Share

CHAPTER 7: Dinner

Author: Dita SY
“Bagay ba sa’kin itong suot ko?” tanong ni Felize habang ipinapakita ang kanyang kasuotan kay Christopher, na abala sa pagsusuklay ng makintab nitong buhok at pag-aayos ng manipis na bigote sa ilalim ng ilong.

Tiningnan ni Christopher ang kanyang asawa mula ulo hanggang paa. Nakasuot si Felize ng puting blouse na may mahabang manggas at bahagyang transparent, ipinares sa mahabang itim na palda.

Ang mahaba niyang buhok ay nakapusod na parang bun, may banayad na ayos sa mukha at red na lipstick na hindi masyadong makapal.

Aminado si Christopher, kahit walang make-up ay maganda na si Felize. Kahit anong isuot ng babae ay bagay dito. Ganoon pa rin ang hitsura nito simula ng ikasal sila dalawang taon na ang nakakalipas.

Iyon ang dahilan kung bakit hinabol siya ni Christopher noon, handang makipagkompetensiya sa maraming lalaki. Sa huli, ito ang nanalo sa puso ni Felize at nakamit ang pagkabirhen ng dalagang iyon.

Malaki ang agwat ng edad nila, ngunit buong puso pa ring tinanggap ni Felize si Christopher, kahit ordinaryo lamang ang pamilya nito. Hindi rin nagbago ang trabaho ni Christopher—empleyado pa rin sa pribadong kumpanya.

“Sumagot ka naman. Bagay ba sa’kin itong suot ko?” ulit ni Felize, dahil nakatitig lang si Christopher sa kanya, tila nabighani.

“Maganda ka kahit ano pa ang suot mo. Mas maganda ka nga kung wala,” biro ni Christopher, walang ngiti o tawa, ngunit sapat para mamula si Felize.

“Ang galing mo talagang sumagot,” tugon niya habang nakangiti. “So ito na lang, ha? Hindi ba masyadong seksi? Transparent kasi.”

Umiling si Christopher. “Maganda ang katawan mo, bakit ka mahihiya? Napakasexy mo kaya. Kung pangit ang katawan mo, doon ka mahiya.”

“Hindi namansa ganoon. Natatakot lang akong magalit ka kung magsusuot ako ng masyadong revealing.”

“Hindi,” sagot ni Christopher nang walang pakialam, saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng bigote at balbas.

Samantala, naghanda na si Felize at isinuot ang high heels na regalo ng kanyang biyenan dalawang taon na ang nakalipas.

Dahil bihira siyang lumabas at dumalo sa mga handaan, maayos na nakaimbak sa aparador ang kanyang mga damit at sapatos.

Hindi niya alam kung bakit, pero ngayong gabi gusto niyang magmukhang bongga. Karaniwan, kahit sa kasalan ng mga kamag-anak ni Christopher, couple shirt lang ang suot nila.

“Tara na, Christopher. Handa na ako,” aya ni Felize habang lumalapit kay Christopher na abala pa rin sa bigote.

“Mauna ka na sa kotse. Tatae muna ako,” tugon ni Christopher sa kanya.

Kumunot ang noo ni Felize. “Hindi ba kanina pa diyan? Bakit ngayon mo lang naisipang tumae?”

“Ngayon ko lang naramdaman. Kanina sumasakit lang ang tiyan ko. Nakakahiya naman kung sa bahay ni Dominic pa ako tatae.”

“Sige na, tumae ka na. Maghihintay ako sa kotse.”

“Huwag mong kalimutang dalhin ang pasalubong ni Mama,” itinuro ni Christopher ang malaking kahon sa mesa.

May laman itong pagkaing iyong delicacy ng mga bicolano, ang probinsiya ng pamilya ni Christopher, na ipinadala ni Lucinda kanina.

“Maghihintay ako sa kotse,” sabi ni Felize matapos kunin ang kahon. Lumabas siya ng kuwarto habang pumasok si Christopher sa banyo.

