INICIAR SESIÓN
Jenyfer
Saglit akong huminto sa pagsusuklay ko sa mahaba kong buhok ng mayroon akong maulinigan na mahinang kaluskos sa labas ng pinto sa bahay namin. Ano iyon? Bulong ko pagkatapos kumunot ang noo ko at pinakinggan muna kung sa labas nga ba talaga ng bahay namin ang narinig na ingay. Nakabihis na ako dahil papasok na ako sa trabaho. Mayroon nga talaga kaluskos dahil narinig ko ulit. Ano nga kaya iyon? Ako lang mag-isa ngayon sa bahay. Dahil nasa Daong, sina Nanay at Tatay. Isinama ang dalawa kong kapatid dahil birthday ng lola ko ngayon dumalaw na rin sila. Kagabi pa sila umalis kasi may pasok pa sa school ang dalawa kong kapatid kaya alas-sais ng gabi nakaalis sina Nanay. Kasama dapat ako, kaya lang hindi ako pinayagan ng amo ko dahil sabay sa day-off ng kasamahan ko sa trabaho. Nauna kasi iyon magpaalam kaysa akin kaya hindi ako pinayagan ng amo ko. Sa palengke ako namamasukan bilang tindera ng mga gulay. Hindi kasi ako nakapag-college natapos ko naman ang senior high pagkatapos nagtrabaho na ako. Isa pa ang hirap din kasi ng buhay namin dahil tricycle driver lang si Tatay, kinakapos sa budget. Tapos may dalawa pa akong kapatid na kasabay nag-aaral. Nagpaubaya ako sa kanila. Sa edad kong twenty one apat na taon na ako sa trabaho ko. Ang sumunod sa ‘kin grade eleven na at ang bunso ay grade seven. Lahat kami babae. Malapit lang din kasi sa bahay ang palengke walking distance lang kaya hindi na ako naghanap ng ibang trabaho nang matanggap ako sa pinapasukan ko ngayon. Isa pa mabait din naman ang amo ko. Hindi nga lang minimum ang sahod ko kasi five hundred pesos lang araw ko. Pero hanggang alas-diyes lang naman ng umaga ang pasok ko. Iyon nga lang maaga ang pasok. Alas-kwatro ng madaling araw ang pasok ko, iyon kasi ang bukas ng tindahan. Dahil sa mga maaga namamalenke. Nagitla ako ng parang mayroon natumba. Napalunok ako baka may nag-aamok sa labas kasi parang mayroon bumagsak. “S-sino ‘yan!” kabado ako ngunit nilakasan ko ang boses ko. Walang tugon inulit ko. “Sino sabi iyan?!” wala pa rin. Kapag hindi naman ako lumabas. Late sa trabaho ang aabutin ko. Thirty minutes na lang bago alas-kwatro maglalakad pa ako. Baka naman asong ligaw lang kasi nawala naman din pagkatapos kong tanungin kung sino siya. Huminga ako ng malalim. Pisti kahit kinukumbinsi ko ang sarili ko na ‘wag akong matakot pero sa dibdib ko. Damn! Natatakot ako. Wala pa naman sina Tatay ngayon kung sakaling may naligaw na masamang tao. Kilala ko lahat ang kapitbahay namin. Walang gagalaw sa ‘kin dahil mababait mga tagarito. Minsan lang talaga mayroon naliligaw na hindi tagarito sa looban kasi malapit sa palengke. Kapag minsan may mga h*******k na mga snatcher. Dito ang takbuhan. Pero kung tagarito lang sa ‘min mababait lahat. Naku po ‘wag naman sana mayroon ulit naligaw kung kailan ako lang sa bahay at papasok ako sa trabaho. Kapag naririto si Tatay. Hinahatid niya ako sa palengke kapag papasok ako ng umaga. Ngayon ay ako lang mag-isa lakasan lang ng loob. Sana talaga ay pusa lang ng kapitbahay ang naligaw. Gosh ayaw ko pang ma-deads ng maaga. Ang bata ko pa at hindi pa ako nagkakaroon ng jowa. Ayaw ko pa hindi pa ako nakatikim ng first kiss baka hindi ako tanggapin sa langit. “Ano