Share

04

   Maraming tumatakbo ngayon sa isip ko. At hindi pa rin ako makamove on sa nakita ko, kaya madali nila akong nalabas sa silid na 'yon.

"Naku, ano po bang ginagaw—

"Bitawan niyo ako," sabi ko sa mga babaeng nakahawak sa 'kin. Mukhang mga katulong sila rito.

"Dadalhin po namin kayo sa kwarto niyo," nakayuko pa ang babae habang sinasabi 'yon.

" Sabing bitawan niyo ako!" sinunod nila ang sinabi ko. Agad akong napaupo, dahil nang-hihina pa rin ang tuhod ko.

"Huwag niyo kong hawakan," giit ko nang subukan nila ako ulit alalayan. Kailangan kong makita ang labas, kung ano ang paligid nito. Kung paano ako lalayo.

"Iwan niyo na muna ako, please," pakiusap ko. Mabuti na lang at sinunod nila ako. Nang mawala na sila sa paningin ko ay pinilit ko ang sariling tumayo, ang mga pader na lang ang umaalalay sa 'kin.

Naglakad ako at sinubukang hindi isipin ang masakit na paa. Hanggang sa makalabas ako ng mansyon, ilang hakbang pa palayo ay nakikita ko na ang isang kalsada.

There's a road infront of the gates, I don't know where it leads though. But surely if I follow it, I might be able to find a way out.

I don't care if I won't be able to walk again after forcing myself. I don't care if I die out there, there's no way in hell I'll die without a fight. I don't care if that bastard will try to kill me, I don't care, all I want is to get away from him.

Kailan ba to matatapos. Hanggang kailan niyo ba ako pahihirapan!

Napatingin ako sa langit, ano ba ang kasalanan ko?

Mas pinili kong lakasan ang loob at nagsimulang maglakad palapit sa gate. Ilang hakbang na lang siguro ang layo ko mula rito nang harangin ako ng tatlong guards.

"Aalis na ako, padaanin niyo ko!" Parang hindi sila nakikinig, wala akong makitang emosyon sa mukha nila. At mukhang wala rin silang balak na padaanin ako.

"Sige, hayaan niyo siya," napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likod ko. Nakita ko ang matandang nagdala ng tubig sa 'kin kagabi. 

Bigla nalang tumabi ang mga kaninang nakaharang sa 'kin upan bigyan ako ng daan. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makalabas na ako ng gate.

Ilang minuto siguro akong naglalakad, hindi ko na pinansin ang pagtulo ng luha ko, siguro dahil masakit ang paa ko ngayon. Wala naman akong balak tumigil sa paglalakad, kaso sumuko na ata ang paa at katawan ko kaya nadap ako.

"Damn–

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kaius. Halo halong emosyon ang makikita mo sa mukha niya, hinihingal pa ito. Mukhang tumakbo siya.

Dali dali at pinilit ko ang sarili na tumayo. Kaso mabilis siya, nahawakan niya ang pulsuhan ko.

" Bitawan mo ko!" Agad akong nagpumiglas, pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak, ang isang kamay niya ay nakahawak na rin sa braso ko. Napaupo tuloy ako, habang siya ay pilit akong hinahawakan.

" F*ck it! You said you weren't afraid! What the hell—

" D*mn you! What do you expect me to feel after I saw you killing someone. You're a monster, no wonder you live alone!" The emotions in his eyes suddenly vanished, it's as if he became empty. That look, it was familiar, I've seen it in the mirror a couple of times.

Binitiwan niya ako, nakatingin pa rin siya sa mga mata ko.

" We have a deal, you can't break it. I won't let you, so get up," kinilabutan ako sa boses niya. Ano bang gagawin niya sa 'kin? Papatayin niya rin ba ako kung hindi ako susunod?

"N-No, if you want to kill me, so be it!" I couldn't keep myself from crying. I'm hopeless, this life is hopeless.

Yumuko lang ako at hinayaan na tumulo sa lupa ang mga luha ko. I guess twenty three years is enough, I've lived that long. I managed to have a normal life during my teens–and maybe I'm not allowed to ask for more.

Nagulat ako nang buhatin niya ulit ako. Gano'n pa rin ang mga mata niya, ngunit ramdam ko ang bigat sa dibdib niya.

" He was planning to kill me, so I had to. Hindi ko alam na makikita mo." Kill him? Why would that guy kill him?

Pero mukhang hindi siya nagsisinungaling. There's just something about him, that makes me want to know more about him. I want to know why–Why do I want to believe him.

"Tinanong mo ako kung dapat ka bang matakot," nagsimula siyang maglakad, hindi ko siya magawang tignan, hinigpitan ko na lang ang kapit ko sa kaniya. " Don't, don't be afraid of me," dagdag niya.

He sounded like he's just as broken as I am, which made me want to understand why.

Dinala niya ako pabalik sa mansyon, ngayon ay nasa living room na kami. Parehas walang imik, hanggang sa pumasok ang ilang katulong upang gamutin ang mga bagong sugat ko, nakuha ko siguro 'yon no'ng madapa ako.

"Miss Everleigh, tubig po?" Napatingin ako sa isang katulong na may hawak na tubig, agad ko 'yon kinuha saka nagpasalamat.

" Don't call her Everleigh, She doesn't like it. Mira ang itawag niyo sa kaniya," sabat ni Kaius.

" Sige po sir."

Napairap na lang ako, kung siya nga ayaw niyang makinig sa 'kin. Mira pa rin ang tawag niya. Muli kaming nabalot ng katahimikan nang maiwan kaming dalawa sa silid.

