Share

A Billionaire Husband for the Rejected Bride
A Billionaire Husband for the Rejected Bride
Author: shining_girl

Chapter 1: The Rejected Bride

Author: shining_girl
last update publish date: 2026-02-05 18:21:15

Malakas ang buhos ng ulan. Marahas din ang pag-ihip ng hangin sa kapaligiran. Sa ‘di kalayuan ay panay ang pagguhit ng kidlat sa papadilim nang langit, kasunod niyon ang kulog na yumayanig sa kalupaan ng burol.

Sa ituktok ng burol ay naroon ang Santuario de Sta. Ignacia. Isang maliit na simbahan na madalas pagdausan ng kasal ng magsing-irog na sumusumpa ng walang hanggang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ayon sa mga sabi-sabi, ang sino mang magpapakasal sa chapel na ‘yon ay kailanman hindi maghihiwalay. Kaya naman kahit na may kalayuan sa mismong siyudad ng Sta. Ignacia, dinarayo ang simbahan na iyon. Kaya lang…

Sa kalagitnaan ng malakas na patak ng ulan, maririnig ang malalakas na paghikbi ni Elize Monteverde. Nakasalampak sa harapan ng simbahan ang dalaga, basang-basa ang bulto sa gitna ng ulanan, suot-suot pa rin ang kanyang wedding dress at nasa kamay pa rin ang kanyang bouquet.

‘Darating siya. Darating si Calvin,’ pangungumbinsi ng dalaga sa sarili bago nag-angat ng tingin sa pinto ng simbahan na kanina nakapinid na.

Tatlong oras. Tatlong oras na siyang naghihintay sa pagdating ni Engr. Calvin  Sarmiento, ang kanyang fiancé. Ang sanay masayang okasyon na ilang buwan ding plinano at pinaghandaan ng dalaga ay tila nauwi sa isang bangungot nang lumipas na ang takdang oras ng kanilang kasal ay ni hindi pa rin ito tumatawag o nagpaparamdam man lang sa kanya.

Pasado alas singko ng hapon nang sabihan si Elize ng mga namamahala sa simbahan na kailangan na nilang isara ang pinto dahil tapos na ang operating hours ng lugar.

Gusto pa sanang makiusap ni Elize, humingi ng kaunti pang oras para sa nobyong tila naglahong parang bula sa araw mismo ng kanilang kasal subalit, hinindian na siya ng caretaker ng simbahan.

‘Kailangan pong lumuwas si Fr. Rey ngayon dahil Linggo bukas at siya ang magbibigay ng homily sa malaking simbahan sa siyudad. Pasensiya na po kayo talaga, Hindi na namin mahihintay ang groom ninyo.’

Iyon ang sabi ng caretaker kay Elize kanina bago nito isinara ang simbahan. Pinanood ng dalaga ang unti-unting pagsara ng pinto at ang tuluyang pagguho ng kanyang pangarap sa araw na iyon.

Apat na taon. Apat na taon niyang pinangarap ang araw na iyon. Mula nang sagipin siya ni Calvin sa isang aksidente hanggang sa maging sila at sabay na nagtrabaho sa construction firm na silang dalawa ang bumuo, wala nang inisip pa ang dalaga kundi ang tungkol sa araw na ‘yon—ang maikasal silang dalawa ng lalaking kanyang mahal. Subalit…

Ang pagdantay ng jacket sa kanyang balikat ang nagpaangat ng tingin ni Elise. Bumungad sa dalaga ang mukha ni Daisy, ang isa sa mga empleyado sa firm. May hawak itong payong at pilit siyang inilililim doon kahit na kanina pa siya basang-basa. “Ms. Elize, tayo na. Tumayo ka na d’yan. Hindi na siguro darating si Sir Calvin. Mukhang malabo na,” anito.

Muling humalo ang luha ni Elise sa patak ng ulan, humapdi ang lalamunan. Alam niya ang bagay na ‘yon. Alam niyang hindi na darating pa ang nobyo. At kahit pa dumating ito, wala rin namang silbi, Sarado na ang simbahan. Nakaalis na rin ang pari at ang kanilang piling mga bisita.

Piling mga bisita.

Maliit lang ang Santuario de Sta, Ignacia. Kaya naman halos limampu lang ang mga bisita nila. Piling-pili lang ang imbitado. Karamihan kakilala ni Calvin. Ang bisita lang niya, ang mga magulang niya sana na hindi rin nakarating dahil sa hindi nila pagkakaunawaan mula nang baguhin niya ang takbo ng kanyang buhay para kay Calvin.

