Share

Chapter 156

last update Last Updated: 2025-10-28 23:18:00
Walang dumating na Abe kinagabihan at naghintay akong muli ng sumunod na gabi ngunit tanging ang tatlong bituin sa langit ang kasama ko hanggang sa magsimula nang lumamig nang husto ang simoy ng hangin dito sa munting garden ni Inay. Tulog na siya kanina nang iwan ko sa silid namin. Malungkot pa rin si Inay pero bihira ko na siyang makitang umiiyak.

Siguro magha-hating gabi na. Napahawak ako sa aking puson. Anak, ngayon lang ako tinikis ng iyong ama mula nang makilala ko siya. Ngayon ko lang muli naramdaman na nag-iisa ako sa laban ng buhay. Napatingin ako sa aking cellphone baka kasi may text message man lamang ang asawa ko pero wala. Napatitig ako sa date ngayon. Sa dami nang mga nangyari hindi ko na napansin ang pagdaan ng mga araw.

Wedding anniversary namin bukas. Hindi ko napigilang mapahagulgol. Isang taon na mula nang alukin niya ako ng kasal. Isang taon na mula nang pumayag ako sa kanya na sagipin kami ng aking pamilya at tulad noong nakaraang taon, nasa gitna rin ako ng dilim
Lilian Alexxis

Para po sa mga nagagalit na paisa-isa lang ang update ko, puwede nyo namang ipunin na lamang muna para hindi kayo mabitin. Salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at matiyagang naghihintay sa mga malalaking kaganapan sa buhay nina Abe at Isla.

| 11
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Shyra Guillen
Uodate n mis A.
goodnovel comment avatar
Angela Roll
tago ka Muna isla yong dika mahanap ni abe hahahahha para mag sisi sya
goodnovel comment avatar
reader
stopp mo na to Ms Lilian . sinayang mo ang gnda ng story mo sana but why
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 170

    Para akong nakalutang pero may kakaiba sa hinihigaan kong kama kaya idinilat ko ang aking mga mata. Hindi pamilyar ang kisame. Iniangat ko ang aking kaliwang kamay at napangiwi ako sa sakit. Nang tingnan ko kung bakit masakit ay nakita kong may swero iyon habang si Nathan ay natutulog at nakaunan sa kutson ng hospital bed ko. Iaangat ko sana ang kanan kong kamay para abutin siya pero tila may pumipigil kaya nag-alala ako sa aking kamay. Nilingon ko iyon at nagulat ako na nakaunan sa kamay ko si Abe.Matagal kong tinitigan ang guwapong mukha ng mister ko. God! Kahit ilang beses kong sabihin na galit ako sa kanya ay hindi ko kayang ipagkaila sa sarili ko na mahal na mahal ko ang lalaking ito. Kunot ang noo ni Abe habang natutulog, dahan-dahan kong hinila ang kamay ko pero agad siyang nagising na halatang hilo pa dahil nakatulog talaga siya.Pagkakita niya sa mukha ko ay agad niyang hinalikan ang kamay ko nang paulit-ulit. “I’m so sorry kung na-stress kita.”“Dinugo ako kanina, Abe. Anong

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 169

    Hindi ko na rin napigil ang mga luha ko. Nilingon ko si Inay na tahimik na nakikinig sa amin. Wala siyang alam tungkol sa hinala kong ang nanay ni Abe ang may kinalaman sa pagkamatay ni Ayah. “Nakita ang mommy mo na galing sa loob ng bahay namin bago nadatnan ni Inay na naghihingalo na ang kapatid ko. Anong ginawa niya sa loob ng bahay?” mahina ang boses kong tanong habang nagpapalit-palit ako nang tingin kina Abe at Inay. Napatingin si Abe kay Inay. May kung anong mensahe siyang nais iparating. “Anak, walang kinalaman ang mommy ni Abe sa pagkamatay ni Ayah,” mahinahong sabi ni Inay. Napalingon ako kay Inay. “Inay, kung walang kinalaman ang mommy ni Abe. Anong pakay niya sa bahay natin?” naguguluhan kong tanong. Napatingin si Inay kay Abe bago hinawakan ang kamay ko. “Gusto niya lang daw mayakap ang kapatid mo kaya siya sumilip,” paliwanag ni Inay dahilan para lalo akong malito. “Kalokohan iyan, Inay! Ilang beses niyang ininsulto ang espesyal na kondisyon ni Ayah!” naiinis kong