" The maids, they're not allowed to enter the house when we're around or when we're awake. They can only enter if they have a permission, we're both away or asleep. So if you need them," tumigil siya saka tumayo, nasa tapat siya ngayon ng isang maliit na screen na nakadikit sa pader, may maliit na button sa baba no'n. "Just press this button, talk and they will hear. You can also search for rooms, check the front gate, search for items or send your orders by typing them on the screen," Dagdag niya.

He really is mysterious, Bakit may mga gustong pumatay sa kaniya. This mansion, the whole deal. A lot of red flags, but now that I've managed to calm down. I realized I don't really have a choice.

Sa ngayon, walang ibang makakatulong sa 'kin kundi siya. Mabilis akong mahahanap ni Ryle kung pupuntahan ko ang mga kakilala o kaibigan ko. Hindi naman niya ako sinasaktan, saan na lang ako pupulutin kung aalis ako rito.

And minus the child, it was a good deal.

"May kailangan pa akong puntahan," tumingin siya sa cellphone niya. Nagulat naman ako nang lumapit ulit siya sa 'kin.

"A part of our deal is keeping you safe, I won't do anything that will harm you. So don't try to run away from me, because wherever you go, I'll follow," He made sure that everything he said was loud and clear before walking out the room.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko, siguro dahil mas malaki ang parte sa 'kin ang naniniwala sa sinabi niya.

I guess, He's my only way out of hell right now. Siya lang ang nakikita kong paraan para makabangon ako. Aside from that, I want to know why he seem just as lonely and as broken as I am. Or maybe, I'm wrong.

Sinubukan kong libangin ang sarili ko habang mag-isa sa bahay niya. Matagal ko rin kasi hindi nagawa ang bagay na 'yon. Hindi ko pa natatapos ang college noong ipadala ako ng magulang ko sa bahay ni Ryle, sayang.

Nakakamiss mag-mall, gumala, gumuhit...

Maraming bagay ang nawala sa 'kin simula nang dumating sa buhay ko ang lalaking 'yon. Matagal na nagtatrabaho ang pamilya namin para sa pamilya nila, maraming utang na loob man o pera, sila rin ang dahilan kung bakit komportable ang buhay ng pamilya namin. Kaya ang bilis akong itapon ng mga magulang ko, kaya no'ng hingin ako sakanila ay binigay nila agad ako.

Bata pa lang ako no'ng sinabi ni Ryle sa magulang niya na ako ang gusto niyang pakasalan pagdating ng araw, Agad na sinabi ng magulang niya ang hiling na 'yon sa magulang ko. Nakakainis, bata pa lang siya, g*go na. Pero ang mas nakasasama ng loob ay 'yong pumayag agad ang magulang ko sa hiling niya, kapalit ng komportable't maluhong buhay, handa nila akong iwan.

That's how I ended up alone, I wonder how Kaius ended up in this house, all on his own.

Tama nga siya, walang ibang katulong akong nakita kundi ang nakasunod sa 'kin ngayon. Siya kasi ang umaalalay sa 'kin.

Pwede kaya ako magtanong sa kaniya?

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko, naupo ako sa kama saka binuksan ang TV. Napansin ko na lalabas na 'yong katulong na kasama ko kanina.

"Saglit!" Pigil ko sa kaniya. " umupo ka muna," dagdag ko pa.

Sinunod niya ang sinabi ko at umupo sa isang sofa rito sa silid.

"Pwede ba akong magtanong tungkol kay Kaius?" Halatang nagulat siya at may alinlangan.

"Kung hindi mo pwedeng sagutin, ayos lang din," sabi ko.

"Sige ho, magtanong kayo. Sasabihin ko kung pwede o bawal ko bang sagutin," tugon niya.

Tumango ako at saka nag-isip ng itatanong. Siguro, 'yong hindi gaano personal?

"Gaano katagal na si Kaius mag-isang nakatira rito?"

"Simula po no'ng fifteen siya," Nagulat ako sa sagot niya. Mag-isa siya rito sa gano'ng edad?

"Where's his family?"

"Hindi ko po ata pwedeng sagutin, pero alam ko po ay pamana ito sa kaniya ng lolo niya. Hindi rin ho ata maganda ang relasyon nila ng pamilya niya kaya tumira siya rito," tumango tango lang ako.

Siguro nga, parehas talaga kami...

" Anong trabaho niya?" Medyo kinakabahan ako sa isasagot niya. Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong lalaki kanina.

Pero malay mo nga naman, siya ang nasa tama. Pocha mababaliw ako sa dami ng tanong sa isip ko.

"Ahh ehh, ano po di ho sure." Napakamot ang katulong sa ulo niya, " sa business po?" Tumango na lang ulit ako.

Marami ba siyang nakakaaway sa negosyo niya? Sabagay, pamilyar din ako sa mga gano'n lalo't pasok din sa buhay na 'yan ang magulang ko.

"Ano pa lang pangalan mo?" ngumiti ako sa kaniya.

"Laira po," sagot niya.

"Hmm, is he nice to you guys?" I just really want to know what kind of man he is.

"Hindi naman po namin siya nakakausap, minsan lang din po namin nakikita. Ako po kasi bago lang ako, tatlong taon pa lang po ako rito. 'Yong ibang mga kasama ko ay nagtatrabaho na rito noong lolo pa ni Sir Kaius ang nakatira," Base sa sagot niya, hindi naman masama ang trato niya sakanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status