Share

Six

“Exams will start in ten minutes daw,” pagpapaalam sa amin ni Uryel. The hallway was already crowded with students who were waiting for the exams. Ang alam ko lang ay katulad noong mga nakaraang exam namin ay paghihiwalayin ulit ang mga estudyante.

So, I wouldn’t be with Uryel and July during the exam. Siguro ay sa magkakaibang rooms kami ilalagay. Kung mayroon man akong makasamang kaklase ko ay baka kaunti lang iyon. The school was really strict.

Habang naghihintay na papasukin sa room na naka-assign sa akin ay panay ang pag-check ko ng selpon at suot na relo. Thirty minutes na ako ritong naghihintay pero hindi pa rin dumarating si Art. Ewan ko kung pinag-trip-an lang ba ako noon.

I couldn’t forget the dream I had earlier, too. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa posibleng sabihin ni Art. Tuwing maiisip kong baka nga umamin siya ay bumibilis ng tibok ang puso ko.

Hindi ko lang ma-imagine na mangyayari ang ganoon. Ilang linggo pa lang ba kami magkakilala ni Art? Kahit pa sabihin nating medyo close na kami ay awkward pa rin iyon. Hindi ko makita ang sarili kong magkakagusto sa kaniya.

“Kindly go to your respective rooms, exams will start in five minutes!” Sigaw iyon ng isang guro.

Muli kong nilibot ang paningin ko at nanlaki ang mata nang makita na sa wakas ang lalaking kanina ko pa hinahanap. He was staring at me before gesturing me to come with him.

“Hoy, dai! Magsisimula na raw.” Umiling ako kay Uryel at sinenyasan siyang susunod na lang ako.

Tumakbo ako sa pinuntahan ni Art at naabutan ko siyang nakaupo sa bench doon sa gitna ng school namin. Sunod-sunod akong napalunok nang maalala ang panaginip. Was it really happening? Hindi ko alam kung ano’ng sasabihin ko!

“Oh? Ano’ng sasabihin mo? Bilisan natin, magsisimula na mamaya ‘yong exam.” Iniba ko ang sinabi ko roon sa panaginip. Maybe that would change the scenario!

I noticed him sighed before pulling me for a hug. Bumilis ang tibok ng puso ko, pinaghalong kaba at gulat. Iniisip ko na ang sasabihin ko sa kasunod niyang sasabihin.

“I like you, Rae,” he whispered.

Paulit-ulit ang naging lunok ko at hinampas ang braso niyang nakayakap sa akin. Tinignan ko ang mata niya para mabasa kung totoo ba ang sinabi niya sa akin. I pinched myself too, just to be sure. Baka kasi nasa panaginip na naman ako at pinaglalaruan ng mga memoryang ito.

“H-huh?” I stuttered. I saw him smirk before combing his hair backward.

“Ano sa tingin mo? Would that be fine if I confess to the girl I like?” My brows furrowed, and I felt a disappointment. Iniling ko ang ulo ko para mawala ang panghihinayang na naramdaman. “Is that a no?”

Inangat ko ang tingin ko sa kaniya at sa inis ay pinaghahampas ko ang braso niya. “Nakakainis ka! Akala ko naman. Nagsayang pa ako ng oras dito, edi sana ay nag-review na lang ako roon. Bwisit ka!” sigaw ko.

He was laughing at my every punch, iniilag pa minsan ang braso. “What? Were you disappointed, Amore?”

“Bwisit ka! Sana ipinagmamaya mo na lang ‘yan! Bwisit.” Malakas ko siyang tinulak. Inayos ko ang bag kong nahulog na bago tinalikuran siya.

Nakakainis! Akala ko seryoso, nasayang lang tuloy ang oras ko. Sana nag-review na lang ako, bakit na naman ba kasi ako sumunod sa mokong na ‘yon?!

“Rae.” Umirap ako nang marinig muli ang tawa niyang nakakairita. “Ito naman. Bakit parang kasalanan ko pa ngayon? Hindi naman ako ang sumama.”

Hinarap ko siya at tinitigan nang masama. Iyong tingin na pwede nang makapatay ng tao. “Bwisit ka! Naghintay ako tapos ‘yon lang pala ang sasabihin mo!”

“Ms. Lacoza and Mr. Ramirez, magsisimula na ang exam niyo. Hindi ba kayo papasok sa room niyo?” Simple ko muling inirapan si Art bago inis na naglakad papuntang room ko.