Pagkaupo pa lang sa kotse, tumawag na ang kanyang biyenan.

“Paalis na po kami ni Christopher papunta sa bahay ni Doctor Dominic, Ma.”

“Oh, mabuti. Iyon lang ang itatanong ko. Mag-ingat kayo. Huwag kalimutang iparating ang pagbati ko sa kanya at sa asawa niya.”

“Opo, Ma. Sasabihin ko po.” At ibinaba na niya ang tawag.

Sa loob ng kotse, tiningnan ni Felize ang kanyang mukha sa salamin at napangiti, humahanga sa sariling ganda.

“Talaga bang mas maganda ako kaysa sa asawa ni Dominic?” bulong niya, sabik na makilala ang asawa ng dati niyang kaklase.

Wala pang sampung minuto, dumating si Christopher at sumakay sa kotse, umupo sa driver’s seat.

“May naiwan ba?” tanong ni Christopher, lumingon-lingon.

“Wala na. Nasa akin na lahat,” sagot ni Felize. “Ay oo, tumawag si mama kanina.”

“Ano’ng sabi?”

“Huwag daw kalimutang iparating ang pagbati niya para kay Doctor Dominic at sa asawa niya.”

“Ah, akala ko kung ano.” Inistart ni Christopher ang makina at umalis na sila ng bahay.

Buong biyahe, tahimik silang dalawa. Nakatuon si Christopher sa kalsada, habang si Felize ay abala sa pagtiyak na maayos ang kanyang ayos.

Hindi umabot ng isang oras, narating nila ang marangyang bahay ni Doctor Dominic.

Huminto si Christopher sa harap ng matayog na itim na gate upang tiyaking tama ang address.

“Dito ba talaga ang bahay ni Doctor Dominic?” tanong ni Felize, humahanga sa modernong disenyo ng bahay na kulay itim at puti.

“Oo. Tugma sa address na ibinigay ni Mama—itim at puti, numero bente-dos, nasa dulo,” sagot ni Christopher habang binabasa ang message.

Tumango si Felize. “Ibig sabihin tama nga. Ang laki, ang ganda,at ang bongga ng bahay nila.”

Napabuntong-hininga si Christopher. Muli na naman siyang nakaramdam ng pagkatalo—kahit sa pinsan.

Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang dumalo sa mga reunion: wala siyang maipagmamalaki kundi ang asawa.

Anak—wala siya!

“Baba na,” sabi ni Christopher habang tinatanggal ang seatbelt.

Tinanggal din ni Felize ang nakakabit niyang seatbelt. Umaasa pa ba siyang si Christopher ang magtatanggal? Kahit magdamag pa sila doon, hindi iyon mangyayari.

Sabay silang bumaba at iniwan ang kotse sa labas ng gate.

Hinaplos ni Christopher ang gate, hinanap ang door bell.

“Sino ang hinahanap niyo?” tanong ng guwardiyang sumilip mula sa gate.

“Si Doctor Dominic. Inimbita kami para sa dinner ngayon,” magiliw na sagot ni Felize.

“Ako po si Christopher, pinsan ni Dominic,” dagdag ni Christopher.

“Sandali lang po,” sabi ng guwardiya at binuksan ang gate.

“Sino ‘yan?” tanong ng isang taong nasa pintuan ng marangyang bahay.

“Mga bisita n’yo raw po, Ma’am. Pinsan daw po ni Sir Dominic, kasama ang asawa,” sagot ng guwardiya.

“Oh, si Christopher ba ‘yan? At si Felize?”Pumasok ang babae sa loob at tinawag ang asawa. “Dominic, dumating na ang mga bisita mo.”

Si Dominic, na nakatayo sa harap ng salaming kabinet malapit sa sala, ay inaayos ang puting polo habang bahagyang nakangiti sa sariling repleksyon.

