로그인Hindi inasahan ni Norman na makikita si Mitch na naghihintay mismo sa tapat ng pintuan ng kanyang bahay. Mukha itong taong-grasa o baliw na bigla na lang nagtatakbo at ihinampas ang hawak na bag sa kanya habang tuloy-tuloy ang mura sa bibig.Nang hindi na makaiwas si Norman, ginamit niya ang lakas para agawin ang bag at malakas na itinulak si Mitch pabalik sa semento."Saan ka nanggaling?! Walanghiya ka! Iiwan mo na lang ba kami ng anak mo na walang-wala?!" umiiyak na sigaw ni Mitch mula sa lupa habang sinusubukang batuhin uli ang lalaki.Pinigil ni Norman ang bag, at habang nakatingin sa umiiyak na mukha ng babae, biglang nawala ang galit sa kanyang mukha at napalitan ng purong awa.Lumuhod siya sa harap ni Mitch habang malungkot ang mukha. "Mitch, bakit sa tingin mo nagtatago ako sa 'yo? Ginagawa ko ito para sa inyong dalawa ng bata!""Sinungaling!" bulyaw ni Mitch. "Gusto mo lang kaming takasan!""Mitch!" buong damdaming nagdrama si Norman. "Nakita mo ang mga files sa phone ni
Inakala ni Mitch na katapusan na niya ngayong araw. Dahil alam na pala ni Vincent ang lahat ng katotohanan, sigurado siyang hindi siya nito bibigyan ng pagkakataon o papatawarin man lang.Subalit, labis siyang nagulat nang pagkatapos ng ilang malamig na singhal ay dahan-dahan lang itong tumayo at umalis ng private room, na parang isang basurang iniwan na lang siya roon.Nang mag-sink in sa kanya ang nangyari, mabilis niyang kinuha ang kanyang phone para tawagan si Norman. "Norman! Norman, anong gagawin natin?! Alam na pala ni Vincent ang lahat! Alam niyang sa 'yo ang batang dinadala ko! Alam din niyang hindi ako 'yung volunteer noong high school at hindi ako 'yung nagtupi ng origami cranes para sa lola niya! Norman, anong gagawin ko?! Buking na tayo!!! "Pero sa halip na tulungan siya, walang alinlangan siyang binabaan ng telepono ni Norman. Sinubukan muli niyang tumawag, pero narealize niyang nakablock na siya rito at naka unfriend na lahat siya sa lahat ng social accounts ni No
Para namang walang narinig si Vincent. In-unlock lang niya ang kanyang telepono at nakitang nakatigil pa rin ang screen sa pahina ng kanyang confidential email inbox at mga attachments."Vincent.. ouchhh... ang baby natin... Sobrang sakit..." Umiyak si Mitch habang hawak ang kanyang tiyan, umaasang magagamit ang bata para takasan ang galit ni Vincent sa pagbukas niya ng email nito..Subalit, nanatiling walang emosyon ang mukha ni Vincent habang nakatitig sa kanya. Tumayo si Mitch habang nakahawak sa mesa, puno ng luha ang kanyang mga mata. "Vincent, kung hindi mo na pinapahalagahan ang baby natin, ako na lang ang pupunta sa ospital mag-isa... Sobrang sakit talaga ng tiyan ko..."Todo ang kanyang pag-arte para makuha ang awa nito, habang naghihintay na pigilan siya ni Vincent. Umupo si Vincent ng maayos at pinanood lang ang kanyang palabas. Nang matapos umarte si Mitch at narealize niyang hindi siya pinipigilan ni Vincent, tumigil siya sa paglalakad at naghintay.Sa huli, isang m
"Baka naman nag-aalala ka lang nang sobra?" sabi ni Mitch sa phone. "Vincent values your brotherhood so much. Dati pa man, sinasabi na niyang wala siyang ibang pamilya at kayong dalawa lang ni Barry ang pinakamalapit sa kanya. How could he possibly suspect you?""That was before!" galit na sigaw ni Norman. " You useless bitch! Turn on your video camera and point it at his phone screen. Ako na ang magtitingin!"Kahit naisipan niyang murahin pabalik si Norman, in-open pa rin ni Mitch ang video call. Sinuyod nila ang bawat app, messaging history, at document folders, pero talagang walang lumalabas na kinalaman kay Norman. Binalikan din nila ang email inbox, hanggang sa mabasa pa ni Norman ang ilang confidential business letters ni Vincent, pero wala pa ring bahid ng pangalan niya."Imposible... Did he really not suspect anything?" bulong ni Norman sa sarili. Bigla siyang may naisip. "Check his email app! See if there's another account logged in!"Sinundan ni Mitch ang utos at pinalita