iyon?!” nanlaki ang mata ko ng tila mayroong napaigik. Dumaing sa sakit? Pumikit ako pagkatapos ay hinawakan ko ang doorknob namin. Halos hindi ako huminga habang dahan-dahan kong hinihila ang pinto para buksan. May tao? “Sino ka?!” galit kong tanong sa kaniya ngunit hindi ako pinansin. Nakahawak lang ito sa banda tiyan n'ya at nakaupo siya sa gilid ng pinto habang nakasandal. Ewan ko kung nakapikit ito dahil nakatalikod naman siya at medyo madilim din ang bahagi ng pinto namin hindi gaanong naiilawan ng ilaw sa poste. Pero mayroon kaming ilaw sa labas. Pinapatay lang kung tulog na kami kagaya ngayon. Bubuksan lang kung lalabas ako para pumasok sa trabaho. “Sino sabi?!” Doon ito nag-angat ng tingin. Napunta Ang atensyon ko sa kamay n'yang nakahawak sa tagiliran. Akala ko sa baywang sa tagiliran pala ito nakahawak. Nanlaki ang aking mata ng mapansin kong parang duguan. Kahit hindi ganoon kaliwanag. Halata siyang duguan. “Please help me,” bulong nito habang mabigat ang paghinga. Natigilan ako dahil mag-isa lang ako sa bahay. Paano kung umaarte lang ang lalaki pagkatapos ay gagawa ng kalokohan ako lang tao sa bahay. Napasinghap ako sabay niyakap ang sarili ko. “Tss. Miss, wala akong gagawin na masama sa ‘yo, hindi ako mamimilit ng babae kung iniisip mo na may balak akong pagsamanlahan ka!” “Aba malay ko ba! Mahirap na magtiwala ngayon baka modus ka. Nag-iingat lang ako—” “Fucking shiit! Pwede ba papasukin mo ako sa bahay mo kung ayaw mong pasabugin ko iyan!” mariin nitong sabi pagkatapos ay mayroon dinampot sa tabi nito. “B-baril? Teka lang naman manong. Maawa ka ‘wag mo akong babarilin please. Maawa ka hindi pa ako nakahahanap ng jowa—” “Damn!” may inis sa boses nito. Napalunok ako dahil kinasa n'ya ang hawak na baril. "Ehehe ito naman si Manong, masyadong manitin ulo. Ano po ba ang gagawin ko? Ibaba mo na iyan baka pumutok iyan ayaw ko pa mamatay.” “Hindi ito ang ipinuputok ko sa babae,” bulong nito ngunit malinaw ko iyon narinig. “Huh? Ano pala kung gano'n?” curious kong tanong sa kaniya. Nagtaka pa ako dahil mahina s'yang tumawa. Kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil nainis ako. Siraulo ba ito? Nakakatawa ba ang sinabi ko? OA naman nito para iyon lang tinanong ko natawa na? “Ms? Papasukin mo ako o ipuputok ko ito sa iyo?” saad niya kaya tumingin ako sa hawak n'yang baril. Napa-overthink ako dahil nakalapag naman sa tabi niya pero hawak niya. “Miss?” “O-oo nga pasok na po,” nataranta kong sabi sabay umalis din ako sa pinto para makadaan siya.Jenyfer Dalawang linggo ang lumipas simula ang muntik akong masagasaan sa palengke. Madalas ng tumawag si Rhys sa akin. Lagi n'yang kinakamusta ang kalagayan naming mag-ina. Pero nakatatawa dahil need pa naming mag-ingat kaya tuwing alas-dos ng madaling araw siya tumatawag para daw walang makatunog. Hinayaan ko lang siya sa trip n'ya. Sinunod ko lang siya kung iyon ba ang makabubuti para sa ‘min ng anak n'ya. Okay lang sa akin kahit madaling araw siya tumawag. Kahit wala naman akong kakaibang nararamdaman sa paligid na tila may nakatunog na buhay siya. Dahil tahimik lang naman ang paligid. Medyo nakapagtataka ngunit ayaw kong maging nega. Nagiging routine ko na ang paggising nang late dahil puyat ako at masarap pa matulog. Inaabala ko rin ang sarili ko sa pagtulong ng magaan na trabaho kay Nanay sa bahay. Kasi hindi na siya sumasama sa Tatay sa tindahan simula ng umuwi ako rito sa bahay, para daw may kasama ako. Sobrang tahimik nga dahil maypasok na si Raysa. Si Dawn wala p
