LOGINJenyfer
Saktong ni-lock ko ang pinto ng bahay namin ng parang mayroon mga nagtatakbuhan sa labas. Nanlaki ang aking mata ng mayroon sumigaw. “Hanapin niyo nandiyan lang iyan at hindi iyan basta makalalayo!” narinig kong malakas na sigaw sa labas. Tumingin ako sa lalaki nasa harapan ko nagkakamot sa kilay niya. Para bang stress niya na ewan pero hindi ko naman siya nakitaan ng kaba. Siya kaya ang hinanap o nagkataon lang na mayroon hinahanap ang mga lalaki sa labas. May hinila ako na siya ang pakay dahil na rin sa tama ng bala sa tagiliran niya. Mabuti na lang hindi ko binuksan ang ilaw sa labas baka mamaya may naiwang bakas itong estranghero lalaki sa duguan niyang tagiliran. Napalunok ako ng napunta ang aking mata sa tagiliran niya. Delikado dahil ayaw tumigil ang pagdurugo ng tagiliran niya. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang ginagawa ko iyon. “Pumunta ka na lang sa ospital mamaya dito ka pa mapahamak ako ang pagbintangan.” “Pwede bang manahimik ka!” mahina niya lang sabi ngunit may babala sa boses nito na kapag hindi ko siya tigilan sa pagkausap ko sa kaniya. Mayroon ako kalalagyan. Pero totoo naman ang sinabi ko dahil walang tigil ang pagdurugo ng sugat niya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil malaki ang aking pagsisi na pinapasok ko pa siya sa bahay. Ano ba naman ang kamalasang ‘to. May mga naghahanap sa labas siya naman may tama ng bala. Paano kung siya ang hinahanap at malaman nang mga taong nasa labas na naririto siya sa loob ng bahay namin. Pisti niya damay pa ako rito. My gosh uuwi bukas ang pamilya ko na dead na ako dahil pinapasok ko pa ang lalaking ‘to. Nanggigil ako habang nagpamaywang ako sa harapan niya. Aba't nainis ako dahil naiirita pa siya habang nakatingin sa akin. “Totoo naman ang sinasabi ko. Sana hinayaan kita sa labas gago ka,” Nagtagis ang bagang nito pagkatapos inangat ang hawak na baril. Namutla ako baka napikon ito babarilin ako. “Ahehe Manong. Nagbibiro lang ako please ibaba mo iyan natatakot ako baka aksidente iyan pumutok sa ‘kin,” saad ko tabingi ang aking ngiti. “Hoy!” umatras ako dahil dumukwang malapit sa tainga ko. “Do you remember what I said earlier?” bulong niyang tanong. Napalunok ako dahil ang lapit namin sa isa't isa. Pero hindi ko maintindihan ang tinatanong niya dahil marami naman siyang sinabi. “A-alin ba roon sa sinabi mo?” nauutal kong tanong sa kaniya. Promise wala akong idea kung alin doon isa pa hindi ko naman memorize lahat ng sinabi niya. “Lumayo ka nga!” tinulak ko kasi ang lapit na niya sa akin. “Tss nevermind,” bulong nito pagkatapos tumikhim umayos siya ng tayo. “Siguro ikaw iyon hinanap nila at may atraso ka sa mga taong iyon kaya may hinahanap silang tao,” bigla kong nasabi. “What if, ako nga ang taong hinahanap nila? Anong gagawin mo, miss?” Napatda ako. “Ikaw talaga ang hinanap nila?” napamulagat ang aking mata. Hindi naman umimik napansin ko napangiwi ito. “Kapag hindi mo pigilan ‘yang maingay mong bunganga. Sigurado malalaman nila na narito ako,” wika nito nabasa ko may pilyong