Share

A Deal With Mr. Billionaire
A Deal With Mr. Billionaire
Author: misscnu

Prologue

“Totoo po ba na hiwalay na kayo ni Mr. Chester?”

“Ano po ang masasabi niyo sa sinabi ni Miss Anabelle na disgrasyada raw po kayong babae?”

“Sino po ang ama ng anak niyo?”

“Cheating po ba ang nangyari kaya kayo naghiwalay ni Mr. Chester?”

“Totoo po ba ang lahat ng sinabi ni Miss Anabelle?”

Huminga ako nang malalim nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng kotse. Mang Anton closed the car door to shut them all up. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Parang gusto ko na lang umalis at maglaho nang tuluyan.

I looked at them using the window of my car at kita ko ang desperasyon sa mga mata nila. They want answers at gusto nilang marinig iyon mula sa bibig ko. I also saw some acquaintances sa gilid pero hindi na ako nag-abala pa na magpaalam sa kanila. Kita sa mga mata nila na naguguluhan sila sa mga nangyayari.

I shut my eyes, trying to calm myself. “How’s Scarlett?” tanong ko agad. I can’t think straight but I can’t just sit here knowing what my daughter would feel at kung ano ang sabihin ng mga tao after malaman ng publiko ang tungkol sa kaniya.

“Nasa bahay na raw po sila sabi ng nanny niya. Umuwi naman daw silang safe at wala namang masamang nangyari kay Scarlett. Gusto ka raw ng anak mo but I suggest na pahupain muna natin ang isyu bago ka makipagkita sa kaniya. We don’t know what they will say sa’yo kaya mabuti na ang maging maingat muna.”

I wanted to cry but I can’t. Gusto kong maiyak sa mga nangyayari ngayon. Pagod na ako, pagod na pagod na. Hindi ko alam kung kanino ako kukuha ng lakas. Ubos na ubos na ako. I want to cry and ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon but kanino naman ako lalapit?

“Umalis daw po ng bansa si Mr. Chest---”

“Don’t talk about him,” I quickly interrupted her. Ayaw kong makarinig ng tungkol sa kaniya. He’s the last thing I would care about. Fck him. Umalis siya kung gusto niya at ‘wag na sana siyang bumalik pa. Unahin niya ang babae niya kung gusto niya at wala ako pakialam.

“Sorry, Miss but I suggest na you do something para hindi maghinala ang mga media. They have sharp eyes and also may ibang gustong makita kang bumagsak, naghihintay lang sila ng maling galaw mo para mapabagsak ka. Of course, we can’t let that happen, damay lahat ng kung anong meron ka ngayon at ang mga bago mong endorsement. So, we better find solution.”

“Let me handle that,” sabi ko na lang kay May.

I know she wants me to go and find where Chester might be right now pero ayaw ko munang makita ang pagmumukha niya. I don’t want to see him lalo na at galit kami sa isa’t isa ngayon. If he doesn’t want to hear my explanation then we are basically done. Unahin niya ang babae niya kung gusto niya.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa byahe, nagising na lang ako nang maramdaman na tumigil na ang takbo ng sasakyan. “Thanks,” sabi ko kay Mang Anton nang pagbuksan niya agad ako ng pinto. I sighed and stopped for a moment to look at our house.

It looks empty, palagi naman ganito but somehow, this time, it seemed to be different. Umiling ako at binuksan ulit ang pintuan ng kotse. Kita ko ang pagtataka sa mukha nila pero walang nagbalak na magtanong.

“Book me a flight sa kung nasaan man si Chester ngayon.”

“Maghihintay ka sa airport?” Umiling ako sa tanong ni May. Why would I? I am not that desperate na makita siya. I am not doing this to be with him. I am doing this for the both of us. Kung galit siya mas galit ako pero kaya kong lunukin ang galit ko para lamang sa tanginang kasal na ‘yan.

“I will wait at Scarlett’s house. Just wait here, kaya ko naman mag-drive mag-isa.”

