating gamitin ang statement ni Tonya. But then again, it’s not solid if we cannot present evidence about the allegations. Besides, they can always refute that Tonya has a mental health condition. Also, she maybe lucid now, but until when? Remember, we only ga
Kanina pa nagpaparoo’t parito si Elize sa loob ng penthouse ni Ralph. Hinihintay niya ang pag-uwi ng asawa mula sa Del Fierro Minings. He promised her they’d have lunch together. Subalit, mag-aalas tres na ng hapon wala pa rin ito. She tried calling his cell but it seemed he turned his phone off. Sinubukan din niyang tawagan si Mark subalit hindi rin ito sumasagot. At talagang nag-aalala na siya para kay Ralph.Naghahalo-halo na sa isip niya ang iba’t-ibang masasamang senaryo. Na kahit ilang beses niyang pilit iwaglit sa isip, naiisip pa rin niya.She is more than worried.Maya-maya pa, tumunog ang kanyang cellphone. Agad iyon pinulot ng dalaga at sinagot ang tawag.“Hello, Ms. Elize. Security poi to dito sa DFV. Nagbilin po si Sir Mark na papuntahin kayo rito sa kumpanya ngayon din."Kumurap ang dalaga, lalong nilunod ng kaba ang dibdib. May nangyari bang masama? Bakit hindi na lang siya direktang tinawagan ni Mark? Ipinilig ng dalaga ang ulo. Later,she thought. She’ll entertain her
Humikbi si Tonya, nagpunas ng luha. Mabigat para sa matanda ang mga alaalang ikinuwento nito kay Ralph. Iyon din ang dahilan kung bakit nawala siya sa kanyang katinuan pansamantala nang magbalik siya sa kanyang pamilya matapos siyang mapalayas sa mansiyon. Na lalo pang pinalala ng kanyang sakit na dementia.Kung ang matandang babae ang masusunod, ayaw na niya sanang maalala ang trahedyang nangyari sa mansiyon ng mga Del Fierro. Kaya lang, sa edad niyang iyon, alam din niyang hindi na magtatagal ang kanyang buhay. Kaya naman handa na siyang isiwalat ang lahat kay Ralph bago pa man muling maagaw ng paglimot ang kanyang katinuan. Tapos na siyang matakot. Hindi na siya natatakot mamatay para sa katotohanan.“Yaya, nang umagang ‘yon, n-nakita mo pa bang buhay sina Mommy at Daddy?” tanong ni Ralph, maya-maya.Tumango si Tonya. “O-oo, Ralph. Sabay na bumaba ang Mommy at Daddy mo nang umagang ‘yon. Sabay din silang kumain ng agahan at—“Umigting ang panga ng binata. “I understand that, Yaya.
Almost 20 years ago“Mommy, why do we need to Grandpa’s house again?” tanong ng sampung taong gulang na si Ralph sa ina na si Janessa. Kasalukuyang naglalakad ang mag-ina patungo sa mansiyon ng mga Del Fierro na ilang bahay lang ang pagitan mula sa kanilang bahay.Ngumiti si Janessa, niyuko si Ralph. “Because your Grandpa wants to see you everyday,” anang ginang.“What about Dad? Is he not coming with us?” muling tanong ng paslit.“Your Dad’s already at the mansion, Ralph. Kanina pa niya tayo hinihintay roon. Kaya kung ako sa ‘yo, we better hurry up. You don’t want your Dad waiting for us for too long, don’t you?”Hindi sumagot ang batang si Ralph, umiwas ng tingin, bahagyang lumabi. “Ayokong kalaro si Simon, Mommy. He’s always angry at me. Grandma is angry at me too,” anang paslit, puno ng pag-aalinlangan ang tinig.Sandaling bumakas ang awa sa mukha ni Janessa. Hindi na bago sa babae ang masamang pakikitungo nina Margarita, ang ikalawang asawa ni Don Pedro, at ng apo nitong si Simon
Maingat na inilapag ni Ralph ang dalang mga bouquet ng bulaklak sa dalawang nitso na nasa harapan ng binata. Malinaw na nakaukit sa marmol ang pangalan ng mga magulang.He can still remember vividly that one rainy afternoon that seemed to be a lifetime away now. He didn’t want to leave that place. That place was where his parents were laid to rest. Doon din nangako si Don Pedro na aalagaan siya nito nang mabuti at na hanggang nasa poder siya nito, walang mangyayaring masama sa kanya. But... none of those happened. Growing up, he had a house but never a home.He had everything all the world needed but never that thing he needed the most.He was surrounded by people, strangers who were tasked to keep him safe. But he didn’t have someone who really cares, someone who would take his side… always.Nevertheless, he is who he is today because of the cruelty he endured growing up. And now…“Grandpa got sick, Dad, Mom. I have taken over Del Fierro Minings. He gave me every single share he has
"Earth to Elize!" ani Ivy, pumitik pa sa mismong harapan ng kaibigan upang makuha niya ang atensiyon nito. Kanina pa kausap ni Ivy ang kaibigan subalit parang lumilipad ang isip nito. Agad naman napatuwid ng upo sa swivel chair si Elize. "H-ha? A-ano 'yon?"Napabuga ng hininga si Ivy. "El, are yoy
“Sorry, Sir. Ngayon lang namin natapos ang papers ninyo for bail ni Juliette. May inaasikaso kasing iba pang kaso si Atty. Escueta,” ani James nang sunduin ng lalaki si Calvin sa presinto.Nanatili ng isa’t kalahating araw si Calvin sa kulungan dahil sa isinampang kaso ni Elize. He’s just getting h
Hindi agad nakapagsalita si Elize sa ginawa ni Ralph. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ni hindi niya alam kung paano kikilos!Ralph’s warmth surrounded her. At sa totoo lang, she found it… comforting. Which is weird, because she shouldn’t feel that way with him. He is the Ralph Del Fierro. H
“E-Elize, sandali lang. Mag-usap tayo. Baka pwede pa nating ayusin ‘to,” salubong ni Calvin sa dalaga nang matapos ang pagbibigay ng statement ni Elize sa mga pulis.“Please Engr. Sarmiento, h’wag mo nang abalahin pa ang kliyente ko," umpisa ni Javi, hinarang ang sarili sa harap ni Elize. Si Ivy na