“Oh? Bakit ka nasunod? Doon ka sa room mo! Hindi ‘yong sunod ka nang sunod diyan!” Hininaan ko iyon dahil pansin ko ang tingin sa amin ng mga tao.

“This is my assigned room, Rae. What are you talking about?” Nilagpasan niya ako at pinakita ang ID sa nagbabantay na teacher sa amin.

Buntong hininga ang nilabas ko nang mapagtantong hindi lang kami magkasama sa iisang kwarto kung ‘di magkatabi rin ng upuan. Sinusubok ba ako ng panahon? Bakit ba palagi na lang ako dinidikit sa lalaking ‘to?

Tumagal ang exam namin nang ilang oras at halos walang pahinga ang utak ko dahil pagkatapos ng isang subject ay susunod kaagad ang isa. Nagkaroon man kami ng break ay sampung minuto lang yata iyon. Hindi na nga ako nakalabas para puntahan saglit sila Uryel dahil pinili ko na lang mag-review.

Kapag nakatapos din sa pagsasagot ay hindi ko maiwasang isipin ang panaginip ko. A part of me was saying that my dreams were just a distraction. Hindi naman talaga nagkakatotoo at dini-distract lang ako noon.

But a part of me was saying that my dreams were true. Nangyari naman talaga kanina ang napaniginipan ko. Talagang niyakap ako ni Art pagkausap ko sa kaniya at saka siya umamin. Ang hindi ko lang nakita sa panaginip ko ay ang nangyari pagkatapos noon. My memory wasn’t complete.

“Naniniwala ba kayong nagkakatotoo ang mga panaginip?” Natigil sa paguusap ang mga kaibigan ko. Lito silang tumingin sa akin at sabay tumawa.

“Na tural, dai!” sagot ni July. “Hindi! Kaya nga panaginip, Eyshen. Kung ano’ng nasa panaginip, doon na lang ‘yon.”

Umiling ako at sinubukan pa muling mag-explain sa kanila. “Hindi, kasi ‘di naman lahat ng panaginip hindi nangyayari, ‘di ba?”

“Oo, dai. Pero coincidence lang iyon. Kaya mo napanaginipan kasi gusto mong mangyari. Ganoon ‘yon, dai!” sagot naman sa akin ni Uryel ngayon.

Patuloy ang pag-iling ko. I didn’t want my parents to die so why would I dream of them dying? Baka naman may ilang panaginip talagang nagkakatotoo. Maybe, I was still normal. Normal lang ang mga memorya ko at nangyayari rin iyon sa iba.

“Isipin mo, Eyshen, napanaginipan kong jowa ko raw si Lee Min Ho.” Natatawa na si July kahit pa hindi pa tapos si Uryel magsalita. “Oh? Mangyayari ba ‘yon sa tingin mo? Hindi! Kaya nga panaginip, dai.”

Napamasahe ako sa ulo nang sabay na magtawanan muli ang dalawa. They weren’t taking me seriously. Mukhang sa tingin nila ay nagbibiro lang ako kahit ang totoo, problemado na ako rito.

Matapos noon ay nagpaalam sa akin ang dalawang uuwi na raw kaya naiwan ako sa labas ng campus namin. Hinihintay ko na lang na lumabas si Yana.

“Why, Amore? Nagkatotoo na ba ang panaginip mo?” Tumalon ang balikat ko sa gulat nang may biglang bumulong sa akin. I heard Art laughing, obviously teasing me again. “Is that it? What was the dream then?”

Inilingan ko siya at lumiwanag ang mata ko nang sa wakas ay nakita na ang pinsan na lumabas. I was about to follow her, but stopped when I noticed Art looking at her. Kumunot ang noo ko nang biglang may maisip. Imposible naman yata?

“Siya ba ‘yong gusto mo?” Ilang segundo bago siya umiling sa akin. Nairita ako nang hindi man lang siya tumingin sa akin. Sinusundan niya pa rin ng tingin ang pinsan kong pumasok na sa kotse. “Alis na ‘ko.” malamig ang tono kong sabi.

Mas lalo yata akong nairita nang pigilan ako ni Art sa paglalakad at hinawakan ang parehas kong braso para iharap sa kaniya. He bit his lip and hid a smile. “Paano kapag ikaw ‘yong gusto ko?”

Tinitigan ko ang mata niya at napangiwi nang mapagtanto ang sinabi niya. “Ewan ko sa ‘yo!” Tinalikuran ko siya. I heard him laugh loudly, making me roll my eyes.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status