Share

Nine

“Eyshen, anong oras ka uuwi mamaya?” tanong sa akin ni Tita nang makababa ako ng kwarto. Ilang araw na mula noong nagkaroon ako ng panaginip. Ilang araw na rin akong hindi pumapasok sa trabaho dahil takot akong kapag nagtrabaho ako ay mangyari nga iyong nakita kong memorya sa panaginip ko.

It scared me so bad. Everything is scaring me for the past few days. Isa na roon ang USB na pinadala rito sa bahay. Hanggang ngayon ay nagmamasid ako kung sino ang posibleng magdala noon sa bahay namin.

Napagtanto ko rin na ang box na pinaglagyan ng USB na iyon ay plain lang. Ibig sabihin ay ang nagpadala noon ay hindi nagtatrabaho sa kahit anong delivery company. Box lang iyon na nakatape at mayroong pangalan ko.

Kaya naman sino ang posibleng magbigay noon sa akin. Wala nang pumapasok sa isip ko kung hindi ang mga pumatay sa magulang ko. I was sure that they wanted something from me. At kung ano man iyon ay sana diretsahin na nila.

“Sasabay po ako paguwi kay Yana, Tita.” Tumango siya sa akin at bahagyang tinapik ang balikat ko. “May problema ba, Eyshen? May sakit ka ba at hindi ka na nagtatrabaho?”

“W-wala po, Tita. Busy lang talaga ako sa pagaaral kaya hindi na ako nakakapasok.” Mabuti na lang talaga at naiintindihan naman ako no’ng manager namin. Sinabihan niya ako na wala nga lang daw akong sweldo dahil hindi naman ako pumapasok. At kung umabot ng isang buwan na hindi ako pumasok ay tatanggalin niya na raw ako.

Nang makarating kami sa eskwelahan ni Yana ay pinaalalahan ko ulit siyang mag-ingat. I was still thinking if I should tell her about my dream. Pero may parte sa akin na iniisip na baka hindi siya maniwala. Kung maniniwala man siya, kinakain naman ako ng pride ko. Kada may panahon na gusto kong sabihin sa kanila ni Tita ang nakita ko sa panaginip ko ay naaalala ko iyong nakita ko silang magkasama ni Art.

At inis na inis ako sa sarili ko dahil pinapairal ko pa sa ganitong sitwasyon ang emosyon ko. Nakakatakot, paano kung mangyari ulit ang nangyari noon sa mga magulang ko? People would blame me again. Maiisip na naman nila Tita na ako ang may kasalanan sa posibleng mangyari.

“Are you okay, Rae?” Natigil ako sa pagiisip nang marinig ang boses ni Art sa tabi ko. His brows were furrowed while he was surveying me. Naroon na naman ang galaw niya na chine-check niya ang temperature ko at katawan ko. Binigyan ko lang siya ng tango at nagpatuloy sa pagkain.

Sa isip ko ay inaalala ko na kung kalian posibleng mangyari ang nakita ko sa panaginip ko. Hindi iyon katulad noong huli kong mga panaginip na kinabukasan din o mismong araw mangyayari. Katulad iyon noong sa magulang ko na inabot pa ng ilang lingo bago nangyari.

Pero halos magiisang buwan na at hindi pa rin iyon nangyayari. I tried remembering the memories I saw. Ano ba ang suot ni Yana sa panaginip ko? Hindi rin ako nakakuha nang maayos na sagot dahil naka-uniporme siya roon. At araw-araw niyang suot ang uniporme niya kapag may pasok.

Ang tanging pinagkakapitan ko na lang ay sa panaginip ko ay nagtrabaho ako. Kaya pinilit ko talaga hindi magtrabaho. Kinakabahan ako dahil ilang araw na lang na hindi ako pumasok ay matatanggal na ako sa trabaho. Ano ang gagawin ko kung ganoon?

“Art,” tawag ko kay Art nang may maisip. “Papasok na kasi ako sa trabaho ko next week. Pwede bang sabayan mo lagi pauwi si Yana kapag may pasok na ako?”

Kumunot ang noo niya at inilingan ako. “Why would I do that? You have a driver, Rae.”

