Share

05

   Matapos naming mag-usap ay lumabas na siya ng silid. Ako naman ay nanood lang, kahit papaano ay nawawala saglit sa isip ko ang mga problema. Hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras.

Nakatulog din ako ng tatlong oras, may mga dumating na katulong paggising ko, nagdala sila ng pagkain. Matapos kong kumain ay nanood lang ulit ako.

Hanggang sa makarinig ako ng ingay sa labas, at ang malakas na sara ng pinto. Tumayo ako mula sa kama at binuksan ang pinto ng kwarto ko. Paglabas ko ng silid ay hindi ko makita si Laira.

Bigla naman akong kinabahan nang makita ang dugo sa sahig, sinundan ito ng mga mata ko. Meron din sa tapat ng pinto ng kwarto ni Kai–

Natigilan ako dahil sa narinig, parang may nabasag sa loob ng kwarto ni Kaius. Sunod sunod ang ingay mula ro'n.

Dinala ako ng mga paa ko sa harap ng pinto niya, wala sa sariling binuksan ko 'yon. Napatakip na lang ako ng bibig nang makita si Kaius, duguan ang damit niya ngayon at maraming basag na bote at gamit sa sahig.

" Get out!" He yelled. But my eyes landed on his shoulders.

"Y-you're bleeding!" Bago pa ko makapag isip ay gumalaw na ang katawan ko. Kumuha ako ng towel at tinakip 'yon sa sagot niya.

Napaupo na lang siya sa sofa, siguro ay dahil sa sugat niya, mukha rin siyang pagod.

"What the f—I told you to get the f*ck out!" Tinulak niya ako pero mahina lang 'yon. Kinakabahan ako dahil baka marami na ang dugong nawala sa kaniya.

" I-I don't know what to d—please let me help!" Kahit tinutulak niya ako palayo ay pinipilit ko pa ring lumapit, pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko.

"Oh God, we might need to bring you to the hospital!" I was so nervous my hands started to shake.

Natigilan ako nang hawakan niya ang braso ko. Wala na ang galit sa mukha niya, kalmado na ito.

" Calm down, call my doctor," Malalalim ang hinga ko habang tumatango. Mabuti at nakapatong lang sa maliit na lamesa ang cellphone niya kaya nakita ko agad.

"What's y-your pin?" Bumalik ako sa harap niya.

" 1021," tipid niyang sagot. Matapos kong ilagay ang mga numero na 'yon ay pumunta agad ako sa contacts.

" Pangalan?" Mas lalo akong kinakabahan, pakiramdam ko ay ang bagal ko. At kapag namatay to ay kasalanan ko pa!

" Doctor," sagot niya. Grabe hindi man lang ilagay pangalan.

Hinanap ko ang sinabi niya at agad pinindot ang call nang makita 'yon. Mabuti na lang talaga at mabilis itong sinagot ng doktor, mauuna pa ata ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Give that to me," si Kaius, pansin kong iba na ang boses niya. Inabot ko sa kaniya ang cellphone.

Umupo ako sa sahig habang pinapanood siya. Ngunit agad din akong napatayo nang bigla siyang kumilos, tumayo siya mula sa sofa at naglakad papunta sa banyo.

" I'm fine," Sabi niya no'ng subukan ko siyang alalayan. I'm fine daw, paano kung tanungin ako paano ka namatay? Sasabihin ko di kita tinulungan kasi sabi mo I'm fine? Bwiset!

" Stop glaring at me," natatawa niyang saad. Talagang may gana pa siyang tumawa. Mauuna pa ata akong mawalan ng malay.

Inaalalayan ko lang siya hanggang sa banyo, kinuha niya rito ang first aid.

"I'm hungry, can you cook for me?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya. " please, I want you to cook for me," Dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung paano niya nagagawang manghingi ng pagkain sa sitwasyon niya ngayon, ewan ko kung gutom talaga siya o gusto niya lang akong umalis.

But with his condition, how the hell can I say no?