ngisi sa mata n'ya. “Bwisit ka! Idinamay mo pa ako. Ayaw ko pang mamatay paano na?!” gigil kong saad sa kaniya sa mahinang boses. Sa halip na pansinin niya ako maingat niyang kinasa ang baril na hawak niya. Nataranta ako hinawakan siya sa braso. “T-teka l-lang naman, Manong na pikon. L-lalabas ka ba, utang na loob baka marami sila madamay pa ako,” Mariin s'yang napapikit pagkatapos nakamamatay na tingin ang pinukol niya sa ‘kin. “Talagang madadamay ka dahil sa daldal ng bibig mo. Please tumigil ka na muna mag ratatat bago pa nila matuklasan naririto ako sa loob ng bahay niyo,” aniya nahalata ko napipikon na siya sa 'kin. Bigla akong natigilan. Iiling-iling ito hindi na ako pinansin. Napalunok na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Nakatayo siya sa harapan ng nakasarado naming pinto at nakatutok ang baril n'ya sa pinto ng bahay namin animo nakaabang kung sakaling mayroon bubulaga na kalaban sa pinto. Pero nang may mga yabag na papalapit sa pinto namin, natakot ako kaya kinuhit ko siya, ang gago niya talaga dahil binigyan lang ako ng babala. Animal binawi ko na lang ang kamay ko. Ngunit nag-umpisang manginig ako sa takot. Kumunot ang noo ng lalaki paglingon niya sa akin. Nagawa ko pa siyang irapan dahil pinasadahan niya pa ako ng tingin. Gago niya. Sino bang hindi matatakot. Kung sa ganitong sitwasyon. Kasalanan n'ya naman ‘to. Kaya nakapagsisi nadala ako sa pananakot niya kanina. Napilitan akong papasukin siya sa bahay. Hindi ko naisip na maaaring may kaalitan ito kaya may tama siya ng bala sa tagiliran niya. Saglit nga! Bakit hindi ko lang nakitaan ng kaba ang gagong ito. Sanay pa yata ito sa basag ulo at hindi lang natatakot. “Baka nasa bahay na iyan!” narinig ko nag-uusap sa labas. Hinawakan ko siya sa braso. Natatakot ako nahalata yata niya dahil narinig ko ang mahina n'yang pagmumura. “Katukin niyo ang bahay na iyan!” may nag-utos. Ilang sigundo lang may yabag ng lumapit sa pinto ng bahay namin at kumatok. Muntik na akong napatili ngunit mabilis niya akong kinabig ng yakap sabay siniil niya ako ng malalim na halik. Noong una ay nabigla ako, kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nanlalaki ang aking mata. Mapusok ang halik niya. Nang sunod-sunod na katok ang narinig ko roon ako natauhan pilit ko siyang tinulak. Hindi lang niya ako binitawan ang labi ko kahit na anong pagpumiglas ko. Lumalim pa ang halik niya. “Boss! Parang walang tao,” sabi ng kumakatok sa pinto. Wala roon ang atensyon ko kundi sa estranghero nanamantala sa labi ko. Patuloy ko siyang tinutulak para makawala sa matigas n'yang braso. Ang higpit ng yakap niya ako ang napapagod sa pagpumiglas. Tumigil siya sa paghalik ng may malakas na serena ng pulis. Sumigaw ang tinawag na boss. Pero hindi niya pa rin ako binitiwan nanatili siyang nakayakap sa baywang ko. “Atras na tayo baka mayroon makakita sa atin. Madulas ang gagong iyon pasaan ba may araw rin sa akin iyon," sabi nito sa matigas ang boses. