Share

Ten

“Malakas ang impact nang pagkakatama ng ulo niya kaya marami ang nawalang dugo. Sa ngayon, misis, hindi pa ako nakakasiguro kung kailan magigising ang anak niyo. Pero, we’re hoping for her recovery kaagad.” Iyon ang sinabi ng doctor sa amin isang linggo na ang nakalipas.

Oo at isang linggo na mula noong nangyari ang panaginip ko. Isang linggo na ring hindi nagigising si Yana. And it scared me. Kahit pa hindi kami gaano close ni Yana ay sobra ang takot ko.

Napakarami kong ‘what ifs’, paano kung sinabi ko sa kaniya ang nakita ko sa panaginip ko? Paano kung sumabay na lang ako umuwi sa kaniya noong araw na iyon? Paano kung hindi lang siya ang naaksidente at may nadamay pang iba? Si Andra, si kuya Ando, paano na lang kung tatlong buhay ang napahamak dahil sa akin?

“Ano ka ba, dai? Isang linggo ka na riyang laging tulala? Gagaling ‘yon si Kaeyshaena dahil masamang damo ‘yon!” Tumawa ang dalawa ngunit mas lalong nagdulot iyon sa akin ng pagkaka-guilty. Mas lalo kong sinisi ang sarili ko sa nangyari. Maybe, I was too harsh to her. Masyado ko kasing pinairal ang pride at emosyon ko.

I didn’t think of a life that was in danger because I focused on myself, on my emotions. Dumapo ang tingin ko kay Art na papalapit sa table namin. I shrugged my thoughts. Hindi ko dapat siya dinadamay sa parte ng buhay ko na iyon. Wala siyang kasalanan dahil ako rin ang sumama sa kaniya noong araw na iyon.

I was the only one to be blame. Aakuin ko lahat dahil sa akin naman talaga nagsimula ang lahat. Dahil sa memoryang ‘yon, sa memoryang hindi ko alam kung saan nagsimula at bakit nagsimula. At kung bakit nagkakatotoo ang mga iyon. May kakaiba ba sa akin? Could I really see the future?

“Is there a problem? Ilang araw ka nang tulala,” Art asked me while I was waiting for Kuya Ando. “Are you thinking of your cousin? She’ll be okay, Rae.”

I stared at him, and I could feel my thoughts flying somewhere. Paano kung siya naman ang susunod? Sila Uryel naman ang mapahamak? Kaya ko bang mapigilan ang mangyayari? Pwede ko bang ibahin ang mga mangyayari sa kinabukasan?

“Art,” I called his attention. “Paano kung napanaginipan kong maaksidente ang pinsan ko tapos nangyari nga?”

Kumunot ang noo niya. “What do you mean? Hindi ko maintindihan.”

“Nakita ko.” Kahit ako ay lito sa sinasabi ko. “Nakita kong naaksidente si Yana sa panaginip ko. Weeks before the actual accident happened.”

“Is this a joke, Rae? Just tell me so I can laugh.” Inilingan ko siya kasabay nang pagiling ko sa mga naiisip. Of course, he wouldn’t understand. Katulad nang iba, hindi rin siya maniniwala.

“W-wala, joke lang.” seryoso ko iyong sinabi. I didn’t look like joking so I showed Art a small smirk.

“If it’s not a joke, don’t blame yourself, Amore,” he seriously said. “Kung sakali mang mangyari ulit ‘yon, sabihan mo ako.”

The next days, I became busy with my studies and work. Halos umiikot lang ang araw ko sa school at trabaho. Pagkatapos magaral ay dumidiretso ako sa shop para magtrabaho. Pagkatapos noon ay sa gabi ay madalas dinadalaw ko si Yana o kaya nauwi na lang ako para mag-aral ulit bago matulog.