Para kay Calvin. Tama, sa loob ng apat na taon, uminog ang mundo niya para kay Calvin. Bawat galaw at kahit na paghinga niya, para lahat kay Calvin. Ganoon niya kamahal ang kasintahan kaya lang…

“Ms. Elize,” pukaw ni James, isa sa mga engineers sa firm. Nakalapit na rin pala ang binata nang hindi namamalayan ni ng dalaga. “Na-contact ko na po si Sir Calvin,” anito, inabot ang cellphone nito sa kanya.

Sa  nanginginig na kamay ay tinanggap ni Elise ang cellphone at dinala sa kanyang tainga. “C-Calvin, nasaan ka?”

Isang marahas na buga ng hininga ang pinakawalan muna ni Calvin sa kabilang linya bago sumagot. “Elize, nahulog sa hagdan si Tita Ramona. Hindi ko maiwanan si Juliette. Alam mo namang ako lang din ang inaasahan niya ng tutulong sa kanila.”

Tila may kumamal sa puso ni Elize at piniga iyon ng anong higpit. Si Juliette. Si Juliette naman ang dahilan, anang dalaga sa isip.

Sa nakalipas na tatlong taon mula nang sumama siya kay Calvin sa Sta. Ignacia, lagi nang nakapagitan sa kanilang dalawa ang kababata nitong si Juliette. Ang sabi ni Calvin, malaki raw ang utang na loob ng pamilya nito sa pamilya ni Juliette. Kaya nang pumanaw ang ama ni Juliette, lagi nang nakaalalay si Calvin sa mga ito.

Pero pati ba araw ng kasal nila, handang isakripisyo ni Calvin alang-alang kay Juliette at sa ina nito?

“W-were getting m-married today, Cal. N-naalala mo 'di ba?”

“El, please don’t make it hard for me,” ani Calvin, may bahid na nang inis ang tinig. “Alam ko ang okasyon ngayon. Don’t make it sound like na napakalaki ng kasalanan ko. Kasal lang naman ‘yan. Pwede pa tayong ikasal sa ibang araw. Pero hindi pwedeng balewalain ang buhay ni Tita Ramona.”

Pinigil ni Elize ang humikbi. Bawat salitang binitiwan ng nobyo ay parang kutsilyong tumatarak sa kanyang dibdib,

Kasal lang. Para dito, kasal ‘lang’ ang gagawin nila, hindi importante at walang halaga.

Muling humapdi ang lalamunan ng dalaga. Gusto niyang sigawan si Calvin, awayin ito at sisihin kung bakit naging ganoon ang buhay niya sa loob ng apat na  taon—isang bulag na sunud-sunuran sa pag-ibig. Naging isa siyang suwail na anak dahil kay Calvin. Itinapon niya ang kanyang mga  sarilng pangarap para kay Calvin. But in the end, he will never do to her any of what she had done for him.

Nanginig sa magkahalong galit at sama ng loob ang dalaga. Apat na taon. Apat na taon siyang naging tanga.

“Elize, are you still there?” pukaw ni Calvin kay Elize. “I need you to do me a favor. Naiwanan ko ‘yong cheque book ko sa opisina. Can you go and get it for me at dalhin mo dito sa ospital? They are asking for a deposit para sa operasyon ni Tita Ramona at—“

“Go get it yourself,” mahinang sabi ni Elize.

“What did you say?”

“I said, go get it yourself,” sagot nang dalaga sa mas mabigat na tinig, umigting ang panga.

Calvin scoffed. “Anong—What the hell is wrong with you? Alam mong may emergency dito tapos ganyan ka pa? I need that cheque book, Elize. Trabaho mong dalhin sa akin ‘yon bilang assistant ko!”

Doon na tuluyang sumulak ang galit ni Elize. “Then you could get another assistant, Engr. Sarmiento, because I quit! Ayoko nang maging assistant mo. Pagod na kong pagsilbihan ka. Pagod na kong unawin ka. At higit sa lahat pagod na ‘kong maging girlfriend mo!” gigil na pahayag ng dalaga bago tuluyang tumayo.

“Dammit!  Elize, magulo na ang isip ko ngayon, h’wag ka nang dumagdag! I’ll give you fifteen minutes to get that cheque book or else—“

Hindi na hinintay pa ni Elize ang ibang sasabihin ni Calvin, tinapos ang tawag at ibinalik kay James ang cellphone nito,  bago nagmartsa patungo sa bridal car.

“Saan po tayo, Ma’am?” anang driver.

