ВойтиLong update. Pambawi. Takbo, Carla. Tanggal ang postpartum mo niyan. 🤭
Kabanata 55 Samantha's Point of View Ngumisi lang si Gabriel bago marahang hinawakan ang kamay ko. Mahigpit na pumulupot ang mga daliri niya sa mga daliri ko habang inaayos ang pagkakahawak ko sa baril. "I'm just a businessman managing all of my businesses, sweetheart," kalmado niyang sagot. "Wala akong kinalaman sa mafia o sa underworld." Napataas ang kilay ko. "Talaga lang? Kung ordinaryong businessman ka lang, bakit parang lahat ng tauhan mo marunong humawak ng baril? Tapos ang dami mo pang kaaway." Mahina siyang natawa. "Business." "Business lang?" Tumango siya. "Kapag malaki ang negosyo mo, hindi mawawala ang mga taong naiinggit, naninira, at gustong pabagsakin ka. Kaya kailangan kong matutong protektahan ang sarili ko." "Gabriel..." "Hindi lang ang sarili ko." Seryoso siyang tumingin sa akin. "Pati ikaw." Hindi ako agad nakapagsalita. "Kaya gusto kong matuto ka ring humawak ng baril." "Bakit?" "Para kapag wala ako sa tabi mo, kaya mong ipagtanggol ang sarili mo."
Kabanata 54 Samantha's Point of View Niyaya ako ni Gabriel na samahan siyang bumili ng mga baril bago kami bumiyahe pabalik sa Pilipinas. Sinabi niya na may kailangan siyang bilhin para sa kanyang seguridad pagdating namin sa bansa. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya ng maraming baril, ngunit hindi na ako nagtanong pa. Alam kong may mga kaaway siya. Alam kong may mga taong gustong saktan siya. At alam kong kailangan niyang protektahan ang sarili niya. Pumunta kami sa isang firing range na pagmamay-ari ng isang kaibigan niya. Ang lugar ay malawak at tahimik. Ang mga pader ay makapal at matibay. Ang mga target ay nakalagay sa malayo. Ang hangin ay may amoy ng pulbura at bakal. Matapos niyang bayaran ang mga baril na binili niya, isa-isang binuksan ni Gabriel ang mga kahon. Ang mga baril ay bagong-bago at kumikinang sa ilalim ng ilaw. Ang mga ito ay iba't ibang klase—mga pistola, mga riple, at mga baril na hindi ko alam ang pangalan. Ang bawat isa ay may sariling timbang at sukat
Kabanata 53 Samantha's Point of View Tinitigan ko si Gabriel. Walang bakas ng biro sa mukha niya. Seryoso ang tingin niya, at ramdam kong bawat salitang binitiwan niya ay taos-puso. "Gabriel..." mahina kong tawag. "Salamat." Ngumiti siya, saka marahang hinaplos ang pisngi ko. "Walang anuman, baby girl." Hindi na kami nagtagal pa sa yacht. Magkahawak-kamay kaming bumaba at nagtungo sa dalampasigan. Pino ang puting buhangin sa ilalim ng mga paa ko, habang kumikislap ang malinaw na tubig sa ilalim ng sikat ng araw. Tahimik ang paligid. Tanging hampas lang ng alon ang maririnig. Huminto si Gabriel sa harapan ko. Naka-swim shorts lang siya at halatang kahit sugatan pa, hindi pa rin nawala ang tindig niya. Ngunit mas napansin ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Para bang ako lang ang taong naroon. "Ready?" tanong niya. Napakagat ako sa labi. "Hindi ako sigurado." Mahina siyang natawa. "Huwag kang kabahan." "Madali lang sabihin kasi magaling ka na sa ganoong bagay." "Sama
Kabanata 52 Samantha's Point of View "Kapag usapang ganyan, ang dali mo talagang mapaikot," natatawa kong sabi habang muli ko siyang sinusubuan. Tahimik siyang ngumunguya bago ngumisi. "Ginagamit mo na naman ang katawan mo para makuha ang gusto mo." Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo. At ang gusto ko ngayon, ubusin mo ang gulay na niluto ko." Napabuntong-hininga siya na parang napipilitan. "Fine. Kung 'yan ang gusto mo." "Good." Muli kong inilapit ang kutsara sa bibig niya. Wala na siyang reklamo kaya sunod-sunod na siyang kumain. Hindi ko napigilang mapangiti. Hindi ko akalaing ang isang lalaking kinatatakutan ng maraming tao sa negosyo ay magpapasaway sa akin dahil lang sa gulay. "Samantha..." Napatingin ako sa kanya. "Bakit mo ba ako inaalagaan?" Natigilan ako. "Ha?" "Bakit?" mahinahon niyang ulit. "Kung wala kang nararamdaman sa akin, bakit ginagawa mo lahat ng ito?" Napatingin ako sa mangkok na hawak ko. "Anong ibig mong sabihin?" "Bakit mo ako binantayan buong gab