Sa nakaraang araw ay ako lang din ang palaging nasa bahay dahil sa ospital na nagse-stay si Tita. Minsan uuwi siya pero hindi ko naman naabutan kasi wala ako sa bahay o kaya tulog ako. Sa palagay ko rin ay galit siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit, alam niya bang nagkaroon ako ng panaginip na maaaksidente si Yana? O galit siya sa akin dahil hindi ako sumabay ng uwi kay Yana?

“Oh? Si Art? Hindi pumasok?” tanong ko kaagad nang mapansin na wala pa si Art sa room namin. Late na ako ng pasok pero mas late pa siya? Goals, ah.

“Aba, dai. Art agad ang hanap mo, ano bang akala mo sa amin dito? Mannequin?” Dinig ko ang tuksuhan ng mga kaklase ko nang sabihin iyon ni Uryel. “Nakakatampo ka na talaga. Kapag si Art ang nagyayaya sa ‘yo gumala ay pumapayag ka kaagad. Hindi ka nga sumasama sa amin.”

“Ang OA mo! Madalas lang naman akong hindi sumama sa inyo, ah?”

“Anong madalas? Every day, dai. Dinaig mo pa ang milp.” Tumawa sila July sa joke ni Uryel. “Sabihin mo nga sa akin, kayo na nga ba?”

Umiling ako sa tanong niya. “Ligawan stage?” Umiling muli ako. Magkaibigan kami ni Art, bakit ba lagi nilang nilalagyan ng malisya ang mga galaw namin? Nagkasama lang kumain, magjowa na? Napakaisyu talaga ng Pilipinas!

“Ay, dai! Fling gano’n? Flirt flirt lang ang peg, dai!” Uryel squealed and pretended to put a crown on my head. “Marunong na siya sa gano’n, dai! So ibig sabihin ba ay nag-kiss na kayo?”

“Ano ba! Anong kiss? Hindi pa!” tanggi ko kaagad pero imbis na matigil ang dalawa sa panunukso ay lalo pa silang natawa. “Hindi pa raw, dai! Soon, abangan ang peg!”

“Morning.” Mabilis akong tumayo sa upuan ko nang marinig ang boses ni Art sa likod ko kaya ayon na naman ang dalawa at todo ang tukso sa akin!

“Oh? Naka-jacket ka? Napakainit ng panahon, Arthielo.” Kinurot ako noong dalawa sa gilid ko kaya nilakihan ko sila ng mata. “Okay ka lang?”

“Amore, stop talking,” he whispered. “Masakit ulo ko. Sorry.”

Kaya naman buong araw ay todo ang alaga namin kay Art. Mataas ang lagnat niya at sobrang init ng katawan kaya pinagalitan ko dahil pumasok pa. Sana ay nagpahinga na lang siya sa bahay nila.

“Umuwi ka na kaya, h’wag ka na pumasok sa huling subject. Dalawa na lang naman ang mapaga-absent-an mo.” Umiling siya at uminom muli ng tubig.

“I’m fine, I can handle.” Nilagay niya muli ang hoodie sa ulo at pumikit. “Mag-focus ka lang diyan. Ihahatid kita mamaya.”

Katulad nang sinabi niya ay magkasabay kaming umuwi ni Art. Pero hindi ako mapakali magdamag kaya nagpahatid ako kay Kuya Ando sa bahay nila Art. Along the way, I bought medicines for Art.

Pagkarating sa bahay nila ay nagpatulong ako sa katulong nila na asikasuhin siya. Pinunasan ko ng basang bimpo ang katawan niya, pinakain ng lugaw, ‘tsaka ko siya pinainom ng gamot. I waited for him to sleep but I didn’t notice that I fell asleep too.

Nang magising ako ay bumungad sa akin ang dibdib ng isang tao, itinaas ko ang tingin ko kay Art na mahimbing pa ang tulog. I felt my heart beating fast again, so I tried to stand up.

Pero napatili ako nang hatakin ni Art ang pulsuhan ko at muli akong nahiga sa tabi niya. I felt his arms encircling at my waist before he whispered words.

“You smell nice, my amore.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status