“K-kahit saan, basta malayo dito sa Sta. Ignacia,” sagot ng dalaga bago muling yumuko at muling lumuha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 81: Intertwined

    “Simon, saan ka pupunta?” si Don Perdo nang makitang paalis ng mansiyon ang apo at may bitbit na overnight bag. Sandaling napatingjn ang binata sa abuelo, bago sumulyap kay Margarita na nasa malapit lang din. “Grandpa, I’ll stay with Mom for awhile. Baka kasi kailangan din po niya ako. I’ll stay at her place for a day or two, babalik din po ako.” It has been a week since Richard went back to jail. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang umalis sa mansiyon si Shiela. Hindi matanggap ng matandnag babae na pati si Margarita ay hinayaan na lamang na makulong si Richard. Ilang beses din itong nakiusap kay Don Pedro, subalit sarado na ang puso ng matandang don sa anak. Bagay na labis na dinamdam ni Shiela. Kaya naman nagpasya muna itong umuwi sa mga magulang nito upang doon magpalipas ng tampo. Simon stayed in the mansion though. Ito na rin ang inuutus-utusan ni Don Pedro na umasikaso sa mga pending na trabaho sa Del Fierro Minings. At kahit na madalas ay palpak ang trabaho nito, pinagt

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 80: Finally Free

    Abala sa pagbibihis si Elize upang muli sanang puntahan si Ralph sa ospital nang marinig ng dalaga ang pagdating ng mga sasakyan sa kanilang bahay.Agad na sumilip ang dalaga sa bintana, upang magulat lamang nang makita si Ralph na papalabas sa isa sa mga sasakyan!Awtomatikong nagbuhol ang mga kilay ni Elize. Bakit naroon si Ralph? Alam niyang ngayong araw ito madi-discharge sa ospital subalit ang usapan nila, hihintayin siya nito at siya ang mag-aasikaso sa discharge papers nito. So why was he already there?Nagmamadaling lumabas ng kanyang silid si Elize at bumaba ng hagdan. Pagdating sa sala, naroon na si Ralph, kausap ang kanyang mga magulang.“Ralph!” tawag ni Elize sa asawa, agad itong nilapitan. “Why are you already here? Papunta pa lang ako sa ospital. Who’s with you? Si Mark lang o kasama mo ang lahat ng security team mo?” sunod-sunod na tanong ng dalaga, sandaling sinilip ang direksyon ng pinto. Agad na kumaway sa kanya si Mark na nasa may pinto, ngumiti. Katabi nito ang h

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 79: Sacrificial Move 2

    “I will be back later, okay? Habang wala ako, don’t put too much pressure on yourself. Kung kailangan mo ng tulong, nandiyan si Mark. He’s always ready to help you,” bilin ni Elize kay Ralph. Iyon na ang ikalawang araw ng pananatili ni Ralph sa ospital.Ayon sa doktor, maayos ang healing progress ng binata. Isang araw lang ang inilagi nito sa ICU at agad na nailipat sa private suite. Malakas daw ang pangangatawan ng binata kaya mabilis ding nakabawi ng lakas ang katawan nito. Bagay na labis na ipinagpapasalamat ni Elize.Hindi umalis ang dalaga sa tabi ng asawa sa nakalipas na mga araw. Kung umuuwi man ito sa kanila, naliligo lang ito at nagpapalit lang ng damit. Subalit bumabalik din siya agad sa ospital. Kahit kasi pilitin niyang magtrabaho, ang isip niya naka’y Ralph pa rin. It was relly useless that she do other things if her mind was preoccupied of Ralph. Isa pa, she is happy taking care of Ralph. A wife’s duty is to take care of her husband. And that is what she is doing.Ngumi

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 78: Sacrificial Move

    Napaigtad ang mag-asawang Richard at Shiela nang biglang bumalandra pabukas ang pinto ng silid ng mag-asawa. Bumungad sa kanila ang bulto ni Margarita. Seryoso ang mukha nito, walang kangiti-ngiti kahit na umagang-umaga.“Leave us, Shiela,” agad na utos ng matandang babae sa manugang na noon ay pinapakain ng agahan si Richard na hanggang sa mga oras na iyon ay hirap pa ring kumilos dahil sa mga tinamong sugat sa likod.Maingat na ibinalik ni Shiela ang food tray sa trolley na nasa malapit bago umalis ng silid. Ito na rin ang nagsara ng pinto nang magsimulang lapitan ni Margarita si Richard.“Mama, masyado ka yatang maaga ngayon,“ ani Richard sa ina. “Kumusta si Ralph? A-at ang Papa, nasaan siya—“Isang sampal sa pisngi ang agad na iginawad ng matandang babae sa anak nang makalapit. “Naturingan kang isang Del Fierro subalit kahit na kailan hindi mo ginagamit ang utak mo!” gigil na sabi ni Margarita, puno ng disgusto ang tinig.Hawak ang nasaktang pisngi, naguguluhang nag-angat ng tingi

