Share

Eight

“Raeyshen!” Tuloy pa rin ang naging takbo ko kahit ramdam ko sa likod ang pagsunod sa akin ni Art. I honestly didn’t know why I was acting this way. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis, irita, at isa pang hindi ko malamang emosyon noong makita ko silang magkasama ng pinsan ko.

Siguro ay may parte lang sa akin na naiinis dahil sana ay si Yana na lang ang pinakilala niya sa mga magulang niya. Baka ngayon ay hindi sana kami nagaaway ni Yana at hindi rin kami pinaguusapan sa school. Sana ay hindi rin magulo ang takbo ng utak ko ngayon.

Baka kung si Yana ang pinakilala niya ay maging sila pa. Iyon din naman ang gusto ni Yana, ‘di ba? At halata namang gusto niya ang pinsan ko kaya bakit kailangan ako pa ang guluhin.

Diretso akong sumakay sa dumaang jeep at pinagsiksikan ko ang sarili ko kahit pa puno na iyon. Kalahati na lang ng pwet ko ang nakaupo pero binalewala ko na iyon dahil kung hindi ay mahahabol pa ako ni Art.

“Nako, hijo. Wala nang bakanteng upuan para sa ‘yo.” Iniwas ko ang mukha ko kung saan nakatayo si Art. Hanggang dito ba naman ay susunod siya! Bakit pa? Para saan?

“Boy, sa kabilang jeep ka na nang makabiyahe na kami.” Boses iyon noong driver.

“Sorry po. Excuse me.” Nanlaki ang mata ko nang hatakin ni Art ang kamay ko pababa ng jeep. I was already glaring at him and slapping him.

“Ano ba? Uuwi na ‘ko, Art!” sigaw ko sa gitna ng kalsada. His jaw clenched and he glared at me. The same intensity of how I glared at him.

“Bakit ka ba tumakbo, ha? I told you that we’re dating!” I scoffed and ignored him. Tumalikod ako para mag-abang no’ng susunod na jeep. Bahala siya riyan. I-date mo ang sarili mo!

“Come on, Rae. Let’s go.” He held my wrist and I shoved it again. Walang emosyon ko siyang tinignan. “What’s the problem?”

“Balikan mo ‘yong pinsan ko, baka sa susunod hindi lang ako sigawan noon at gilitan na ng buhay.” Kumunot ang noo niya at hinatak ako kung saan. Nakita ko na lang na nasa parking area na kami ng school. Pinasakay niya ako sa putting kotse.

At ‘eto naman ako, sumakay at sumunod na naman sa kaniya! Hindi ko na rin talaga maintindihan ang sarili ko! Ano ba’ng mayroon sa lalaking ito?

Tahimik kami buong biyahe. Noong una ay hindi ko alam kung saan niya ba ako dadalhin pero nakahinga ako nang maluwag nang mapansin na daan patungo sa bahay naming ang tinatahak niya.

“Alam mo bang nagaway kami ng pinsan ko dahil sa ‘yo?” I asked him using my small voice. Nakita kong saglit siyang tumingin sa akin bago binalik ang tingin sa kalsada. “Bigla na lang siyang nagalit sa akin.”

“Really?” Napairap ako nang maalala ang sinabi niya noon sa akin. I was flirting with Art. Na idadamay ko si Art sa buhay kong miserable?

“She likes you,” I stated. Halata naman dahil hindi siya magagalit nang ganoon na walang dahilan. She obviously liked him. Ayaw niya lang aminin dahil sa sinabi ko noon sa kaniya. At nakakahiya, siya naman pala ang gusto nitong mokong na ‘to!

“Why did you two fight?” Inilayo niya ang topic kaya napairap na naman ako. I said, my cousin liked you, Art! Sana masaya ka, ‘di ba? Hindi ‘yong iniiba mo pa ang usapan.

“She said I am flirting with you.” mahina ko iyong sinabi dahil sa hiya. Hiya lalo na at ilang taon na rin kami ni Yana at pinagaawayan pa namin ang lalaki. Dahil sa lalaki talaga, Raeyshen?

