Share

Chapter 56

last update Last Updated: 2025-08-26 00:12:54
Ibinalik ko sa dagat ang aking tingin. Pagkuwan ay naupo si Abe sa tabi ko habang ang payong niyang hawak ay halos nakadikit na sa ulo namin.

“They are my mother’s distant relatives. Noong buhay pa si Daddy, lagi nagpupunta sa mansyon ang parents ni Kuya Leo. He calls me pinsan kasi parang sa family tree lumalabas na third cousins ang parents namin,” paliwanag ni Abe.

Hindi ako nagsalita. Kanina ko pa kinakapa ang nararamdaman ko, hindi naman ako galit kay Abe. Siguro nabigla at naguluhan lang ako at naisip na bakit hindi niya sinabi sa akin na tiyuhin siya ng ex ko dahil kung nalaman ko iyon baka hindi ako pumayag magpakasal sa kanya. Ang weird lang kasi na asawa ko siya ngayon at natatakot ako na sabihin nila na tinuhog ko ang mag-tiyo.

“Nandoon ka ba noong bastusin ako ni Lemuel?” tanong ko. Isa pa ito sa gustung-gusto kong malinawan. Kung paanong naroon siya agad sa panahong kailangang-kailangan ko nang masasandalan.

Napatiimbagang siya at saka tumango. “Nasa study room kami ni Ku
Lilian Alexxis

Para masarap ang tulog nang makababasa pa ngayon, at masaya ang gising ng mga magbabasa mamaya. Please leave some love!

| 24
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Glenda Pestano
hayyy... kinikilig ako ...
goodnovel comment avatar
rosselleela
mag aminan na ng feelings para mas kilig...wag sanang magbago si Abe
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
isla umamin kna...mahal mo rin si Abe...haha grabeh magpakilig si Abe..pareho sila ni Marco May paninindigan ayieee ..sna kahit ano pagsubok dumating wla iwanan..thanks Ms Lilian sa update:)
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 200

    Napatitig ako sa asul na karagatan at puting buhanginan. Kitang-kita kong malayang lumilipad ang isang kawan ng flying fish bago muling nag-dive sa ilalim ng tahimik na karagatan. Napahawak ako sa terasa at pinawalan ang isang malalim na hininga bago iniangat ang aking mukha para salubungin ang katamtamang init nang papaangat na araw. “Do you like this house better than the old one?”Napalingon ako sa boses ni Daddy. “I loved it, Dad! Thank you for renovating our old house. This is how Ayah and I used to envision it.”“It’s the least that I could do,” tipid ang ngiting sagot ni Daddy bago tumalikod para sundan si Inay sa third floor.Dapat sana ay ibebenta na lang ni Inay ang bahay at lupang ito pero nanghinayang si Daddy dahil tabing-dagat kaya naalala ko ang pangarap namin noon ni Ayah na magkaroon ng terrace at panoorin ang karagatan mula sa second floor ng bahay. Ako na sana ang gagastos dahil may pera naman ako pero hindi pumayag si Daddy.Dahil 200 square meters lang ang lupa,

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 199

    “A-Abe!”Nagising ako sa pananakit ng aking likod na sinundan nang mahinang paghilab. Ilang minuto ko pang pinakiramdaman at napansin kong mas dumalas na iyon kaya ginigising ko na ang aking mister.“Love?” naalimpungatang tanong ni Abe dahil panay pa rin ang tapik ko sa kanya.“Manganganak na yata ako,” kinakabahan kong sabi.Agad siyang napabalikwas. “Has your water broken yet?”Umiling ako. “Hindi pa pero masakit ang tiyan ko. Hindi ko maintindihan parang may kung anong nangyayari sa loob at parang lalabas na ang kambal!”Napatayo si Abe at halos napatakbo papasok ng walk-in closet. Dalawang buwan na kaming narito sa mansyon dahil pumayag lang si Inay na sumama kay Aidan sa London kung sa mansyon muna kami uuwi ni Abe para sigurado raw na naaalagaan ako. Nakabalik na rin sila noong isang linggo pero dito na kami nanatili ni Abe dahil gusto kong ilabas ang kambal ng normal delivery. Kahit tutol ang asawa ko at alanganin si Dr. Flores ay wala silang nagawa kung hindi ang pagbigyan ako