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 77: Taking Her Place 3

    Madaling–araw na subalit nasa ospital pa rin si Elize. Ilang oras na ring nakaupo sa bench sa labas ng ICU room ni Ralph ang dalaga—nag-aabang sa muling paggising ng binata. Kanina pa umalis ang mga Del Fierro at nagsabing babalik na lang bukas ng umaga. Gustuhin man ni Don Pedro na manatili sa ospital hanggang hindi nagigising si Ralph, hindi rin pumayag si Margarita sa gusto ng matandang don dahil sa edad nito, masama na rito ang nagpupuyat. But Elize decided to stay. Kahit na mag-isa siyang maiwan doon, gagawin niya.She made a promise to herself, she will never leave that place until Ralph wakes up.Sa totoo lang, kahit na sinabi na ng doktor na ligtas na si Ralph, hindi pa rin talaga makampante si Elize hanggang hindi niya muling nakakusap ang asawa. She knew, she was just making things hard for her but… she cannot help it.She just loves him too much. Muling pinagsalikop ng dalaga ang kanyang mga kama, pilit na pinatatag ang sarili habang pinagmamasdan sa viewing window si Ralp

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 76: Taking Her Place 2

    Sa floor kung nasaan ang operating room ng ospital dinala ni Mark si Elize. Nais mang magtanong ng dalaga sa assistant ng asawa, subalit natatakot siyang marinig ang maaring isagot nito.Kaya naman tahimik lang na sumunod si Elize kay Mark. Hindi nalaon, narating din nila ang operating room. Sa labas niyon, naroon sina Margarita at Don Pedro, naghihintay kasama ang ilan sa mga tauhan ng matandang don."Anong ginagawa dito ng babaeng 'yan? Bakit siya nakapasok?” reklamo agad ni Margarita nang makita si Elize na kasama ni Mark. “Hindi ba nag-utos ka na na Pete sa management ng ospital na ito na bawal munang pumasok ang kahit na sino? Take her away, Mark! She's an outsider!" anang matandang babae, sa matigas na tinig.Subalit hindi natinag si Elize. She stood her ground. She will fight her way to stay there. Kahit na sino pa ang makabangga niya."I will not go anywhere, Doña Margarita. I will wait here like all of you," matapang na sagot ng dalaga.Sarkastikong natawa si Margarita. "At a

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 75: Taking Her Place

    Hindi maampat-ampat ang luha ni Elize habang lulan siya ng taxi na patungo sa St. Matthew’s Hospital. Ang sabi ni Mark nang tumawag ito ulit sa kanya, na doon daw itinakbo ng mga rumespondeng medic si Ralph at kasalukuyang inooperahan.Muling nanginig ang mga kamay ni Elize, pinigil ang paghikbi.B

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 72: Punished

    “T-tama na, P-Papa! T-tama na!” pakiusap ni Richard kay Don Pedro. Nakaluhod sa sahig ang matandang lalaki, nakatukod na ang mga kamay sa baldosa dahil sa iniindang sakit ng pagpaparusa ng don.Dahil hindi matiis ang anak, si Margarita na mismo ang gumawa ng paraan upang mailabas ng kulungan si Ric

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 71: Her Brother's Enemy 4

    “Why didn’t you say anything?” ani Xander kay Ralph. Nakaharap sa garden ng ampunan ang dalawa subalit malayo-layo ang distansiya sa isa’t-isa. Doon sila dumiretso matapos ipakilala ni Ralph si Angeline, ang apat na taong gulanag na anak ni Cyrus sa isa sa mga babaeng nabiktima nito.“Would you hav

  • A Billionaire Husband for the Rejected Bride   Chapter 70: Her Brother's Enemy 3

    Napabuga ng mabigat na hininga si Xander matapos iparada ng binata ang kanyang sasakyan sa parking lot ng condo building. He is tired and beat from the day’s work. Idagdag pa na nag-away sila ulit ni Elize kanina nang umuwi siya.Ipinagtanggol ulit ng kapatid si Ralph Del Fierro, bagay na lalong na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status