Kabanata 51 Samantha's Point of View Naalis ko ang bala sa tagiliran ni Gabriel bago pa man kami makarating sa ospital sa Las Vegas. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para gawin iyon kahit na sobrang delikado. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipigilan ang pag-agos ng dugo niya. Ang nasa isip ko lang noon ay isang bagay. Kailangan niyang mabuhay. Pagdating sa ospital, agad siyang isinugod sa emergency room. Ilang oras din akong pabalik-balik sa harap ng p***o habang hinihintay ang doktor. Nang lumabas ang doktor, halos mawalan ako ng lakas sa kaba. "He's stable now." Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Mabuti na lang at hindi tumama ang bala sa mahahalagang organ niya. Kung ilang pulgada pa ang inusad niyon, baka ibang balita na ang narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung mawala siya. Buong gabi akong nanatili sa tabi niya. Tahimik ang private room. Ang tanging maririnig lang ay ang mahinang tunog ng heart monitor. Nakaupo ako sa tab
Kabanata 50 Samantha's Point of View Pinaikot niya ako sa saliw ng musika. Magaan ang gabay ng mga kamay niya sa baywang ko habang hindi man lang siya nag-aalis ng tingin sa akin. Mabuti na lang talaga at hindi ko sinunod ang kalokohan niyang huwag magsuot ng panty. Maikli na nga ang suot kong itim na dress. Sa bawat ikot ko, bahagyang umaangat ang laylayan nito. "Ang galing mo palang sumayaw," nakangiti niyang sabi. "Salamat." Napangiti rin ako. "Natuto ako noong bata pa ako." "Sino ang nagturo sa 'yo?" "Ang Mommy ko. Mahilig siyang sumayaw kaya palagi niya akong isinasama sa dance classes." Pagbalik namin sa mesa, hindi pa man kami tuluyang nakaupo nang biglang umugong ang sunod-sunod na putok. Sa una, akala ko paputok lang. Pero nang magsigawan ang mga tao at magtakbuhan sa iba't ibang direksyon, doon ko lang naisip ang katotohanan. May nagpapaputok ng baril. Napalingon ako kay Gabriel. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak na niya ang tagiliran niya. May dugo.
Kabanata 12 Samantha's Point of View Katatapos lang ng rounds ko sa pediatric patients. Naglalakad ako pabalik sa nurses' station para i-check ang mga bagong admit nang bigla na lang may humawak sa braso ko. Hindi ako nagkamali. Si Joshua iyon. Galit na galit siyang hinila ako sa gilid ng hallway,
Nagtakang nagkatinginan ang mag-asawa pero hindi na sila nagtanong pa. Hindi nila naiintindihan ang ibig sabihin ni Carla. Pero may mga bagay na mas mabuting hindi na alamin. “Gumagaling na rin pala si Lily.” Mabilis na pinalitan ng babae ang usapan habang hinahaplos ang buhok ng bata. Tulog na s
“V-Vera, marry h-him…” “Huwag…” umiiyak na sabi ni Vera habang mabilis na umiiling. “Huwag mong sabihin ‘yan, Rico…” Her chest hurt. Sobrang sakit na parang may pumipiga sa puso niya. Seeing him like this—covered in blood, kneeling on the cold concrete floor, barely breathing—was destroying her.
Kinuha ni Rico ang mga dokumento kay Riley at mabilis iyong pinirmahan. His hands were shaking. Patuloy pa ring tumutulo ang dugo mula sa binti niya papunta sa sahig. Namamaga ang mukha niya dahil sa mga sipa. Punit ang labi niya. Halos hindi na mabuksan ang isang mata niya. Pero tuloy pa rin siya







