Tahimik na umupo na siya sa sofa nito habang abala naman si Arthur sa paglapag ng mga pagkaing binili nito sa mesa. Bago pa man nito ibigay sa kanya ang parte niya ay nagsalita na siya. "Sa bahay na ako kakain. Kumain ka na muna saka mo ako ihatid sa amin." Nahinto ito sa ginagawa saka kunot-noong
Walang nagsasalita sa kanila habang bumabiyahe pero dama niya ang panaka-nakang tingin ni Arthur sa kanya kahit nagda-drive ito. Maya-maya ay naramdaman na lang niyang hinawakan nito ang isang kamay niyang nasa may hita niya. Napakislot siya at muntik pang bawiin ang kamay na hawak nito. Hindi na
Hindi kaila sa kanya ang plastic na ngiti ng mga ito nang ipakilala siya ni Arthur. Nahuli pa nga niyang tiningnan siya ni Erica mula ulo hanggang paa sabay ngiwi ng mukha nito na parang may pagtataka pa rin. Syempre pa ay hindi nito iyon ipinapakita kay Arthur. Hindi umaalis si Arthur sa tabi niya
Inilibot niya ang tingin. Naghuhuntahan pa ang iba habang nakatayo at may mga hawak na baso na malamang ay beer ang laman. "I've heard Arthur will bring his girlfriend tonight. At last, makikita mo na rin, Erica, kung may ibubuga ka ba sa girlfriend ng ultimate crush mo." Napalingon siya sa grupo
Kanina pa siya hindi mapakali. First time kasi niyang sumama sa house party ng isa sa mga kaklase ni Arthur. Dati pa siyang inaaya ni Arthur kapag naiimbenta ito minsan sa birthday party o ano mang okasyon ng kaibigan o kaklase nito pero lagi siyang gumagawa ng alibi. Kahit naman kasi never pang pi
"You don't have to be embarrassed, Chinx. Wala kang dapat ikahiya," parang hinihingal din ito nang magsalita. Bago ito tuluyang dumagan sa kanya ay bumangon siya para umupo. Nakatuon ang mga mata niya sa hubad na dibdib nito. Parang nama-magnet ang mga kamay niya kaya't agad na lumapat ang mga iyon