Jenyfer Kinabukasan tinanghali ako ng gising. Para bang puyat ako kahit maaga naman ako natulog kagabi kulang pa ang tulog ko. Gusto ko pa nga matulog kaya lang kailangan ko ng magising dahil hindi pa ako mag-a-almusal. Tiyak din pupuntahan ako ni Nanay para gisingin kapag alas-diyes na tulog pa ako. Gan'yan siya lalo ngayon na may apo na sila. Sermon ang inaabot ko kapag hindi ako kumain ng almusal. "Nanay, good morning po. Sina Tatay po?" tanong ko dahil mag-isa lang siya sa bahay. “Anak? Nasa tindahan na," aniya saglit na tumigil nakatingin lang siya sa akin. "Bakit po?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "Anak?" tugon n'ya. “Nay?” tumigil ako umupo sa sofa tumabi ako ng upo sa kaniya. Nakabukas din ang TV, pero walang nanood. Ako na lang ang manood dahil hindi na ako lumalabas ng bahay. Simula nang magkita kami ni Rhys. Sinunod ko ang bilin niya. Pero kung mayroon akong kasama lumalabas ako, hindi nga lang ako nagtatagal sa labas. Natatakot din ako mayroon ulit magtangka
Jenyfer Parang ayaw ko pa matapos ang pag-uusap namin ni Rhys, ngunit hindi maari ang gusto ko dahil kailangan na rin nito umalis. Pauwi na ako sa bahay at ihahatid muna nila ako sa bahay, bago sila magtungo sa apartment na pinag-stay-an nilang tatlo. "Kuya Alfonso, Kuya Sameguil. Ingatan niyo po ang asawa ko ha? Kayo ang mananagot sa akin kapag may nangyari masama sa boss n'yo," pabiro kong sabi sa kanila para malibang ako dahil nalulungkot ako malapit na kami ulit maghiwalay ni Rhys. Nakahawak pa rin ako sa kamay ni Rhys at ayaw kong matulog at kumurap baka kasi paggising ko mawala na naman siya na parang sa panaginip ko lang siya nakasama. Hindi niya rin ako binibitawan. Si Kuya Sameguil ang nagmamaneho. Tumingin ako kay Rhys may naisip ako. “Kung sa bahay na lang kayo magtago,” bigla kong suggest sa kaniya. Naging tabingi ang ngiti ko dahil alam ko naman na impossible ang gusto kong mangyari. Dahil hindi papayag si Rhys. Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa l
Jenyfer Pinilit kong idilat ang aking mata dahil hinawakan ko ang mukha n'ya baka kapag maayos na ang pakiramdam ko. Hindi ko na ulit siya makita. "Fvck! Baby, 'wag mong gawin ito dahil nag-aalala ako sa iyo," mariin n'yang sabi habang nakayakap siya sa akin. "Ikaw nga iyan, hubby," bulong ko dahil nahihilo talaga ako at ang lamig pa ng pawisa ko. Dala na siguro ito sa shock dahil sa nangyari at samahan pa start na akong naglilihi. "Rhys, dito ka na lang p-please," “Damn it!” malutong na mura ni Rhys, ang naulinigan ko bago ako mawalan ng malay sa bisig niya. Nagising ako tila nasa loob na ako ng sasakyan. kinurap-kurap ko ang aking mata para masiguro maayos na ang pakiramdam ko baka nanaginip ako dahil nawalan ako ng malay. Pero hindi e, dahil nasa loob nga talaga ako ng sasakyan at parang nakasandal ako sa dibdib ni Rhys, oo alam ko siya iyon. Kahit hindi ko pa silipin ang mukha n'ya. Sa lambing pa lang ng yakap n'ya kilala na siya ng puso ko. Kinapa ko pa ang braso
