Share

Seven

Nang sumakay ako sa kotse namin ay irap kaagad ni Yana ang bumungad sa akin. I could almost hear her thoughts. Panigurado ay hinuhusgahan niya ulit ako sa isip niya. H’wag ka magalala, Kaeyshaena. Mukhang ikaw nga ang gusto no’ng lalaking ‘yon.

Mariin akong napapikit, naalala ko ang naging pagaaway namin dahil kay Art. I suddenly felt embarrassed remembering the words I said to her yesterday. Sobrang laki pa ng confidence kong sabihin sa kaniya na ako ang gusto ni Art.

How messed up was that, right? I couldn’t believe that Art liked her. Si Yana na pinsan ko! Kaya ba siya lapit nang lapit sa akin dahil alam niyang magpinsan kami? Kung ganoon, bakit hindi na lang si Yana ang dinala niya noon sa family dinner nila?

Pagkauwi ay hindi pa rin ako kinibo ni Yana. Kaagad siyang umakyat sa kwarto niya at ang lakas pa ng pagsarado niya sa pinto. Si Tita naman ay wala ngayon sa bahay, siguro ay nagtrabaho kaya wala pa siya ngayon. Baka gabi na rin iyon umuwi.

Magdamag muli akong nag-review sa kwarto noong mga subject na ite-take namin bukas. Mas onti na iyon kaysa sa in-exam namin kanina kaya hindi ko na kinailangan mag-aral magdamag. Nagbasa lang ako at nag-notes noong mga posibleng lumabas sa exam namin bukas.

“I told you, Mom! She was obviously flirting with Art! Hindi ba pwedeng ilipat mo siya ng school?” Hindi ko sinadyang makinig sa usapan nila Tita. Bababa sana ako para kumain pero hindi na tumuloy nang marinig silang naguusap.

“Yana, sinabi ko naman sa ‘yo na wala akong magagawa riyan. Mag-focus ka na lang sa pag-aaral mo.”

“Paano nga? Pinaguusapan siya sa school! At nadadamay ako!” I scoffed with that statement. Paano niya nasasabing pinaguusapan ako? Hindi ko nga alam na usapan na pala ako sa school?

“H’wag mo pansinin! Ano bang mahirap doon, Kaeyshaena?” Dahan-dahang kong sinara ang pinto ng kwarto ko kaya nawala na ang mga boses nila Tita sa dalawa.

Pinili kong maligo na lang at maghanda na sa pagtulog. Kaeyshaena was mad at me. Galit na galit siya sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong ginawang masama sa kaniya. Hindi rin kami ganoon ka-close para magalit siya sa akin.

I slept around nine pm without eating my dinner. Nagising ako nang maaga bukas at ramdam na ang gutom kaya lang hindi pa gising si Tita kaya wala pang pagkain. Naisipan kong magluto ng kakainin pero matatagalan pa ako. Wala pa naman ako sa mood na sabayan papasok si Yana.

Sa school ay habang naghihintay ay inabala ko ang sarili ko sa pagre-review. Kahit sila Uryel na panay ang kulitan ay hindi ko pinansin. Noong dumating din si Art at tumabi sa akin ay hindi ko siya pinansin. Dahil tuloy sa pinagsasabi ng pinsan ko ay nagaalinlangan na akong kausapin siya.

Para bang kasalanan ang maging kaibigan siya. Pinaguusapan daw kami sa school? Bakit kung ganoon? Ano naman ang sinasabi nila? Katulad ba no’ng dati na kami na raw?

“Hey, are we okay?” Sinilip ni Art ang mukha ko kaya naman nagulat ako sa lapit ng mukha niya. He looked at me seriously and he checked my neck. Umiling siya bago nagsalita, “May masakit ba sa ‘yo?”

Mabagal akong umiling at ilang pa rin sa lapit naming dalawa. He then proceeded on checking my hands. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko. A smile flashed on my face when I saw how serious he was while checking me.

“Art, okay lang ako,” bulong ko sa kaniya. Umangat muli ang paningin niya sa akin.

Pinanood ko siyang uminom ng tubig at tumingin sa mga estudyanteng nasa harap namin. I bit my lip when I saw where he was looking. Nakatingin siya kay Yana na ngayon ay busy sa pakikipagusap sa mga kaibigan niya. They were laughing and talking about something that I couldn’t hear.

