Share

Mr. Impossible Tumor

It Gilliane's first oficial day inside the operating

room. Noong mga nakaraang araw ay orientation

lang niya. Pinag-observe lang siya sa ilang operasyon,

kinabisa niya ang mga protocol at surgical floors at kinilala ang mga doktor at kasamahang nurses. Madali namang naging pamilyar sa kanya ang ilang procedures at protocols. Madali rin niyang nakasundo ang mga makakasama sa loob ng OR.

Pinakamalapit siya sa head nurse ng operating

room, si Sally. Hindi ito nagpapatawag ng Ma'am.

Ito ang nag-orient sa kanya. She had a pleasant face

and sweet smile. Isang dekada na daw itong nagtatrabaho sa Dr. Amadeo Dizon Memorial Hospital. Pinlano nitong magtrabaho sa bang bansa noon katulad ng iba ngunit hindi raw nito kayang iwanan ang mga anak. Gumanda ang trabaho ng asawa nito kaya nakontento na lang ang pamilya sa Pilipinas.

Namangha ang ilan sa mga kasamahan niya nang

malaman na nurse siya sa Hamburg at sa ibang bansa siya nakapagtapos ng koleh
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status