Jenyfer Simula nung narinig ko ulit ang boses ni Rhys. Hindi na ako madalas umiiyak tuwing gabi at nakatutulog na rin kahit paano. Dahil alam ko ligtas siya. Tatlong araw na ang lumipas mula nung tawag na ‘yon. Tatlong araw na paulit-ulit kong inaalala sa isip ko yung boses niya at promise n'ya na soon babalik siya para maayos na ang problema. "Anak, sure ka bang lalabas ka?” tanong ni Nanay, habang inaayos ko yung buhok ko sa salamin. Nasa sala ako si Nanay naman nanood ng TV. Nakaupo siya sa sofa saglit muna n'yang tinigil ang panood niya ng TV dahil nasa akin ang atensyon n'ya. Wala si Tatay. Siya kasi ang pumupunta sa tindahan kasama ng dalawa kong kapatid. Pero malapit na ang pasukan. Two weeks na lang papasok na si Raysa pero si Dawn sa august pa. Ako hindi ako nag-enroll dahil nga buntis na ako. Kahit gusto ko pumasok pinigilan ako ng Nanay at Tatay kapag nanganak na raw ako at saka na ako bumalik sa pag-aaral. Nandiyan naman daw sila para mag-alaga sa apo nila. “Nay
Jenyfer “Ah, ikaw pala. Anong ginagawa mo rito?” mataray pa na sabi ni Vanessa kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Parang baliktad yata. Ako dapat ang magtatanong n'yan. Bakit nandito ka sa bahay ng asawa ko?” Ngumisi. “Wala e, swerte kasi kami minalas ang mayabang na pinsan ko, kaya ayon tigok tuloy siya. Kung nakinig lang siya kay papa na ako ang pakasalan niya. Sana buhay siya ngayon at mga ari-arian n'ya sana hanggang ngayon nag-e-enjoy pa siya.” “Galing,” wika ko sabay palakpak. “Pinsan? Asawa? Mabuti na lang talaga hindi kagaya sa ugali niyo ang ugali ng asawa ko dahil nakakasuka ang bulok niyong ugali. Sige mag-enjoy lang kayo dahil hindi magtatagal. Sa kulungan lahat ang bagsak n'yo,” “Wala nang saysay iyang sinasabi mo. Dahil hindi iyon mangyayari. Alis na diyan dahil bubuksan ang gate inaabala mo ang tauhan namin.” “Kasing kapal ng bakal na gate iyang pagmumukha mo. Ay kasama pala ng Tatay at kuya mo na makapal ang mukha," pang-iinis ko sa kaniya. Namula ang mukh
Jenyfer “Jawo, 'wag mo na lang ipasok sa looban. Dito nalang ako salamat sa libre pamasahe ha, ingat ka kung babalik ka pa sa pasada," saad ko pagbaba ng tricycle n'ya. Tinapik ko pa sa balikat niya. Isang tipid na tango lang ang tugon niya sa 'kin at pagkatapos, umalis din si Jawo. Sabi n'ya uuw
Jenyfer Nakaupo akong tahimik lang sa tabi ng bintana at sa labas lang nakatingin. Natatakot ako pero ayaw ko naman ipahalata sa kaniya. Of course first time ko sumakay ng eroplano tapos pa ibang bansa pa. Mamaya hindi na ako makabalik sa magulang at mga kapatid ko. Kaya natatakot ako. Hindi nam
Jenyfer "Ako?" tinuro ko pa ang sarili ko. "May nakita kang ibang babae rito?" seryoso n'yang sagot walang kangiti-ngiti sa labi. "Aba malay ko ba kung bakla ka kasi nagtatago ka sa mga tauhan mo ngayon ka lang lumabas....b-biro," wika ko dahil kinasa n'ya ang baril na hawak n'ya. Nangingin
Jenyfer Pagdating namin sa bahay halos mapatalon sa tuwa ang dalawa kong kapatid pagkakita nila sa akin. Nasa labas kasi sila ng bahay pagbaba ko ng kotse ni Rhys. Inunahan ko na bumaba si Rhys nang maayos n'ya pag-park ng kotse niya. “Nanay! Nandito po si Ate,” sabay pa na sigaw ng dalawa kong k