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng wala ng kumakatok sa pinto. Nang lumipas ang limang minuto ubod lakas ko s'yang tinulak sabay malakas na sampal ang pinadapo ko pisngi niya. “Fvcking shiit! Anong problema mo?!” madilim ang mukha na tanong niya sa akin. Napansin ko bumigat ang paghinga dumaing sa sakit sabay hawak sa tagiliran. Mariin itong pumikit pero hindi ko lang pinansin dahil nayayamot ako sa paghalik niya sa akin. “Nagtatanong ka pa animal ka! Hinalikan mo ako bastos ka!” “Manong pikon!” nataranta ako dahil nawalan ito ng malay. Mabilis akong lumuhod sa harapan niya ginising ko. “W-woi….’wag ka naman sana rito sa bahay mamatay baka multuhin mo kami—” “Damn!” dumilat ito nakikita ko nasasaktan halata naman dahil tagaktak na ng pawis. “M-miss…’wag mo muna ako ngayon pagpantasyahan tulungan mo muna ako maalis ang bala sa tagiliran ko,” hirap n'yang sabi. “Huh? Ayaw ko nga hindi ako doktor ‘no! Isa pa natatakot ako,” wika ko sabay layo sa kaniya. “Diba ayaw mo multuhin kita?” naiirita niyang sabi. “Of course! Nakakatakot iyon—” “Pwes! Alisin mo ang bala sa tagiliran ko dahil kapag namatay ako rito sa bahay niyo. Ikaw ang unang gagapangin ko.” “Kahit multo ka na?” namilog ang aking mata. Mariin siyang napapikit sabay bubulong-bulong. Hina pala nitong babae makaintindi sabi nito kinunot ng noo ko. “Ano sinasabi mo?” salubong ang kilay ko. Aba kapal niya harap-harapan akong i-chismis. “Please tanggalin mo na ang bala sa tagiliran ko,” sa halip hirap na pakiusap nito pagkatapos ay mayroon siyang kinuha na maliit na kutsilyo sa likuran ng bulsa sa pants nito. Mariin akong napalunok. “S-sure ka Manong pikon?” wika ko nanginig sa takot ang boses ko. “Kasi masakit kaya iyan,” saad ko. Tumango ito. “Pakibilisan mo p'wede?” “Ikaw na nga ang nag-uutos demanding ka pa. Tss ang pangit mo,” badtrip kong bulong. Wala itong imik nakatingin lang sa akin. Nanginig ang kamay ko nang iabot niya ang kutsilyo sa akin. Pinaloob ko ang buong labi ko sa bibig ko, dahil ako ang kinakabahan kaysa rito. Sino nga ba ito bakit ganito siya ka-feeling matapang.Jenyfer Akala ko iyon na iyon suntok n'ya kanina. Damn it muli n'yang sinuntok si Rhys sa tiyan nito kaya saglit akong natigilan at hindi ako makapag-react sa bilis ng pangyayari. Malakas iyon dahil kitang-kita ko napa igik si Rhys habang nakayuko sapo ang nasaktan n'yang tiyan. Napaatras pa ng isang hakbang si Rhys. Kung tutuusin kayang-kaya niyang lumaban kay Tatay ngunit hindi n'ya ginawa. Hindi siya gumanti sa Tatay ko. Naka alert din ang mga tauhan n'ya kung gugustuhin ni, Rhys. Utusan n'ya lang lahat iyon madadali si Tatay, rito. Ngunit nanatili lang s'yang walang kibo kahit nasaktan na siya. "Boss, okay ka lang ba?" nag-aalala na tanong nila Kuya Alfonso at Sameguil. Tumango si Rhys sa dalawa at pinalalayo n'ya ang dalawa n'yang pinagkakatiwalaan tauhan. Nilapitan ko si Rhys. "Okay ka lang ba?" nag-aalala kong mahinang tanong sa kaniya. Ngumiti lang kakaurat talaga seryoso? Masaya pa s'yang nasuntok ng dalawang beses ni Tatay. "Baby, I'm fine. Don't worry about me,"