Umiling ako at nabigo. Oo nga naman, paano kung madamay naman siya at masama sa aksidente. Hindi ko makakayanan kung dalawang tao na ang napahamak dahil sa akin.

“Papayag pa ako kung ikaw ang sasamahan ko sa trabaho at pauwi.” Sinuntok ko ang tiyan niya. Palagi na lang siya ganiyan! Kaya tuloy ay napagkakamalan kaming magjowa.

Nang maguwian ay panay ang kulit sa akin ni Art na samahan siya sa pupuntahan niya. Nakailang tanggi ako dahil ayaw ko talaga hayaang umuwi magisa si Yana hangga’t maaari.

“Sige na, bye na!” Tinulak ko siya muli at binuksan ang pinto ng backseat. Nanlaki ang mata ko nang makita ang anak ng driver namin.

“Raeyshen, sorry. Dito ka na lang sa harap kasi itong si Andra ay sinundo ko sa school.” Kumuyom ang palad ko nang may maisip. I tried remembering again the memory I had. Pinagmasdan ko ang paligid. At tuluyang lumiwanag ang mata ko nang makitang naka-PE uniform si Yana.

Naka-uniporme siya sa panaginip ko! At ang isang pang iba ay kasama si Andra ngayon kaya maliit ang posibilidad na mangyari ang nasa panaginip ko ngayong araw.

“What, Raeyshen? Ano pa bang hinihintay mo?” Tinarayan ako ni Yana. I bit my lip before shaking my head.

“Hindi po ako sasabay ngayon, Kuya. Mauna na po kayo pauwi.” Takang tumingin sa akin si Kuya. “Kuya, magingat na lang po kayo sa pagda-drive. Iwasan niyo po ang maraming kotse para hindi kayo mabangga o ano.”

“Raeyshen, umalis ka na lang. Why would you remind our driver to drive safely? Ano bang akala mo sa kaniya? Bobo?” Tumaas ang isang kilay nito at malakas na sinara ang pinto na hawak ko.

I sighed and tried to find Art in the crowd. Nakita ko itong malawak ang ngiting naghihintay sa kotse niya. Pagkalapit ko ay kaagad niyang binuksan ang pintuan.

Naging maayos ang labas namin ni Art. Sinamahan ko lang siyang bumili ng art supplies sa mall at kumain na rin kami roon ng meryenda.

“Wait lang! May tetext lang ako.” Lumayo ako kay Art na naglalaro sa arcade. Hinanap ko sa contacts ko ang number ng driver namin para itext iyon.

To: Kuya Ando

Kuya, nakauwi na po ba kayo?

Mabilis siyang nagreply at nakahinga ako nang maluwag nang sabihin nitong nakauwi na sila. Ibig sabihin lang niyon ay walang aksidenteng mangyayari ngayon.

Binalikan ko muli si Art sa arcade at sinamahan siyang maglaro roon. Marami kaming ginawa. Nag-basketball, bowling, at iyong deal or no deal na laro.

Matapos ang isang oras na paggala namin sa mall ay tinawagan siya ng magulang niya kaya naman umuwi na kami. Mukhang may emergency dahil halata ang pagmamadali sa kaniya noong ihatid niya ako sa bahay namin. Hindi ko na nga nakibo sa kotse dahil parang mangangain sa sobrang kunot ng noo.

“Tita! Nakauwi na po ako!” Binuksan ko ang ilaw sa sala ng bahay at sinalubong ako ng malinis na bahay. I tried calling my Tita and cousin, but no one answered. Kahit noong umakyat ako sa mga kwarto nila ay walang tao.

I tried calling my Tita’s number. Nakailang tawag pa ako bago siya sumagot.

“Tita? Nasaan po kayo?” tanong ko kaagad.

“Eyshen, nasaan ka ba, ha?” Nagulat ako nang marinig sa boses ni Tita ang galit at kaba.

“Nasa bahay na po.” Narinig ko sa kabilang linya ang ingay. “Wala kami riyan, Eyshen. Naaksidente si Yana, tinakbo siya sa ospital.”

Nabitawan ko ang hawak na papel at pinanood ko ang kamay kong nanginginig. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa mukha ko. Ano’ng mali? Bakit nangyari pa rin? Hindi ko ulit napigilan. My memory happened again.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status