“Maligayang pagdating sa bahay ko, Felize.” bulong niya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 50: Tatlong Araw Nang Walang Felize

    SA OSPITAL..“Nasaan na si Alice?” tanong ni Christopher kay Felize, na abala sa pagbabalat ng mansanas na iniutos niya kanina.“Nang lumabas ako sa banyo, sinabi niya na kailangan na niyang umuwi. Nagliligalig na ang anak niya at hindi tumatahan nang wala siya,” sagot ni Felize.Biglang hinawakan ni Christopher ang mansanas na kalahati pa lang nababalatan mula sa kamay ni Felize. Nagulat ang babae sa kanyang ginawa.“Mananatili ka rito ngayong gabi,” utos ni Christopher habang kumagat sa mansanas. “Maawa ka naman sa mga magulang ko. Matatanda na sila at kailangan nilang magpahinga. Hindi sila dapat manatili sa ospital.”“Pero sinabi ng mga magulang mo na huwag akong mananatili dito sa ospital, Christopher,” mahinang tugon ni Felize. “Sinisikap nating magkaanak. Natatakot akong mahawa o makakuha ng virus dito.”“Ah, manahimik ka nga! Isa na namang palusot,” pasaring ni Christopher. “Nandito ka lang sa loob ng kwarto, hindi ka naman nag-iikot sa ospital. Hindi lalapit sa’yo ang virus.

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 49: Alam Mo Ba Kung Sino ang Babaeng Iyon?

    “Gusto kong makausap si Dominic, Ma..” Lumabas si Hilary mula sa kanyang silid, mabigat at pasuray-suray ang kanyang mga hakbang.Maghapon na siyang umiiyak; namamaga ang kanyang mga mata at kumikirot ang ulo dahil sa sakit at pagkadurog. Sa kabila ng matinding pagod, pinilit ng batang doktor ang sarili na hanapin ang kanyang asawa. Lunurin man siya ng dalamhati, binalewala niya ang hungkag na kirot sa kanyang sikmura—wala siyang naisubo ni isang pagkain mula pa kaninang umaga.“Magpahinga ka muna, Hilary. Ako na ang kakausap kay Dominic at papupuntahin ko siya sa silid mo,” pakiusap ni Karmen habang nagmamadaling sumunod sa anak. “Huwag muna ngayon,anak. Masyado ka nang mahina.” Pinagmasdan niya ang anak na may lumalaking pag-aalala.“Hinding-hindi siya pupunta sa silid ko, Ma. Ako ang kailangang lumapit sa kanya,” giit ni Hilary habang nagpupumilit magtungo sa sala ng napakalaking bahay, kung saan inaasahan niyang matatagpuan ang kanyang ama at asawa na nag-uusap.Ngunit pagdati

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 48: Ang Pag-alis

    Sa loob ng malamig at magarang tahanan ni Hilary, lason ang namamayaning hangin sa loob. Matapos mawalan ng malay si Hilary, dinala siya sa kanyang silid, iniwan si Dominic na mag-isa upang harapin ang galit ng tatay ni Hilary na si Arnulfo. Ang matandang lalaki ay nakaupo na tila isang hukom sa kanyang silyang may mataas na sandalan, ang tinig ay punô ng mapanlibak na pananalita ng isang tipikal na mayamang matapobre habang minamaliit hindi lamang si Dominic, kundi pati ang payak na pinagmulan ng kanyang mga magulang."Huwag niyo ng idamay ang mga magulang ko dito, Sir. Ako na lang ang husgahan niyo," mariing sabi ni Dominic, mababa ang boses ngunit may diin ang bawat salita. Mariin niyang pinagdikit ang kanyang mga ngipin hanggang sa mangalay ang kanyang mga kalamnan sa mukha."Hindi mo nauunawaan ang mga kahihinatnan ng ginagawa mo!" singhal ni Arnulfo, yumuko bahagya pasulong. "Nalimutan mo na ba na lahat ng tinatamasa mo ngayon—ang bahay na ito, ang reputasyon mo, ang titulo mo—