“Hindi ba?” Hinampas ko nang malakas ang braso niya sa inis. Tinutukso niya ulit ako! Wala na bang taong seseryosohin ako rito?

Nang makarating ako sa bahay ay kataka-taka muli ang bahay na walang ilaw. Walang nasabi si Tita na magtatrabaho siya ngayon kaya bakit ay wala siya rito sa bahay? May binili ba? Baka nga may binili, siguro ay mga pagkain.

Pagod kong binagsak ang katawan ko sa kama at matagal na tinitigan ang kisame habang nagiisip. Inalala ko kung paano ko nakilala at naging kaibigan si Art. Sa totoo lang ay ang bilis ng mga pangyayari.

Nakakatawang isipin na sa unang pagkikita namin ay masungit at nakakainis pa siya sa paningin ko. Ngayon ay ganoon pa rin, mas lumala lang dahil ang loko ay gusto akong laging pinagti-trip-an.

I stood up from my bed when I heard a doorbell and my phone beeping at the same time. Inuna kong tignan ang selpon ko at nakita ang text doon ni Art.

From: Art

Bukas natin itutuloy ang date. Next time, don’t run or I’ll chase you again.

Tamad kong nilapag ang phone ko sa table at inipit ang buhok para bumaba. Mamaya ay si Tita pala iyong nagdo-doorbell.

“Sino po ‘yan?” Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng hangin. Walang tao roon, isang maliit na box lamang ang nakalapag sa sahig. Nang kinuha ko iyon ay kumunot ang noo ko nang makitang para sa akin ang delivery.

Pagkaakyat sa kwarto ay kumuha kaagad ako ng gunting para buksan. I saw a small USB in the box. Inisip ko na kaagad kung may possible bang magbigay sa akin ng USB pero wala naman akong matandaan. Kung mayroon man ay baka galing sa kaklase.

Sinalpak ko iyon sa laptop ko at kinalikot ang laman. Sumikip ang dibdib ko nang makita ang litrato ng mga magulang ko. There were two pictures and two videos in the file. Nang ilipat ko sa pangalawang litrato ang file ay naluha kaagad ako sa galit.

Kapareha lang iyon noong picture kanina pero may ekis sa mukha ang mga magulang ko. Sunod kong pinanood ang mga video na nakasama at nanginig sa inis at takot ang buong katawan ko.

There was a CCTV footage of my parents waving at me before riding our car. Kasunod na video noon ay ang CCTV footage na pumasok sila sa isang bahay.

Kuyom ang kamao ko nang isandal ang likod sa upuan. My parents were killed. Pinatay sila ng mga taong hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino. At hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ay nagpadala sila ng ganito. Ano bang kailangan nila sa pamilya namin? Malaki ba ang galit nila sa amin? Ano’ng nagawa namin para patayin nila ang magulang ko.

Gaya lang nang dati ay nakatulugan ko muli ang pagiisip at pag-iyak tungkol sa nangyari sa magulang ko. Then suddenly, memories were flashing on my head. Una kong nakita ay ang pagsakay namin ng pinsan ko sa kotse. Then, it was suddenly night. Pumunta ako sa trabaho ko kaya mag-isang umuwi ang pinsan ko.

Then a car that caught an accident suddenly flashed on my head. Nakita kong biglang may ambulansya at isinakay roon ang pinsan kong duguan at walang malay.

Hingal ako nang magising at sunod-sunod ang naging pagtulo ng aking mga luha. I tried sleeping again just to have another drop of memories. Gusto ko pang malaman kung ano’ng nangyari. Kailan iyon mangyayari at saan? Ano pa ang mangyayari pagkatapos noon?

I wanted to see those memories again. Nakaramdam ako ng takot nang maisip na may mangyayari na naman sa mga taong nakapaligid sa akin. I remembered my parents who were brutally killed. I didn’t know what to do. I felt scared.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status