Jenyfer Pagdating namin sa bahay halos mapatalon sa tuwa ang dalawa kong kapatid pagkakita nila sa akin. Nasa labas kasi sila ng bahay pagbaba ko ng kotse ni Rhys. Inunahan ko na bumaba si Rhys nang maayos n'ya pag-park ng kotse niya. “Nanay! Nandito po si Ate,” sabay pa na sigaw ng dalawa kong kapatid at pagkatapos nag-unahan sila tumakbo patungo sa akin. Hindi ko na pinansin si Rhys salubong ang kilay pagkalabas n'ya ng sasakyan. Sa halip mabilis akong lumakad upang salubongin Si Dawn at Raysa. Bunso kong kapatid agad akong dinamba ng yakap. “Ate Jenyfer…. waah namiss kita sobra,” tili pa nito pagkatapos hinawakan ang kamay ko at saktong nasagi niya ang wedding ring ko kaya bigla n'yang sinilip ang kamay ko sabay inangat pa nito. Lihim akong kinabahan hindi lamang ako nagpahalata sa kaniya. Hilahin ko na sana para itago ngunit nagtanong ng at sunod-sunod pa ako inulan ng tanong ni Raysa. “Ate wedding ring ito ah diba ate Dawn? Tingnan mo at parang ang mahal nito. Ate nag-asawa
Jenyfer “Bakit bumalik ka?” nagtataka siya pinasadahan niya ako ng tingin. “Hindi na raw sasabay si Xen. Tara na para matagal ko rin makasama family ko,” wika ko sabay nauna akong maglakad sa kaniya. Hindi pa kami nakalayo. Ito na naman si Simon, hinahabol ako makulit itong classmate ko. “Jen, Jen, wait lang,” Gage badtrip pa naman si Rhys sa kaniya baka masapak ito ng wala sa oras napaka kulit nito. Inantay ko siya pero natigilan ako ng lampasan ako ni Rhys. “Saglit lang ako kakausapin ko lang,” wika ko ngunit hindi lang ako nilingon. Naman ito na naman siya balik hitler na naman siya. “Kailan ang day-off mo?” iyon agad ang bungad ni Simon pagdating sa p'westo ko. “Simon pasensya ka na ha, hindi ko pa alam kung kailan. Nagmamadali rin ako pasensya ka na talaga,” saad ko sa kaniya. “Akala ko makakausap kita pagkatapos ng clearance mo.” “May trabaho ako Simon. Please, alam mo naman na wala akong panahon tumanggap ng manliligaw sinabi ko na sayo dati dahil ayaw kitan
Jenyfer Kinuhit ako braso ko ng kaibigan kong si Xen kaya lumingon ako sa kaniya kahit kinakausap ako ni, Rhys. “Sa labas na ako mag-a-antay sa iyo. Nahihiya ako mukhang big-time ang amo mo. Jenyfer, may utang kang tsismis sa 'kin," paalam ng kaibigan kong si Xen at sa paraan ng titig niya, kapag kaming dalawa na lang hindi siya papayag na hindi ako magkwento sa kaniya. “Akala ko sasama ka hanggang matapos ako ngayon?” nagtataka kong tanong sa kaniya. “Nagmumukha kasi akong chaperone. Sige na, aantayin naman kita matapos chat or text mo na lang ako kapag okay na," sagot niya pagkatapos humarap kay, Rhys. “Boss, mauuna na po ako sa inyo,” sabi niya rito tumango lang si Rhys sa kaniya. “Xen, antayin mo ako sa labas ihahatid ka na namin,” bilin ko baka mainip sa pag-aantay at biglang lumayas ng hindi pa kami tapos mag-usap. “Puntahan mo na lang ako sa canteen doon ako tatambay kasi mag-edit din ako ng blog ko pang-post mamaya," tugon n'ya bago umalis. Blogger kasi iyan si X