Sa gitna ng kwentuhan sa loob ng private room, biglang napansin ni Vincent na wala sa bulsa niya ang kanyang cellphone. "Bakit nawawala ang phone mo?” tanong ni Vincent.. “Baka naiwan mo sa kotse? Gusto mo bang tingnan muna sa labas?" tanong ni Mitch sabay sulyap sa dalang laptop ni Vincent, habang pilit na itinatago ang excitement sa kanyang boses.Kumunot ang noo ni Vincent. "Sige, tingnan ko muna."Tumayo siya para lumabas, pero bitbit pa rin niya ang kanyang laptop. Napatulala si Mitch habang nakatingin sa hawak nitong laptop. Bakit kailangang dalahin pa ang laptop sa labas?! Paano ko mai-check 'yan? Akala ko pa naman itinadhana na para sa akin ang pagkakataong ito!Subalit, kasalukuyang naglalakad si Vincent sa hallway ng mga VIP rooms nang biglang bumukas ang pinto ng isang kwarto. May biglang humawak sa bibig niya mula sa likod at mabilis siyang hinila pabalik sa loob sabay sara ng pinto."Mr. Vincent, please cooperate with us. We will not harm you," bulong ng lalaki sa
Naguguluhan at natatakot ang isip ni Norman. Sigurado siyang nagpapanggap lang si Vincent sa harap nilang lahat nitong mga nakaraang araw. Alam na ba talaga ni Vincent ang mga ilegal na transaksyon, mga front companies, at panlolokong ginawa niya kasama nitong mga nakaraang taon?Hindi! Hindi siya pwedeng maghintay lang na maipit at mahuli! Kailangan niyang malaman kung ano talaga ang nalalaman ni Vincent. Pero paano?Iisa lang ang taong naiisip niyang pwedeng gamitin para makuha ang impormasyong iyon—si Mitch.Nang puntahan ni Norman si Mitch sa itinutuluyan nitong hotel, galit at nagmamaktol pa ito sa kanya noong una dahil sa nangyari sa bahay. Pero nung maglabas siya ng isang daang libong pesos na cash at itabi ito sa mesa, biglang nawala ang galit ng babae."Anak ko pa rin 'yang nasa tiyan mo, at ikaw ang ina ng anak ko. Hindi kita pababayaan," pang-uuto ni Norman sa kanya habang hinahawakan ang kamay nito.Napanatag muli ang loob ni Mitch. Naisip niyang sa huli ay kay Norman p
PAGKATAPOS ng gabing iyon, muli ni Kate pinulot ang mga libro. Noong una, hindi siya nag-isip ng malalim. Ang gusto lang niya ay bigyan ng kahit konting kulay ang maputla at tahimik niyang buhay, isang lihim na sandalan, isang bagay na pagkakaabalahan. Dahil kapag may ginagawa siya, hindi niya masya
MAINGAT na inobserbahan ni Mitch ang sitwasyon at saka siya sumingit sa tamang sandali.“Vincent, huwag kang magalit dahil sinasabi ng lahat na hindi maganda ang asawa mo,” malumanay niyang sabi. “They’re just worried about you. Think about it—ilang taon na kayong magkakaibigan. Kahit may nasabi sil
NGUNIT ang labis na pinalaking pagtatanghal na iyon ay lalo lamang nagdulot ng walang tigil na tawanan sa loob ng private room. Si Mitch, na nakaupo sa tabi ni Vincent, ay halos mapatawa nang husto at napasandal pa sa balikat nito.At si Vincent ay tahimik lang. Wala siyang sinabi kahit isang salita
NILABAG ni Vincent ang sarili niyang patakaran, uminom siya ng alak. Halata iyon sa boses niya sa video. Medyo lasing na siya. Paos, masigla, at hindi na kontrolado ang sitwasyon.Ngunit si Vincent? Sisigaw ng ganito?Sa alaala ni Kate, si Vincent noong high school ay malamig at mataas ang tingin sa