“May gusto ka sa pinsan ko.” Hindi iyon tanong. Nakita ko siyang umiling at binaling sa akin ang atensyon niya. “Hindi nga,” he whispered.

I slightly gave him a glare, iyong hindi niya mahahalata. Halata namang gusto niya! Bakit pa siya nagsisinungaling?

“Bakit mo tinititigan?” tanong ko muli na ikinatawa niya. “Who said I was staring at her?” Umirap ako at kinuha ang dalang tote bag. Pupunta na lang muna ako sa cafeteria para bumili ng mani! Nakakainis ‘tong lalaking ‘to.

He called me but I ignored him. Ngayon ay tatawa-tawa siya at parang ang saya niya pa sa ginagawa niya sa akin. Palagi na lang ako ang trip!

“Hey, I wasn’t looking at her.” Nahablot niya ang braso ko at hinarap ako sa kaniya. He bit his lip again to hide a smile. “Samahan mo ako mamaya, ah.”

Kumunot ang noo ko at magrereklamo na sana pero dinugtungan niya iyon. “Let’s date.”

“Ano?” gulat kong tanong. “My dad thinks I like you, Amore. Kailangan kong ipakita sa kaniya na lumalabas tayo paminsan.”

“Sino ba kasi ang nagsabi sa ‘yong sabihin sa daddy mo na gusto mo ako?”

“No one.” He shrugged. “Just a date. Wala namang mawawala.”

Matagal ko iyong pinagisipan at halata ang pagkabagot ni Art habang hinihintay ang sagot ko. Sa dulo ay pumayag na rin ako tutal ay wala naman akong gagawin mamaya. Napagusapan naming magkikita kami sa rooftop ng school mamaya. Doon ko raw siya puntahan at kapag daw hindi ako dumating ay lagot ako.

“Rae, pumunta ka roon mamaya! Kapag hindi ka dumating, lagot ka talaga sa akin!” Tinawanan ko ang pagbabanta niya. “Oo nga! Pupunta nga, kanina ka pa!”

Kaya naman nang matapos ang exams namin ay hindi matapos ang pangaasar sa akin nila July. Noong kumain kami saglit sa labas at sinabi ko sa kanilang babalikan ko pa si Art sa school ay tinukso nila ako.

“Dai ka! Napakaharot mo! Akala ko ba hindi pa kayo?”

“Hindi pa nga.” Ngumuso ako at uminom ng tubig. Sinambunutan na naman ako ni Uryel. “Ang harot mo ka! Ikaw pa pala ang unang magkakajowa sa atin. Akala ko ako na.”

“Gaga, hindi ka nga makaamin doon sa crush mo sa kabilang room tapos magkakajowa ka pa!” Pinigil ko ang tawa dahil halata ang pagkainis ni Uryel doon. “Aamin naman ako kung pwede! Paano aamin, dai? Eh tingin noon sa akin, kalahi niya.”

Habang nagdadaldalan iyong dalawa ay kinuha ko ang pagkakataon para tignan ang orasan. Napatayo ako para magpaalam na kanila kay Uryel. Siguro ay tapos na iyong inasikaso ni Art. Sana naman ay nandoon na siya sa rooftop para hindi na ako maghintay.

“Dumaan na ba rito si Art?” paninigurado ko sa nakasalubong na galling sa rooftop. Lahat nang pinagtanungan ko ay iisa ang tinuro. Nasa rooftop na raw si Art.

Excited kong binuksan ang pinto ng rooftop at natigilan sa paglalakad nang makitang naguusap sila Art at Yana. Sumikip ang dibdib ko nang makita ang ngiti ni Art kay Yana. Hinawakan niya pa sa balikat si Yana bago ginulo ang buhok nito.

Sinubukan kong humakbang paalis sa rooftop pero bago pa man nangyari iyon ay nakita na ako ni Art. Nanlaki ang mata niya nang dumapo ang tingin niya sa akin. Mabilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad palayo sa rooftop. Pero kagaya lang noong dati ay nahabol pa rin ako ni Art.

Mabigat ang buga ko ng hangin nang harapin si Art. I was suddenly feeling mad. “Just tell your dad that I’m not the one you like, Art. H’wag ka nang magsinungaling.”

Tinalikuran ko siya at tumakbo pababa. He liked my cousin. Iyon ang sigurado ako.  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status