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 168

    Alas-siyete na ng gabi pero hindi pa bumabalik si Nathan galing sa site inspection niya sa Pampanga para sa ginagawang subway project ng JNQ Construction. Puwede naman iyon gawin ng ibang structural engineers ng kompanya pero napansin ko na isang ugali niya ay ang pagsasagawa ng biglaang site inspections para masigurong ginagawa ng pulido base sa napag-usapan at kontrata ang lahat ng proyekto.Sabi niya kaninang umaga ay sabay kaming uuwi sa condo dahil ayaw na niya akong tumatawid na mag-isa sa kalye pero ayaw ko naman maiwan mag-isa dito sa opisina lalo na karamihan sa empleyado ay umuuwi na ng alas sais ng gabi kaya nagpadala na ako sa kanya ng mensahe na uuwi na ako.Paglabas ko ng lobby at akmang tatawid na ako ng may dalawang lalaki na nakasuot ng itim ang pumuwesto sa kaliwa’t kanan ko. Hindi nila ako dinikitan pero sinabayan nila ako sa paglalakad. “Love.” Napahinto ako maglakad sandali nang marinig ang boses ni Abe sa likod ko. Bahagya ko siyang nilingon at muling humakbang

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 167

    Katatapos kong maligo at naghahanda na sa pagpasok sa opisina. Napatitig ako sa repleksyon ng hubad kong katawan sa salamin. Halata na ang baby bump ko lalo na kapag naka-side view, paano ko itatago ang pagbubuntis ko? Lalo pa naman akong pumayat nitong mga nakaraang araw kaya mas kita ang lumalaki kong tiyan.Naghanap ako ng maluwag na pantalon, bilin ng doktor ay huwag akong magsusuot ng masisikip dahil hindi iyon makabubuti sa lumalaking mga baby ko. Noong nakaraang check-up ay malusog naman daw sila kaya napanatag ang kalooban ko. Itim na maluwag na slacks ang isinuot ko, pinatungan ko rin ng mahabang itim na blazer ang off-white kong blouse. Lagi ko na lang isasara ang blazer para hindi halata ang lumalaki kong tiyan.“Sorry, babies, kailangan muna kayo itago ni Mommy para sure na ligtas kayo,” bulong ko sa kanila habang himas-himas ang tiyan ko.Pagkatapos ko kumain at uminom ng vitamins ay nagpaalam na ako kay Inay. Naisip kong pumasok ng maaga ngayon dahil kailangan kong i-rev

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 166

    Itinabi niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada. “I want to hug you pero alam kong hindi ka papayag,” nakatitig na sabi ni Nathan sa akin.“Hindi ko gagawin ang isang bagay na ayaw kong gagawin sa akin ng karelasyon ko,” walang emosyong paliwanag ko habang nakatingin sa labas dahil napansin ko na pumarada sa unahan namin ang isa pang silver na SUV. Napalingon ako sa paligid at doon ko lang napansin na parang wala na kami sa kabihasnan.“Alam ba ni Dela Torre iyan?” narinig kong tanong niya kaya tumango lang ako habang tinitingnan ang pagbaba ng ilang bodyguards.“Alam niyang nakipag-break ako sa ex-boyfriend ko because I caught him cheating,” pagod kong sagot. “At alam niyang ayaw kong may mga dumidikit sa kanyang ibang babae.”Ayaw ko sanang mag-share ng mga ganitong impormasyon sa bago kong boss lalo na at umamin siya na may nararamdaman para sa akin pero hindi rin naman siguro maganda na hindi ko sagutin ang kanyang mga tanong gayung hiningian ko siya ng tulong para makalayo kanina

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 165

    Magulo ang brown niyang buhok na may kahabaan na, balbas sarado at nangangalumata. Bukas ang dalawang butones sa taas ng suot niyang puting long sleeves na pinatungan ng suit. Sandali akong napatda at pinakatitigan ang lalaking nasa harapan ko. Bakit nagkaganito ang asawa ko? Anong nangyari sa lalaking laging neat ang buhok, mukha at pananamit? May kung anong tila pinong karayom ang tumusok sa puso ko. Gusto kong maiyak pero naalala ko ang panlalait ng kanyang ina sa akin kaya bahagya akong natawa. Hindi ba siya inaalagaan ni Brianna? Akala ko ba ay mas karapat-dapat ang babaeng iyon na maging asawa niya?“My love,” halos pabulong na sabi ni Abe habang ang isang kamay niya ay tinangkang hawakan ang mukha ko na mabilis kong inilayo. “Miss na miss na kita. Uwi ka na sa akin please?”Bumigat ang dibdib ko sa tono nang kanyang pagsasalita. Nang hilain niya ako rito ay inakala kong susumbatan niya ako sa aking pag-alis pero parang anumang oras ay iiyak na siya at pinipigil lamang niya. N

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status