" kaya mo ba rito mag-isa? Sigu–

" Hindi ito ang unang beses na nangyari to, kaya ko," hindi na niya pinatapos 'yong sasabihin ko.

"Sasabihan ko sila na bantayan ka para sa 'kin."

"No, I don't—

"That or I'm staying here and I won't cook for you!" Inis kong saad. Kinakabahan na nga ako, pasaway pa siya!

Mukhang nag-isip pa ito bago sumagot.

"Fine." Tumango ako saka siya iniwan, mabuti na lang ay nakasalubong ko si Laira paglabas ko.

" Sige po, samahan ko na ho kayo sa kusina," kalmado niyang saad. Hindi man lang nagulat sa binalita ko, tila ba sanay na.

" mabilis lang ba yung mga kasama mo? Hintayin kaya natin sila bago tayo bumaba?" Hindi ko gustong iwan si Kaius habang gano'n ang lagay niya.

" Ayan na po sila." Tumango na lang ako nang makita ang dalawa pang katulong. Si Laira na ang tumawag sakanila gamit 'yong mga device sa wall.

Nang makarating ako sa kitchen ay agad akong nagluto. Hindi ko rin alam kung bakit ko sinunod ang sinabi ni Kaius. Siguro dahil kinakabahan ako ngayon. O dahil sa itsura niya kanina.

"Nandyan na po ang doktor, huwag na po kayo masyadong mag-alala," rinig kong sabi ni Laira.

"Ah gano'n ba," nakahinga ako ng maluwag. Halata kayang kinakabahan ako? Normal lang naman! Makakita ka ba naman ng taong duguan eh.

Nang matapos kami ay agad kaming bumalik sa taas upang ibigay na kay Kaius ang niluto ko, kasama na namin ni Laira ang isa pang katulong at siya ang nagbuhat ng tray.

Nang makarating kami sa pinto ng kwarto ni Kaius ay agad kaming hinarang, 'yong matanda na nagdala sa 'kin ng tubig at dahilan kung bakit ako pinalabas ng guards nila.

" Mamaya na 'yan, ayaw pa ni Sir Kaius magpapasok," sabi niya.

Tumango lang ako saka humarap kay Laira.

"Dalhin muna natin sa kwarto ko," sabi ko sa kaniya.

Naiwan kami ni Laira sa kwarto ko, tatawagin na lang daw kami kapag tapos na mag-usap ang doktor at si Kaius.

"Si Manang Riza, medyo masungit lang 'yon pero mabait naman," Napatingin ako kay Laira. Yo'n pala ang pangalan niya, parang marami rin siyang alam tungkol sa pamilya nila Kaius.

"Close ba sila ni Kaius?" Tanong ko.

"Siguro ho, kasi si Sir Carter, 'yong lolo ni sir Kaius pa lang po ang nakatira rito ay nandito na si Manang Riza," sagot niya.

Matapos ang maikli naming usapan ay tahimik na kaming naghintay. Sinabihan ko rin siyang umupo na muna dahil balak pa ata niyang tumayo lang habang naghihintay.

Ako naman ay medyo kinakabahan pa rin, bumabalik sa isip ko ang dami ng dugong nakita ko kanina. Napano kaya siya?

Nang lumabas ang doktor sa silid niya ay malaya na kaming nakapasok do'n. Iniwan lang ni Laira ang pagkain ni Kaius, bago umalis.

Tahimik lang ako habang pinapanood siya. Wala siyang suot na damit at nakatakip na rin ang sugat niya.

"You can go, I'm alright," rinig kong sabi niya.

"Sigurado ka ba? Ang daming dugo ang nawala sayo kanina, ayos ka lang ba t-

"Hindi naman lahat 'yon ay galing sa 'kin," kumunot ang noo ko sa sagot niya.

" You killed someone again—I mean did someone try to kill you again?" I nervously asked. I didn't want to offend him or anything.

" Yeah my brother did," Sagot niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status