Jenyfer “Rhys! Ayaw ko malaman nila may asawa na ko ha? Lalo na sina Nanay at Tatay,” “What?!” “Pasensya ka na Rhys. Kasi nga sinabi ko sa kanila amo lang kita. Sige na pumayag ka na,” pakiusap ko sa kaniya. Nag-isang linya ang kilay n'ya at matagal din s'yang sumagot. Tahimik naggalawan pa ang kaniyang panga. Big deal ba ang sinabi ko? Ibang klase itong Zhumalde na ito. Nakalimutan na yata n'yang soon mag-divorce kami. Dapat ko pala iyon ipaalala sa kaniya mukhang nalimot na niya. “Kinakahiya mo ba ako, Jenyfer?” galit n'yang sabi. “Ha? Hindi naman ah. Almost perfect ka, Rhys, marami nga may gusto kang mapikot. Pero hindi pa ako handa magtapat kina Nanay at Tatay, magagalit iyon sa akin kapag nalaman nila kaya sila nakauwi dahil pinakasalan kita. Hahanap pa ako ng bwelo, sige na pumayag ka na. Isa pa bakit nakalimutan mo kaya sa ibang bansa tayo nagpakasal dahil soon magdi-divorce tayo. Diba, usapan natin iyon?" nagpa-cute pa ako habang nakikiusap sa kaniya. “Kaya kong h
Jenyfer Naghiwalay kami ni Matet, pagdating namin sa living room. Kaya mag-isa akong nagtungo sa dining area. May gagawin pa raw siya sa hardin nag-aantay ang kasama n'ya roon. Kanina raw kasi nagtungo s'yang kitchen kasi inom ng tubig kaya siya ang nautusan ng Nana Ebeng. Nadatnan ko si Rhys nakaupo sa dulo ng mahabang mesa. Hitsura n'ya tila naiinip na kahit kinakausap siya ni Nana Ebeng. Pero hindi siya nakatingin sa Nana Ebeng. Patango-tango naman siya nakatungo nga lang sa phone niya, baka naman naiintindihan n'ya ang sinasabi ni Nana Ebeng, kaya tumatango siya bawat sabihin nito. Naka pang-office na siya. Pangalawang beses ko na siyang makitang naka suot ng suit una noong kinasal kami ngayon pangalawa. Ang tikas n'ya naman bagay na bagay talaga siya CEO at mafia boss. “Good morning,” tipid kong ngiti sabay sila tumingin ni Nana Ebeng. Seryoso si Rhys si Nana Ebeng lang ang ngumiti. “Rhys! Pupunta ako ng school, ha,” saad ko tumango siya. “Pagkatapos uuwi rin ako sa ba
Jenyfer Ngayon araw ang graduation ng grade 12 kong kapatid na si Dawn ang sumunod sa ‘kin. Buong pamilya kaming nag-attend dahil high honors si Down at siya rin ang top 1 buong batch ng grade 12, siya rin ang nagbigay ng speech. Nakasuot ako ng simpleng dress. May binili akong bouquet para sa
Jenyfer "Tauhan mo yata alis na diyan Rhys," wika ko tinulak ko pa siya aba't anong kasalanan ko sinamaan niya ako ng tingin. "Importante iyon kasi pumunta pa rito," dagdag kong sabi. "H'wag kang magsaya babae. Dahil hindi pa tayo tapos," hindi maipinta ang mukha nito kaya ngumisi ako para inis
Jenyfer "Sa office lang ako para makapagbihis ka. Bilis-bilisan mo ang kilos mo pagbalik ko uuwi na tayo," saad niya sa paraan ng pagkakasabi niya hindi maari suwayin. "Nasaan ang phone ko?" tanong ko sa kaniya. Kasi hindi ko na nakita simula ng pagising ko kanina. "Rhys, pati iyon pag-iinteres
Jenyfer Nakaupo akong tahimik lang sa tabi ng bintana at sa labas lang nakatingin. Natatakot ako pero ayaw ko naman ipahalata sa kaniya. Of course first time ko sumakay ng eroplano tapos pa ibang bansa pa. Mamaya hindi na ako makabalik sa magulang at mga kapatid ko. Kaya natatakot ako. Hindi nam