“The other car is available. You can use it, Miss. Para hindi ka masyadong mapansin ng mga tao,” suhestiyon ni May.

Mabilis akong tumango at lumabas para puntahan sa garahe ang kotse na bigay ni Chester. Binili niya ito para sa akin, para malaya akong makaalis ng bahay kung gusto ko. It’s not that flashy, hindi naman ito masyadong mamahalin but it’s just enough para hindi malaman na ako ang nasa loob ng sasakyan.

“Call me if you need anything. Kung may gusto kayong ipabili o kahit ano. I’ll just email you the details of your flight later,” rinig kong paalala ni May.

The sound of the engine softly roared as I turned it on. Tumango na lang ako kay May para hindi na humaba pa ang usapan namin. I want to surprise Scarlet and cook for her. Kaya lang hindi na ako makabili pa ng mga gusto kong bilhin kasi mainit pa ang mata ng media sa akin.

Hindi naman masyadong malayo ang byahe pero it took me almost an hour pa rin. The house is heavily guarded kaya kampante naman ako sa seguridad ng anak ko. Nang makita ng mga guards ang sasakyan ko ay mabilis din nilang binuksan ang gate.

It’s been two months bago muli akong nakabisita rito and in those two months na hindi ko nakakausap ang anak ko ay parang nanghihina na ako. Ayaw kong malaman nila ang tungkol sa anak ko, not that I am not proud of her but I am just protecting her privacy.

I just don’t know kung paano nalaman ng putanginang babae ang lahat. I didn’t know she would step that low para lamang mapabagsak ako. I didn’t know she would get that far after niya pakialam ang marriage namin ni Chester. She must be insane for doing such thing.

“Good evening, Miss---”

“Where are they?” nagtatakang tanong ko nang makita na wala ang sasakyan sa garahe. Wala akong makitang sasakyan loob mismo ng bahay. Hindi ko maiwasang kabahan nang makita rin ang pagtataka ng guard sa tanong ko.

“Umalis po, Miss. Akala ko nga magkikita kayo---”

Fck! Hindi ko na pinatapos ang guard at mabilis na pumasok sa sasakyan ko. Saan sila? Akala ko ba nakauwi na sila? Maayos na silang nakauwi pero bakit wala pa rin sila rito? Nanginginig ang kamay ko habang kinokontak ang nanny ni Scarlett.

Ilang beses kong tinatawagan ang phone niya pero ring lang ng ring. Kahit malakas ang aircon sa loob ng sasakyan ay butil ng pawis pa rin ang naramdaman kong nahulog mula sa leeg ko. Fck! Bakit hindi siya sumasagot? Saan niya dinala si Scarlett?

Tinawagan ko si May at ilang segundo lang ay sinagot na niya ang tawag. “Akala ko ba nakauwi na sila? Nasaan ang anak ko, May? Bakit wala pa rin dito?” galit kong tanong. Hindi ko na magawang huminahon pa dahil anak ko na ang usapan dito.

“Huling tawag ko sa kanila sabi ay maayos silang nakauwi? Hindi ko na tinawagan pa ulit kasi ikaw na ang inaalala ko. Calm down and let me find them,” mabilis niyang sagot.

No! How can I calm down kung ganitong hindi ko makita ang anak ko? Paano ako kakalma kung wala ang anak ko rito? “Locate them, asap. Bilisan mo, May. Anak ko ang usapan dito, hindi kung sino-sino lang!” galit kong utos at pinatay ang tawag.

Tinawagan ko ulit ang nanny ni Scarlett pero hindi pa rin ito sumasagot. Hindi nan ga siya nagpaalam sa akin na ilalabas niya si Scarlett tapos ngayon ayaw niya pa na sagutin ang tawag ko?

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan. Kapag may nangyaring masama kay Scarlett hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta basta gusto ko lang umalis sa lugar na iyon.

Medyo nahihilo na ako dahil wala akong kain kanina pa pero mas inaalala ko ang anak ko. “Ano? Nasaan sila?” bungad ko kay May nang sagutin ko ang tawag niya.