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 198

    Nagugutom na naman ako. Mahigit dalawang oras pa lang nang mag-almusal kami ni Abe pero kumakalam na naman ang sikmura ko. Mula nang mag-seven months ang kambal sa sinapupunan ko, mas lalo akong naging gutumin. N’ung isang araw nag-shopping na kami ni Abe ng mga bago kong damit pangbuntis dahil hindi na kasya ang mga damit ko na binili namin ni Inay noon. Bumigat din ako ng 30 pounds at sa tingin ko ay lalo pang bumibigat!Muling kumalam ang sikmura ko kaya napatayo na ako sa kama. Maaga akong nagising kanina para ipaghanda ng almusal ang aking asawa, sinabayan ko na rin siya kumain at pagkaalis niya ay muli akong nakatulog. Kaya hindi ko lubos maisip bakit gutom na naman ako?Bilin pa naman ni Inay ay mag-ingat ako sa kakakain dahil baka mahirapan ako mag-diet pagkapanganak ko sa kambal. Hindi naman niya sinabi na magpagutom ako, huwag lang daw ako kakain at iinom ng matatamis para hindi ako at ang mga sanggol sa sinapupunan ko lumaki nang husto. Marahan kong pinihit ang seradura ng

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 197

    “Ate Isla!”Masayang salubong ni Helga sa akin hindi pa man kami nakabababang mag-asawa ng kotse. Ang dalaga na ang nagbukas ng pinto para sa akin.“Bakit excited na excited ka yata?” kunot ang noo na tanong ni Abe sa kapatid ni Harris dahilan para bahagyang pumino ang magaslaw na kilos nito kanina.“Ate, may sasabihin ako sa iyo,” pabulong niyang sabi na sandali lang tinapunan nang tingin ang Kuya Johan niya na bumaba na sa driver’s seat.Ngayon lang ulit nagmaneho ng kanyang sports car ang asawa ko. Sinadya pa niyang ipahatid sa condo kagabi ang kotse dahil imamaneho daw niya sa EDSA kesyo patatakbuhin daw niya ng mabilis dahil aalis kami ng bahay ng walang traffic. Paano ba namang hindi siya mae-excite eh pinangakuan siya ni Nathan na luluwag ang EDSA ngayong araw na ito. Nasaktuhan kasi na nasa unit si Nathan at narinig ang reklamo niya na araw-araw niyang binabaybay ang traffic ng EDSA dahil nasa BGC ang DTM habang nasa Quezon City ang Condo namin.Hindi ko alam kung paano ginawa

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 196

    “I also considered filing for a divorce for how many times, but my parents– your grandparents, are very conservative Catholics. And our business requires the head of the Universities to have a good family background,” paliwanag ni Aidan. Iniisip rin daw niya na dumaan na ang ilang taon at posibleng wala na siyang mababalikang single na Amanda sa Pilipinas at mas lalo siyang mahihirapan kapag nakita niya si Inay na may iba na dahil kahit anong gawin niya ay tanging si Inay ang laman ng puso niya. Kaya raw pinili niyang sa Australia manatili para pamahalaan ang isa pang Unibersidad nila roon at inubos ang iba pang oras sa pagtuturo kung saan niya nakilala sina Abe at Orrel. Hinugot ni Aidan ang kanyang wallet sa back pocket ng suot na pantalon at binuksan iyon sa harap ko. Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata nang makita ang lumang picture nila ni Inay na magkasama. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang namumuong luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang wallet niya at p

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 195

    Alas-dos na ng hapon kami nakabalik ni Inay sa bahay. Tinulungan kami ng dalawang bodyguard sa pagbubuhat ng mga dala namin. Ipinasok lang nila sa kusina ang groceries bago sila nagpaalam na lalabas na ng unit. Dahil sa sunud-sunod na nangyari sa akin ay nasanay na ako na may bodyguard na kasama at tila guwardiya sa labas ng unit. “Anak, magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala riyan,” utos ni Inay.Ngumiti lang ako dahil ini-spoil na rin niya ako. “Inay, hindi naman nakakapagod magligpit ng groceries.”“Napagod ka na kasi sa pamimili, baka mapaano ka pa,” nag-aalala niyang sabi.“Okay lang ako, Inay. Ikaw baka pagod ka na.”“Kaunti. Tumatanda na yata ako,” natatawa niyang sabi. “Dati naman malayo ang nilalakad ko sa paglalako ng isda.”Nilapitan ko siya at pinaupo muna. “Eh ‘di dalawa tayong magpahinga muna. Ilalagay ko na lang muna sa chiller itong mga karne at frozen food.”Pagkatapos kong ilagay ang mga karne sa chiller at makapaghugas ng kamay ay niyaya ko muna si Inay sa sala pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status