Share

Five

“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong ko kay Art.

“Why? Bawal ba ako rito?” balik niyang tanong sa akin. I shrugged my shoulders and stoop up after getting my things. Binalewala ko ang ilang tingin sa aking ng mga tao. Hindi pa nakakatulong na buntot nang buntot ‘yong isa rito.

“Wala ka bang kaibigang pupuntahan?” tanong ko nang hindi na matiis ang mga titig ng tao sa amin.

“I am with my friend now.” I rolled my eyes when I found how sarcastic he said that.

“Ah, magkaibigan pala tayo?” Nairita ako nang makita ang mukha niyang nagpapanggap na inosente. “Parang kagabi gusto mo ako tapos ngayon magkaibigan na lang tayo, ganoon ba?” Binulong ko iyon pero napasinghap nang marinig ang bulungan ng malapit sa amin. Napakaraming chismoso ngayon, diyos ko!

“Why do you sound disappointed, Amore?” he teased me. Ngumiwi ako at tinalikuran siya. Naupo na ako roon sa upuan ko at hinintay na dumating ang guro namin. Wala ka ngang napanaginipan, guguluhin ka naman ng mga tao sa paligid mo. Saan ba ako lulugar, ha?

“Taray, LQ!” I glared at Uryel who was teasing me. I was not on my mood right now!

I survived the day even though people were already spreading rumors about me and Art. Hangga’t maaari ay sinubukan kong balewalain lahat nang iyon. On the other side, Art really didn’t care about it. Noong kinausap ko siya tungkol doon ay nagkibit-balikat lang siya. I actually expected him to tease me or what but good thing he didn’t do anything that would worsen the rumors. Tahimik lang siya at ganoon pa rin.

“So ano nga, dai? Kayo na nga ba?” pangungulit pa rin sa akin ni Uryel habang naglalakad kami palabas ng campus.

“Hindi nga! Hindi nga ‘ka ko totoo ‘yong sinasabi nila.” nawawalan na ng pasensya kong sabi. “Bakit ba ang kulit mo, Uryel? Gusto mo bang mapagkamalan din kayong magjowa no’ng lalaking ‘yon?”

“Why not, dai! Ako pa ba ang aayaw?” He laughed and spoke again, “So bakit nga kayo magkasama kahapon?”

“Ano.” Inisip ko kung sasabihin ko ba ang totoo. “Dinala niya ‘ko roon sa bahay nila! Nag-dinner!” Nagkatinginan ang dalawa kong kaibigan at kinikilig na tumawa.

“Sila na nga, dai. Oo, tara na, Hulyo. Uwian na!” Napamasahe ako sa noo at sinubukan pang magsalita pero nilayuan na ako noong dalawa. “Kayo na, dai! Congrats!” Uryel laughed before riding a jeepney. Umiling ako at hinanap ang kotse nila Yana. Wala akong trabaho ngayon dahil kailangan mag-review para sa exam namin bukas.

“Mom, I’m home!” sigaw ni Yana nang makarating kami sa bahay. “Nakauwi na po kami, Tita!” sigaw ko rin.

I spent hours in my room reviewing for our exam tomorrow. Todo ako sa pag-aaral na halos makaligtaan ko na ang hapunan kung hindi lang ako tinawag ni Tita. Sabay-sabay muli kaming tatlo kumain. Yana treated me like the usual again. Hindi ko pa maiwasan ang inis sa ilang sinabi niya habang kumakain kami.

“Kumusta naman ang pagaaral?” Tita checked on us.

“Okay lang, Tita. Bukas ang exam kaya todo review po ngayon.” Nginitan niya ako at binaling ang atensyon sa anak na nananahimik ngayon. “Ikaw, Yana?” Tango lang ang sinagot niya. Then, she suddenly started speaking non-stop. Like she was ranting to her mom.

“I can’t really focus on school. Lalo na at nadadamay ako sa kung ano mang ginagawa ng pinsan ko.” She rolled her eyes. Sinubukan kong balewalain iyon. “You are really a flirt, ‘no?” she suddenly lashed out.