“Nakauwi na raw talaga sila kanina pero umalis din. I’m still tracking the location of the car. I can hear your engine’s roaring, Miss. Huwag kang gumawa ng kung ano at kumalma ka na lang muna. Baka kapag nahanap ang anak mo ay ikaw naman ang hahanapin,” sabi ni May.

Saktong nag-red light kaya tumigil muna ako sa tabi. “Do it faster, May. Find Scarlett,” nanghihina kong sabi. Ramdam ko na talaga ang hilo ko dahil sa pagod at gutom kaya sinunod ko na lang ang sinabi ni May. Pinatay ko ang tawag at naghanap ng lugar kung saan ako magpapalipas ng oras.

Nang makahanap ay wala sa sariling tinitingnan ko ang phone ko. Naghihintay sa tawag ni May, hindi na ako nagbalak pa na tawagan pa ang nanny ni Scarlett. Ilang minuto rin akong nakatitig doon hanggang sa may isang tao akong hindi inaasahang tatawag. Wala sana akong balak na sagutin iyon kaya lang wala sa sariling pinindot ko ang answer button.

“Where are you?” he asked. Ramdam ko ang lamig sa boses niya nang tanungin niya ako. What? Akala ko ba umalis siya nang bansa? Bakit tumawag siya?

“I’m not in the mood to argue with you, Chester.”

Yes, my so-called husband is calling me.

“Your daughter is here with me.”

What? Bigla akong napaayos nang upo. He’s with what? “Paanong napunta sa ‘yo ang anak ko? Fck you! Halos mabaliw na ako kahahanap sa kaniya and you didn’t even tell me,” galit kong sambit.

“That’s why I am calling you right now to inform you that your daughter is here with me,” mahinahon niyang sabi. Fck you!

“Where are you?” tanong ko at hindi na pinansin pa ang sinabi niya. Paanong napunta sa kaniya ang anak ko?

“No, tell me where you are at pupuntahan ka namin. Your daughter is still eating at the moment but don’t worry she is eating inside my car,” sabi niya. Hindi ko na magawang makipag-away pa at sinabi ko na lang kung nasaan ako dahil parang wala na akong lakas para mag-drive pa.

Hindi naman ganoon katagal ang paghihintay ko dahil nakita ko rin naman ang sasakyan ni Chester na papalapit sa sasakyan. Hindi na ako naghintay pa na makalapit sila, bumaba na ako sa sasakyan ko para salubungin ang anak ko.

“Mommy!” sigaw ng anak ko nang buksan ko ang pinto ng sasakyan sa likod. Medyo madungis pa siya dahil sa ice cream na nagkalat sa gilid ng labi niya kaya pinunasan ko iyon gamit ang kamay ko. Hindi ko nakita ang nanny ni Scarlett pero hindi na ako nagtanong pa.

“Leave the car and hop in. Let’s go home,” sabi ni Chester.

Tumango na lang ako at tumabi sa anak ko, kinalas ko ang seatbelt niya at mahigpit siyang niyakap. Walang umimik sa amin habang tinatahak ni Chester ang daan papunta sa bahay namin. PInabayaan ko lang din na kumandong sa akin si Scarlett hanggang sa makatulog siya.

“You didn’t tell me about her,” biglang sabi ni Chester sa gitna ng katahimikan. “I won’t even know a single information about your daughter if it’s not with the help of---”

“What? Say that bitch names nang makita mo,” banta ko sa kaniya. Tumahimik siya at hindi na nagsalita pa. Alam kong may gusto siyang malaman at may gusto siyang itanong pero pinili na lang niyang tumahimik, takot na baka may masabi siyang mali.

“She’s my daughter, Chester. I am her mother,” mahinahon kong sabi kahit hindi siya nagtanong. Sinabi ko iyon nang hindi siya tinitingnan, afraid that he might get some information from me kapag nakita niya ang mata ko.

She is my daughter. I may not be the one who gave her life to the world but I am the one who raised her. I am her mother.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status