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 47: Ang Desisyong Ginawa

    Habang papalayo, malayang iniisip ni Dominic ang kanyang kapakanan. Ibinubulong niya ang mga salita habang papalayo kahit siya lang ang nakakarinig."Malapit ko ng gawin ang pinakamahalagang desisyon sa aking buhay. Ang pakikipaghiwalay sa kanya ang tanging paraan upang wakasan ang cycle ng sakit sa pagitan natin.Sa buong taon ng pagsasama natin, namuhay tayo sa ilalim ng iisang bubong, ngunit hindi talaga tayo naging magkasama. Sa loob ng maraming taon, tiniis ko ang katahimikan, umaasang magbabago siya, hinabaan ang aking pasensya hanggang sa halos wala ng matira. Sa wakas, naunawaan ko na isa lamang akong tao; kahit ang aking pasensya ay may hangganan.Hindi lang ito dahil may ibang babae na ngayon sa puso ko—bagaman marahil ay nandoon na siya sa simula pa lang. Matagal ko nang pinagbabalakan ang desisyon na makipaghiwalay bago pa man muling nagtagpo ang landas namin ni Felize, ang aking first love.Ilang buwan na ang nakalipas, kumonsulta ako sa isang family lawyer at nagsubmit

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 46: Ayokong Makipaghiwalay!

    Dahan-dahang nagkamalay si Hilary sa isang silid ng kalapit na ospital. Isang babaeng doktor—malapit niyang kaibigan mula pa noong mga araw nila sa unibersidad—ang abalang sumusuri sa kanya.“Nasan si Dominic?” pabulong na tanong ni Hilary, paos ang boses.“Naghihintay siya sa labas,” sagot ni Danielle habang ibinababa ang clipboard. “Nag-away na naman ba kayo? Masuwerte ka at buhay ka pa, Hilary.”Nanahimik si Hilary. Bumalik sa isip niya ang alaala ng biglang pagliko ng sasakyan at ang desperado nilang agawan sa manibela. Sa isang iglap, naniwala talaga siyang sabay silang haharap sa kabilang buhay. Mamamatay silang magkasama.“Kumbinsido ka pa rin bang may iba siya?” tanong ni Danielle, hindi napigilan ang kuryosidad.“Hindi lang hinala—alam ko,” sagot ni Hilary habang iniiiwas ang tingin, tumitigas ang mukha sa pait na nadarama.“May ebidensya ka na ba? May nahanap na ba ang imbestigador na inirekomenda ko?”“Wala pa. Sabi nila bukas pa sila kikilos. Ang tagal—kaya ko namang hanapi

  • A Dose of Desire: Affair With My Hot Doctor   CHAPTER 45: Pagdating ng mga Biyenan

    Nang mabalitaan ng mga magulang ni Felize na nasangkot sa isang malubhang aksidente ang kanilang manugang, at matapos nilang makipag video call dito kung saan nakahandusay ito sa kama ng ospital, agad silang nagmadaling bumiyahe papuntangManila. Iniwan nila ang lahat sa Cebu upang masilayan mismo ang kalagayan ni Christopher.Pagsapit ng hapon, naroon na sila sa tabi ng higaan ng lalaki.Si Christopher, na kanina pa’y nagkukunwaring walang malay, ay dahan-dahang nagmulat ng mga mata sa mismong sandaling pumasok ang mga ito sa silid.“Ano ba talaga ang nangyari sa’yo, Christopher?” tanong ni Freddie, ama ni Felize, habang umuupo malapit sa kama, bakas sa mukha ang taos-pusong pag-aalala. Sa di-kalayuan, nakaupo naman si Jessa sa tabi ni Felize, hindi inaalis ang tingin sa kanyang manugang.“Isang aksidente lang po, Pa. Alam n’yo naman—dumarating ang kapahamakan kapag hindi inaasahan. Maingat naman po ako, natiyempuhan lang po,” sagot ni Christopher, bahagyang napapangiwi habang dramati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status