“Yana!” Tita said while massaging her forehead. I knew that she was trying to be patient with us. Halata iyon sa mga buga ng hininga niya. And I was trying to be patient and kind to Yana also. Kahit pa hindi ko talaga maintindihan kung ano’ng gusto niyang iparating.

“You were flirting with Art Ramirez, Eyshen! ‘Yong anak ng mayor, wala ka man lang bang hiya sa katawan mo?” My mouth slightly opened when I accepted those words from her. “Hindi ka pa rin talaga natututo. Lagi kang nagdadala ng kapahamakan sa mga tao. At ngayon, si Art ang plano mong idamay?”

Tita was standing already, and she tried to stop Yana from talking, but she couldn’t. She couldn’t because Yana didn’t want to be stopped. Determinado talaga siyang sabihin ang lahat nang ‘yon sa akin.

“Remember? You killed your parents, Eyshen.” Those were the words that I didn’t want to hear. It hit me. Tuluyang sumabog ang dibdib ko. “Why? Kahit si mommy ay ganoon ang tingin sa ‘yo.” Sumulyap ako kay Tita at nakita ang malungkot na ngiti nito sa akin. “You’re someone who shouldn’t have friends, family, or even a boyfriend. Ang kapal ng mukha mo!”

“Yana, tama na ‘yan. Nasa hapag-kainan tayo.” mahina ngunit mariin na sabi ni Tita. She tapped Yana’s shoulders.

“Bakit? Naiinggit ka ba? Ah,” pagsabog ko. “Kasi gusto mo si Art kaso ako ang nagustuhan.” She slapped me. “Wala akong gusto sa kahit sino! At kahit kailan hindi ako maiinggit sa ‘yo!” I rolled my eyes and sarcastically laughed. Mabigat ang dibdib ko nang umakyat ako sa kwarto. Hindi ko na natapos ang pagkain dahil sa nangyari.

Pinili kong makatulog na lang nang gabing iyon. Gustuhin ko mang mag-review muli ay lumilipad sa ibang bagay ang isip ko. Okay naman na siguro iyong naaral ko kanina. Aalalahanin ko na lang muli bukas sa school.

I lied down on my bed and stared at my ceiling. You killed your parents, Eyshen. Those words hunted me. Napakasakit na marinig iyon mula sa ibang tao. Tuwing sinasabi nila iyon ay naaalala ko ang mukha ng mga magulang ko bago sila mamatay.

It hurt me how people think I killed my parents. Paano ko magagawa iyon? Mahal ko ang mga magulang ko kaya paano nila nasasabing ako ang dahilan bakit namatay ang mga magulang ko. And what hurt me most was that I started thinking that maybe, I was really the reason why they died. Baka ako nga ang pumatay sa kanila.

Nakatulugan ko ang pagiisip at pag-iyak sa gabing iyon. I woke up the next day and got up early to prepare for school. Inagahan ko talaga para hindi ko makasabay sa pagpasok ngayon si Yana. Nakarating ako sa school magaalas-siyete na at nagtaka ako nang mapansin na wala pang tao roon. Madalas ay alas-sais pa lang marami nang tao rito, bakit ngayon ay wala?

Nilibot ko ang tingin ko sa buong campus at kumunot ang noo nang makitang nakaupo si Art sa gitna ng school namin. The moment I greeted him, I was shocked when he suddenly hugged me and said unexpected words.

“I like you, Rae.”

Dahan-dahang dumilat ang mata ko at inalala ang napanaginipan. What was that? It looked real! Simple kong kinurot at sinampal ang sarili para masiguro kung gising na nga ba talaga ako at hindi nananaginip.

Nang makabawi at tuluyang magising, bumangon ako at tinignan ang sarili sa salamin. My heart started beating when I remembered my dream. Mangyayari ba iyon? O isang normal lang muling panaginip. In the middle of assessing everything, my phone beeped, and my forehead creased when I saw a message from an unknown number.

From: Unknown Number

Hello, Amore! Meet me before our exam starts. I have something to tell you. - Art

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status